13
Chapter 13
Useless
"Alani!"
"Giovanne?" I muttered when I saw him walking towards me. I immediately ran to hugged him. "You came! I thought hindi na ako makakauwi."
Hinaplos niya ang likod ko pero hindi nagsalita. Iginiya niya ako sa kotse niya at inabutan ng tuwalya.
Hindi siya kumibo buong biyahe at tanging pagtangis ng bagang niya lang ang nakita ko. Siguro ay galit siya dahil naistorbo ko pa siya sa trabaho niya. Hindi ko naman alam na mangyayari 'to. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako umalis.
"Giovanne—"
Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla siyang lumabas ng kotse. Nandito na pala kami sa bahay. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at agad ding iginiya papasok. Nasalubong namin si Manang Lolis.
"Naku iha, mabuti at nandito ka na. Akala ko kung ano nang nangyari sa 'yo," nag-aalalang sambit ni Manang na hindi ko na nasagot dahil hinila ako ni Giovanne paakyat.
Sa master's bedroom siya nagtungo habang hila-hila ako. Sa sobrang seryoso niya ay hindi ko maiwasang kabahan. Pakiramdam ko ay napakalaki ng nagawa kong kasalanan sa kaniya.
"Take a shower," he said and I didn't waste any minute.
I immediately took a shower inside the bathroom. The moment I finished, I realized that I don't have clothes here so I decided to just wear a bathrobe.
Lumabas ako ng banyo at nakitang nakaupo sa kama si Giovanne. Nag-angat siya ng tingin sa akin at tinapik ang space sa tabi niya. Lumunok ako bago umupo doon.
"Giovanne, I'm s-sorry..."I stuttered.
"Why the hell did you left the house alone? Saan ka nagpunta?" seryosong tanong niya kaya napayuko ako.
Paano ko sasabihin sa kaniya na gusto ko ng lanzones kaya umalis ako? Baka pagtawanan niya ako o baka hindi niya maintindihan. Isipin niya pang sobrang babaw ng dahilan ko.
"Alani, answer me," he demanded. I pinched my fingers and gulped.
"I...I was craving for something. Gusto ko ng lanzones kaya nagpunta ako sa palengke," bulong ko na sa tingin ko naman ay narinig niya.
Bumuntonghininga siya. "Nasaan na ang binili mo? At bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?"
"Wala. My bag was snatched by a thief. Sinubukan kong habulin kaya lang may kutsilyo—"
"What the fuck, Alani?" he shouted and I almost jump in shock. "You tried to run after the thief? Hindi mo ba naisip na baka mapahamak ka? For Pete's sake, you're pregnant. Dapat mas iniisip mo ang isang bagay bago gawin."
Napayuko ako at naluha na agad ko ring pinunasan. Kasalanan ko naman kung bakit nagagalit si Giovanne. At hindi dapat ako umiyak dahil baka isipin niya nagpapaawa ako. Alam kong naging pabaya ako. Hindi ako nag-isip muna kanina.
"Nasaktan ka ba?" mas mahinahon niya ng tanong ngayon.
I shook my head. "No. But my lanzones was gone. I still want my lanzones."
Tumingala ako at nakita siyang hinihilot ang sentido niya. Sumasakit na siguro ang ulo niya sa akin. Kaya tumayo ako at tinulungan siyang hilutin iyon.
"I'm sorry if I risk the life of our baby," I told him while massaging his temple.
His hands encircled on my waist while his head is on my tummy. Maliit ako magbuntis kaya hindi pa halata ang umbok doon.
"I'm sorry if I shouted on you. I was just so damn worried. Hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa inyo ng anak natin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."
My heart melted on what he said. Tears started to fall from my eyes and I gasped for air. I didn't know that I'll be this happy with him. I'm so lucky to have him in my life.
I love this man. I really do. And I will do everything to keep him.
"Manang Lolis, puwede ni'yo po ba akong turuan magluto?" tanong ko kay Manang Lolis.
Gaya ng pinangako ko sa sarili ko, gagawin ko ang lahat para hindi ako iwan ni Giovanne. Pagsisilbihan ko siya katulad ng dapat na ginagawa ng isang asawa. Gusto ko ako ang magluluto ng pagkain niya kaya magpapaturo ako kay Manang.
"Aba s'yempre naman iha. Tinola ang ulam ngayong tanghali. Iyon na lang muna ang ituturo ko sa'yo?" Tumango ako bilang sagot.
Tinulungan ko si Manang na kumuha ng ingredients sa fridge at inilatag iyon sa kitchen counter. Hihiwain ko na raw muna ang bawang, sibuyas at luya.
"Sandali lang Alani, may kukuhain lang ako sa labas. Igisa mo na yan pagkatapos mo," paalam ni Manang bago lumabas.
Pinagpatuloy ko ang ginagawa. Pinitpit ko ang bawang at sunod kong binalatan ang sibuyas.
"Ouch!" Nahiwa ko ang hintuturo ko habang naghihiwa ng sibuyas. Agad ko iyong hinugasan sa gripo at pinatigil ang pagdurugo. "Kainis naman!"
Ayaw niyang matigil sa pagdugo kaya gumupit ako ng tela sa damit ko at itinali ang sugat. Nang matapos ay agad ko ring ipinagpatuloy ang ginagawa. Tinapos ko ang paghiwa sa mga iyon bago iginisa.
"Shit! Ang hirap naman nito," reklamo ko dahil aksidente kong naidikit ang braso ko sa kaserola. Napaso tuloy ako.
"Look at you, you're useless!"
Natigilan ako nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Lumingon ako at nakita ang mama ni Giovanne. Binigyan niya ako nang mapanghusgang tingin bago siniyasat ang ginagawa ko.
"Kayo po pala, mama. Nagluluto na ho ako ng tanghalian—"
"What did you just call me? Mama? Kahit na kasal na kayo ni Gio, wala kang karapatan na tawagin akong gano'n."
Yumuko ako. "Pasensiya na po."
"May gana ka pang alukin ako ng tanghalin samantalang hindi ka marunong kahit maggisa man lang! Ano na lang ang mapapala ni Gio sa'yo?! You can't even cook his food!"
Sinalubong ko ang titig ng mama ni Giovanne. Hindi na ako makakapayag na laitin niya ako na para bang siya ang nagpalaki sa akin!
"Kaya nga po ako nag-aaral magluto dahil gusto ko siyang pagsilbihan. Lahat naman po ng bagay natututunan. Kayo po, bakit hindi ninyo pag-aralang babaan ang standards ninyo?"
Suminghap siya at agad akong itinulak kaya natabig ko ang mainit na kaserola.
"Aah!! Aray ko." Naiiyak na daing ko at agad na itinapat sa gripo ang napasong braso. Sunod-sunod na nagpatakan ang luha ko dahil sa sakit.
"You're not only useless! You're also disrespectful! Kahihiyan lang ang idudulot mo sa anak ko kaya bakit hindi ka na lang umalis?!" sigaw niya sa akin.
Muli ko siyang hinarap. "Hindi ko po iiwan si Gio hangga't hindi siya ang nagpapaalis sa akin."
She smirked. "Then let's see. Sooner or later iiwan ka na rin ng anak ko. For all I know, pinakasalan ka lang niya dahil buntis ka. At kapag nangyari 'yun, matutuwa ako. Dahil sa wakas nakaganti na ako sa magulang mo."
Nanatili akong nakatayo sa may kusina kahit na nakaalis na ang mama ni Giovanne. Sumasakit ang paso ko pero mas masakit ang sugat na iniwan ng mga salita niya. Gano'n niya ako kaayaw sa anak niya.
"Alani, what happened?" Mylene asked when I entered their gate.
Nagtungo ako rito para magpalipas ng sama ng loob. Ayaw kong abutan ako ni Giovanne nang hindi pa ako maayos. Hindi ko naman gustong sabihin sa kaniya ang nangyari dahil baka sila pa ang mag-away ng mama niya.
"Nothing. I just missed you," I told her.
Nagtungo kami sa may garden nila at doon umupo. Naka-long sleeves ako ngayon kahit na sobrang init para hindi mahalata ang paso ko sa braso. Ayaw kong mag-alala si Mylene sa akin.
"I missed you, too. Kumusta naman ang buhay may asawa mo?" tanong niya at natigilan ako.
Ngumiti ako. "Ayos naman. Maasikaso si Giovanne sa akin at understanding. Gano'n siguro kapag mature na."
Masaya naman talaga ang buhay may asawa ko. Huwag ko lang isipin iyong biyenan kong nuknukan ng kamalditahan.
"Mabuti naman kung gano'n. Hindi na ako mag-aalala dahil alam kong aalagaan ka ni Giovanne. Basta kapag sinaktan ka doon, sabihin mo lang sa akin at ako ang magtatakas sa'yo," sabi niya at natawa ako. Napaka-protective naman nito.
Inabot ng hapon ang kunwentuhan namin ni Mylene. Nang pauwi na ako ay dumaan muna ako sa bahay namin. Nakasarado ang gate kaya kinailangan ko pang mag-doorbell.
"Ay, Miss Alani. Wala po rito ang parents mo. Balik na lang po kayo," sabi ng guard sa akin.
Huminga ako nang malalim at mapait na ngumiti. Dati kahit wala sila ay malaya akong pumasok sa loob dahil bahay ko rin naman 'to. Pero ngayon parang ibang tao na ako kung ituring ng mga tauhan dito. Hindi ko tuloy maiwasang umiyak.
Namumugto ang mga mata ko kaya dumiretso ako sa may banyo pagkapasok ko ng bahay. Naghilamos na muna ako. Pero mas lalo lang akong naiiyak.
Hindi ko kinakaya ang mga nangyayari sa akin. Mas matindi pa ito sa lungkot na nararamdaman ko noon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top