Kabanata 13
HINDI ko alam kung ilang minuto na akong nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Pagkatapos nang nangyari kanina ay dumiretso kaagad ako sa banyo ng kwarto namin.
Naunang lumabas si Lucas at bumaba na para tulungan sina Kuya. Ni hindi man lang siya nag-sorry sa 'kin. Ganyan ba talaga siya kasama?
Nakatungkod ang parehong kamay ko sa lababo at hinayaang umagos ang tubig doon. Isinahod ko iyon sa kamay ko at inihilamos sa aking mukha.
Ayokong makita ako nina Heaven na ganito. Sobrang pula ng mata ko sa kakaiyak na halos pumaga na ito. Hinawi ko pataas ang bangs ko at inipit ito para hindi mahulog.
No wonder why he despises me. I look horrible! Kahit anong gawin kong pagpapaganda sa harap niya, kulang pa rin. Hindi pa rin niya mapapansin.
Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga labi ni Lucas sa akin. Napahawak ako sa maliit na hiwa doon. Sa tuwing maaalala ko ang nangyari kanina, naiiyak na lamang ako.
I just had my first kiss. My first kiss with Lucas. Sobrang big deal para sa akin 'yon. At masakit na mukhang ako lang ang apektado—dahil alam kong casual na gawain na iyon para sa kanya.
Ang sakit lang kasing isipin na ang dapat espesyal na halik na iyon ay alam kong walang ibig sabihin para sa kanya. Lalo ko lang napatunayan na talagang naging desperada ako para makuha ang pagmamahal niya. Batang desperada sa pag-ibig.
Tama nga si Heaven. I'm pathetic. Who would love someone like me?
Pinahid ko muli ang luhang kumawala sa mata ko. Pesteng luha. Hindi na maubos-ubos.
Pinatay ko na ang gripo at tumitig muli sa repleksyon ko sa salamin. Paano ko na ba siya haharapin ngayon? Aarte ba ako na parang wala lang? Na parang hindi apektado sa ginawa niya?
I heavily sighed. Mas makabubuti siguro kung sundin ko na lang ang gusto niya. Siguro panahon na para mamulat na sa katotohanang hindi niya ako kayang mahalin—na umaasa lang ako sa wala.
Nag-ayos lamang ako ng kaunti para hindi nila mahalata na umiyak ko. Paglabas ko ng kwarto ay nagulat akong makita si Elias na nakasandal sa katapat na dingding. Nakayuko siya't tinitingnan ang kanyang sapatos habang nakapamulsa. Kaagad rin siyang tumunghay nang makita akong lumabas.
"Kumatok ako kanina pero hindi mo ata narinig."
Lumapit kaagad siya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. "You're still here, huh?" sagot ko.
"Parang ayaw mo ata ah."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Obvious ba?"
Ito na naman siya. Nakatingin na naman siya ng nakakaloko. Nakatungo siya sa akin ngayon habang nakaangat ang sulok ng labi.
"Why are you looking at me like that?"
Umiling siya at pinasadahan ng kamay ang nakaayos na buhok. Natakpan muli ang kaliwang mata niya.
"Nothing. I just heard everything," sabi niya. Hindi pa rin naaalis ang ngisi sa kanyang mukha. Bagkus ay lalo lamang itong lumawak.
"What?"
"Oh, please! Huwag ka nang magpanggap na hindi mo alam ang sinasabi ko."
Nakatunog na ako sa kung ano man ang narinig niya pero hindi ko pinahalata. Pinanliitan ko lamang siya ng mata na parang wala paring alam.
"Relax! Marunong akong magtago ng sikreto," dagdag pa ni Elias sabay kindat sa akin.
"I don't know what you're talking about."
Binilisan ko ang pagbaba sa hagdanan para sana unahan siya palabas sa backyard pero naabutan parin ako ng mokong.
"Hindi pala alam ah! Sige sasabihin ko kina—"
Nanlaki kaagad ang mata ko sa kanya. "Hoy!"
Kaagad kong hinigit palayo si Elias para pigilan siya sa pagsalita. Tumingin pa ako sa kaliwa't kanan para makasiguradong walang nakakarinig sa amin.
Sumandal siya sa dingding at nakahalukipkip pa akong tiningnan. Napabuntong hininga na lang ako.
"Huwag na huwag mong sasabihin sa kanila. Patay ka talaga sa 'kin," banta ko sabay duro sa kanya.
Napatawa naman siya sa inasta ko kaya pinandilatan ko siya ulit ng mata. "I'm serious!"
"Relax! Kung makabanta ka akala mo kung sinong malaking tao."
"Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Elias."
Ipinatong niya ang mabigat na kamay sa ulo ko at ginulo ang pagkakaayos ng bangs ko. Napasimangot ako bahagya. Kaasar 'tong lalaking 'to! Ang tagal kong inayos ang buhok ko sa banyo tapos guguluhin niya lang.
Tila nabasa niya ang iniisip ko dahil bigla na lang siyang ngumiti sa akin at inayos ito muli.
"Don't worry, Nathalia Amor. Your secret is safe with me," sabi pa niya sabay kindat sa 'kin.
"D-Don't call me that!"
I don't know. There was something in his voice— the way he called me Amor. Parang... never mind.
"Bakit pangalan mo naman iyon ah? Alangan namang 'Elias' ang itawag ko sa 'yo eh pangalan ko 'yon?"
"Huwag ka ngang mamilosopo! Basta! I don't like you calling me Amor. Kinikilabutan ako."
"But I like your name, Amor. Mon amour," he said while flashing his silly smirk.
###
MALALIM na ang gabi. Napayakap ako sa sarili at ibinalot ang blanket sa katawan ko. Nakaupo kami ngayon sa tigi-tigisang wooden seats at nakapalibot sa isang bonfire pit. Tanging ang apoy lamang dito at ang string lights na nakasabit sa itaas ang nagsilbing liwanag sa lugar.
Hindi naman kalakihan ang likurang bahagi ng villa na ito pero sapat na para maging tambayan ng barkada. Para lang itong isang maliit na garden kaya pinalilibutan kami ng mga bulaklak at iba't iba pang mga halaman.
Ang tanging sementado lamang dito ay ang walk path papunta sa bonfire pit at ang patio. Tapos ang lahat ay damo na. Napatingin ako sa dalawang familiar faces sa unahan ko. I have no idea what their names are—pero alam kong sila yung mga nakilala nina kuya nung nakaraang linggo.
May kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. To be honest, naririndi na ako sa boses nitong babae sa unahan ko. She is singing along with Elias kaya nangingibabaw ang sintunado nitong boses. I don't want to be rude pero gustong-gusto ko na talagang pasakan ng bulak ang tenga ko.
She's quite pretty though. Maliit ang mukha kaya lalong bumagay sa kanya ang pixie cut hair niya, tanned skin, pouty lips at may katangkaran rin. Nakaupo ito sa gitna nina Lucas at Elias na nasa harapan ko lamang.
Napaiwas ako ng tingin nang lumingon si Lucas sa gawi ko. Papanindigan ko na 'to. Gusto niyang layuan ko siya? Okay. Tutal palagi niya na rin namang ipinapamukha sa 'kin na hindi niya ako kayang mahalin. Kahit kailan.
Thank God, hindi sila iinom ngayon. Sawang-sawa na ako sa amoy ng alak. Nakita ko sina Jasper at Isra na sumasayaw sa tugtog ng gitara ni Elias habang pabalik sa mga puwesto nila.
"Earth to Nathalia!"
Napalingon ako sa puwesto ni Heaven nang tawagin niya ako. Nakataas rin ang kanyang paa sa inuupuan at nakabalot ng kumot habang nag-iihaw ng marshmallow.
"What?" I asked.
"Tinatanong ni Li kung dito ka daw ba magce-celebrate ng 16th birthday mo."
Nakaabang lang sila pareho sa isasagot ko. Sa totoo lang hindi ko pa alam. Hindi pa namin napag-uusapan. Ni hindi nga sumagi sa isip ko kung hindi pa niya pinaalala. At saka end of the summer pa naman ang birthday ko.
"I guess so? Hindi rin naman namin planong mag-grand celebration. Simple party lang siguro."
"Hey guys, why don't we play a game?"
Nalipat ang atensyon ko sa kasamang kaibigan nung sintunadong babae. Nangibabaw ang kinis ng kanyang balat ng dahil sa mahaba at mapula niyang buhok. Sa pagkakatanda ko ay siya yung nilalandi ngayon ni Kuya Josef—na nakumpirma ko naman nung umupo ito sa kandungan ni kuya.
Napairap ako sa kanila.
"What game?" tanong naman nung sintunadong babae. Tumigil na rin si Elias sa pagtugtog at tiningnan ang dalawa.
"Truth or Dare?" tanong nito sa amin.
"Game ako diyan!" Masiglang sagot ni Li.
God. I don't like this idea.
###
"Naknang ang aarte niyo! Akin na nga!"
Inagaw ni Jasper ang boteng may laman ng pinaghalong raw egg, vinegar at hot chilli. Walang pag-aalinlangan niya itong ininom. Tawang tawa kami sa reaksyon ng mukha niya dahil para siyang nagpipigil na masuka.
"Tawang-tawa ka Josef? Ipapatikim ko 'to sa 'yo. Mag-intay ka lang," pagbabanta pa niya kay kuya sabay bunot ng susunod na pangalan. "Lintek. Ikaw nabunot ko, bata!"
"Damn!"
Napatampal ako sa noo. Akala ko naman makakaligtas na ako! Simula kasi nang mag-umpisa kaming maglaro, hindi pa nabubunot ang pangalan ko.
"Truth or dare?" Nakangisi niyang tanong sa akin.
Lahat sila ay nakatingin sa akin at inaantay akong sumagot. Napaiwas ako kaagad nang mahagip rin ang mata ni Lucas.
"Truth na lang."
"Nagmana ka talaga sa Kuya mo! Pareho kayong KJ!"
Sinamaan ko lang si Jasper ng tingin. "Whatever!"
"Ako! Ako!" Nagtaas bigla ng kamay si Li. "Ako ang magtatanong!"
Agad akong sumingit. "Bawal! Wait for your turn. Si Jasper ang magtatanong."
Hindi naman ako pinansin ni Li at lumapit pa lalo kay Jasper. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Ano na naman kayang kalokohan ang itatanong nitong babaeng 'to?
"Ano ba namang kadramahan 'yang tanong mo?" Napakamot pa sa ulo si Jasper.
"Suggestion lang, ayaw mo pa!"
"Iba na lang!"
Hinampas naman niya si Jasper na ikinangiwi nito. "Oo, eto na nga! Itatanong na."
Gaga talaga 'tong si Li. Gusto ko siyang tirisin!
"Okay bata, kung mamimili ka raw ng mararanasan mo sa dalawa, anong mas pipiliin mo? Ang masaktan ka ng taong mahal mo? O ang manakit ng taong mahal ka na hindi mo mahal?"
Automatik na napasulyap ako sa kinauupuan ni Lucas. Nakatungo lamang siya at may kung anong tinitingnan sa phone niya. Nang umiwas ako ng tingin ay binigyan ko silang lahat ng napakalawak na ngiti.
"Ang hirap naman ng tanong mo!"
Hinampas ko pabiro ang katabi kong si Li kaya agad siyang napahawak sa braso. Pagkatapos ay nakita ko pang may ibinulong siya na kung ano kay Theo. Itong babaeng 'to talaga!
Sinundot ako bigla ni Heaven sa tagiliran at lalo pa akong inasar. "So ano na nga? Sasagot ka or iinom ka?"
"Sasagot na! Sasagot na." Napabuntong-hininga na lamang ako. "Siguro mas pipiliin ko na masaktan na lang ng taong mahal ko. Kasi... hindi ata kakayanin ng konsensya ko na makasakit ng iba."
Sinulyapan ko muli si Lucas at nakitang nakatuon na ang atensyon niya sa akin. Bakit, Lucas? Natamaan ka ba sa sinabi ko?
"I knew she'd say that!" Proud na banggit ni Li.
"Naknangpot! Alam mo naman pala, bakit 'yan pa ang ipinatanong mo sa 'kin?"
"Because! Malay mo may someone na mag-confess d'yan sa tabi at makalimutang maging torpe 'no!"
I snorted. Sino naman ang magkakamaling magkagusto sa akin? Impossible.
"You would rather get hurt than to hurt others? Ma-so-kis-ta," pang-aasar ni Kuya Josef sa akin.
I rolled my eyes. "So? Ano naman ngayon, Kuya? Palibhasa ikaw, palagi kang nananakit ng babae!"
Sabay-sabay nagtawanan ang barkada niya at tinukso pa si Kuya. I was just kidding. Gusto ko lang talagang asarin si Kuya at ang babae niya.
Mukhang naging effective naman ito nang makita kong nakahalukipkip na ngayon 'yong babae habang masama ang tingin kay Kuya Josef.
Hindi ko napigilang mapatawa sa itsura niya habang nagpapaliwanag sa babaeng dinidiskartehan niya.
Natigil na lang iyon nang magsalita si Lucas.
"Alright. Let's move on... Bumunot ka na, Nathalia."
Napalunok kaagad ako matapos niyang banggitin ang pangalan ko. Gusto ko tuloy sabunutan ang sarili ko. Akala ko ba mag-uumpisa na akong kalimutan siya? Bakit isang bigkas niya lang sa pangalan ko, bumibigay na ako agad?
"O-Okay... eto na." Bumunot ako ng isang papel mula sa fish bowl na inabot sa akin ni Jasper. "Your turn, Heaven! Truth or Dare?"
"Ano ba 'yan! Ako na naman?!" Iritado niyang sabi. "Sige na, truth naman ako this time."
Bigla akong napangisi sa sagot niya. Akala niya ha! Babawian ko 'tong mga luka-luka kong kaibigan.
"Bakit hindi ka pa nagkakaboyfriend?"
"Wala akong type eh," mabilis niyang sagot.
"Andaya. Yung totoo kasi!"
Tumawa muna siya pagkatapos ay bigla na lamang nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"May.... iniintay kasi ako."
Nakangiti siya nang sabihin iyon pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. This is the first time I've seen her like this. For once, nakita ko na may emosyon din pala ang bestfriend kong ito. Hindi lang puro tapang at galit sa lalaki.
I smiled at her. Sobrang naging expert na kasi siya sa pagtago ng totoo niyang nararamdaman— kahit sa 'kin. I wonder who she is referring to?
Kukulitin ko talaga siya magdamag.
"Okay, next!" Hinablot naman niya ang bowl sa akin at bumunot doon. "Elias! Truth or Dare?"
"Dare," mabilis rin nitong sagot.
Inilagay ni Heaven ang daliri sa labi at wari'y nag-iisip. "Okay... May naisip na ako! Mag-dirty dance ka sa harap ng taong gusto mong idate sa circle na 'to. And! Kailangan may date talaga."
"Naknang! Pagkakadali naman ng dare mo, langit!"
"Huwag kang mangialam, turn ko 'to!"
Nakangisi na naman ang mokong. Inilapag niya muna sa sahig ang hawak na gitara at saka matalim akong tinitigan. Problema nitong bwisit na 'to?
Sinundan ko siya ng tingin nang bigla siyang tumayo. Hindi pa rin nawala ang ngisi sa kanyang mga labi. Napaiwas na lamang ako nang makita kong papalapit na siya sa puwesto ko.
Ano na naman bang binabalak mo, Elias?
"Pst. Nathalia Amor," malambing niyang tawag sa pangalan ko.
Kaagad namang nagpatugtog sina Isra ng Careless Whisper. Mga walanghiyang 'to! Pinagkakaisahan ako. Sinamaan ko naman ng tingin si Heaven nung marinig ko siyang humahalakhak.
"Tingnan mo naman ako," rinig kong sabi ni Elias.
Halos malaglag na si Kuya Josef sa kakatawa. "Ibang klase, brad! Sing-tigas ng bakal ang katawan mo!"
Na-curious naman ako kung anong nakakatawa kaya nilingon ko na rin si Elias. Napakagat agad ako sa ibabang labi para pigilang matawa sa ginagawa niya. Sa anong ikinagaling niyang kumanta, siya namang ikinabulok niyang sumayaw.
He is so stiff! Pft. Iginiling-giling pa niya ang katawan niya kaya mas lalo akong natawa. Minsan ay itinataas pa ni Elias ang laylayan ng kanyang damit kaya kitang-kita ang abs niya.
Hindi ko nga alam kung dirty dancing pa rin ba ang ginagawa niya o nagpapatawa na lang siya.
Nung mapansin ni Elias na nakatingin na ako ay bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko at hinigit palapit sa kanya. Lalo namang lumakas ang hiyawan ng mga kaibigan ko. Mga siraulo!
Tumungo siya ng kaunti para tingnan ako sa mata. "What are you doing?" tanong ko sa kanya.
Hinapit pa niya ako bigla sa baywang at saka inilapit ang mukha sa tainga ko. "Relax. It's just a dare. Bakit, naaakit na ba kita?"
Agad naman akong umiwas nang maramdaman kong nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. "Y-You wish!"
Nakita kong tumayo sa gilid si Heaven at sinabing, "Hoy, may kasamang date ang dare ko ha! Pasalamat ka sakin, Nat! Magkakadate ka ng wala sa oras."
"Paano ako, Thalia? Akala ko ba may date pa tayo?" pagsingit naman ni Theo.
Ano ba naman 'tong mga kaibigan ko. Masisiraan na ako ng bait sa kanila.
"Tanungin mo na, Elias!"
Pagkasabi noon ni Heaven ay automatik na lumuhod si Elias sa harapan ko. Nahagip naman ng paningin ko si Lucas na malalim ang pagkakatitig sa akin. Mukhang kinakausap siya ng katabi niyang babae pero hindi niya ito pinapakinggan.
Sa mga tingin niyang iyon... ay parang may ipinapahiwatig siya sa akin. Pero, ano?
Masyado mo nang ginugulo ang isip ko, Lucas.
Nalipat na lamang ang atensyon ko muli kay Elias nang bigla itong magsalita.
"Will you go out with me, mon Amor?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top