Chapter 9

Sa duration ng midterm, pilit kong iwinaglit ang mga nasaksihan noong isang araw. I focused on my tests. 

Nagparamdam na rin si Danniel, though hindi na namin napag-usapan ang nangyari. Parang sa isang iglap ay naging okay na lang lahat. I was okay with it, wala na rin kasi akong magagawa. I mean, ang mga lalaki naman may mga personal na problema talaga 'yan na ayaw pinapakialaman. Iniisip ko na lang na ganoon din sila ni AJ. I didn't want to make it big. 

Wala rin naman akong nababalitaang kung ano about fratwars or such. Even the OSA was quiet so baka nga paranoid lang ako. Baka iba nga naman 'yong nangyaring away noong nakaraan. 

Just like that, Danniel and I went back to normal. Although we rarely see each other, constant na naman ang calls and texts just like before. 

"Guys, do you have plans for this break?" tanong ni Meg sa amin. We were at the student's lounge. We were relaxing dahil sobrang nakaka-drain ang naging exams namin. 

"Hmm, ako wala pero I might be at the company." Shadow shrugged. 

"Ako rin, I think may plans si ate Serena." Si Fabia naman. Napanguso si Meg. 

"Ano ba 'yan! Nakakainis, ha! Lahat kayo may ganap!" himutok niya pa. Natawa kami. 

"I'll go with Papa and Mama, Meg. Sa Jagbuaya kami, I think. Wanna come?" sabi ni ate. Bigla namang nagningning ang mga mata ni Meg.

"Owemgi! I'll go!" Excited na sigaw na bruha at humarap sa akin.

"Wait, you won't come ba?" tanong niya. I shrugged. 

"Don't know." 

"Ases! Parang alam ko na kung bakit!" Inirapan niya ako. Tinawanan ko lang naman siya. 

Well may plano kasi akong bumalik sa workshop ng UD since matagal na akong di nakakasayaw. It's some sort of dance group that gives workshop. Member na ako pero I had to stop because of priorities. 

"I'll be at UD tsaka baka may plano si Danniel. He mentioned something yesterday." Umirap na naman si Meg. Napailing kami. Ang bitter ng bruha. 

Alas dos ng hapon nang mag-decide kaming umuwi na. Sina Shadow at ate umuwi na talaga. Si Hydron kasama ang dalawang babaita, sa mall daw. Ako naman ay pupunta kay Danniel. Four pa ang sabi niya pero wala na rin naman akong gagawin. Matutulog na lang ako doon kung wala pa siya. 

"Bye!" paalam ko bago pumasok sa taxi. Kumaway silang lahat bago rin naghiwa-hiwalay.

It was a 20-minutes drive to Danniel's condo. Tinext ko na lang siya na pupunta na ako. I immediately went to his floor pagkarating ko. Kilala na naman ako ng receptionist since this is the Legaspi's building. It is one of the most famous condo building here in the country. 

Whe I reached his floor, I typed his password and was about to open the door, but my forehead creased when I heard voices inside. 

May tao ba? Is Danniel there? Pero maraming boses, e, parang nag-aaway pa. Seriously?  Kunot-noong binuksan ko ang pinto. 
Hindi agad nakikita ang sala ni Dan pagkapasok kaya wala pa rin akong idea kung anong nasa loob.  Dahan-dahan akong humakbang papunta ng sala habang palakas nang palakas naman ang mga sigawan. 

"Tangina naman kasi! Bakit tayo pinagtitrip-an ng mga 'yon?!"

"Fuck! Dapat talaga tinuluyan na 'yon,e!" 

"Ano ba, shut up na lang pwede?!"

"Basta, ako hindi ako papayag diyan, supremo. I will-"

"Gayle, stop it. Ako-"

"Danniel?" 

Agad na nahinto sila sa kanilang pagbabangayan nang sumulpot ako sa harap nila. 

Kunot na kunot ang noo ko habang sila ay gulat na gulat. I stared at Danniel. 

"Nandito ka na pala? I thought you're at school," sabi ko. Agad siyang lumapit sa 'kin at hinalikan ako sa pisngi.

"Hey. Uhm. I thought 4 pa tayo magkikita?" Niyakap niya ako. He was so uneasy. 

"Ti-next kita. Wala na kasi akong ginagawa. I was thinking of taking a nap here pero mukhang may pinag-uusapan kayo?" Agad na nag-iwas ng tingin ang mga kasama niya. Siya naman ay medyo namutla. Kumunot ang noo ko. "May problema ba?" 

"No! Wala, Mer. Wala. Just some stuff." Nag-iwas siya ng tingin. Now, that's more strange. 

Pilit kong hinuhuli ang tingin niya pero pilit niya rin naman itong iniiwasan. The room went silent and it was so damn awkward. 

"Uhm, kung gusto mo, you can take a nap upstairs. May pag-uusapan lang kami saglit," Danniel finally said. Parang hindi pa rin siya mapalagay. 

I sighed.

"Hmmkay. Doon na lang ako." Tipid akong ngumiti at hinagkan siya sa pisngi. 

Tiningnan ko muli ang mga kasama niyang panay ang iwas ng tingin bago pumanhik sa itaas. 

Para pa akong tangang binabagalan ang paglakad para lang marinig kung magtatalo sila ulit, pero nakarating na lang ako sa kwarto ni Danniel, wala akong narinig na kahit ano sa ibaba. 

Humilata ako sa kama. What was that? Bakit sila nagsisigawan? Anong pinag-uusapan nila? I barely heard some pero di ko naman mapagtagpi-tagpi kung tungkol saan. Pero parang may kaaway sila? Galit na galit, e. 

Bumuntong-hininga ako. Now, I couldn't sleep. 

Napabuntong-hininga na lang ako at napatingin sa kisame. Ilang minuto lang yata ang lumipas nang nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. 

Nilingon ko iyon at nakita ang papasok na si Danniel. Bumangon ako at umupo sa kama. 

"O, I thought you're gonna nap?" kunot-noong tanong niya sabay lapit.

Ngumuso ako at bumuntong-hininga.

"May problema ba?" tanong ko pabalik, hindi pinansin ang tinanong niya. 

Siya naman ang bumuntong-hininga at tumabi sa akin. 

"I'm okay, Mer. There's nothing to worry." Tipid siyang ngumiti. Nag-iwas ako ng tingin. 

Ewan, di ako mapanatag. Parang di siya nagsasabi ng totoo. Napansin niya yata kaya niyakap niya ako. 

"Hey, c'mon," sabi niya pa habang nakadantay ang kanyang baba sa aking balikat. 

We stayed like that for some minutes bago siya bumitiw. 

"You know what, why don't we schedule a getaway? You know, we were so stressed with midterms, don't  you think we need a rest?" panimula niya. I faced him.  "We could go to Bora. Hindi pa tayo nakakapunta roon since it opened again," dagdag niya pa at niyakap ulit ako. 

Sumandal ako sa dibdib niya. Tumingala ako sa kanya. Nginitian niya naman ako. He kissed my forehead. Bumuntong-hininga ako. Siguro nga we need this getaway, kahit one week lang. 

"Okay. Kahit one week lang." I smiled. Hinigpitan niya naman ang yakap at binaon ang mukha sa aking leeg. 

"I love you, Mer," he whispered against my skin. Napangiti ako.

"I love you, too." 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top