[Summer Fireworks] Pyromusical (FIL)


By RomancePH


Philippine International Pyromusical Fireworks Competition

Maligayang pagdating sa Pilipinas, ang lupain ng mga lumilipad na Jeepney at matamis na mangga! Siyempre, hindi natin 'yan pag-uusapan ngayon dahil may dala kaming isa pang kawili-wiling handog mula sa Pearl of the Orient Seas, walang iba kung hindi (drumroll please!), ang The Philippine International Pyromusical Fireworks Competition.

Bago natin pakausisain nang mas maigi ang maliwanag na mundo ng mga paputok, alamin muna natin ang ibig sabihin ng Pyromusical. Ayon sa fireworks.co.uk, ang pyromusical ay "Perkpetong naka-oras na mga paputok na napili upang mas patindihin ang mga emosyon na ipinapahayag sa musika". Not too shabby, eh?

Bawat taon sa Maynila na siyang kabisera ng Pilipinas, ang mga tagagawa ng ating magagandang paputok mula sa iba't ibang bansa ay nagdaraos ng isang patimpalak para sa pinakamaningning at pinakamahusay na pyromusical firework display. Ito ay nagtatagal ng mahigit kumulang isang buwan, kung saan limang araw ay inilalaan para sa World Pyro Olympics and anim na linggo naman para sa The Philippine International Pyromusical Competition.

Bawat gabi, dalawang bansa ang binibigyan ng entablado para magpakita ng pagtatanghal na magpapagiliw sa madla. Ang isang maswerteng bansa ay makatatanggap ng The People's Choice Award habang ang host manufacturer ng patimpalak ay magtatanghal sa huling gabi kasama ang nagwagi sa pagdiriwang.

Ang patimpalak ay pinasinayaan noong 2005 bilang World Pyro Olympics ngunit dinadala na nito ngayon ang pangalan na The Philippine International Pyromuscal Competition simula 2010.

Para sa dagdag na nakatutuwang impormasyon, narito ang listahan ng mga nagwagi mula 2005 hanggang 2019:

2005 - Australia

2007 - United Kingdom

2008 - Italy

2010 - United Kingdom

2011 - China

2012 - Canada

2013 - United Kingdom

2014 - Canada

2015 - Netherlands

2016 - United Kingdom

2017 - United Kingdom

2018 - United Kingdom, Germany

2019 - China


At siyempre, sa tingin niyo ba ay tatapusin namin ito na walang pasabog? Isang tiyak na hindi dahil naghanda kami! Narito ang video recording ng nanalo noong nakaraang taon na inaasahan naming ikalulugod ninyo:

https://youtu.be/_Gj7kK2TGw4

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top