Chapter 19
Chapter 19
Batch
"Where are you going?" Mommy asked when she called to tell me that she deposited my allowance for a month and asked me what I'm doing.
"A concert." I simply answered.
"Whose concert is that?" she asked again.
"New Classic. 'Yong banda po ni Isaiah, kapatid ni Ida." sagot ko naman.
"Oh..." she sounded excited too. "Will you video some of their performances for me? I bet they're great."
Hindi ko talaga mapigilan ang pagkatuwa kay Mommy. I can see that she's really supporting me with Isaiah. Alam kong kahit hindi ko sabihin sa kaniya ay nararamdaman niyang may gusto ako kay Isaiah.
I'm glad that my mom's sensitive enough to know what I feel, unlike my father who just keeps on persisting me with what he wants to happen... what he wants me to do.
"Yes, Mom... They're great." sabi ko naman. "How's Dad?" I asked her.
Kahit naman na may kaunting hinanakit ako kay Daddy ay hindi non mabubura ang katotohanang siya ang ama ko.
"Oh! He's doing great but he has a case na kailangan niya talagang tutukan ng todo kaya minsan ay nag-oovernight siya sa firm. I'm actually concerned with your father's health pero kapag nandito naman siya sa bahay, he looks cheerful and healthy kaya hindi ko rin masabi. Your father's good at hiding you know." sabay tawa ni Mommy.
Kapag tinatanong ko si Mommy tungkol kay Daddy ay damang-dama ko ang saya niya. I rarely ask about my dad, and if I do, Mom's very thrilled about it.
"Hmm... That's good." sabi ko nalang. "Anyway, Mom, I have to go now. There'll be a meet and greet earlier than the time of the concert. Kasama po ako sa meet and greet na 'yon kaya kailangan ko na pong umalis."
"Okay! No problem, sweetie. Be careful driving and enjoy the concert, okay?" malambing na sabi sa akin ni Mommy.
"Thanks, Mom. I surely will." sabi ko naman.
"I'll call you again soon. Bye."
Nauna nang ibaba ni Mommy ang tawag. Inilagay ko naman na sa aking satchel side bag ang cellphone ko. I even made sure that the ticket and backstage pass was in my bag before I decided to finally go.
When I arrived at the venue, I grabbed my phone inside my bag to call Ida and tell her that I'm already here.
Ilang sandali rin akong napatitig sa aking cellphone nang makitang mayroong mensahe si Gael para sa akin.
Gael:
See you later. I'll be waiting for you.
Napapikit naman ako ng mariin at napabuntong hininga bago napagdesisyunang burahin nalang ang kaniyang text sa akin. Hindi pa ako nakuntento doon at buong convo na namin sa messages ko ang aking binura.
"This day is Isaiah's day, Blair. This is his day. Give it to him." bulong ko naman sa sarili ko bago tinawagan si Ida.
Mabuti nalang at agad na sinagot ni Ida ang aking tawag.
"Nandito na rin kami. Kita tayo sa may harap ng coral way. Sabay-sabay na tayong pumasok nila Mommy." bilin niya sa akin habang naglalakad ako patungo sa sinasabi niyang coral way.
"Are you wearing an a white tee?" tanong ko nang may matanaw akong kahawig ng kaniyang pigura, ngunit nakatalikod ito kaya hindi ko rin masigurado.
"Yes, I am. Nakikita mo ba ako?" she asked. "I'm going to raise my hand and wave. Try to spot me." dagdag pa niya.
Nakita kong tinaas ng babaeng nakatalikod ang kaniyang kamay saka ito winagayway.
"Nakita na kita. Stay there. Papunta na ako." sabi ko naman at binaba na ang tawag.
Mabilis kong tinungo ang puwesto nila at nang makita ako ni Ida ay mabilis niyang tinakba ang natitirang distansya naming dalawa.
"Oh ayan na pala si Blair." rinig kong sabi ni Tita nang makitang tumakbo patungo sa akin ang kaniyang anak.
"You're just in time. Papunta na daw yung staff dito na kukuha sa atin papasok sa loob." Ida informed me.
"Hindi ba natin kasama yung iba pang kasama sa meet and greet?" tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid, hinahanap ang mga kasama naming papasok din sa loob para sa mangyayaring meet and greet.
"Nope. We're going in separately from them." sabi naman niya sa akin.
Tumango-tango naman ako at binati sila Tito't Tita. They're happy that I was able to attend Isaiah's band's concert. Panigurado daw kasing matutuwa si Isaiah sa pag-attend ko.
Hindi rin nagtagal ay dumating na ang staff na mag-eescort samin papasok ng backstage at nagpaumanhin pa dahil namali siya ng pinuntahan na side kaya medyo natagalan siya.
"Please wear your backstage passes po. Para po makapasok na tayo sa loob." magalang niyang sabi sa amin.
Kinuha ko naman ang backstage pass sa loob ng aking pass at isinukbit ito sa aking leeg.
"Sundan niyo nalang po ako." sabi niya't nagsimula nang maglakad.
Kami naman ay agad nang sumunod sa kaniya. The guards let us passed through the barricades na nakaharang para hindi mapasukan ng fans.
Nakakatuwa ang mga fans ng New Classic. Hindi sila nagkakagulo at nagkakantahan lang sabay-sabay ng mga kanta ng New Classic habang hinihintay na magbukas na ang Arena, para makapasok na sila.
"Ida!"
May isang fan naman na sumigaw ng pangalan ni Ida. Napatigil ang mga fans sa pagkakantahan at nagsitilian.
I laughed at Ida who looks shocked because of the fans sudden uproar because of her arrival. Siniko ko siya at tinuro ang mga fans.
Nilingon niya naman ito at saka siya kumaway na dahilan kung bakit mas lalong nagsitilian ang mga fans.
"You're crazy, Ida..." napailing nalang ako dahil feel na feel niya ang atensyon na binibigay sa kaniya ng fans ng banda ng kuya niya.
"What?" natatawa niyang paglingon sa akin.
"Ida, Blair." tawag naman sa amin ni Tito dahil papasok na sila sa loob ng backstage ng Arena habang si Ida'y kumakaway pa sa mga fans. "Tara na."
"Okay, Dad." agad namang pagsunod ni Ida at sinama niya rin ako sa pagsunod na yun.
Nang makapasok kami sa loob nb Arena ay kitang-kita ang pagkabusy ng mga staffs dito. May mga ibang tumatakbo pa ang may mga dala-dalang damit. Ang iba'y inaayos pa ang mga mic. It's still a chaos here at the backstage kahit na halos tatlong oras nalang ay magsisimula na ang concert.
" Sabi ni Isaiah may last minute changes daw ang stage director para sa concert kaya siguro ganitong kagulo ngayon sa backstage." rinig kong sabi ni Tita, probably talking to Tito.
Huminto naman ang babae nang makarating kami sa may pinto. May nakasulat na 'New Classic's Lounge' sa may pintuan kaya kung hindi pa halata ay lounge nila dito.
"Kumakain po ngayon yung members dito sa loob pero pwede naman daw po kayong pumasok bilin nila at lalo na po ni Isaiah." sabi niya sa amin.
Tumango naman sina Tito't Tita.
"Papasok na kami." nakangiting sabi ni Tito sa staff.
"Sige po." magalang na sabi nito't kumatok muna sa pintuan bago ito binuksan.
Mga baritonong tawa ang sumalubong sa aking pandinig nang buksan ng staff ang pintuan. They're probably joking around and having fun to ease the tension that they're feeling right now.
"Isaiah, they are here!" anunsyo ni Sic nang mapatingin sa gawi namin dahil sa pagbukas ng pintuan.
Sobrang bilis ng paglingon ni Isaiah at pati na rin ni Ike sa amin. Isaiah even stood up from his seat to welcome us. Si Ike naman ay nanatili ang tingin kay Ida na ngayo'y nakangiting sinalubong ang kaniyang kapatid.
"Kuya, ililibre mo ako bukas. Umattend si Blair." masaya at mapang-inis na sabi ni Blair kay Isaiah.
Sa tingin ko'y nagkaroon nanaman ng kasunduan ang dalawang 'to. So, the deal this time ay kapag umattend ako ng concert, ililibre ni Isaiah si Ida.
"I will." natatawa namang sabi ni Isaiah at kinurot ang tungki ng ilong ni Ida.
Binati rin ni Isaiah ang kaniyang mga magulang. Pagkatapos niya naman itong batiin ay nagpaalam si Tito at Tita na mag-iikot dito sa may backstage at gusto rin daw nilang makita ang stage set-up kaya pinasama ni Isaiah ang staff na nag-escort samin kanina para masamahan sila Tito't Tita.
And now, he turned to me... He smiled. A smile that he always shows everytime he feels great; A smile that's one of the reasons why I fell for him.
"You're here..." sabi niya na para bang hindi pa rin siya makapaniwalang nandito ako ngayon sa harapan niya kahit na alam naman niyang talagang pupunta ako ngayon.
I heard the boys chanted both of our names, combined together and one of them even whistled to tease us.
Nilingon naman sila ni Isaiah at may sinenyas ito sa kanila. It just made them laughe and tease Isaiah more.
"Of course, I'll come." ngiti ko. "I promised you, right?"
He nodded. "Hmm... Gusto niyo bang kumain? We still have plenty of foods left. May mga binigay din kasi yung mga fans pagkadating namin." he offered.
Umiling naman ako. "I already ate at home pero ewan ko lang dito sa kapatid mo—"
Napatigil ako sa paglingon nang makita kong wala na si Ida sa aking tabi. Nandoon na siya ngayon sa tabi ni Ike at nag-uusap silang dalawa. Ida's laughing like there's no tomorrow. Halos makita ko na ang ngala-ngala niya kakatawa.
My eyebrows raised at the sight of Ida flirting with Ike. It's been a while since I saw her flirt with someone.
Isaiah's forehead creased because of my reaction and he quickly followed the line of my vision. Napangisi naman siya't muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Is there something going on between the two of them?" I asked Isaiah, whispering.
Pasimple ko ring tinuturo si Ida at Ike upang hindi nila mahalatang pinag-uusapan namin silang dalawa.
"I don't know." nagkibit-balikat siya. "Hayaan nalang natin silang dalawa."
Tumango-tango nalang ako saka muli silang nilingon. Ginugulo na sila ngayon nina Sic at Jirro. Halata sa mukha ni Ike na nagtitimpi nalang siya sa dalawa dahil sa hilaw na ngising kaniyang pinapakita. Si Ida naman ay tawa lang ng tawa sa mga biro ng dalawa, hindi man lang napapansin ang naaasiwang mukha ni Ike.
Bigla namang may kumatok sa pintuan ng lounge at sumungaw mula sa pintuan ang isa pang staff ng New Classic.
"The meet and greet will start in 30 minutes. Kailangan niyo nang pumunta sa dressing room to get prepared." the staff informed them habang may binabasa sa kaniyang hawak na papel.
She's sweating so much and she's trying so hard to catch up with her breath while she's speaking. Siguro'y kanina pa siya pabalik-balik at nauutusan.
"Okay, Cloe. Thanks." sabi naman ni Isaiah at tumango nalang yung Cloe saka isinarado ang pintuan ng lounge.
Napalingon naman ako muli sa kanilang apat nang biglang tumawa si Sic na parang baliw habang tinuturo si Jirro.
"Dapat pinunasan mo yung pawis ni Cloe, Jirro. Pagod na pagod ata siya." pabirong sabi ni Sic sa kaniya.
"Bakit? Hindi ba siya marunong magpunas ng sarili niyang pawis?" Jirro coldly said.
Mukhang nawala na sa mood si Jirro at tamad na ibinagsak ang sarili sa may couch saka kumuha ng chips.
"Eh di dapat binigyan mo nalang ng towel or handkerchief. Mukhang wala siyang pampunas sa pawis niya eh." pakikisali naman ni Ike sa pagbibiro kay Jirro.
"Bahala na nga kayo diyan." inis namang sabi ni Jirro at tumayo na upang sana'y lumabas na ng lounge nang bigla siyang huminto sa tapat namin ni Isaiah.
Nilingon niya si Isaiah at seryosong tinignan.
"Huwag mo nang subukang makisala, Isaiah. I'm already in a bad mood." panguna niya kay Isaiah bago siya tuluyang lumabas ng lounge.
The moment Jirro got out of the room, their laughter filled and echoed inside the room.
"Kayo kasi eh. Iniinis niyo." sabi naman ni Sic.
"Hugas kamay ka, Sic!" tawa naman ni Ike at binato si Sic ng towel na agad naman nitong nasalo.
"Ay wait! Ihahabol ko 'tong towel kay Jirro. Para may maibigay siya kay Cloe." sabi naman ni Sic at patakbong lumabas ng lounge.
Mas lalong humagalpak sa kakatawa si Ike at Isaiah.
"Sic's dead for sure." Isaiah commented while laughing so hard.
"Sinabi mo pa." Ike agreed and stood up from his seat. "Tara na nga sa dressing room. Baka mapagalitan pa tayo." pag-aya nito.
"Okay." sabi naman ni Isaiah at muli akong nilingon. "You and Ida should stay here. Wait for Mom and Dad to come back. Papatawag ko nalang kayong dalawa sa staff kapag meet and greet na. And just eat anything you want here. Ikaw din, Ida." sabay lingon din ni Isaiah kay Ida.
Ngumiti naman si Ida. "Thanks, brother."
Nagpaalam din si Ike kay Ida at pati na rin sa akin bago sila umalis ni Isaiah para makapagready na para sa meet and greet.
Nang makalabas naman silang dalawa ay nilingon ko si Ida. Humalukipkip ako't nagtaas ng kilay sa kaniya.
"What's that look for?" she creased her forehead while looking at me.
"What's going on between you and Ike?" I directly asked her.
"Nothing." maagap niyang sagot na para bang hindi na niya kailangan pang pag-isipan. "We're just friends, I admit na mas close ako sa kaniya kaysa kay Jirro at Sic. But it doesn't mean anything." she explained.
Tumango-tango nalang ako at umupo sa harapan niya. "Okay... Sabi mo eh." sabi ko nalang at inirapan niya ako na dahilan kung bakit ako bahagyang napatawa.
I find Ida very funny, everytime she tries to act rude or mad. I like the way she rolls her eyes, even her eyebrows are following it.
Hindi rin naman nagtagal ang pang-iinis ko kay Ida dahil dumating na sila Tito't Tita. Ilang sandali lang din ay tinawag na kami ng staff dahil magsisimula na ang meet and greet.
Kami lang naman ni Ida ang kasama sa meet and greet kaya sila Tito at Tita ay naiwan nalang sa loob ng lounge para kumain at magpakabusog bago pa magsimula ang concert.
"Kayo pong dalawa ang batch one. Then the rest of the next batches will have six persons each." pag-eexplain naman sa amin ng fans ng makarating na kami sa lugar kung saan may nakapilang fans na ngayo'y ginugrupo na ng mga staffs into six.
May malaking background poster ng New Classic at may red carpet rin na nakalatag. Paniguradong dito tatayo mamaya sila Isaiah.
"Tayong dalawa lang daw ang sa batch one?" paninigurado ko kay Ida.
Tumango naman siya at ngumiti sa akin. "Perks of being Isaiah's sister and..." she trailed and moved closer to me. "... his lover." she whispered.
I gently elbowed her and she just chuckled like she's having fun.
Napailing nalang ako't napalingon sa gawi ng mga fans when I saw a familiar face staring at me.
"Zendaya..." I uttered her name.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top