Simula

"Ang daya mo talaga!"

Napatawa ako mula sa kinauupuan ko nang makita si Heaven na kawawang pinagtutulungan ng mga lalaki. Hingal na hingal siyang tumatakbo at pilit na inaagaw sa kanila ang bola. Inasar naman siya lalo ni Kuya at sinipa ito palayo sa kanya.

At dahil hindi ako gano'ng ka-sporty, nakaupo lamang ako ngayon sa isang picnic mat habang kumakain. Ipinatong ko sandali ang binabasa kong libro at pinanood muna sila mula sa pwesto ko.

Payapang nakasandal ang likuran ko sa puno. Ipinikit ko ang mga mata at ninamnam ang init na sikat ng papalubog na araw. Iniunat ko pa bahagya ang aking dalawang binti.

Kahit kailan, hindi ako magsasawa na balik-balikan ang lugar na ito. Mula sa puti at pinong buhangin, sa bughaw na kulay ng dagat hanggang sa tunog ng mga alon nito na nakakapagpakalma sa akin.

Dinama ko ang simoy ng hangin na dumampi sa aking balat. Nilipad nito ang itim at hanggang balikat kong buhok kasama ang isang puting bulaklak sa tainga ko. Napatingin ako doon at naalala ang mga masasaya at masasakit na alaala na naranasan ko sa lugar na ito.

Looking back, hindi ko inakalang aabot ako sa ganito. Hindi ko inakalang sa desisyon kong iyon, magiging ganito ako kasaya— masaya kasama siya.

Kung ilalarawan ko ang sarili ko noon pagdating sa pag-ibig, isa lang ang masasabi ko. Tanga. Sino bang hindi? Halos lahat ng tao nagiging tanga sa taong mahal nila. Kahit man sabihing hindi sila karapat-dapat, sila pa rin ang pipiliin natin.

Nakakabulag kasi ang pag-ibig. Bigla na lang silang gumaganda o gumagwapo sa paningin natin. Lahat ng pangit na katangian nila, minamahal din natin. Kahit hindi dapat. Kahit nasasaktan na tayo nang paulit-ulit. Kahit tayo lang ang nagmamahal.

Sa unang beses nating magmahal, akala natin isang tao lamang ang mamahalin nating habangbuhay. Nagsimula ito sa simpleng titigan at ngitian—na nauwi sa crush, hanggang bigla na lang lumalim at naging love.

Sobrang tagal ko siyang minahal. Kaso, hindi naman lahat ng pagmamahal, nasusuklian. Ilang beses kong sinaktan ang sarili ko para lang ipaglaban ang pagmamahal na ako lang ang nakakaramdam.

Nang dahil doon, nabulag na rin ako sa nararamdaman ng iba para sa akin. Kaya sa huli, ako ang talo. Nasaktan na nga ako, nakasakit pa ako ng taong nagmamahal sa akin.

"Baby! Look out!"

Napabalik ako sa realidad nang bigla ko siyang marinig na sumigaw. Automatik naman na isinangga ko ang parehong kamay sa mukha nang makitang malapit nang tumama ang bola sa akin.

Tumalbog naman ito papunta sa paanan ko. Nadali pa nito ang iniinuman kong tubig kaya nabasa ang picnic mat namin. Isa-isa silang naglapitan sa kinauupuan ko.

"Ang sakit ha! Mukha ba akong goal?" iritado kong tanong sabay punas sa kamay ko.

"Nat, sisihin mo si Kuya Josef! Kitang-kita kong sinadya niya!" sigaw ng bestfriend kong si Heaven.

Lumapit naman sa akin si kuya at ginulo ang buhok ko. Galit ko siyang tinitigan. "Well?"

"Sorry na! Ang yabang kasi nitong syota mo," sagot ni Kuya sabay tingin sa boyfriend ko. "Ano? Galing ng sipa ko 'no?"

Sinuntok ko kaagad siya sa balikat at umismid. Gago talaga 'tong kuya ko eh! Nilapitan naman niya ako at tiningnan nang maayos sa mukha.

"Are you okay? Saan masakit?"

Umiling ako. Napatingala ako at tinitigan ang lalaking nagpapatibok ngayon ng puso ko. Hinapit niya ako bigla sa baywang at inilapit pa lalo ang mukha niya sa akin. Napahawak tuloy ako sa itim niyang damit na basang-basa na ng kanyang pawis. Hindi ko naman iyon pinansin at napatitig lamang sa nakakaakit niyang mga mata.

Lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Ang nakatali niyang buhok na medyo magulo at pawisan na, ang matipuno niyang katawan na palaging nagpo-protekta sa akin at lalong-lalo na ang nakakatunaw niyang ngiti.

"Aray! Makaalis na nga. Kinakagat na 'ko ng langgam!" saad ni Heaven.

Natawa pa ako nang makita ko si Kuya na itinaas muna ang kamao niya sa boyfriend ko bago umalis.

"That guy never trust me," sabi niya sa akin.

Bigla namang sumingit ang katabi nitong lalaki. Nakasando lamang itong puti kaya kitang-kita ang maskulado nitong pangangatawan.

"We both know you are the only one he could trust when it comes to his beloved sister."

Kumuha ito ng face towel mula sa dalang duffel bag at ipinunas sa buhok nito. Nginisian pa kami nito at lumapit sa puwesto namin.

Napatingin ako bigla sa kaliwa nang akbayan ako ng isa ko pang kaibigan na lalaki. Dikit na dikit ang balat nito sa akin dahil wala itong damit pang-itaas.

"Ano namang tingin mo sa akin hindi katiwa-tiwala?" Tumingin ito sa akin. "Sa aming tatlo, sa akin lang may tiwala si Josef, di ba?"

Itinulak ko siya at hinampas sa likuran. Napangiwi naman siya sa lakas ng pagkakapalo ko.

"Bastos ka! Pasimple ka pang namunas sa 'kin ng pawis eh!" sigaw ko sa kanya.

Nakita ko namang tatawa-tawa lamang ito sabay labas ng dila nito sa akin. Isip-bata talaga!

"Sa mukha mo pa lang, mukha ka nang gagawa ng masama," pang-aasar niya sa tabi ko.

Nakipag-apir pa siya doon sa nakaputing sando at sabay na humalakhak. Sumimangot naman ang lalaking inaasar nila sa unahan.

"Ang yabang ng mga gagong 'to ah!"

Hinabol nito ang dalawa at akmang susuntukin. Pero dahil mag-isa lang ito, napagtulungan na naman ito ng dalawa. Kita ko na lamang na hawak nilang dalawa ang tig-isang paa ng kaibigan ko. Hinihila nila ito palapit sa akin.

Napangiti ako habang pinagmamasdan silang tatlo. Sinong mag-aakala na magkakasundo silang tatlo? Believe me. Kahit ganyan silang mag-asaran, magkakasundo na sila sa lagay na 'yan.

Hindi ko lubos maisip na nandito pa rin ang tatlong lalaki na naging malaking parte ng buhay ko.

Ang isang lalaking nasaktan ako at ang dalawang lalaking nasaktan ko.

Masaya na ako sa naging desisyon ko. Masaya na akong kasama siya.

Ikaw? Which one do you think is worse: to be broken by someone you love or break someone's heart because you don't love them?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top