Kabanata 9
KASALUKUYAN AKONG nakaupo sa kama namin at ikinu-kwento kina Heaven ang nangyari. Bakas ang kalungkutan at awa nila sa akin habang nakikinig. Ni hindi ko matapos ang pagsasalita ko nang hindi humihikbi.
"Gago talaga 'yang si Lucas! Sana sinabi mo sa'kin kanina para naupakan ko siya," inis na saad ni Heaven habang hinahagod ang likod ko. Hinawakan naman ni Li ang kamay ko.
"Sobrang sakit lang kasi... ano bang kinalaman ng edad ko sa pagmamahal? Wala na ba talaga akong karapatang magmahal dahil bata pa ako?"
"Don't let him get to you, Nat, " saad ni Li habang hinahawi ang buhok na tumatakip sa mata ko.
Nagpatuloy pa siya. "It's okay to fall in love! It's never wrong to feel it for Lucas if you strongly believe that it's true! Feeling that emotion for someone is always a part of growing up... kasi d'yan ka matuto. D'yan ka magiging matatag."
"Ganito ba ang naramdaman mo nung mainlove ka at masaktan for the first time?"
Tumango si Li bilang sagot. "With love comes pain. Nakatatak na sa utak ko na pwede akong masaktan kapag nagmahal ako but still... I let myself feel that emotion completely. Love is a beautiful feeling and I think that it is always worth the risk of getting hurt."
Nakikinig lamang kami sa kanya habang sinasabi iyon. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. She was smiling pero kita ko pa rin ang lungkot sa mga mata niya. "Alam ko masakit pero kung naniniwala kang sa kanya ka lang sasaya... h'wag mong ipagkait iyan sa sarili mo just because he rejected you once."
"Are you still encouraging her to pursue her feelings for Lucas? Hindi ko talaga kayo magets!" Iiling-iling na sabi ni Heaven.
"Hindi naman kasi agad mawawala ang feelings niya for him. Baka nga mas lalo pang lumalim 'yan kapag pinigilan niya."
"So anong sinasabi mo? Na umasa pa rin siya kay Lucas?"
"Hm..." Umiling siya at tumingin sa'kin. "Nasa'yo pa rin ang final decision, Nat. What do you want to do?"
Tama si Li. Nasaktan man ako sa sinabi ni Lucas, hindi magiging gano'n kadali na kalimutan lang siya.
###
LUMIPAS ANG isang linggo sa Collantes Resort at wala pa ring pagbabago sa amin ni Lucas. Araw-araw ko nga siyang kinukulit pero bumalik na siya sa dating pag-trato sa akin. Ang masama pa do'n, hindi lang basta pag-snob ang ginagawa niya—iniiwasan na niya talaga ako. Ni hindi niya ako matingnan sa mata!
Naiilang pa rin ba siya sa biglaan kong pag-amin sa feelings ko? Hindi ko tuloy alam kung tama ang naging desisyon ko. Sabagay, wala na naman akong magagawa. Nasabi ko na, alangan namang bawiin ko pa?
Hanggang ngayon, hindi pa rin alam nina kuya ang naging confession ko kay Lucas. Unless, may nabanggit si Lucas sa kanila which, I doubt na meron. At saka kahit naman hindi ko sabihin sa kanila, alam na naman nila.
"Aray!" Napaahon ako bigla no'ng maramdaman kong tumama ako sa dingding ng swimming pool.
"Kanina pa kitang tinatawag diyan, ayaw mong makinig," natatawa pang sabi ni Theo.
Napairap na lang ako sa kanya at hinilot ang taas ng ulo ko. Lumipad na naman kasi ang utak ko sa malayo—ni hindi ko na matandaan kung nakailang laps na ako ng freestyle.
Nandito kami ngayon sa villa at nakatambay sa private pool kasama ng mga kaibigan ko. Kami lamang nina Theo at Heaven ang nags-swimming dahil sumama ang pakiramdam ni Li. Nandoon lamang siya sa may gilid ng pool at nakababad ang paa.
Konting araw na lamang pala at maiiwanan na naman ako ulit. Dahil nga biglang nagkasakit si Li, mapapaaga ang uwi niya. Well, magpapaiwan naman sina Theo and Heaven pero mas masaya kasi 'pag kumpleto kami. Anyways, lulubusin ko na lang ang mga natitirang araw.
Biglang lumapit sa akin si Theo at tinapik na naman ang noo ko, "Puro kasi Lucas ang laman niyan."
"Excuse me? For your information, wala si Lucas dito," turo ko pa sa noo ko, "kasi... nandito s'ya sa puso ko."
Nagtawanan sila bigla. Sinabuyan pa ako ni Theo ng tubig habang si Heaven naman ay tiningnan lang ako na may pandidiri sa mukha.
"You go, girl!" Pag-cheer pa ni Li.
"Lakad niyo kasi ako kay Lucas. Sinisiraan niyo ata ako lalo kaya umiiwas sa'kin eh."
"Thalia...." Inakbayan ako ni Theo. "Baka naman kasi kaya umiiwas ay dahil hindi interesado."
"Grabe! Walang preno ha! Bestfriend ba talaga kita?"
Napangiwi siya bigla nang sikuhin ko ang kanyang tagiliran. "Paano kita ilalakad n'yan kung wala kang ibang ginawa kun'di bugbugin ako?"
"Kaasar ka kasi." Tinalikuran ko siya at humarap sa dalawa. "Kayong dalawa! Ilalakad niyo ako o hindi?"
"Trust me, bunso. He'll come around! You don't need na magpatulong sa ugok mong bestfriend d'yan. Oops—No offence ha!"
"Aba parang gago 'tong si Li," sabi ni Theo. "Kung wala ka lang sakit, ni-wrestling na kita sa tubig."
"Asa naman kasing may maitutulong ka!"
"Sasabat pa 'tong si Impyerno. 'Yong mga nakakarelate lang ang pwedeng mag-react, dude," panloloko pa niya dito.
Tinaasan lamang s'ya ng daliri ni Heaven. Ang sama talaga nitong lalaking 'to.
"Speaking of the devil."
Napalingon kami sa tinitingnan ni Heaven at nakitang kakapasok lamang ni Lucas. May kasama pa siyang matangkad na babae. Araw-araw, iba't ibang babae ang isinasama niya dito. Nananadya ba talaga siya?
Salubong ang kilay kong tiningnan 'yong babae. Makinis ito at mukhang model dahil sa fit nitong pangangatawan.
Nakasuot pa siya ng crop top na spaghetti strap at mini skirt kaya litaw na litaw ang maliit nitong bewang.
Bigla akong nakaramdam ng inggit. Kung titingnan kasi ay talagang bagay na bagay silang dalawa. Gwapo at maganda tapos mukhang halos magkasing-edad lang din sila.
Ganito siguro talaga ang mga tipo ni Lucas.
Hindi ang katulad ko. Bata at inosente.
Napatungo ako pagkalagpas nila sa pwesto namin. Ni hindi nila kami pinansin at tuloy-tuloy na pumasok sa loob. Nagmukha kaming hangin na nadaanan lamang.
Lumunok ako bahagya no'ng maramdaman ko ang tila pagbara ng kung ano sa lalamunan ko. Sinubukan ko ding pigilan ang pangingilid ng aking luha dahil ayokong makita nila akong umiiyak.
Ilang minuto lamang ang lumipas at si Theo na ang nagbasag ng katahimikan. "Medyo uminit 'no? Sinong may gustong ice-cream? O kahit na anong pampalamig? Libre ko."
"Paubos na nga pera mo tapos lakas mong mag-aya d'yan," rinig kong sabat ni Heaven.
"Tumingin ba ko sa'yo? Hindi ka kasali."
Maya-maya lamang ay lumangoy papalapit sa akin si Theo. Nakatungo pa rin ako at pinagmamasdan ang alon ng tubig. Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko at itinunghay ito para tingnan ako sa mata.
Kaagad naman akong umiwas ng tingin.
"Sama ka?"
"I think... I'll pass. Nawalan na ako ng gana."
"Sige na. May alam akong ice-cream na makakapagpawala ng sakit sa puso."
"Ikaw talaga," Pilit akong ngumiti at umiling. "You guys, go on ahead. Okay lang talaga ako. Gusto ko lang muna mapag-isa... kung pwede."
Tumango lamang silang lahat at isa-isa nang umahon sa pool para makapagpalit ng damit.
Naiwan saglit si Theo at nakatayo pa rin sa unahan ko. Seryoso lamang siyang nakatitig sa'kin kaya nginitian ko siya.
"Bakit kasi ang hilig mong saktan ang sarili mo, Nathalia?"
Sumandal ako sa pader ng pool at tumingala sa langit. Inilubog ko lalo ang katawan ko hanggang umabot sa ilalim ng aking baba.
"Mahal ko eh."
Hindi ko alam kung dahil lang ba sa katahimikan o sadyang napakalungkot ng pagkakasabi ko no'n.
"Ang swerte talaga ng gagong 'yon. Kung mas malaki lang ang katawan ko do'n, nakatikim na 'yan ng isa sa akin."
"Palaki ka muna ng katawan, tingting ka pa rin eh."
"Ikaw naman. Pinapatawa na nga, nanlait pa."
"Joke lang eh! Sige na. Shoo!" Tinaboy ko siya ng pabiro. "Magpalit ka na at nag-iintay na sila sa'yo."
"Utang mo 'to ha! Nakakadal'wang tanggi ka na ng date sa'kin. Sige ka... 'pag iba niyaya ko, baka lumuha ka ng dugo."
"Whatever!"
Napailing na lamang ako pagkaalis ni Theo. Sira talaga ang lalaking 'yon. Nagyayaya pa ng date, palagi naman kaming magkasama.
Ilang oras pa siguro ang lumipas pero nanatili pa rin ako sa pool. Hindi ko na rin namalayan kung nakailan na akong laps dito hanggang sa nakaramdam na ako ng pagod.
Umupo na ako sa gilid ng pool at niyakap ang sarili ko dahil sa kalamigan. Aabutin ko pa lang sana ang ang bathrobe sa tabi ko nung bigla kong marinig ang pagbukas at pagbagsak ng pinto.
Paglingon ko doon ay nakita ko 'yong babaeng kasama ni Lucas. Magkasalubong ang kilay nito at galit na sumigaw pabalik sa may pintuan, "I hope you rot in hell, asshole!"
Inayos nito sandali ang suot niyang damit at hindi na nag-abalang isuot ang heels na hawak niya. Nung mapansin niya akong nakaupo sa may pool ay inirapan lang ako at lumabas na sa villa.
Aba't! Siya pa ang may ganang tarayan ako? Siya kaya 'yong mang-aagaw!
Tumayo na ako at sinuot ang bathrobe ko. Paglingon ko sa likod ay agad kong nakita si Lucas na nakatayo sa may pintuan. Naka-shorts lamang ito at walang suot pang-itaas.
Ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko nung napababa ang tingin ko sa hubad niyang katawan. Napansin siguro kaagad iyon ni Lucas kaya pumasok na siya ulit sa loob.
Napasimangot na lamang ako at maya-maya'y sumunod na rin sa kanya. Pagpasok ko doon ay wala na siya sa salas. Siguro umakyat na siya sa taas.
Nakaramdam na naman ako ng lungkot dahil mukhang habang buhay na niya akong iiwasan.
Umakyat na ako sa hagdanan para pumunta sa kwarto ko. Napatigil na lang ako nung madaanan ko ang kwarto nina Lucas. Nag-alinlangan pa ako bago napagdesisyunang lumapit doon.
Kinatok ko muna ito bago magsalita. Alam kong nasa loob siya dahil naririnig ko ang tugtog sa record player niya. Ilang segundo na ang lumipas pero hindi pa rin niya ito binubuksan.
Kumatok ako ulit. "I know you're there, Lucas."
Nagsimula ng mangilid ang mga luha sa mata ko nung hindi pa rin siya lumalabas. Mukhang wala talaga siyang balak na kausapin ako.
Isinandal ko ang aking noo sa pintuan at pumikit. Hinayaan ko nang pumatak ang mga luhang kanina pang gustong kumawala sa mata ko.
"Bakit mo ba ako iniiwasan, Lucas? Hindi mo ba alam na nasasaktan mo na ako? Sinasadya mo ba talagang ipamukha sa'kin ang mga type mong babae para layuan na kita?"
"Ang sama-sama mo!"
Sa sobrang sama ng loob ko, pinagsisipa't suntok ko ang pintuan niya. Lumakas na din lalo ang aking paghikbi pero mukhang hindi naman niya 'to maririnig nang dahil sa lakas ng pagpapatugtog niya.
"Buksan mo nga 'to! Alam ko nand'yan ka... h'wag mo na akong pagtaguan! Gano'ng kababaw ba talaga ang tingin mo sa nararamdaman ko? Na makakalimutan ko na lang 'to sa tuwing makikita kitang may kasamang magagandang babae?"
Kinatok ko siya muli dahil hindi pa rin niya ito binubuksan. "You clearly don't know me—"
"Wala talagang magbubukas d'yan."
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakita ko doon si Lucas na nakasandal sa may gilid ng hagdanan. Nakasuot na siya ngayon ng sando at nakapamulsa pa.
"Para ka talagang bata..."
Pinahid ko ang luha sa pisngi ko at hinarap siya ng maayos. Nanatili lamang ako sa pwesto ko at tila napako na doon.
"Ano?" I saw him smirked. "Bakit tumahimik ka? Ang daldal mo kanina ah."
"K-Kanina ka pa d'yan? Bakit hindi ka umiimik?"
"Nakakatawa ka kasing tingnan."
Tipid siyang ngumiti kaya napangiti rin ako. Nung makita niya iyon ay tumikhim siya at napaiwas kaagad ng tingin. Pagkatapos ay naglakad na siya palapit sa akin.
Nahigit ko na naman ang aking paghinga sa bawat hakbang niya palapit sa akin. Sa pagbawas niya ng distansya sa pagitan naming dalawa ay siya ring paglakas ng kaba sa dibdib ko.
Papasok na sana siya sa kwarto niya nung pigilan ko siya sa kanang braso. Parehong kamay ko ang nakahawak doon. Nakatingala pa ako sa kanya habang siya ay diretso lamang ang tingin sa pintuan.
"Please, Lucas, h'wag mo na akong iwasan."
"I'm doing this for you, Nathalia."
Bahagyang kumunot ang noo ko. "Para sa'kin? Bakit? Hindi kita maintindihan."
"Let's leave it at that, shall we?"
Pinihit na niya ang pinto para makapasok pero pinigilan ko lang ulit siya. "I-I just want you to know that I'm not giving up on you, Lucas... kahit ano pang gawin mo. Hindi na 'yon magbabago."
"Ikaw ang bahala."
Tinitigan ko ang maamo niyang mukha. Hindi ko nga alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko. Hindi ko inakala na magagawa ko na siyang lapitan at kausapin ngayon na hindi pumipilipit ang dila.
Kinakabahan pa rin ako naman ako kapag nand'yan siya pero hindi na katulad ng dati. Siguro epekto na rin ito ng biglaan kong pag-amin sa kanya.
"Mahal kita," halos bulong kong sabi.
Hindi ko inexpect ang biglaan niyang paglingon sa akin. Tinitigan niya ako ng matagal sa mata kaya lalong bumilis ang pintig ng puso ko. Ngayon niya lamang ako tinitigan ng ganito katagal.
Napakalalim nito na kahit sinong babae ang tumingin doon ay siguradong mahuhulog. I wonder what he sees when he looks at me like this.
Nakita kong bahagyang nalipat ang atensyon niya sa labi ko. Saglit lamang iyon pero sapat na para mahigit ang hininga ko.
"I'm sorry... pero hindi na rin magbabago ang sagot ko, Nathalia."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top