Kabanata 20

"What did I do to deserve you?"

Pagkasabi niya noon ay tila bumagal ang takbo ng oras. Hindi ko na rin naisip na posibleng maraming taong nakakakita sa amin ngayon. Ang alam ko lang, I'm having the best time of my life. Right now.

Nang bitawan niya ang aking pisngi ay mabilis kong ipinulupot ang braso sa kanyang leeg para yakapin siya ng mahigpit. Napatingkayad pa ako ng kaunti dahil mas matangkad siya sa akin. Ramdam ko ang saglit niyang paninigas, siguro sa gulat na pagyakap ko pero kinalaunan naman ay niyapos niya ako sa baywang.

"Nathalia, do not forget," bulong niya sa akin. "This... what we have right now is only for temporary. Ayokong umaasa ka na tatagal 'to."

Gusto ko sana siyang sagutin pero wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Wala na lang akong ibang nagawa kung hindi ang tumango sa kanya at kumalas sa pagkakayakap.

"Let's go?" aya ko kay Lucas sabay lahad ng kamay ko sa kanya. Tiningnan niya muna ito bago tuluyang ipinagdikit ang aming mga palad.

Sa totoo lang, hindi ko inexpect na papayag siya. Napakagat ako sa ibabang labi at umiwas ng tingin. Ganito pala ang pakiramdam ng may kahawak ng kamay. Parang akong kinikiliti ng mga paru-parong gustong lumabas sa tiyan ko. And to think na kay Lucas ko ito unang naranasan, para na akong mahihimatay sa kilig.

Pero... tama siya.

No one can know about this dahil alam kong isa si Kuya sa hindi papayag ng relasyon naming dalawa ni Lucas. Kaya ko ba talaga? At the end of this summer, kaya ko ba talagang magpanggap na okay lang na hanggang doon na lamang kami ni Lucas? Handa ba talaga akong tanggapin na kahit kailan hindi niya ako pipiliin?

Tiningnan ko siya muli at kinabisado ang kaliwang bahagi ng kanyang maamong mukha. Maybe—just maybe... I might be able to endure it forever.

NAGPALIPAS pa kami ng ilang oras sa labas hanggang sa dumating ang paglubog ng araw. Hindi pa tumatawag sina Kuya kung anong oras sila uuwi pero para makasiguradong mauuna kami sa kanila ay napagdesisyon na naming bumalik ng villa. Sa hindi pa namin inaasahan ay biglaan na lamang nagsimulang umulan.

"Come here," rinig kong sabi ni Lucas sabay higit palapit sa kanya. Hinubad niya ang suot na jacket at itinaas sa may ulunan ko. Nakahawak siya sa magkabilang dulo nito para hindi kami masyadong mabasa ng ulan. Mabilis naming tinahak ang daan habang nakakapit ako sa laylayan ng kanyang damit.

"Nababasa ka ba?"

"Hindi," sagot ko naman kahit basang-basa na ang damit at paa ko.

"Kumapit ka lang sa 'kin. Baka madulas ka."

Pagkasabi niya noon ay sakto namang napatapak ako sa madulas na parte ng hagdanan. Agad akong  napayakap sa beywang ni Lucas para ibalanse muli ang aking sarili.

"Just hold onto me."

Tumango na lamang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Medyo malakas pa rin ang ulan pagdating namin sa may villa. Pagkasilong namin ay saglit muna kaming nagkatinginan bago ko inalis ang pagkakayakap sa kanya. Pinagpagan muna niya ang basa niyang jacket bago binuksan ang nakakandadong pinto.

"Nathalia Amor!"

Napalingon ako sa likuran nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nanlaki bahagya ang mata ko nang makita ko si Elias sa may kubo. Tumakbo siya palapit sa amin at hindi na inintindi ang kalakasan ng ulan.

"What are you doing here?" halos pasigaw kong tanong sa kanya.

"Sabi ko naman darating ako 'di ba? Tinatawagan kita kanina pero hindi ka sumasagot."

Lumapit ako kaagad sa kinatatayuan niya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Basang-basa siya ng ulan kahit nakasilong na siya sa may kubo roon. Nakayakap pa siya sa sarili habang tumutulo ang tubig mula sa kanyang buhok.

"You're going to get sick! Halika sa loob. Magpalit ka muna ng damit."

Pagkabukas ni Lucas ng pintuan ay nauna na kaming pumasok ni Elias sa loob. Ako naman ay dumiretso muna sa kuwarto ni Kuya Josef at kumuha ng puwedeng niyang maisuot. Isang itim na t-shirt lamang ito at grey na trackpants.

I can't believe that guy! Malay ko bang seryosohin niya ang sinabi niya?

Pagbaba ko sa hagdanan ay nakita ko siyang nakatayo lamang sa gilid ng pintuan. Agad ko namang inabot ang mga damit sa kanya at binigyan rin siya ng tuwalya.

"You can use that shower room, Elias."

Tinuro ko ang bathroom sa katabi ng entertainment room. Tumango lamang naman siya at dumiretso na papasok ng banyo.

"Salamat," narinig ko pang sabi niya bago isara ang pintuan.

Automatik naman na hinanap ng mata ko si Lucas. Naabutan ko siyang nasa may gilid ng hagdanan habang nakatingin ang mga walang buhay niyang mata sa akin.

...

"Sus! Pumunta ka lang naman ata dito para makikain eh! Palusot ka pa!"

Kasalukuyan akong nakapahalumbaba habang pinagmamasdang kumain si Elias. Eh kasi naman ano! Para siyang hindi pinakain ng ilang linggo.

"Kanina—" Huminto muna siya pagsasalita para lunukin ang kinakain niya saka muling nagpatuloy, "Iniintay kitang dumating. Yayayain sana kitang kumain sa labas."

"Akala ko ba naipit ka sa gig kaya hindi tayo natuloy?"

Pinunasan niya saglit ang kanyang bibig gamit ang kanang braso. Pagkatapos ay sinuklay niya ng kamay ang itim na buhok.

"Nagawan ng paraan eh. Tsaka nagbago rin ang isip ko... kaso 'di ka naman nasagot sa tawag ko."

"N-Nagpasama lang ako kay Lucas na bumili ng... ng souvenir para sa iba kong friends. Alam mo na, malapit nang matapos ang May."

"Oo nga 'no! E'di ibig sabihin niyan hindi mo na makikita ang gwapo kong mukha," sagot niya sabay lagay ng kamay sa ilalim ng kanyang baba.

I rolled my eyes. Kahit kailan talaga 'tong lalaking 'to. Ang kapal ng mukha!

"Ano namang kamiss-miss sa'yo? We're not even close?"

"Ang boses ko. Nahumaling ka nga eh. Aminin mo na kasing na-inlove ka sa boses ko... pati sa mukha puwede na rin."

"Oh, please! Huwag kang masyadong mangarap."

"So... tayo lang ba ang tao rito?" he said while grinning at me.

"Andiyan si Lucas sa taas. Huwag kang assuming diyan."

"Gustong-gusto mo na siguro akong paalisin 'no? Para ma-solo mo si Lucas."

"Hindi no!"

"Talaga lang ha? Kung matingnan mo kasi ako parang hindi ako welcome sa bahay mo."

"Kung 'di ka welcome, bakit pa kita pinapakain ngayon?" Mataray kong sagot.

Tinaasan niya lamang ako ng balikat at nagpatuloy sa kanyang pagkain.

"Ikaw ba nagluto neto?" Turo niya sa carbonara sa kanyang harapan. Umiling naman ako.

"Akala ko pa naman ikaw ang nagluto."

"Bakit? Ang sarap 'no?"

Tumango si Elias. Kasalukuyan niyang kinakain ang natira naming carbonara kanina. Mukha nga siyang gutom na gutom eh! Parang hindi pinakain ng isang taon!

"Puwede na. O baka gutom lang talaga ako."

"Si Lucas ang nagluto niyan."

Hindi naman siya nag-react pagkasabi ko noon. Itinuloy niya lang ang kanyang pagkain. Ako naman ay nasa harapan lamang niya at pinapanood siya.

"Kaya ko din 'to eh. Gusto mo pagluto rin kita?"

"Huwag na! First time lang akong ipagluto ni Lucas kaya ayokong makalimutan ang lasa ng carbonara niya."

Umiling-iling sa akin si Elias at nakita ko pa ang pagpipigil niya ng tawa.

"Ibang klase talaga magmahal ang isang Nathalia Amor," panunukso niya. "Ang lupet mo!"

I rolled my eyes. "Pero 'di nga mas masarap akong magluto nito. Ano? Pagluto na kita?"

"Ang kulit mo rin! Ayoko nga eh."

Napatigil ako at napasandal sa upuan nung may marinig akong tumikhim. Pumasok sa kusina si Lucas at binuksan ang ref. Ni hindi man lang nito pinansin ang presensya namin ni Elias. Maski si Elias ay hindi man lang lumingon. Kumuha lang ito ng isang can ng softdrink at kaagad ring umalis. Pilit kong nginitian si Elias nang mahuli niya akong sinundan ng tingin si Lucas.

"Nathalia Amor, mukhang gumagana na ah?"

Kumunot ang noo ko. "Gumagana ang?"

Huminga pa siya ng malalim na wari'y may nilalanghap na mabangong amoy. "Mukhang may nagseselos na."

...

HALOS magkasunod lamang na dumating sina Kuya at Daddy sa villa. Basang-basa ang buhok nilang lahat nang dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan. Kulang na lamang ay bumagsak ang mga mukha nila sa sahig sa sobrang pagod.

"Ba't ganyan ang mga mukha niyo?" pambungad na tanong ni Daddy.

Si Kuya Josef ay kaagad na hinubad ang basa niyang damit at isinampay ito sa may hawakan ng hagdanan. Urgh. Boys! Si Isra naman ay nakita kong sinusubukang tuyuin ang basang buhok gamit ang kanyang panyo. Napairap pa ako ng mata nang makita kong basta na lamang sumampa si Jasper sa couch kahit basang-basa ang damit nito.

"Get off the couch, Jasper! Ang dugyot mo talaga!"

"Yes, Ma'am!"

Kaagad rin naman itong sumunod pagkasigaw ko. Susubukan sana nitong hubarin ang basang damit pero napahinto ito nang lumingon pabalik kay Daddy. Mabilis nitong tinungo ang banyo.

"Are you wearing my clothes?" rinig kong tanong ni Kuya Josef kaya nagtinginan lahat sa kanya. 

Tumango si Elias. "Oo. I hope you didn't mind. Pinahiram sa 'kin ng kapatid mo."

"Ah! Sorry, Kuya. Basang-basa kasi ng ulan kanina si Elias kaya kumuha muna ako sa damitan mo."

Tiningnan muna ako nito nang may pagtataka sa mukha bago tumango. "Okay. Nasaan nga pala si Lucas?" pag-iibang tanong nito. 

"Nasa.... kuwarto niya ata."

Bigla namang lumapit sa kinatatayuan ko si Dad. He kissed the top of my head.

"Anong oras kayo nakauwi?" he asked.

Tiningnan ko saglit si Elias na kasalukuyang nakangisi sa tabi ko. Magsasalita na sana siya nang unahan ko bigla. "Well, we came back early. You know, Elias. Laging on time 'yan!"

"Good evening, sir," bati niya.

"Good to hear. Puwedeng-puwede ka talagang maging bodyguard ng unica hija ko, hindi ba, anak?"

"Dad!"

Itinaas nito ang parehong kamay. "I'm kidding."

"Actually, mayroon pala akong gustong ipaalam sa inyo, sir."

Tiningnan naman ulit siya ni Daddy. What are you planning to say now, Elias? I tried to catch his eye pero sinasadya niya talagang hindi ako tingnan. Ang sama talaga ng lalaking 'to!

"Gusto ko lang ho sanang magpaalam.... na ligawan ang unica hija niyo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top