14

Chapter 14
Wife

Nang kumalma ako ay lumabas na ako mula sa banyo. Nasa sala na si Giovanne kaya hindi ako agad nakadiretso sa hagdanan. Lumingon siya sa akin.

"Where have you been?" he asked seriously.

I gulped. "Ahm, nagpunta lang ako kay Mylene." Sumulyap ako sa wall clock at nakitang malapit na palang mag-ala syete. Kaya pala medyo nagugutom na ako.

Sumenyas si Giovanne na lumapit ako kaya sinunod ko siya. Hinapit niya ang beywang ko at pinaupo na naman sa kandungan niya. Nakakasanayan ko na ang ganitong posisyon naming dalawa, ah. Baka hanap-hanapin ko 'to.

"I thought something happened again. Can you do me a favor?" he asked and I nodded while staring at him. "Call me or at least text me wherever you are so that I won't get worried."

I sighed. Hindi ko alam na lagi siyang nag-aalala sa akin sa tuwing umaalis ako. Nasanay kasi ako na palaging umaalis nang walang paalam.

"Okay. I'll inform you next time," I told him.

He smiled and gently held my hand. Nakatitig ako sa mukha niya kaya napansin ko ang pag-iiba ng mood niya. Bigla na lang kasing kumunot ang kaniyang ng noo kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya.

"What happened to your finger?" he asked while examining my wound. I already put band aid on it earlier.

Binawi ko ang kamay ko at nginitian siya para ipakitang ayos lang ako.

"Ahm, nagpaturo ako kay Manang Lolis kanina sa pagluluto kaya lang wala talaga akong skills pagdating doon kaya ayan," paliwanag ko. Pumungay ang mga mata ni Giovanne at hinaplos ang pisngi ko.

"Alani, you don't have to try so hard, okay? Kung hindi mo talaga kaya, ayos lang. Ayaw kong nasasaktan ka."

My eyes glistened with tears because of what he said. Tumibok nang mabilis ang puso ko sa tuwa. He never fails to make me feel important. I can't help but to fall deeper.

"Pero, gusto kong ipagluto ka kasi asawa mo ako. Gusto kong maging karapatdapat sa'yo," mahina kong sambit.

He smirked. "Bakit? Ano ba ang karapatdapat sa akin?"

Napayuko ako. "S'yempre iyong successful na babae. May maipagmamalaki sa buhay. Magaling magluto at maalaga. Mga bagay na wala sa akin."

Inangat niya ang baba ko para magtama ang paningin naming dalawa. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya para akong nalulunod. Hindi ko kayang tumitig sa kan'ya sa sobrang intensidad ng kaniyang titig.

"You are perfect to me. You don't have to prove yourself more. Ayos na sa akin kung ano ka ngayon. You are my wife and nothing can change that," he said before kissing me on my forehead.

I closed my eyes and he kissed my nose too. His kissed my left cheek then the other before kissing the corner of my lips. Obviously teasing me. Dinampian niya ako ng mababaw na halik sa labi kaya hinabol ko ang labi niya. Damn!

He chuckled and continued giving me small kisses. I got impatient that is why I grabbed his collar and kissed him torridly. He guide my waist so that I could straddle his lap.

"Hmmm..." I moaned when his kisses went to the sensitive spot on my neck. He sucked it before going back to my lips again.

His hand caressed my shoulders down to my arms and I flinched when he accidentally touched my burnt skin. Napansin niya iyon kaya huminto siya sa paghalik sa akin. Hindi siya kumibo at basta na lang inangat ang manggas ng damit ko.

"What happened to your arm?" he asked seriously.

Napalunok ako at agad na tinakpan ang braso. Tumayo ako mula sa pagkakakandong sa kaniya.

Anong sasabihin ko? Ayaw kong isumbong ang mama niya dahil baka mas lalo iyong magalit sa akin. Magsisinungaling na lang ba ako? Malalaman niya kaya?

"Ano kasi...habang naglu—"

"Alani?" Nilingon ko si Manang Lolis na kararating lang sa sala. " Nandiyan ka na pala. Ikaw bata ka, akala ko ay magpapaturo ka sa pagluluto kanina? Dumating lang si Joanne bigla kang nawala."

Nanlamig ako sa sinabi ni Manang. Hindi nga ako nagpaalam sa kaniya na aalis ako dahil biglaan iyon.

"Wait, nagpunta dito si Mommy?" tanong ni Giovanne.

Hindi ako nakasagot at nag-iwas na lang ako ng tingin. Hindi naman siguro alam ni Manang ang nangyari kanina, 'di ba? At kung may alam man siya hindi naman siguro siya magsusumbong kay Giovanne.

"Giovanne, inaantok na kasi ako. Aakyat na ako sa k'warto," sabi ko at hindi na siya hinintay na sumagot.

Umakyat na ako at dumiretso sa guest room na tinutuluyan ko. Kahit na ilang beses na akong natulog sa master's bedroom kasama si Giovanne, gusto ko pa rin dito. Hindi naman umaatake ang pagkasabik ko kay Giovanne ngayon kaya ayos lang kahit hindi ko muna siya katabi.

Ilang oras na akong nakahiga at pinakikiramdaman kung tulog na ba si Giovanne. Dahandahan akong bumangon at binuksan ang pinto papunta sa kabilang kwarto. Madilim doon pero mukha namang walang tao. Ibig sabihin gising pa si Giovanne?

"Alani."

Napaigtad ako nang marinig ang boses ni Giovanne sa master's bedroom. Nag-aalangan man ay pumasok na ako doon nang tuluyan.

Nakita ko si Giovanne sa may gilid ng kwarto at may pinapanood sa monitor doon. Nang lapitan ko ay doon ko lang napagtanto na CCTV footage iyon.

"My mom went here last time? And earlier?" He asked.

I nodded and nervously bit my lips.

"Why you didn't tell me? Ano bang ginawa ni Mommy dito? May sinabi ba siya?"

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi niya pa ba alam ang nangyari? Hindi niya pa yata napapanood ang CCTV footage. At saka hindi ako sigurado kung may CCTV ba sa kusina.

"Ahm, nagbilin lang siya na asikasuhin kita," pagsisinungaling ko.

"Really?"

I nodded. "Oo. Iyon lang naman."

May pinindot siya doon sa keyboard at biglang nag-play ang CCTV footage na naroon. Napasinghap ako nang makita ang nangyari doon sa kusina.

Kung paano ako itulak ng mama niya kaya napaso ako. Sunod niyang pinanood iyong nasa sala. Naririnig din ang usapan namin kaya naalala ko na naman ang mga masasakit na salitang sinabi ng mama niya.

Nang matapos ay humarap sa akin si Giovanne. Kumurap ako para hindi tumulo ang aking mga luha. Nag-iwas ako ng tingin.

"Now tell me, iyon ba ang nagbilin lang? Bakit hindi mo sinabi sa akin, Alani? Sinaktan ka ni Mommy."

Napahagulhol ako at napaupo sa kama. Ang bigat bigat na naman ng pakiramdam ko. Pinipilit ko na ngang kalimutan ang mga nangyari pero ito na naman.

"Y-your mother doesn't want me for you. Galit siya sa akin! I don't even know why. All I want is for her to accept me as your wife. Hindi ako nagsumbong sa'yo dahil baka mas lalo siyang magalit sa akin."

Naramdaman kong nasa harapan ko na si Giovanne pero nanatili akong nakayuko.

"You should've told me. Ayaw kong may nananakit sa'yo kahit pa pamilya ko. Alam kong tutol si Mommy sa ating dalawa kaya hindi pa kita sinasama sa bahay. Maski ako ay hindi alam kung bakit. But I want you to know that I will do everything to protect you. Kakausapin ko si Mommy—"

"Huwag please...ayaw kong isipin niya na nagsumbong ako sa'yo. Mas lalo lang siyang magagalit sa akin. Hayaan mo na ang mommy mo."

Hindi kumibo si Giovanne. Alam kong ayaw niyang pumayag kaya mas lalo akong nakiusap sa kaniya. Bumuntonghininga siya at niyakap ako.

"You don't have to get her approval. Kasal na tayo at wala ng magbabago doon. Kahit pa tumutol siya wala na siyang magagawa," sambit niya. "But I still want to talk to her. Gusto kong magkasundo ang dalawang babae sa buhay ko."

Suminghap ako at tumango. Iyon din naman ang gusto ko. Ayaw kong habambuhay magalit sa akin ang mama ni Giovanne. At gusto ko ring matanggap niya na ako.

Tumayo si Giovanne. "Halika, gagamutin ko ang braso mo," sabi niya at nagtungo kami sa banyo kung nasaan ang first aid kit.

He made me sit on the sink while he was getting the ointment. Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang marahan niyang ginagamot ang paso ko. My heart beats fast again like a drumroll.

"Giovanne..." I said and he stared to my eyes. "I..."

"What is it?"

Ngumiti ako nang pilit. I wanted to tell him I love him but I can't. Ayaw kong ma-pressure siya na mahalin din ako dahil lang sinabi ko iyon. Maghihintay na lang ako na siya ang unang magsabi na mahal niya ako.

"Nothing. I just want to say thank you. For everything."

He smiled. "Anything for my wife."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top