Kabanata 18
"Nathalia... can we talk?"
Saglit akong napalunok habang pinagmamasdan siyang nakapamulsa sa harapan ko. Napakapit ako sa tuwalya na nakasabit sa balikat ko. Mula sa pagkakababad ng mga paa ko sa pool ay tumayo na ako para makipag-usap sa kanya.
Ikinawit ko ang basa kong buhok sa likod ng aking tainga. Pagkatapos ay tumungo ako sa kalapit na maliit na kubo at doon naupo. Ilang segundo pa ang lumipas bago siya sumunod sa akin.
Mabuti na lamang at hindi ko naisipang mag-one piece ngayon kun'di nakaganoon ako habang kausap ni Lucas. Nakita ko siyang umupo sa may sulok habang ako naman ay nasa kabilang bahagi ng kubo.
"I could only remember a fragment of what happened yesterday. Alam kong may nasabi na naman ako sa'yong hindi mo nagustuhan," mahina niyang sabi. "And.... I really am sorry."
"It's okay."
Mula sa pagkakatungo ay tumingin siya sa akin. Guilt was written all over his face.
"No. It's never okay. What I did..." he paused, "and said to you— malaking pagkakamali 'yon."
Kahit na nanlalamig ang buong katawan ko, ramdam na ramdam ko ang biglang pag-init ng mukha ko. Idagdag pa kung paano niya ako titigan ngayon.
"A-And the kiss." Napatungo muli siya pagkasabi noon. "I'm sorry if I took that away from you."
"Kota ka na." Hindi ko alam kung paano ko hinugot ang boses ko matapos niyang ipaalala ang ninakaw niyang halik sa akin. I continued, "Sana ito na ang last apology mo sa 'kin, Lucas. Sa susunod, hindi ko na tatanggapin 'yan."
Nakita ko pa rin ang lungkot sa kanyang mata pagkatunghay niya. Akala niya siguro ay galit pa rin ako sa kanya. Pero no'ng napansin niyang nakangiti ako, sinuklian niya rin iyon ng isang napakatamis na ngiti sa kanyang labi.
"Can I ask you something?"
Tumango lamang siya bilang sagot.
"W-Who is Liv?"
Nakita ko ang saglit na pagkagulat sa mga mata niya. Hindi ko alam kung may pag-asang sagutin niya ang tanong ko but at least I gave it a try.
"I heard you talking in your sleep last night," I stated. "Girlfriend mo ba siya?"
Nang maalala ko ang mukha niya kagabi, alam kong sobrang importante niya sa buhay ni Lucas.
"You can talk to me." Nginitian ko siya muli. "Makikinig lang ako. Kahit ngayon lang, isantabi mo muna ang agwat ng edad natin. Isipin mo na lang na hindi mo ako kilala— na hindi ako ang nakakabatang kapatid ng bestfriend mo."
I heard him sighed. "Her name was Olivia and she... she was my first love," tugon niya.
Ipinagdikit niya ang dalawang kamay at itinungkod ang parehong siko sa harapang lamesa. Habang ako naman ay hindi pa rin makapaniwala na inamin niya ito sa akin. Kahit na inexpect ko na ang sagot niya, mas masakit pa rin pala kapag narinig ko mismo mula sa bibig niya.
"I'm sorry." Hindi pa rin siya tumitingin sa gawi ko. "Matagal na kasi noong huli kong mabanggit ang pangalan niya. Palagi ko pa rin siyang iniisip pero hanggang ngayon, wala akong lakas ng loob na pag-usapan siya."
"Siya ba 'yong babae sa wallet mo?"
Tumango lamang siya.
"Napakaganda niya. Hindi na ako magtataka na nagustuhan mo ang isang katulad niya."
Why did I sound so bitter?
"She really was."
"Puwede ko bang malaman kung anong nangyari sa kanya?"
Nang marinig niya iyon ay napansin kong medyo bumilis ang bawat paghinga niya. Tinakpan niya saglit ang mukha tapos pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok.
"She was raped, Nathalia."
Hindi ko inaasaan ang ibinulgar niya. Magkasalubong ang kilay niya at kitang-kita ko kung gaano siya kaapektado sa sinabi. Sana pala hindi ko na lang itinanong.
"And.... it's all because of me. I failed to protect her! Just because of that stupid argument."
Nakita kong halos suntukin na niya ang sarili kaya agad ko siyang nilapitan at tinabihan. Pagkatapos ay hinagod ko ang likod niya. Hindi pa rin ako nagsasalita at hinayaan lamang siyang kumalma.
"Hinayaan ko lang siyang magbyahe mag-isa at mas pinili kong samahan ang mga kabarkada ko noon."
Now it all made sense to me. Kaya pala ganoon na lamang ang reaksyon niya nung araw na akala nila ay may nangyari sa aking masama. Kaya ganoon na lamang siya kaapektado. Dahil akala niya ay magiging pareho na kami ng kapalaran ng dati niyang girlfriend.
"Walang may gusto sa nangyari, Lucas. Wala kang kasalanan."
"I know." Huminga siya ng malalim at tumingala. Alam kong pinipigilan lamang niyang pumatak ang luha sa kanyang mata. "Pero hindi mo na maaalis sa akin na isiping ang desisyon kong iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ni Olivia."
I wish I knew what to say to him. Gusto kong kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman niya. But I can't. Alam kong walang kahit na anong salita ang makakagaan ng pakiramdam niya.
"Ito ang isa sa dahilan kung bakit hindi ko puwedeng suklian ang nararamdaman mo para sa 'kin, Nathalia."
Nahigit ko ang aking hininga nang bigla siyang lumingon sa akin. Itinigil ko ang paghahagod sa likod niya at tiningnan siya pabalik. Sobrang lapit niya kaya ramdam na ramdam ko ang lungkot sa buong katawan niya.
"Ako ang dahilan kung bakit siya namatay and I deserved to be punished for that. Wala na akong karapatang maging masaya dahil ipinagkait ko 'yon kay Olivia. Sana naiintindihan mo."
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla na lamang pumatak ang luha sa mga mata ko. Napatingin siya roon na may lungkot sa mukha.
"Sa tingin mo ba ito ang gusto niya para sa'yo? To run away and suffer for life?" Napailing ako. "I don't think so. Kasi kung mahal ka ng isang tao, hahayaan ka niyang maging masaya."
Inalis niya ang nakaharang na buhok sa mukha ko at bumuntong hininga. Pagkatapos ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.
"Simula no'ng mamatay si Olivia, ipinangako ko sa sarili kong hindi na ako magmamahal pa ulit. Kontento na akong mag-isa. Hanggang sa makilala kita... habang patagal ng patagal, para na akong bumibigay. Gusto ko nang maging makasarili at kalimutan ang nakaraan kasi gustong-gusto rin kitang alagaan."
Napangiti ako ng mapait. "Kung ganoon, bakit hindi puwede? Bakit hindi natin subukan?"
"Dahil nangako ako sa kanya, Nathalia. Nangako ako na siya lamang ang mamahalin ko. Kahit wala na siya. Kahit kinuha na siya sa akin."
Hindi pa rin tumitigil ang pagpatak ng luha sa mata ko. Siguro ganoon talaga kapag first love mo ang isang tao. Kahit gaano katagal man kayong hindi nagkikita... kahit gaano kalayo man kayo sa isa't isa, hindi pa rin maalis noon ang katotohanang hawak na nila ang isang parte ng puso mo.
Na kahit anong gawin mo, hindi mo na makukuha ulit. Ganoon siguro ang nararamdaman niya para kay Olivia. At ako naman, para sa kanya.
Kahit ilang beses niya akong nasaktan, hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko sa kanya. And it's because he owns a piece of my heart, kahit pa ayaw niya.
"I want to love you so bad... you have no idea."
Bigla na lamang niya akong niyakap ng mahigpit. Ramdam ko ang init ng katawan niya kahit kanina pa akong lamig na lamig sa puwesto ko.
Gusto ko na sanang maging masaya pero napagtanto ko kaagad ang sinabi niya. Huwag kang assumera, Nathalia. Magkaiba ang ibig sabihin ng 'mahal kita' at 'gusto kitang mahalin.'
And maybe he.... doesn't love me.
"But I can't drag you into this mess. You never deserve that kind of love, Nathalia. I don't want you to suffer because of me."
"Paano kung... paano kung sabihin kong handa akong maghintay sa'yo, Lucas? Kahit gaano katagal hanggang sa maging okay ka na? Paano kung sabihin kong handa pa rin akong masaktan para sa'yo?"
Umiling siya. "Hindi papayag ang kuya mo."
"I'm not asking his permission. I'm asking yours."
Tuluyan na niyang inalis ang pagkakahawak sa mukha ko at kaagad na tumayo. Sinundan ko naman siya ng tingin.
"D-Do you like me, Lucas?"
"I do. And I care about you a lot," he said. "I can't promise you anything. Ni hindi ko rin maipapangako na hindi kita masasaktan, na hindi kita mapapaiyak. Baka may mga araw din na maiparamdam ko sa'yo na hindi ka mahalaga. Kaya mo pa rin ba akong mahalin sa kabila no'n?"
Nakatayo lamang siya sa harapan ko at hinihintay ang magiging sagot ko. Binigyan ko muna siya ng isang matamis na ngiti bago tumango.
"Oo."
Hindi ko masyadong maaninag ang reaksyon niya nang dahil sa liwanag ng araw. Iniharang ko ang aking kamay sa unahan para hindi ako nito masilaw. Wala naman siyang kibo sa sinabi ko.
"I'm sorry, Lucas... pero ganito ako magmahal eh."
Narinig ko siyang tumawa ng mahina pagkatapos ay tinalikuran ako.
"Then, maybe... maybe I could choose to be selfish with you just this once. Just this summer."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top