Chapter 20
Chapter 20
Name
"Huh?" Ida's forehead creased when she heard me uttered Zendaya's name.
She followed my line of vision and I guess she already saw Zendaya before she turned to me again dahil nakakunot na ang kaniyang noo na para bang may nakita siyang hindi niya dapat makita.
"Why is she here?" she whispered roughly like she didn'y want Zendaya's presence here.
"She's a fan of New Classic, remember?" paalala ko naman sa kaniya.
Ida rolled her eyes and crossed her arms.
Napailing naman ako't napagdesisyunang i-approach si Zendaya dahil hindi naman siya kalayuan sa akin. Baka sabihin niya pa ay snob ako o baka may masense siyang hindi niya dapat mahimigan.
"Blair..." Ida called me, but she wasn't able to stop me from going near to Zendaya.
If Isaiah find out that Ida's acting this way to his fans, paniguradong hindi yun magugustuhan ni Isaiah.
"Fan ka pala ng New Classic." bungad ko sa kaniya nang makalapit ako.
I tried to act na hindi ko alam ang tungkol sa pagiging fangirl niya ng New Classic.
Nahihiya naman siyang tumango habang nangingiti. "Ikaw din pala fan nila? Hindi ko naisip that you're a fan of New Classic. Hindi halata sa'yo."
"Oh! Uhm... Actually, nandito lang ako nang dahil kay Ida. Alam mo naman diba? Kapatid niya si Isaiah. There's an extra ticket from her brother kaya ako ang sinama niya." I reasoned out, trying to make it smooth as possible.
"You're very lucky dahil bestfriend mo ang kapatid ni Isaiah. He's my bias in New Classic." sabi niya't unti-unti nang lumalabas ang pagiging fangirl niya. "Have you already seen them? Galing kayo doon sa loob diba?" tanong niya sa akin at sinenyas ang daan patungo sa may dressing rooms at lounge rooms.
Pasimple naman akong tumango dahil napapansin kong nakikinig na din ang mga iba pang fans sa pag-uusap naming dalawa.
Bigla tuloy akong na-conscious. Ayokong magkamali sa mga isasagot at sasabihin ko sa kaniya. Baka bigla akong makagawa ng issue.
"Kumakain sila kanina nung dumating kami dito." sabi ko nalang.
Mas lalo namang lumawak ang kaniyang ngiti at mas naging alerto na rin siya sa akin.
"Ang gwapo nilang apat diba? Lalo na si Isaiah! Ano palang kinain nila? Nagpadala kaming fans ng foods para sa kanila. Did you see them ate it?" sunod-sunod niyang sabi sa akin.
"Uh... Hindi ko na napansin yung pagkain nila. Pero... oo. Gwapo silang apat." sabi ko naman at kahit na sang-ayon ako sa sinabi niyang si Isaiah ang pinakagwapo ay hindi na ako nagkomento tungkol doon.
"Blair, lalabas na daw sila kuya." bigla namang pagsingit ni Ida.
The fans suddenly became attentive when Ida went to me.
"Ida!" they're now screaming her name. Most of them wanted to take pictures with her ngunit mukhang nawala sa mood ang aking bestfriend at mukhang alam ko rin kung ano ang dahilan.
"Ida, si Zendaya. Naaalala mo ba siya?" sabi ko naman kay Ida't hindi pinansin ang kaniyang sinabi. I kinda want to tease her more.
Ida forced a smile to Zendaya. "Of course! How could I ever forget a friend of my bestfriend." she sarcastically said. "I never thought that you're a fan of New Classic."
"Uhm... Hindi lang siguro talaga halata, but I love them very much." Zendaya shyly said.
"I hope you'll love them more and continue to support them." sabi naman ni Ida at saka hinarap ang lahat ng fans na nakatingin sa kaniya. "And also to all of you... Sana hindi kayo magsawang suportahan ang New Classic throughout the way. The boys surely treasure all of you at sana'y ganoon din kayo sa kanila."
Bahagya namang napataas ang kilay ko sa biglang pag-i-speech ni Ida na daig pa ang manager ng New Classic.
"Guys, line-up properly please!"
Napalingon naman kaming lahat kay Cloe na ngayo'y naka-ipit na. Kanina ay halos nakasabukot na ang buhok niya sa kaniyang mukha.
"They'll be out in three." dagdag pa nito habang tinitignan kung ayos na ba ang linya.
Mabilis naman akong hinatak ni Ida, palayo kila Zendaya at bumalik sa puwesto namin kanina.
Hindi rin naman nagtagal ay lumabas na sila Isaiah. They're now wearing a smart casual attire than the comfortable casual clothes that they were wearing earlier. They all look decent at mukhang miyembro na talaga ng pinakasikat na banda dito sa Pilipinas.
They're all wearing black suits and fitted pants. Ang tanging magkakaiba lang sa kanilang apat ay ang kanilang mga sapatos at ang kulay ng panloob na shirt—blue for Isaiah; pink for Ike; green for Sic; and yellow for Jirro.
Halos mabingi ako sa sobrang tilian ng fans at napakunot naman ang aking noo sa sobrang ingay. I know that fans can be wild pero hindi ko inakalang ganito sila ka-wild at kaingay. Pakiramdam ko'y may nakatapat na pinapatunog na cymbals sa tenga ko.
Napadaan naman ang tingin ko kay Isaiah na ngayo'y nakatingin ng diretso sa akin. Bahagyang kumunot din ang kaniyang noo nang makita ang aking mukha bago nag-angat ng tingin sa kaniyang mga tagahanga.
He raised his hand at sumenyas sa kanilang mga fans na tumahimik.
I can't help but to be amazed how well behave New Classic's fans are. Simpleng senyas niya lang ay agad nang tumahik ang mga fans nila.
He gave their fans a satisfied smile when they immediately toned down their voice. I can hear few of them sighing in adoration because of Isaiah's smile.
Right after he interacted with his fans, he averted his gaze at me and he smiled at me. I smiled back. We smiled and looked at each other but it was interrupted by Ida na biglang humarap sa akin.
She widened her eyes at me and simply glanced at the fans. "They're watching..." she whispered.
Mabilis naman akong natauhan at bahagyang yumuko nalang. Hindi na muli akong nag-angat ng tingin sa New Classic at kinalikot nalang ang aking cellphone para magmukhang walang pakealam hanggang sa pinapunta na kami ni Cloe sa stage upang ma-meet ang New Classic pagkatapos nilang magsalita ng kanilang introduction.
The first person to make a stop was with Jirro. Nakangiti siya sa akin habang kinakamayan ako. Biniro niya pa ako na bakit wala akong dalang album upang mapapirmahan. Sumunod naman si Isaiah na sobrang tagal nang pagkakahawak sa aking kamay na para bang ayaw na niyang bitawan.
"Isaiah, your fans are watching..." mahinang bulong ko sa kaniya at bahagya ko siyang pinanlakihan ng mata.
"And how many times do I have to tell you that I don't care?" nagtaas siya ng kilay sa akin at hindi pa rin bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay.
Siniko naman siya ni Jirro at nilingon niya ito. Napailing nalang si Isaiah saka binitawan ang aking kamay.
I swear that I can feel Zendaya watching me right now that's why I need to twist whatever she's thinking right now.
Nang dumating na kay Sic ay buong lakas ang tumili. Mabilis akong nilingon ni Isaiah at kitang-kita ko ang pagkunot ng kaniyang noo. Nagulat naman si Sic sa akin nang dahil sa pagtili ko.
"Gustong-gusto kita, Sic!" dagdag ko pang pagtili habang ngiting-ngiti.
"What the fuck are you saying—"
"Pwede bang payakap?" pinutol ko si Isaiah sa pag-aangal at pirming nakatingin lang ako kay Sic.
Akala ko'y hindi sasakay si Sic sa aking ginagawa ngunit tumayo naman siya sa kaniyang kinauupuan at inilahad ang kaniyang braso sa akin.
"You're dead, Sic." rinig kong sabi ni Ike na natigil sa pag-uusap kay Ida.
Si Jirro naman ay natatawa habang napapailing samantalang si Isaiah ay matalim lang ang tingin kay Sic. He shouldn't be like that. Dapat ay makisakay din siya sa aming dalawa ni Sic.
Paano ko nga ba maitatago ang tungkol sa amin kung ang isa nama'y walang pakealam at handang ipakita sa lahat ang namamagitan sa aming dalawa?
Tumili ako nang yumakap ako kay Sic. I can hear Ida, Ike and Jirro laughing while Isaiah remained silent.
Pagkatapos ng pagyayakap namin ni Sic ay dumiretso na ako kay Ike. Ida's already done meeting all the members of New Classic.
"I think you need to get ready with Isaiah's wrath later." pabiro niyang sabi sa akin. "Pero mukhang si Sic muna ang makakatanggap ng pag-aapoy ni Isaiah." tawa niya sabay lingon sa dalawa.
Nilingon ko rin naman sila Sic at Isaiah. Nakakunot noong pinagsasabihan ni Isaiah si Sic habang si Sic ay nakangisi lang at tinatapik-tapik ang balikat ni Isaiah.
"Pero sa tingin ko, kunting lambing mo lang eh lalambot na agad 'yan." sabi naman ni Ike at muli akong napalingon sa kaniya. "Mahal na mahal ka niyan eh." dagdag niya.
I bit my lower lip at napailing nalang habang pinipigilan ang aking pagngiti. Bahagyang natawa tuloy si Ike dahil sa aking reaksyon.
"Bahala na nga kayo diyan." sabi ko nalang at tumungo na sa tabi ni Ida.
Nang matapos kaming dalawa ni Ida na makipagmeet and greet sa New Classic ay agad namang sumunod ang batch two. Nahagip ng mata ko si Zendaya na hindi na naunang pumunta kay Isaiah kaysa kay Jirro, gaya ng dapat.
"Hi, Zendaya!" Isaiah cheerfully greeted Zendaya kahit na hindi pa naman nagpapakilala si Zendaya sa kaniya.
My eyes widened in surprise when I heard him say Zendaya name. I saw Zendaya blushed when he said her name.
"Kilala niya si Zendaya?" nababahala kong tanong kay Ida.
"I don't know, Blair." simpleng sagot ni Ida at nagkibit-balikat. "Might as well ask kuya about it." she suggested.
Hindi nalang ako kumibo ulit at hindi ko na marinig ang pag-uusap nina Zendaya at Isaiah ngunit sa nakikita ko'y mukhang close silang dalawa.
"Balik na tayo sa loob..." pag-aya ko nalang kay Ida tsaka tinalikuran sina Isaiah at Zendaya.
Nauna ako sa paglalakad pabalik sa may lounge. Mabuti nalang at natandaan ko ang pasikot-sikot dito sa backstage.
Mabilis naman akong nahabol ni Ida at inakbayan ako habang sumasabay na siya sa aking paglalakad.
"I told you that Zendaya girl's perilous." sabi naman sa akin Ida.
Gusto ko sanang ipagtanggol si Zendaya dahil naging mabait siya sa akin. But seeing her having a conversation with Isaiah like that, it seems like it's not a fan–idol coversation. It seems like there's something more to it.
"I will ask Isaiah about her." sabi ko nalang upang mapanatag ang aking sarili.
Tumango-tango naman si Ida. "That's good." she said. "You should clear this kind of confusions with Kuya."
Pagkapasok namin sa loob ng lounge ay tumayo naman ang isang staff na mukhang hinihintay ang pagdating naming dalawa ni Ida.
"Miss Ida, nakaupo na po yung parents niyo sa loob. Gusto niyo na rin po bang pumasok sa concert hall?" she asked Ida. "Pumapasok na rin po yung mga fans sa loob."
Ida turned to me. "Should we wait for them to finish the meet and greet before going inside the hall or punta na tayo ngayon?"
I glanced at my wrist watch. Only two hours left before the concert starts.
"Okay. Punta na tayo doon ngayon." sagot ko naman kay Ida.
Tumango naman si Ida sa akin bago nilingon ang staff. "Please lead the way to the hall. Punta na kami doon ngayon." nakangiti niyang pakiusap sa staff.
Mabilis namang kumilos ang staff at agad naman kaming sumunod ni Ida sa kaniya patungo sa loob ng concert hall.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top