Kabanata 3

KINABUKASAN sobrang ganda ng gising ko kahit wala akong masyadong tulog. Sabihan ka ba naman ng crush mo na maganda, sinong hindi gaganda ang umaga 'di ba?

"Where are your friends, Nathalia? Sila na lang ang iniintay," iritadong tanong ni Kuya.

Ang init na naman ng ulo niya. Kasalukuyan niyang tinutulungan ang driver namin na ilagay ang mga dadalhin naming maleta sa kotse.

Nahiya naman ako sa tatlong maleta na dala ko. Halos tigi-tigisa lang sila eh.

"Relax. They're on their way, Kuya," sagot ko nang walang kagana-gana.

Nagsalita bigla si Theo sa tabi ko.

"May tinatago ka bang tao sa maleta mo, Thalia? Ba't ang dami niyan?"

Inirapan ko kaagad siya.

"Hello? Two months kaya tayo do'n sa resort! Ikaw naman! Parang 'di ka pa nasanay sa'kin."

Nakaupo kami ngayon sa pareho naming maleta at nag-iintay lamang sa may garahe.

"Wala, natanong lang. Baka may na-kidnap ka na palang bata d'yan o ano."

"Ang pakialamero mo talaga!"

Hinampas ko siya sa balikat kaya napangiwi siya. Gumanti naman siya kaagad at tinulak ang noo ko.

"Ang sakit no'n ha! Babalian mo ba ako ng leeg?" galit kong saad sa kanya.

Tumayo na ako at pumuwesto sa likuran niya saka siya hinead-lock. Automatik naman na hinawakan niya ang brasong nakapulupot sa kanya.

"Aray! Biro lang eh!" Sigaw niya sa akin sabay hampas pa sa ulo ko. Hindi ko naman iyon pinansin.

"Hoy! Hindi ako makahinga, Thalia!"

Hindi pa rin ako bumibitaw sa kanya pagkatapos ay ginanutan ko rin siya gamit ang kabilang kamay ko.

"Gago! Masakit na talaga!"

"Aasarin mo pa ako?"

Nakahawak siya sa braso ko at niluluwagan ang pagkakasakal ko sa kanya. Kitang-kita ang pagkakaiba ng aming balat tuwing magkakatabi kami. Ang kanya ay natural na kayumanggi na siyang lagi kong kinaiinggitan.

"Hindi na nga!"

"Para kayong tanga," komento ni Kuya Josef nung nadaanan niya kami.

Bumitaw na ako sa kanya at pumunta sa harap niya. Pinasadahan ko ng kamay ko ang aking leeg na parang sinasabing 'patay ka sa'kin' kaya umiling na lamang siya habang natatawa.

Theo and I are childhood friends. Mas nauna ko siyang nakilala kay Heaven kaya ganito kami kalapit sa isa't isa. He used to live across our house but they moved to another village, just a year ago.

We almost knew everything about each other. Maski kahit mga nunal at taling namin sa katawan, alam namin. Siguro dahil din magka-edad kami, kaya mas nagkakaintindihan kaming dalawa.

Dumating na rin sa wakas sina Heaven. Sumabay na rin kasi sa kanya ang isa ko pang kaibigan na si Li kaya medyo nalate sila.

Pagkababa nila sa sasakyan ay nag-takbuhan sila papasok sa gate namin. Parang mga bata!

"I'm so ready, bunso!" sigaw na pahayag ni Li.

Lumapit siya sa pwesto namin ni Theo at niyakap ako ng sobrang higpit. Halos maubo ako sa sobrang tapang ng pabango niya. Bihis na bihis talaga ang isang 'to at naka-makeup pa! Nakalugay lamang ang buhok nito na mukhang hindi na niya nagawang ikulot.

Sa aming magkakabarkada, si Li talaga ang pinakakikay. Kahit maliit ito ay alam niya kung paano dalhin ang sarili. Wala talagang pinipiling lugar ang mga pormahan niya. Kaya lagi akong talbog sa kanya pagdating sa mga outfit of the day.

Kagaya ngayon, nakasuot siya ng yellow halter top na pinares niya sa wide-leg pants. Siguro palusot na din niya ito para makapagtakong.

"Mukha ngang handang-handa kayo ni Thalia."

"Dapat lang! Malay mo do'n ko pala mameet ang prince charming ko," sagot niya. Iwinagayway pa nito ang mahabang buhok.

"Sus, walang gano'n! Bahala kayong manigas do'n kakahanap."

Tinaboy niya pabiro si Theo. "You are so nega, Theo! H'wag ka ngang makadikit sa'kin at baka mahawa ako sa vibe mo. Shooo!"

Bumaling naman ako kay Heaven at niyakap siya.

"Hay nako, Nat. Sisihin mo 'tong si Li kung bakit kami na-late," bungad niya pagka-beso sa akin.

She's wearing a blue embroidered top paired with a drawstring waist shorts. Bumagay ito lalo sa tan niyang balat. May dala rin siyang isang asul na maleta.

"Alright, alright! Kasalanan ko na."

"Biruin mo kung hindi pa namin siya sinundo ay hindi talaga siya gigising!"

Sumimangot naman si Li. "It's better late than never!"

Narinig siguro nina kuya ang ingay namin kaya lumabas na ulit sila ng bahay. No'ng makita nila kami ay napapalakpak siya.

"Finally. We've been waiting for ages."

Lumabas na rin sina Jasper, Isra at Lucas na kanina pa nag-aantay sa loob. Pinagalitan pa nga ako ni kuya kanina kasi kahit mas nauna akong gumising sa kanila, ako pa rin ang pinakahuling natapos sa amin.

What does he expect? Mabagal talaga ako kumilos!

"Ang OA mo! Thirty minutes lang naman na-late!" Mabilis na depensa ni Heaven.

Ipinalagay muna namin ang mga dadalhing maleta sa isang kotse. Grabe! Puno na ata 'yon sa gamit pa lamang namin ni Li eh.

"Good morning, ladies," pagbati ni Isra sa mga kaibigan ko.

Inalis niya ang suot na sunglasses at nag-feeling gwapo na naman sa harap namin. Nakasuot lamang siya ngayon ng grey na sando at shorts.

Kitang-kita pa ang ipinagyayabang nitong biceps.

Bago pa ito makahirit ay sinipa na siya papasok sa van ni Kuya Josef. "Agang-aga, naaalibadbaran ako sa pag-mumukha mo, Isra."

"Mamatay na ang kill joy," sigaw nito mula sa loob.

Isa-isa na rin kaming pumasok. Puwesto kaming mga babae sa parteng likuran kung saan may ilang mga solo seats. Umupo ako sa harapan nina Heaven at syempre ni-reserve ko ang seat na katabi ko para kay Lucas.

Hay, mabuti na lang ang lambot ng upuan. Hindi mananakit puwet ko nito. Six hours pa naman ang byahe. Ito ang pinaka-exciting kapag pupunta kaming Collantes Resort eh—'yong roadtrip!

Every summer, nagbabakasyon kami sa beach resort namin kasama ang mga barkada. Minsan iba-iba ini-invite ko depende kung sinong puwede.

Dahil personalised itong van namin, may ilang solo seat ito para sa passengers, may pang-grupo rin tapos may maliit na vanity mirror pa sa pinakalikod.

"Hep! Dito ka sa unahan ko, Theo. Reserved na ang seat na 'yan."

Itinaas ko ang aking kamay para pigilan siyang umupo sa tabi ko. Iniharang ko pa ang paa ko roon na kaagad niyang sinipa. Pagkatapos ay tinaasan pa niya ako ng gitnang daliri.

"Damot naman. Para-paraan ka eh."

Wala na itong nagawa kun'di ang umupo sa harapan ko. Nakita ko namang pinaka-huling pumasok si Lucas sa van. Lumingon pa ito sa gawi namin at naglakad na palapit sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Napangiti na lamang ako. Kung 'di ako tutulungan ni tadhana, ako na ang gagawa ng paraan.

I'm sure may hang-over pa ang mga 'to kaya malamang knock-out sila sa byahe.

Ayos! Mapagmamasdan ko na naman si Lucas.

Hala. Para na naman akong pervert niyan!

Mahigit dalawang oras na ata ang nakakaraan mula no'ng makaalis kami sa bahay. Nag-play sila ng movie sa unahan pero wala akong naintindihan.

Napalingon ako kay Lucas na kasalukuyang nakapikit at nakasandal sa bintana.

Sobrang gwapo niya talaga.

"Girl, unti-untiin mo naman. Baka matunaw na 'yan," bulong ni Heaven mula sa likuran ko.

Pagkasabi niya no'n, bigla na lamang lumiko pagilid ang van na sinasakyan namin. Mukhang may iniwasan ata ang driver namin sa daan.

Napalingon ako kay Lucas no'ng makita kong nakahawak na siya sa ulo niya at hinihimas ito.

"Ayos ka lang?" Nahihiya kong tanong.

"What happened?"

"May tumawid na aso," sagot ni kuya sa unahan.

Sumandal siya muli sa upuan at hinilot ang ulo niya. Masama na siguro ang pakiramdam niya.

At syempre dahil nagpapalakas ako sa kanya, binuksan ko ang dala kong purse at kumuha ng paracetamol. Nag-hesitate pa ako sandali pero nilakasan ko ang loob ko't inabot ito sa kaniya.

"Ito o, paracetamol. Mahaba pa ang byahe natin baka lalong sumama pakiramdam mo."

Tumingin siya sa akin at tumango lamang. Kinuha niya ito kaagad at sinabing, "May tubig ka ba diyan?"

Mabilis pa kay flash na inabot ko sa kanya ang water bottle sa tabi ko. Para pa akong nakuryente no'ng nahawakan niya ng kaunti ang kamay ko.

Mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko at hindi ako napabitaw kaagad.

"Thank you," sabi niya at binalik na sa akin ang water bottle ko.

Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pag-ngiti ko. Para na siguro akong tangang nagpipigil ng kilig sa inuupuan ko. Kung wala lang siya dito, baka nagwala na ako.

Naramdaman kong sinipa ni Heaven ang upuan ko mula sa likod kaya napaayos ako ng upo.

"Galing talaga. Bigyan kita ng korona mamaya," pang-aasar na bulong niya sa'kin.

Napasandal ako ulit sa upuan ko. Sumulyap ako sandali kay Lucas at nakitang nakahilig na siya muli sa may bintana. Naaalala kaya niya ang sinabi niya kahapon? Siguro hindi. Ako lang naman ata ang naapektuhan eh.

••••

"Hoy! Tumutulo na laway mo."

Naalimpungatan ako nang biglang may nagsalita sa unahan ko. Naramdaman ko pa ang pagtapik niya sa aking pisngi para gisingin ako.

Pagmulat ko, nakatayo na sa harapan ko si Heaven at nakangisi sa'kin.

"Where are we?" Tanong ko sa kanya sabay unat ng katawan ko.

"We're here!"

Sumilip ako sa labas at nakita ang pamilyar na lugar.

Thank God!

Nakailang stop din kami bago makarating dito pero nakaidlip naman ako kahit isang oras lang.

Medyo nahihilo lang ako dahil nagkamali ako ng pwesto sa upuan ko. Pagtingin ko sa kaliwa ko, wala na doon sina Lucas.

Sumulyap ako sandali sa relo ko at nakitang magaalas-tres na ng hapon. Nice! Ang ganda ng weather ngayon, hindi ganoong kainit sa labas.

Tatlo nga pala ang resort namin dito sa Pilipinas pero ito ang palagi naming pinupuntahan tuwing bakasyon. Ito kasi ang pinakamalaki at ito ang pinakapaborito namin ni kuya. Excited na ako!

Pagbaba ko sa van, iniunat ko ang braso ko at tumalon-talon. Isinuot ko pa ang panama hat na inabot sa akin ni Heaven.

Grabe. Namiss ko ang hangin dito! Siguro kasi dahil pinapalibutan siya ng mga puno at halaman kaya napaka-fresh ng hangin. Ibang-iba sa city na puro usok ang nalalanghap ko.

Pagkapasok namin sa reception ay agad kaming sinalubong ng staff para ibigay ang susi sa tutuluyan naming private villa, which is the Point 3. Ito ang pinakamalaki out of the 5 guest villas. Walo ang rooms doon pero dahil may kalakihan rin ang isang kwarto ay pwede itong pang-dalwahang tao.

Point 3 is the highest villa at the resort. It's also split over three levels. Ang living area ay sa lower level, sa middle naman ang mga kwarto tapos sa upper level naman ang outdoor deck. It also features an infinity edge plunge pool bukod sa private pool sa mismong unahan. Sobrang ganda ng view dito kasi overlooking 'yong ocean. Plus located pa ito sa paligid ng rainforest at coconut palms kaya makakapag-relax talaga ako ng todo.

Ang isa pa sa nagustuhan ko sa resort na ito ay kung gaano ka-unique ang itsura ng mga cottages na pwedeng tuluyan. Hugis tatsulok ang mga ito.

Ang pinakamaliit na cottage ay pwede na sa dalawang tao. Meron din namang iba na pang-malaking pamilya. Iba-iba din ang lokasyon nito. May iba na nasa mismong harap ng beach, may iba na malapit sa entrance, may iba din na malapit sa mga pool area.

Mayroon din ditong iba't ibang entertainment areas. May camping site, may bar, sports area, mayroon ding live music tuwing gabi.

Sinuri ko ang paligid at nakita kung gaano karami ang tao! Mukhang busy sila ngayon. Fully booked daw kasi ang resort kaya good news ito kina daddy.

"Bunso, ang laki talaga ng place niyo!" Saad ni Li.

"Totoo! Sobrang ganda!" Manghang sabi naman ni Heaven at kumuha pa ng ilang litrato sa phone niya.

Nadaanan namin ang beach at ilang mga pools doon. Napakarami ngang tao! Halos nagtinginan ang iba sa amin dahil grupo kaming naglalakad.

May kasunod din kasi kaming employees na tumulong magdala ng maleta namin.

Napalingon ako sa iba't ibang pamilya na nags-swimming sa pool. Kita ko ang laki ng ngiti sa mga labi nila kaya hindi ko maiwasang mapangiti rin.

Isa ito sa mga hilig kong panoorin 'pag nandito kami sa beach resort. Nakakagaan kasi ng loob kapag nakakakita ka ng masayang tao.


"Hoy. Tumingin ka sa dinadaanan mo. Tanga ka pa naman," paalala ni Theo at nilampasan ako.

Medyo malayo na ang agwat nina kuya sa amin dahil gustong-gusto na nilang humiga sa kama. Sina Heaven at Li naman ay busy sa pagkuha ng litrato.

"Punta tayo sa live music mamaya ha! H'wag kang tutulog!" Ani Heaven.

"Heaven! Halika dali!"

Napatingin kami sa unahan no'ng tawagin siya ni Li. Pumunta naman siya kaagad. Nakita ko pang hinampas niya ito sa braso.

"Ginagawa akong photographer, Nat oh! Sa ganda kong 'to?" sigaw niya sa akin.

Napatawa tuloy ako.

Susunod na sana ako sa kanila no'ng maramdaman kong may grupo ng lalaking palapit na sa akin. Naka-itim na damit at pantalon ang mga ito.

Nakatalikod ang isa sa kanila at ang dalawa naman ay nakaharap sa akin. Hindi siguro nila ako napansin dahil may katangkaran itong lalaking nakatalikod sa akin.

"Fuck off, man!" rinig ko pang sabi niya.

Iiwasan ko na sana sila nang bigla itong humarap sa akin at natakid sa kung ano man ang nasa sahig. Dahil din siguro sa gulat niya no'ng makita ako ay hindi siya kaagad nakapag-balanse!

Napapikit na lamang ako no'ng marealize ko na babagsak na siya sa akin! Shit!

I heard him cuss bago ko naramdaman ang katawan niya at tuluyan na kaming nahulog sa pool.

Great!

Now, I'm soaked.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top