Ferris Wheel

Hindi ko lubos na maisip bakit sa lahat ng pwedeng lokohin bakit ako pa?

Akala ko masaya na kami sa isa't-isa pero ang totoo naglolokohan na lang pala kami.

Sa loob ng dalawang buwan na aming pag-sasama ano don kaya ang naging totoo sya sakin? O lahat lang nang iyon pagpapanggap lang?

Hindi ko alam na saaking paglalakad-lakad nakarating ako dito sa parke .

Tinignan ko ang kabuuan ng parke at hindi ko maiwasan na masaktan sa mga ala-ala na meron kami dito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nakarating ako sa tapat ng Ferris Wheel.

Kung saan una syang nagtapat ng nararamdaman para sakin.

Kung saan madalas kaming sumakay at magliw-aliw.

Dalawang araw palang simula noong nalaman ko ang katotohanan , dalawang araw palang simula noong naghiwalay kami. At sa loob ng dalawang araw na yun, puro sakit lang ang nararamdaman ko .

Kaya bakit pa ako magiis-stay sa lugar na'to?

Tatalikod na sana ako upang umalis nang may humawak sa kamay ko.

"Nakakalungkot naman kung ako lang mag-isa sasakay ng Ferris Wheel, at sayang din 'tong isa ko pang ticket kung mag-isa lang ako, kaya tara samahan moko" sabay hila sakin ng lalaki papasok sa loob.

Isang lalaki na gwapo at mukhang may kaya sa buhay dahil mahahalata mo rin ito sa kanyang pananamit.

Isang lalaki na hindi ko kilala.

Ba't ba ako nag pahila?

Babawiin ko na sana ang aking kamay ng mas hinigpitan nya pa ang hawak doon.

"Pagbigyan mo na ako Razel." Sambit ng lalaking hindi ko kilala.

Pero bakit kilala ako ng lalaking ito?

Nang makapasok kami sa loob ng Ferris Wheel, parang mas kumirot ang puso ko.

Mga ala-ala na dapat ibaon ko na sa limot kasi hanggang ala-ala nalang naman.

Dahil sa bigat ng nararamdaman ko, biglang pumatak ang mga luha sa mga mata ko . Sunod sunod, parang mga patak ng  ulan.

"Hala, sorry na Razel. Ano kasi hala sorry na. Ayaw mo ba kong samahan? Hala galit kaba? Wag ka ng umiyak." sunod sunod na paghihingi nya ng tawad saakin.

"Bakit ganun? Minahal ko naman sya ah? Binigay ko yung puso ko ng buong buo tas ibabalik nya ng durog durog." Pag-balewala ko sa tanong nya at paglalabas ko ng sama ng loob sa lalaking ito.

"Ahh? Baka kasi hindi talaga kayo sa isa't - isa?" pag-aalinlangan nyang sagot sabay kamot sa kanyang batok .

"Alam mo mas matatanggap ko pa na hindi nya ako gusto at binalewala nya lang ako. Kaysa magpanggap sya na mahal nya ako at mahalaga ako sa kanya pero ang totoo ang pinsan ko talaga ang gusto nya. Dalawang buwan palang naman kami pero bakit ang sakit sakit masyado?" Pagkukwento ko pa habang umiiyak .

Tumawa ako ng mahina, tawang may halong pait. "Minahal ko kasi sya ng todo."  Bulalas ko sa kawalan.

Niyakap nya ako at tinatapik tapik sa likuran.

"Huwag ka ng umiyak, ang tulad mong mala-anghel na babae ay hindi dapat pinapaiyak ng mga walang kwentang lalaki." Pagpapatahan nya sakin.

"Sorry sa pagiging madrama, ang sakit sakit na kasi talaga." Sabay pagpupunas ko ng mga luha sa aking mga mata.

"Okay lang yun, masaya ako at isa ako sa nilabasan mo ng problema mo. At tandaan mo ito, okay lang na umiyak ka nang umiyak, kasi darating din yung araw na kapag nakamove-on kana . Matatawa ka nalang kasi iniyakan mo ang walang kwentang lalaki na nanakit sayo. At hindi mo deserve ang lalaking tulad nya. Darating din yung lalaking magpaparamdam sayo ng totoong pagmamahal. " pagpapayo nya saakin na nagpagaan ng kalooban ko .

"Alam mo nagpapasalamat ako at hinila mo ako papasok sa loob ng ferris wheel na ito, pinagaan mo ang mabigat na nararamdaman ko." Pagpapasalamat ko at ngumiti sa kanya, ngiting parang walang problema .

"Mas bagay sayo ang ganyang ngiti, kaya sana ibalik mo yang ganyang ngiti mo." Hala si kuya naman bolero eh. Btw sino nga ba itong lalaking ito na kilala ako?

Tumigil na ang pag-ikot ng ferris wheel, na sana pati rin ang nararamdaman kong sakit ay ganun lang din kabilis alisin. Katulad ng ilang minutong pag-ikot nito.

Bumaba na kami at lumabas.

"Sorry nga pala at hindi agad ako nakapagpakilala sayo." Pagputol nya ng katahimikan sa pagitan namin.

"Ako nga pala si Psalms Garcia, kilala kita, kasi friends tayo sa Facebook hehe" sabay inilahad nya ang kanyang kamay .

Ang ganda ng pangalan nya, galing sa bibliya.

Bagay din sa kanya kasi napakamabuti nyang tao.

"Ako nga pala si Razel Escultor, kaya pala alam mo ang pangalan ko" at inilahad ko rin ang aking kamay at nag shake hands kami.

"Lumalalim na ang gabi, uuwe na'ko. Maraming maraming salamat sayo." Pagpapaalam ko at pagpapasalamat.

"Gusto mo bang ihatid na kita?" Pag-aalok nya pa saakin.

"Huwag na, nilibre mo na nga ako ng ticket at iniyakan pa kita, abusado na ko kung pati paghatid saakin ay gagawin mo pa." Pag-pipigil ko sa inaalok nya.

"Sige aalis nako , maraming salamat talaga sayo Psalms." Pagpapaalam ko sabay nagsimula ng umalis.

* * * * *

Nakatingin ako sa ferris wheel dito sa parke .

Ang ferris wheel na nagbigay saakin ng maraming ala-ala.

Malulungkot at masasayang ala-ala.

Pero ang isa sa hindi ko ata malilimutan na ala-ala ay araw na nagkakilala kami dito ni Psalms.

Yung araw na hinila nya ako at pagda-drama ko sa kanya.

Araw na kung saan hindi ko alam na doon pala nagsimula ang storya naming dalawa.

"Mama, mama " pagtatawag saakin ng anak ko, anak namin ni Psalms.

Oo, anak namin .

Hindi ko namalayan na pumatak nanaman ang mga luha sa aking mata.

"Sorry baby, naalala ko kasi ang papa mo." sabay punas ng mga luha ko.

Lumipas na ang maraming taon,

Nagkamoved-on na ko sa Ex ko.

Napatawad ko na sila.

Nagkamabutihan kami ni Psalms,

Inaamin ko na hindi mahirap mahulog sa kanya.

Nalaman ko rin na hindi lang pala talaga kami facebook friends. Sadyang matagal na pala nya akong gusto. Haba ng hair ko.

At Niligawan nya ako ng limang buwan.

Syempre sinagot ko sya a-arte pa ba

Tumagal kami ng ilang taon,

Ang aming relasyon na punong puno ng pagmamahalan.

Nagpakasal kami , engrandeng kasalan. Parehas naman asensado ang aming mga pamilya.

Nagbunga ang pagmamahalan namin,

At

At kinuha agad sya ng may kapal saamin.

Sa 27 taon' gulang, iniwan nya na agad kami ng anak namin.

Naaksidente at napuruhan sya,

kahit ilang beses pa akong umiyak at magkiusap sa harap nya na wag muna nya kaming iwan, wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang wala na sya.

Tumingin ako sa langit, langit na punong puno ng makikinang na bituin.

Mahal ko , kung asan ka man, nais kong sabihin sayo na mahal na mahal ka namin ng anak mo. Bantayan mo kami parati.

I love you Psalms , Forever & Always.

"Halika na baby, at baka hanapin na tayo ng lola mo." Sabi ko sa anak namin at nag umpisa nang maglakad papunta sa aking kotse.

Lumingon muli ako sa Ferris Wheel.

Ang Ferris Wheel na ito ang nakasaksi sa pagmamahalan namin ni Psalms at kung paano ako naging matatag.

Ang Ferris Wheel na ito, ang isang bagay na hinding-hindi ko malilimutan sa tala ng buhay ko.

Wakas





xxxxxxx

I hope you like it & don't forget to vote it.

~ Please do leave a comment. It is highly appreciated :>

~ Salamat

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top