Kabanata 12

WARNING: Slightly mature content. Read at your own risk.

###

"I'll be your bodyguard for the rest of the summer."

Agad nanlaki ang mata ko matapos niya iyong sabihin. Lalo namang lumawak ang ngisi sa mga labi niya na siyang kinainis ko. Ang sarap niyang suntukin sa mukha!

"Relax! Nagbibiro lang ako."

Humalakhak pa siya nang pagkakalakas kaya kahit sina kuya ay nakitawa na rin kahit mukhang hindi naman nila alam kung bakit siya tumatawa.

Napahawak naman tuloy ako sa mukha ko. Baka kasi may dumi ako doon kaya siya natatawa.

"Pero magandang suggestion 'yan, hijo ha."

Nakasimangot akong humarap kay Daddy pero nakatuon lamang ang pansin niya sa katabi kong si Elias. Sumagot naman ito kaagad. "Sige ho. May numero naman ako nitong si Nathalia."

Tumikhim naman bigla si Li sa tabi at napatayo sa kinauupuan niya. Nakatingin siya kay Daddy bago lumingon sa amin.

"Excuse me lang tito ha?" Pinunasan muna niya ang gilid ng bibig bago nagpatuloy, "Are you guys, dating? Yung totoo?"

"Hey! We're not dating!" Agaran kong tanggi.

Napatingin naman ako sa reaksyon ng lahat at nakita kong kahit sila ay parang hindi rin naniniwala. May halong pagdududa sa mukha nila lalo na si Kuya Josef.

Nung mapatingin naman ako kay Lucas ay saktong kakaiwas lang niya ng tingin sabay inom ng tubig.

"Eh kasi naman you're always together no!" maarteng saad ni Li sabay turo sa aming dalawa.

"Always? Dalawang beses pa lang naman—"

She cut me off. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa magulang ko. "Omg! I knew it, Tito and Tita! Hindi na ako magtataka kung bakit blooming na blooming ang anak niyo!"

"Anong meron ngayong summer? Ba't natuto ka nang lumandi?" bulong naman ni Heaven na may halong pang-aasar.

Napahilot ako sa ulo. I can't believe them! Sabihin ba naman iyon sa harap ng magulang ko. At saka... andiyan pati si Lucas. Baka isipin niya ipinagpapalit ko na siya.

"Bakit ba sa akin na napasa ang usapan? Tsk." Siniko ko sa tagiliran si Elias at agad naman siyang lumingon sa akin. "A little help here?"

Napairap na lamang ako nang nagkibit-balikat lamang siya at itinuloy ang pagkain.

Nagmukha tuloy akong masyadong defensive dahil ikinuwento ko pa sa kanila ang buong pangyayari kung paano niya nakuha ang number ko. Yung tungkol sa aso niya na nakita namin sa may dagat noong nakaraang araw.

Well, I do not have anything against Elias— nakalimutan ko na rin naman ang pagbunggo niya sa 'kin noon and he's actually kind of nice pero... ayoko lang talagang tinutukso ako sa kanya.

Naunang matapos kumain sina Daddy. Nagpaalam muna sila dahil marami pa raw silang aasikasuhin sa office. Sina Kuya naman ay bumalik na rin sa pagsu-swimming nila sa may harapan ng villa.

Naiwan kaming mga babae kasama sina Lucas at Elias sa hapag-kainan para ubusin ang mga prutas na natira. Napaangat ako ng tingin kay Lucas habang kumakain ng pakwan.

Kung kanina ay panay ang sulyap niya sa pwesto namin, ngayon naman ay hindi niya ako magawang tingnan man lang.

Gusto ko sanang mag-sorry sa inasta ko kahapon pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Hindi ko alam kung tatawagin ko lang siya sa pangalan niya sabay sorry o kakausapin ko muna siya?

Napakamot ako sa ulo. Naramdaman kong napalingon si Elias sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Bagkus ay huminga muna ako ng malalim. Nag-alinlangan pa akong tawagin si Lucas hanggang sa tuluyan na siyang tumayo at nakisama sa barkada niya.

Napabagsak na lamang ang magkabila kong balikat habang pinapanood ang matipuno niyang likod at malalaking hakbang palayo sa akin.

###

NANATILI LAMANG kami sa loob ng villa ngayong araw. Nagpapalipas kami ngayon ng oras sa entertainment room habang nag-aantay dumilim para sa bonfire party namin mamaya. Nasa ibabang palapag din ito makalagpas lamang ng bar style kitchen namin.

Pagpasok dito ay makikita na ang pool table sa gitna kung nasaan si Elias na mag-isang naglalaro. Sa sulok naman ay may dalawang pares ng puting silya ang magkaharap at sa gitna noon ay may chess board. Sa kabilang bahagi naman ng kwarto ay may modular couch na katulad sa living area at mayroon ding flat-screen TV sa dingding.

Nanood lamang kami ng movie habang sina kuya naman ay busy sa paglalaro ng chess. Siguro sa kalahati ng movie, puro pagmumura lamang ni Jasper ang narinig ko.

Si Theo ay kasalukuyang naghihilik at nakaunan pa sa binti ko. Samantalang sina Heaven naman ay nasa magkabilang dulo ng couch at mukhang natutulog na rin.

Honestly, mukhang ako lang ang nag-focus sa panonood. Nung matapos iyon ay napaunat ako ng kaunti sa kinauupuan ko. Dahil doon ay nakita kong naalimputan na rin si Theo.

Kinusot niya ang parehong mata at humikab pa ang walanghiya. "Tapos na agad?"

Tumungo ako sa kanya para sagutin siya.

"Oo. Hindi ka naman nanood eh."

Nung makita kong gising na gising na siya ay agad ko siyang hinampas ng malakas sa noo. Napahawak naman siya kaagad doon at bahagyang umupo.

"Thalia!"

Gulat akong napahawak sa bibig nung alisin niya ang pagkakahawak sa noo niya. Nakita kong sobrang pula na noon.

"Bayad mo 'yan!" Natatawang sabi ko. "Nangalay ang binti ko sa kalakihan ng ulo mo."

"Nagsalita naman ang maliit ang ulo!"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Sadya!"

Nagulat na lang ako nung bigla siyang tumayo hawak-hawak ang pinagkumutan niya at isinalukbong ito sa akin.

"Damn you, Theo! Alisin mo 'to, hayop ka!"

Tawa lamang siya ng tawa at hindi pa rin inaalis ang kumot. Sinubukan ko siyang kurutin at suntukin mula sa ilalim ng kumot pero mabilis niya lang itong naiwasan. Pareho na kaming nakatayo sa couch ngayon at tanging tawanan lamang ang naririnig ko sa paligid.

Mukhang pati sina kuya ay napahinto na rin sa nilalaro nila para sabayan ang kalukohan ni Theo. Init na init na ako sa loob nung maisipan kong sipain siya sa kanyang pagkalalaki.

Rinig ko agad ang pag-ngiwi niya sa sakit. Ngunit sa halip na siya lamang ang matumba ay mabilis siyang kumapit sa baywang ko dahilan para pareho kaming mapahiga doon sa couch.

I heard him groaned dahil sinadya ko talagang ibagsak ang katawan ko sa kanya. Nung maalis ko ang kamay ko sa ilalim ng kumot ay agad kong tinanggal ang pagkakataklob ng ulo ko.

Hingal na hingal ako sa sobrang init.

Napatigil na lamang ako nang mapagtanto kong sobrang lapit ng mukha ni Theo sa akin. Hindi pa nakaligtas sa 'kin ang bahagyang paggalaw ng Adam's apple niya dahil sa pagkakalunok.

Dali-dali akong umupo ng maayos at inihagis sa mukha niya ang blanket ko.

"Bwisit ka! Isa pang gawin mo 'yon, may kalalagyan ka na talaga sa'kin!"

Napakamot siya sa ulo. "Binibiro lang eh...."

Lumingon ako sa puwesto nina Kuya Josef na kakatapos lang kaming pag-tawanan. Napansin ko pang wala na doon si Lucas na kanina lamang ay kasama nilang naglalaro ng chess.

"Bata, bagay kayo ni Theodoro," sabi ni Jasper na may halong pang-aasar sa boses.

Siningkitan ko naman siya ng mata sabay layo kay Theo na nasa tabi ko pa rin.

"Yuck! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo."

Lumapit sa puwesto ko si Li at pabiro akong tinulak. "I told you, bagay din kayo!"

Tinutusok-tusok pa niya ako sa tagiliran. Hay nako! Kung kani-kanino na talaga ako pinapares nitong mga kaibigan ko.

Sumabat bigla si Theo. "Sus. Baka kilig na 'yan, Thalia... hindi kilabot. Nahiya ka pang aminin!"

Inirapan ko naman siya at tinaasan ng daliri. Kahit kailan talaga 'tong si Theo napaka-feelingero!

"Where's Lucas?" Nalipat ang atensyon namin kay kuya nung tanungin niya 'yon.

Nagkibit-balikat lamang sina Isra.

"I'll call him, Kuya."

Tumayo na ako at nag-volunteer na hanapin si Lucas. Baka naman nagpahangin lang sa labas. At saka chance ko na 'tong ma-solo ulit siya no!

"Sabihin mo magbo-bonfire na tayo."

Nagtatakbo na ako palabas at umakyat sa hagdanan. Una kong pinuntahan ang kwarto niya. Kumatok muna ako at tinawag ang pangalan niya.

"Lucas?"

Kumatok ako muli pero hindi pa rin siya sumasagot.

Hinawakan ko ang doorknob ng pintuan niya at pinihit iyon para makapasok. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko ang kwarto niya simula nung dumating kami dito.

May dalawang single bed doon na halos magkatabi. Pumagitna lamang dito ang tigisang lamp at bed side table. Nakabukas ang bintana sa may sulok ng kwarto kaya inihip ng malakas na hangin ang nakalugay kong buhok.

Tanaw na tanaw mula dito ang mga nagtataasang puno. Naamoy ko pa ang bango ng mga nakapaligid na bulaklak ngunit mas umalingasaw pa rin talaga ang amoy ng pabango ni Isra.

Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto pero hindi ko nakita doon si Lucas.

Mukhang ang kama sa sulok ang hinihigaan ni Lucas dahil nakaayos na ito na parang hindi pa nahihigaan. Ang bedside table pa na katabi nito ay wala man lang nakalagay kundi ang isang itim na wallet.

Samantalang ang kabilang kama naman ay gulong-gulo at punong-puno pa ng pabango at hairwax ni Isra ang katabing bedside table.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng wallet ni Lucas.

Agad kumunot ang noo ko pagbukas noon nang tumambad sa akin ang litrato ng isang magandang babae. Morena ito at maikli ang kanyang itim na buhok. Nakalagay pa ang dalawang kamay nito sa kanyang baba at nakangiti ng sobrang lapad.

Litaw na litaw ang malalalim nitong biloy. Hindi ko napigilang mapatitig sa kagandahan ng babae. Kung huhulaan ko ang edad niya base sa litratong ito ay mukhang kaedad ko lamang siya.

Sa bandang baba ng litrato ay may napansin akong maliit na puting bulaklak doon. Kukuhanin ko na sana iyon nung biglang magbukas ang kalapit na banyo kaya nabitawan ko ito at tuluyang nalaglag sa sahig.

Lumabas doon ang bagong ligo na si Lucas. Nakasuot siya ng puting pang-itaas na hapit na hapit sa katawan niya. I could even see his toned biceps habang tinutuyo niya ang kanyang buhok.

"What are you doing?"

His eyes widened upon seeing me in front of him. Kumunot bigla ang noo niya nung mapansing nasa sahig na ang wallet niya.

"I-I'm sorry, I was just—"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nung bigla niyang pinulot ang wallet sa harapan ko. Inilagay niya iyon sa bulsa ng suot niyang shorts at tumalikod na sa akin. Initsa pa niya sa katabing kama ang ginamit niyang tuwalya.

"Get out."

Halos manlamig ako sa puwesto ko nang marinig ko ang boses niya.

"I'm sorry, Lucas. I didn't mean to look at—"

"Just get out, Nathalia."

Bahagya akong napatungo sa inasal niya. Bakit ba palagi na lang siyang mainit ang ulo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama.

"Okay. I will," halos bulong kong sabi. "Nagpunta lang ako dito dahil ipinapatawag ka ni Kuya Josef sa baba."

"Kasama ba doon ang pakialaman ang gamit ko?"

Nakatalikod pa rin siya sa akin pero ramdam ko ang iritado sa tono ng boses niya. "N-No. That's why I'm apologizing."

Gusto ko pa sanang tanungin kung sino ang babae sa litrato pero mukhang wrong-timing na naman. Baka lalo pa siyang magalit sa akin.

"I also want to apologize for yesterday. Hindi dapat kita sinigawan. Y-You were just concerned—"

He cut me off again. This time, humarap na siya sa akin. He stood there, giving me a cold-eyed stare.

"Don't flatter yourself, Nathalia. Hinanap lang kita dahil humingi ng pabor ang kuya mo. That's all."

Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib. Ipinaglapat ko muna ang labi ko saka napabuntong-hininga.

"You're only saying that because you want to keep me away from you."

His forehead furrowed. Kinabahan ako bigla nung umabante siya kaunti palapit sa akin. Nakadagdag pa ang katahimikan ng paligid kaya rinig na rinig ang biglaang pagbilis ng paghinga ko.

"Masama bang magsabi ng totoo? Kung ayaw mong maniwala... e'di huwag. Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo."

Umiling ako't tinitigan siya. "You're lying."

Ganito ba talaga ang magmahal? Ipinipilit ko na nga lang ba talagang isiping nagmamalasakit siya sa akin kahit hindi? Binibigyang kahulugan ko na ba talaga ang mga bagay na hindi naman talaga totoo?

"B-Bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka?" Rinig ang panginginig sa aking boses nang sabihin ko iyon kaya huminga ako ng malalim.

"Ano ba talaga ang totoo mong nararamdaman, Lucas? Ilusyunada lang ba talaga ako para isiping may iba sa paraan ng pagtingin mo sa 'kin? O sadyang—"

Bigla na lamang siyang tumawa ng nakakaloko sa harapan ko sabay kamot sa ulo niya. "Saan mo ba napupulot 'yang sinasabi mo?"

Tumahimik lamang ako at hindi sumasagot.

"Nahihibang ka na talaga. Pasensya na, hindi ako pumapatol sa kapatid ng tropa ko," Umiiling niyang tugon sa akin. "Hindi ako pumapatol sa mga batang katulad mo."

Halos pumaulit-ulit sa utak ko na parang sirang plaka ang mga salitang sinabi niya. Akala ko ay wala ng mas sasakit pa doon pero nagpatuloy lamang siya sa pagsasalita.

"Hindi kita gusto."

Automatik na tumulo ang luha sa mata ko pagkasabi niya noon. Para na akong sinasaksak ng paulit-ulit. Lalo na nung makita kong wala man lang siyang reaksyon. Wala man lang siyang pakialam.

Nang dahil sa tatlong salitang iyon, tila nawasak rin ang pagmamahal na binuo ko ng tatlong taon.

Naiyukom ko pa ang kanang kamay sa ibabaw ng dibdib ko pero hindi nito napigilan ang sakit doon.

"Ano pa bang gusto mong sabihin ko para matigil na ang kahibangan mo, Nathalia?"

Bigla akong nakaramdam ng kahihiyan. Gusto ko na lang magtago at lamunin ng lupa. Sa lahat ng masasakit na sinabi niya sa akin mula nang umamin ako sa kanya, parang ngayon lang ako natauhan.

Ngayon ko lang napagtanto ang lahat ng kahihiyang ginawa ko sa harap niya. Ang lahat ng pagpupumilit ko na tanggapin niya ang pagmamahal ko.

Mukhang kahit kailan... hindi na talaga pwede.

"Magkaiba tayo ng alam pagdating sa pagmamahal, Nathalia. At alam kong hindi mo 'yon magugustuhan."

"E'di ipaintindi mo sa 'kin, Lucas! Wala akong pakialam!"

Hindi ko na naman napigilang pagtaasan siya ng boses nang dahil sa bigat ng emosyon ko.

Tuluyan ko nang pinahid ang mga luhang kumawala sa aking mata. Pero mukhang wala ring silbi ito dahil patuloy lamang ito sa pagpatak.

"Gusto mong maintindihan? Sige!"

Nagulat na lamang ako nang humakbang siya palapit sa akin. Kunot noo niya akong tinitigan.

"Ipapakita ko sa 'yo kung paano ako magmahal."

Mabilis niyang hinapit ang likod ng ulo ko at marahas na hinalikan sa labi.

Itinulak ko kaagad siya sa sobrang gulat. Ngunit hindi naging sapat iyon para ilayo ang katawan niya sa akin. Bagkus ay mas lalo lamang siyang lumapit at inipit ako sa dingding.

"What are you doing?"

Halatang-halata na ang takot sa boses ko pero parang wala siyang narinig.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at muli akong hinalikan sa labi. Doble ang naging kabog sa dibdib ko nung magsimulang gumalaw ang labi niya.

Ito ang unang pagkakataon na mahalikan ako ng isang lalaki. Ni Lucas— ng taong mahal ko. It's supposed to be special. Pero wala akong ibang maramdaman kun'di takot.

Takot dahil hindi ganito ang pagkakakilala ko kay Lucas. Marahas. Agresibo.

Sinubukan kong pumiglas pero hinawakan niya lang ng dalawang kamay niya ang mukha ko. Nung maramdaman ni Lucas na hindi parin ako tumutugon sa kanyang halik ay bigla na lamang niyang kinagat ng madiin ang ibabang labi ko.

"Hmmmm. Lu—" Iniiwas ko ang mukha ko pero agad niya rin itong sinundan. Napaiyak na lamang ako nang malasahan ang dugo doon.

I tried to push him away again, pero talagang mas malakas siya sa akin. Wala na akong nagawa kun'di ang umiyak na lamang lalo na nung bumaba ang halik niya sa leeg ko.

Napapikit ako at tahimik na humikbi. Narinig niya siguro iyon dahil bigla siyang tumigil sa ginagawa. Napaupo kaagad ako at napayakap sa sarili. Hindi pa rin ako tumitigil sa pag-iyak.

Ni hindi ko siya kayang tingnan.

Narinig ko na lamang ang malutong niyang pagmumura sa hangin.

"Nakita mo na, Nathalia? That's why I warned you to stay away from me! Makinig ka na lang. Baka ano pang magawa kong hindi mo magustuhan."

Pakiramdam ko ito na ang huli. Ito na ang huli para ipagpilitan ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kung nakakapili lang sana tayo ng taong mamahalin. E'di sana.... sana hindi na siya ang pinili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top