Kabanata 4
PAG-AHON ko sa tubig, lumipat ang tingin ko sa lalaking dahilan kung bakit ako nahulog. Aba't nakasimangot pa sa akin ang loko!
Narinig ko sa hindi kalayuan ang sigaw nina Heaven no'ng makita nila ako kaya nagtinginan pa lalo ang mga tao sa amin.
"Ba't kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa likod ko?" He said, coldly.
Nakatitig lamang siya sa akin habang sinasabi iyon. Pagkatapos ay sinuklay niya ang kamay sa basa niyang buhok na parang iritang-irita pa sa akin.
Siya pa talaga ang may ganang magalit? Siya kaya 'tong hindi tumitingin sa dinadaanan!
I glared at him. "Excuse me?"
"Hindi ka naman siguro nasaktan 'di ba? Aalis na ako," sabi niya sabay talikod.
Bastos talaga 'tong lalaking 'to! Siya na nga ang nakabunggo, ako pa ang sisisihin!
"Asshole!" sigaw ko sa kanya no'ng makaakyat na siya sa hagdan.
At ang mas nakakairita? He flipped me off! God. Walang modo. Hindi man lang nag-sorry.
Tuloy-tuloy na siyang naglakad paalis at hindi man lang talaga ako nilingon pabalik.
"What happened? Who's that guy?" Li asked.
Inalalayan niya akong makaakyat sa hagdanan at tinulungan akong pigain ang suot kong shirt. Inabot ko naman sandali ang hat ko kay Heaven.
"Binunggo ako ng isang walang modong lalaki!
Tumingin ako sa direksyon na nilakaran nila pero nakalayo na agad ang mga ito.
"Tsk. Ano na bang nangyari sa mga gentleman ngayon? Naubos na ata," saad ni Heaven
I hissed. "Hindi man lang nag-sorry!"
Bwisit na bwisit talaga ako sa mukha niya! H'wag na h'wag talaga ulit siyang magpapakita sa'kin at masisipa ko na ang pagmumukha niya.
"Let's go," yaya ni Heaven, "para makapag-palit ka na ng damit."
Tumango na lamang ako at mabilis na naglakad papunta sa villa cottage namin.
###
"What the hell happened to you?" Bungad na tanong ni kuya pagkapasok namin sa villa.
"Some asshole bumped into me."
"Naknangpot!" Napatawa naman si Jasper nung makita ako. "Akala ko na-excite ka lang at bigla ka na lang tumalon sa pool."
I rolled my eyes. Loko talaga 'tong si Jasper. Sila lamang ang nasa salas ngayon at nanonood ng TV. Siguro nagpahinga muna ang iba sa kani-kanilang kwarto.
"Go get dressed then."
"Where's our luggage, Kuya?"
Tumuro siya sa taas. "Upstairs. Same room."
"Let's go girls. Hatid ko na kayo sa kwarto niyo."
Dumiretso na kami sa taas at itinuro kay Li ang solo room na gagamitin niya. Katabi lamang naman ito ng sa amin. Bukas pa sana kami mags-swimming pero obviously, nauna ako sa kanila.
"I'm so pissed! Can you believe that guy?"
Binuksan ko ang luggage ko at kumuha ng dress at underwear. Si Heaven naman ay binuksan ang curtain sa kwarto at tumingin sa labas.
"Ngayon lang talaga ako nakakita ng lalaking ganon. So rude!"
"Pero don't deny it, he's quite good-looking," she said teasingly.
"Well, may itsura naman talaga siya," I agreed, "but still nothing compared to Lucas."
She rolled her eyes. "Here we go again."
"Totoo naman!"
"Eh may feelings ka sa kanya eh!"
Pumasok na ako ng banyo at mabilis na naligo. Pagkatapos ay isinuot ko na ang puting sundress ko na umabot lamang hanggang sa itaas ng tuhod ko.
Biglang kumatok si Heaven. "You done?"
"Yes," I replied.
Pagpasok niya, pareho naming tiningnan ang isa't isa mula ulo hanggang paa. Tumango pa siya sa akin at ngumiti sa reflection ko sa salamin.
"You look gorgeous, as always," she stated.
"Well, look at you! You look stunning in white," sagot ko naman sa kanya, "Teka lang, maghahanap ka ng boys 'no?"
She's also wearing white pero sleeveless midi dress ito na may laces. It suits her really well. Dumagdag pa ang tanned skin niya kaya inggit na inggit ako sa kanya. Sobrang pale kasi ng complexion ko.
"Don't make me laugh! Sakit lang sa ulo ang boys. Ayokong gumaya sa'yo 'no!"
"You really suck at lying."
Tinuyo ko muna ang buhok ko bago ko ito inayos. Inilugay ko lamang ang maikli kong buhok at naglagay ng konting make-up para mabuhayan ang mukha ko.
Nang matapos na kaming mag-ayos ni Heaven, kumatok na kami sa room ni Li. Nagpalit din siya ng damit. Nakasuot na siya ngayon ng red off-shoulder playsuit.
"You guys ready for our first night?"
Bigla kaming na-excite at sabay-sabay na naghiyawan. Napatigil na lamang kami no'ng magbukas ang pinto sa kanan namin.
Lumabas doon si Lucas na nakaputing panloob at pinatungan niya ng pulang short-sleeved shirt. Hindi ito nakabutones kaya kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Idagdag pa ang messy hair niya na tumatakip ng kaunti sa kanyang noo.
He looks so handsome!
Napalunok ako no'ng makita ko siyang lumingon sa pwesto namin. Tumango pa siya sa akin nang magtama ang mata namin.
"Where are you headed?" He asked.
"Sa sunset live music sana. You coming?"
He nodded. "We'll go together then."
Kung wala ang mga kaibigan ko, siguro iba ang iisipin ko sa sinabi niyang 'we'.
Bumaba na siya pagkatapos kaya sumunod na din kami. Nandoon na rin sa baba sina Ash at James. Mukhang kanina pa sila nakarating dahil nakapagpalit na kaagad sila ng sando at shorts. Sina kuya naman ay nakahilata pa rin sa sofa katabi sina Isra at Jasper.
"Where's Theo?" I asked.
"Sa kusina!" Sigaw niya mula doon.
"Are you coming?"
"Syempre naman. Hahanap ako ng chicks!"
"Nice! Nagmana ka talaga sa'kin, Theo," rinig kong komento ni Isra.
Pagkababa namin, bigla na lang silang naghiyawan.
"Ang daming chicks oh! Theo, ba't hahanap ka pa sa labas, eh ang dami dito?"
Siniko kaagad ni kuya si Isra. "Shut your mouth. That's my sister."
"O 'di itong si Heaven na lang! O kaya si Li!"
Sumilip muna si Theo mula sa kusina pagkatapos ay pumunta na sa sala. "Bawal taluhin ang barkada eh."
"Tsk. Sorry... pero hindi kita type 'no!" Mapang-asar na sagot naman ni Li. "Hanap ka na nga lang talaga sa labas, Theo."
"Let's go na!" Yaya ko sa kanilang lahat. "Malapit na mag-start oh!"
Napatingin ako bigla kay kuya no'ng mapansin kong nakatitig siya sa may likod ko. Pagtingin ko doon, nakita ko si Heaven na inaayos ang suot niya.
Hindi ko napigilang ngumiti. Mukhang may una ng nabiktima si Heaven ah.
###
Pagdating namin sa venue ng sunset live music ay marami ng tao doon. Syempre isa ito sa mga dinadayo ng mga pumupunta kaya expected na namin na puno ito ngayong gabi. Tuwing weekends lang din kasi may ganito.
Dumiretso na kami sa nireserve na pwesto para sa amin. Sobrang ganda talaga dito! Bukod sa nasa unahan lamang ang beach ay palubog na rin ang araw kaya napakaganda ng view.
Dalawang beach umbrella ang nireserve sa amin dahil madami kami. Tanging ang makukulay na bean bags lamang ang upuan doon pero sobrang aesthetic ng pagkakaayos.
Nagsiupuan na kami. Nasa iisang beach umbrella lang kami nina Heaven, Theo at Li habang nasa kabila naman ang barkada ni kuya.
Ipinatong ko sandali ang dala kong purse sa maliit na table doon at hinubad ang suot kong sandals.
"I swear, bunso! That guy was really checking you out!" Li insisted. Kanina pa niya akong inaasar do'n sa lalaking nakasalubong namin kanina.
Bigla tuloy akong nahiya. "Stop it! Hindi kaya. Baka si Heaven 'yong tinitingnan niya."
"Totoo kaya! Uy! Kinikilig si Nat oh!" sabi ni Heaven. "Ano, mapapalitan na ba si Lucas niyan?"
"No!" mabilis pa sa kidlat kong tanggi. "Sa isang lalaki lang ako kinikilig 'no!"
"Hindi ka naman pinapansin," sabat ni Theo. "Tingnan mo nga oh... laging may sariling mundo."
Napalingon kaming lahat kay Lucas na nakatungo lamang habang nakatitig sa phone niya.
"Correction! Pinapansin na niya ako ngayon so... may pag-asa na!"
Sabay-sabay silang napabuntong-hininga.
Bakit ba?
Totoo naman eh! Pinapansin na kaya niya ako.
"You're out of your mind," Theo replied. Umiiling-iling pa ito bago umiwas ng tingin.
"Whatever! Doon ka nga kina kuya. Girls only dito. At saka akala ko ba maghahanap ka ng chicks?"
"Ikaw naman! Selos ka agad," sabi niya sabay akbay sa akin. Itinulak ko naman siya kaagad.
"Yuck! No way!"
Napailing si Heaven. "Tsk. Paano ka makakahanap ng chicks niyan kung lagi kang nakadikit kay Nat?"
Li agreed. "Baka mapagkamalan pang taken ka na!"
"Sus. Gusto niyo lang akong itaboy eh."
Napahawak ako sa kumukulo kong tiyan. Hindi nga pala ako masyadong kumain ng lunch. Nalipasan na tuloy ako ng gutom.
"May gusto kang kainin?" Theo asked, nung mapansin niya ito kaya tumango lamang ako.
Dumako ang tingin ko sa mga food stall na malapit sa aming pwesto. "Siguro, fish and fries na lang! Bigla akong natakam."
"Kayo, anong gusto niyo?"
"We'll go with you na lang," Li replied.
Tumayo na sila at inalok din sina kuya na bumili ng makakain. Napatingin naman ako sa unahan nung makitang may nag-aayos na ng mga gagamiting instruments sa stage. Lahat sila nakaitim at mukhang bata pa. Hindi siguro lumalayo ang edad nila sa amin.
Kinulbit ako ni Heaven. "I'm gotta grab us some tornado potato. Dito ka na lang ah?"
I nodded. "Sure."
No'ng makaalis na rin si Heaven, bigla akong nagsisi dahil hindi ako sumama sa kanila. Wala kasi akong kasama sa table. Paglingon ko sa pwesto nina Lucas, tanging siya at si Jasper lamang ang nandoon.
"Kawawa naman si bata, naiwan mag-isa," pakantang asar ni Jasper nung makita niya ako.
"Bwiset ka talaga, kalbo."
Bumelat lamang siya sa akin. Siya nga 'tong parang bata. Kung anong kinalaki ng katawan nitong si Jasper, siya namang kinaliit ng pag-iisip.
"Naknangpot! Inggit ka 'no?" Hinaplos pa niya ang semi-kalbo niyang ulo. "Kalbuhin din kita, libre lang."
Napairap na lang ako ng mata. Bwisit talaga 'tong si Jasper. Kahit kailan walang sense ang sinasabi.
Kinuha ko na lamang ang phone ko at nag-browse sa FB. Sobrang awkward kasi 'pag wala akong kausap. I feel alone lalo na at napapaligiran ako ng mga tao.
Kasalukuyan akong nagtitingin ng mga pictures no'ng maramdaman kong may umupo sa unahan ko. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko na naman 'yong lalaking sinasabi nina Li kanina.
Nakasando ito at binabalandra ang kanyang biceps na mukhang matagal niyang pinaghirapan. May kasingkitan ang mata niya at medyo may kakapalan ang kilay.
"Hi, miss. I hope you don't mind," sabi niya. "Gusto ko lang sanang makipag-kilala."
Napalunok ako. What do I say? Totoo nga atang ako ang tinitingnan niya kanina.
"Uhhh—"
Ngumiti siya sa akin. There's something creepy about him. Maybe it's his eyes. Or the way he's looking at me right now.
"Ano nga palang pangalan mo?"
Sasagot pa lang sana ako no'ng maramdaman kong may tumabi sa akin. Paglingon ko ay nakita ko si Lucas na seryosong nakatitig do'n sa lalaki.
Umakbay pa siya sa akin at sinabi ang mga katagang hindi ko na ata malilimutan buong buhay ko.
"She's my girl."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top