Kabanata 19

BUONG araw kaming nanatili sa villa ni Lucas. I couldn't be happier. Am I dreaming? Nakikita ko ba talagang nakangiti ngayon si Lucas nang dahil sa akin? Kung panaginip man 'to, ayoko nang magising.

Alam kong hindi niya ako gusto kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Pero lahat naman ng bagay natututunan mahalin 'di ba?

It's not over for me yet... at ayaw ko pang sumuko.

"What do you want to eat?" tanong niya sa gitna ng panonood namin ng movie.

Magkatabi kaming nakaupo sa couch at magkahati ng kumot. Pareho pang nakataas ang mga paa namin dahil binuksan niya ang aircon sa buong bahay.

"I don't know. May alam ka bang lutuin?"

"I'll cook your favorite."

Kaagad akong lumingon sa puwesto niya pero nakaiwas lang siya ng tingin na parang nahihiya.

"You know my favorite food?"

"Carbonara, right?"

Nagulat naman ako. "Paano mo nalaman?"

"Huwag kang masyadong kiligin diyan. Kaibigan ko ang kuya mo, 'di ba?"

Bigla tuloy bumagsak ang balikat ko. Akala ko pa naman inoobserbahan niya ako. Nakanguso akong tumingin sa kanya nang bigla siyang tumayo.

"You're cute," sabi niya sabay gulo ng buhok ko.

Hindi ko na naman naiwasang ngumiti. Sinundan ko lamang siya ng tingin nung pumunta siya sa kusina. Ako naman, ngising-aso pa rin. Napahiga ako sa couch at nagtalukbong ng kumot.

Is this really happening? Me and Lucas? Parang kahapon lang magkaaway pa kami ah! Well, I'm not saying na kami na but still, I'm grateful that he is now acknowledging my feelings for him. Kahit na sinabi niyang pansamantala lamang ito.

This is a good start, right? And I'm so happy!

"Nathalia..." Napaupo ako kaagad nang marinig kong tinawag niya ako. Bakit pagdating sa kanya parang ang sarap lagi pakinggan ng pangalan ko?

Geez! I'm being corny again!

"Yes?"

"Do you want to help me?"

My face lit up like a bulb. "Sure! Pero hindi ako marunong magluto ha."

Sinundan ko siya sa kusina. Nakita ko siyang inihahanda ang mga ingredients na gagamitin.

"It's alright. You can cut this for me."

Inabot niya sa akin ang isang buong sibuyas. Sabay naman kaming nagkatinginan nang dumampi ang kamay niya sa akin. Nauna siyang bumitaw.

"I'll start with the pasta," sabi niya at mabilis na tumalikod sa akin.

Ako naman ay kumuha ng chopping board at inumpisahan nang hiwain ang sibuyas. Palihim pa akong nagdasal na hindi ko masugatan ang kamay ko. Hindi pa naman ako marunong gumamit nito.

"Are you okay?"

Sa sobrang pagko-concentrate ko sa ginagawa ko, muntik nang mahiwa ang daliri ko nung tawagin niya ako. Itinaas ko agad ang hawak kong kutsilyo.

Napatawa siya. "Alam mo ba ang ginagawa mo?"

"Hindi." Napakamot ako sa ulo. "Sorry naman. First time ko lang kasi talagang gawin 'to."

Lumapit siya sa akin at tinabihan ako. Itinuro niya ang sibuyas sa harapan ko at sinabing, "Cut it in half first. Then, you can go from there."

Sobrang nakakahiya naman! Siguro iniisip niya ngayon na isa akong spoiled brat na tagakain lang ng pagkain. Kahit paghahati nga lang ng sibuyas, hindi ko pa alam. Nakakahiya!

"Like this?"

Ipinuwesto ko na ang kutsilyo sa gitna ng sibuyas at tumango lamang siya. Ramdam ko bigla ang panginginig ng kamay ko. Sino ba namang hindi kakabahan kung ganito siya kalapit at titig na titig sa ginagawa ko?

"Here," rinig kong sabi niya. "I'll help you."

Pumunta siya sa likuran ko at ginabayan ako sa paghahati. Nakapatong ang kamay niya sa pareho kong kamay at dahan-dahang pinasadahan ng kutsilyo ang sibuyas. Ako naman ay mistulang naging istatwa sa kinatatayuan at nakalimutan na ring huminga. Para akong nablanko nang maramdaman ko ang init ng katawan niya sa likod ko. Idagdag pa na nakadikit ng kaunti ang ulo niya sa ulo ko.

"Easy, right?" bulong niya sa tainga ko.

Napalingon naman ako sa gawi niya at nakita ang malalim niyang titig sa akin. Ramdam ko ang bahagyang pamumula ng mukha ko nang mahuli ko siyang bumaba ang tingin sa labi ko.

"Sorry," sabi niya at mabilis na inalis ang pagkakahawak sa akin na animo'y napaso sa balat ko.

Pagkatalikod niya sa akin ay agad akong napahawak sa dibdib ko. Shocks! Nang dahil sa mga titig niyang 'yon, nakalimutan ko na ring huminga!

PAGKATAPOS ko sa paghiwa ng bacon at mushroom, ibinigay ko na ito sa kanya. Inilagay naman niya ito kaagad sa mainit na kawali.

Nakatitig lamang ako sa kanya habang nakatuon ang atensyon niya sa pagluluto. Why is he so damn attractive? Lalo na kapag ganito siya kaseryoso.

Ngayon ko lang napagtanto na medyo humahaba na ang malambot niyang buhok. Bigla ko namang naimagine kung anong magiging itsura niya kung magpakalbo siya katulad ni Jasper.

Hindi ko napigilang mapatawa ng mahina.

"What are you giggling about?"

Napailing lamang ako sa kanya.

"Bakit mo 'ko tinatawanan?"

"Nothing." Nakangiti ko pa ring sagot. "Bigla lang kasi kitang naimagine sa hairstyle ni Jasper at Isra."

"Huwag mo nang pangarapin. I would never shave my head."

"I know," sabi ko. "Pero siguro kahit na ano namang hairstyle, babagay sa 'yo..."

Inantay ko siyang mag-react sa sinabi ko pero wala naman akong narinig sa kanya. Sa sobrang kakisigan niya, siguro sanay na sanay na siyang mapuri ng ibang tao. Halos wala na lang sa kanya na masabihang guwapo.

Makalipas ang ilang minuto, natapos na rin ang niluluto niya. Napapikit pa ako at nilanghap ang amoy ng carbonara.

"Amoy pa lang, masarap na!"

"Don't expect. Baka mamaya hindi mo magustuhan."

Kumuha siya ng dalawang plato at tinidor. Ipinatong niya ito sa magkabilang parte ng table. Umupo na ako at kaagad rin siyang sumunod.

Habang kumakain kami ay halos mabingi ako sa katahimikan. Bigla tuloy akong na-conscious sa itsura ko. Ngayon ko lang kasi siya nakasamang kumain, na kaming dalawa lang.

Nang dahil na rin siguro walang nagsasalita sa aming dalawa, nagulat ako nung tumunog ang phone ko. Pagkakita ko sa screen ay tumatawag si Elias. Sumulyap muna ako kay Lucas na kasalukuyang nakatingin rin sa akin.

"Excuse me lang."

Tumayo na ako at pumunta sa may lounge area.

"Hello?"

[Hey, Nathalia Amor.]

"Why are you calling?"

[Bakit ka bumubulong?]

"Basta. What do you want?"

Tumingin pa ako sa likuran.

[Bad time?]

"Ano nga kasi, Elias? Kumakain ako."

[Oh, okay. Wala lang. Trinay ko lang tumawag.]

"Ang lakas ng trip mo! Mamaya na lang ulit—"

[Hoy teka! Nabasa mo ba 'yong text ko? 'Di ka nagreply.]

"Yes, I read it. It's okay. No biggie."

[So, can I come over?]

"Saan?"

[To your house. Wala lang. Makikitambay lang.]

Do I tell him no? Hindi naman sa dahil gusto kong masolo sa bahay si Lucas pero two guys with a minor? What does that make me?

"I don't know. What time are you coming? Wala rito sina kuya ha. Actually it's just... me and Lucas at the house."

[I see...] May halong panunukso ang pananalita niya.

"What? You're the one who cancelled our plan, Elias."

[Okay. Enjoy ka muna diyan. Darating pa rin ako mamaya.]

Sasagot pa sana ako nang bigla niya akong babaan. Aba't bastos na lalaki 'to ah! Hindi pa nga ako pumapayag na pumunta siya dito eh.

Pagbalik ko sa kusina ay tahimik pa rin na kumakain si Lucas. Ipinatong ko muna sa tabi ang phone ko at itinuloy ang pagkain ko.

"It's really good, Lucas. Walang biro."

Tumango lamang naman siya. Nakatingin lamang siya sa plato ko na parang hindi naman nakikinig sa sinasabi ko.

"Saan ka pala natutong magluto?"

Nagtaka naman ako nung hindi siya sumagot. Nakatulala lamang siya at nakakunot ang noo na parang napakalalim ng iniisip.

"Lucas?" "Do you want to go out after this?"
Halos sabay naming sabi.

"H-Ha?"

Wait—what? Niyayaya ba niya akong lumabas o nabingi lang ako?

"I said..." Nakita kong may pagka-alanganin sa mukha niya bago nagpatuloy, "N-Nevermind. Forget what I said."

Itinuloy niya muli ang pagkain sa harapan ko na parang wala lang. At ako naman 'tong hindi mapakali ngayon. I can't miss this chance!

"It's fine with me. W-Wala naman akong gagawin ngayon. Elias cancelled our plans so maybe... w-we can go instead?"

Ito na naman! Bakit ba parang pumipilipit na naman ang dila ko? Umayos ka, Nathalia!

"Really?"

Tumango ako.

"Alright, then," sabi niya sabay tayo at ligpit ng kinainan niya.

"Where are you going?"

"Liligo na," sagot ni Lucas habang nakatalikod sa akin. Kasalukuyan na niyang hinuhugasan ang platong kinainan.

"Tapos ka na agad?"

Hindi naman niya sinagot ang tanong ko.

"Iwan mo na lang dito ang plato mo mamaya. Ako na ang bahala."

Pinanood ko lamang siya habang inililigpit ang natira naming carbonara. Pagkatapos ay walang imik siyang lumabas ng kusina at iniwan akong mag-isang kumakain.

Anong problema no'n? May nasabi ba akong masama? Ayaw niya ba akong makasabay kumain? Napakamot tuloy ako sa ulo.

Tinapos ko na lang ng madalian ang pagkain ko at nagbihis na ng pang-alis. Hindi ko alam kung ilang oras ang inabot ko sa pamimili pa lang ng damit.

Syempre! I need to wear my prettiest dress sa first date namin ni Lucas. He may not call this a date, pero big deal 'to sa akin 'no! Kung nandito lang siguro si Heaven, nabatukan na naman ako no'n.

In the end, napagdesisyunan ko na lang na isuot ang puting off shoulder dress ko na hindi naman kaiklian. Ipinares ko rin ito sa itim na sandals at beige na straw sun hat na may itim na ribbon sa likod. Hindi na rin ako masyadong nakapaglagay ng make-up dahil kanina pa akong tinatawag ni Lucas sa baba.

Dali-dali akong lumabas ng kuwarto pagkakuha ko ng aking rattan bag at sinalubong siya sa may hagdanan. Napansin ko pang pinasadahan muna niya ako ng tingin bago magsalita.

"What took you so long?"

"Ah... hindi ko kasi alam ang isusuot ko."

Napakamot ako sa ulo at nauna nang bumaba sa kanya. Ewan ko. Bigla akong nahiya sa suot ko. Hindi naman maikli ang dress ko pero panay hila ko sa laylayan nito.

"Let's go?"

Tiningnan ako ng malalalim niyang mga mata kaya napatango na lamang ako. He looks so handsome! Kahit nakaitim lamang siya na tshirt at board shorts, ang lakas pa rin ng dating niya.

Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko habang naglalakad kami papunta sa may beach. Nakahawak lamang ako sa strap ng bag ko at pasimpleng sinusulyapan siya. Nakatingin lamang siya sa unahan at seryosong naglalakad.

"Gusto mo ng ice cream?" rinig kong tanong niya.

Sasagot pa lang sana ako nang biglang humangin ng malakas. Automatik na napahawak ako sa suot kong hat para hindi ito liparin. Nagulat pa ako nang maramdaman kong ipinatong rin ni Lucas ang kamay niya sa taas ng kamay ko nang subukan niya rin itong pigilan.

"T-Thanks."

Nauna na siyang pumunta sa bilihan ng ice cream. Nakasunod lamang ako sa kanya at naupo sa malapit na bench. Hindi ko napigilang mapasimangot nang makita kong may kausap na kaagad siyang babae. Grabe, bakit pagdating sa kanya lagi akong nagseselos? Kahit pa man noon pa lang na hindi pa niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya.

Sinulyapan niya ako saglit pero umiwas rin naman. Napapadyak na lamang ako ng paa at nakangusong tumingin sa malayo. Ilang minuto pa ang nakalipas hanggang maramdaman ko siya sa harapan ko.

Inabot niya sa akin ang isang cone na may chocolate ice cream kaya tinanggap ko naman ito. Hindi ko pala nasabi sa kanya na hindi ako mahilig sa chocolate.

Sinundan ko na lamang siya nang magsimula na siyang maglakad paalis. Walang nagsasalita sa aming dalawa kaya panay rin ang sulyap ko sa kanya.

But it's okay. Having him here... beside me is more than enough.

Napatingin ako sa pareho naming paa na lumulubog sa mapipino at mapuputing buhangin. Inalis ko sandali ang suot kong sandals para hindi ako mahirapang maglakad.

Dumiretso lamang kami hanggang makarating sa may dalawang palm trees. Bahagyang nakahilig ang trunk ng mga ito at nagtatagpo ang ibabaw na parte sa gitna. Sa ilalim naman nito ay mayroong dalawang upuan na gawa sa kahoy. Humiga ako rito at pinagmasdan ang mabagal na pagdilim ng kalangitan.

"Dinadala mo rin ba sa may dagat si Olivia noong kayo pa?" Hindi ko napigilang maitanong sa kanya.

Napatigil saglit si Lucas sa kanyang kinauupuan.

"Oo. Mahilig rin siya sa dagat katulad mo."

"Talaga? Sa tingin mo ba kung nandito pa siya, magkakasundo kami?"

Tumingin siya sa akin at tipid na ngumiti. "Oo naman."

"What was she like, Lucas? Puwede ka bang magkuwento tungkol sa kanya?"

Umiling siya. "I'd rather want to know more about you, Nathalia."

Hindi ko naiwasang mapalunok sa sinabi niya. Agad akong napaiwas at pinaypayan ang sarili nang dahil sa init. Right. It's because of the sun.

"How's your study going?"

Napasimangot ako. "Not good. You know that I'm not really good with acads. Kahit na siguro ang pinakamatalinong tao pa ang mag-tutor sa akin, I will never be as intelligent as Kuya Josef."

I shrugged and continued. "I guess may ganito talagang tao. Na hindi pinagpala sa utak. May butas siguro ako sa ulo kaya nakakalabas lahat ng mga natutunan ko sa school."

Tinawanan naman niya ako sabay iling. "At least you made it. Have you decided on what to take for college?"

Nagkibit-balikat ako. Ayoko talagang pinag-uusapan ang mga ganitong bagay. I feel so ashamed. Para kasing hindi normal sa isang tao na hindi niya alam kung anong pangarap niya.

Everyone has a dream. Nagsisimula 'yon sa pagkabata. Minsan nag-iiba habang lumalaki pero it does not matter. Kasi at least they know what they want to become, unlike me.

Pakiramdam ko ako lang ang kaisa-isang tao sa mundo na walang pangarap. Hindi ko pa rin napag-iisipan kung anong gusto kong tahaking daan. Bakit kaya? Paano ba malalaman kung iyon na ang pangarap mo?

"Same as Kuya Josef. Gusto kasi ni Dad na pareho naming matutunan kung paano magpatakbo ng business."

"But you also wanted it... right?"

Tumango na lamang ako at sandaling nag-unat. Ramdam ko ang mga titig niya sa 'kin sa gilid pero hindi ko muna siya nilingon muli.

Tumingin lamang ako sa malayo at inubos ang kinakain kong ice-cream. Bigla na lamang tumahimik ang paligid. Tanging ang sipol lamang ng hanging dumadampi sa aking balat ang naririnig ko.

"Lucas, sa tingin mo ba... magugustuhan niya ako para sa'yo?"

Hindi kaagad siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nakatuon na rin ang atensyon niya sa palubong na araw. What do you really think of me, Lucas?

Napabuntong-hininga na lamang ako nang wala akong marinig na salita sa kanya. Babawiin ko na sana ang mga sinabi ko nang bigla siyang sumagot.

"Lahat naman ng nagugustuhan ko, nagugustuhan rin niya..."

Nakaiwas pa rin siya ng tingin sa akin na parang nahihiya. Napakamot pa siya saglit sa kanyang noo bago tumayo sa kinauupuan. Tumalikod siya sa akin at nagsimula nang maglakad paalis.

"Talaga?" Mabilis ko siyang tinabihan at binigyan ng abot-langit na ngiti. "I really hope so!"

Tipid lamang niya akong nginitian pabalik.

"Olivia, wherever you are, I want you to know that I'll be taking care of Lucas now. You don't have to worry.... because I love him more than anything in the world!"

Napahinto ako sa paglalakad nang maramdaman kong wala na siya sa tabi ko. Paglingon ko sa kanya ay nakatitig lamang siya sa akin na parang may nasabi akong mali. Kinakabahan kong nilapitan si Lucas. Ramdam ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso sa dibdib ko. Is he mad at me again?

Nang makarating ako sa harap niya ay automatik na napapikit ako—natatakot sa maaari niyang sabihin.

"How did you become so beautiful, Nathalia?"

He cupped my cheeks. Pagmulat ko ay kaagad nagtungo ang atensyon ko sa nakahuhumaling niyang mga mata. He gazed into my eyes for as long as I could remember.

"What did I do to deserve you?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top