Chapter 37
"Come on, Laide, let's go!" Tawa nang tawa si Danniel habang sobrang sama ng tingin ko sa kanya.
"I hate you!" I snapped at him but the jerk just laughed and pulled me closer to him. Nakasimangot lang ako habang pinupugpog niya ako ng halik sa pisngi.
"Come on, Laide. I'm sorry, aight. Sorry," bulong niya pa at mas niyakap ako. "Kuya, ready na po kami!" sabi pa niya sa lalaki na nag-o-operate ng parasailing.
Tinulak ko siya pero ang loko hindi talaga bumitiw. "Ayoko na! Tama na iyong isa!" sabi ko pa. Shete naman kasi. Parang nilipad na iyong kaluluwa ko kanina sa sobrang bilis ng pagpapatakbo tapos itong isang ito, hindi pa nakontento.
"Come on, Laide. No fun! Wala tayong picture!" natatawang sabi niya pa. Oh yes, he wanted to ride that thing again because we had no picture earlier when we rode that thing! Buwisit!
"And whose fault is that?!" Sa inis ko ay nabato ko ng masamang tingin ang kuyang nagbabantay. Tsk. Napakamot na lang tuloy ito ng ulo.
"Swear, it will be more relaxed this time. Nakausap ko na," sabi niya pa, yakap-yakap ako mula sa likuran. Umirap lang ulit ako. Hinalik-halikan niya ulit ako sa balikat. Hindi talaga tumigil ang mokong hanggang sa napabuga na lang ako ng hininga. Nilingon ko siya.
Kinurap-kurap niya pa ang mga mata at pinalobo ang mga pisngi. My gosh! Nagpa-cute pa! Hinilamos ko sa mukha niya ang kamay ko. "Please, Laide, please?" he pleaded even more. Bahagya ko siyang tinulak at saka siya tinalikuran.
"Tara na. Bago pa magbago ang isip ko!" I heard him shriek and then he jogged to me. Inakbayan niya ako at sabay kaming nagpunta sa mga naghihintay sa amin para sa parasailing.
Hawak-hawak ni Danniel ang kamay ko the whole time. He kept on saying comforting words just for me to calm down. True enough, hindi na naging katulad noong una ang ride namin. It was actually smooth and we had so many pictures. Nawala na rin ang bwisit ko kay Danniel at sa ride. After that, nag-banana boat naman kami. Sigaw ako nang sigaw habang si Danniel ay tawa nang tawa. He was hugging me from behind para hindi ako matangay at mahulog. It was hella fun! Tawa kami nang tawa pagkatapos.
Nag-jetski kami after. Ang gago, nakipaghabulan pa sa ibang nagje-jetski roon.
"Hoy! Ano ba! Huwag ka nang sumali sa mga iyan!"
Tinawanan niya lang ako at mas binilisan ang takbo. "You can stand, Laide. I've got a drone following us. Come on!"
"Drone? Sino nag-o-operate?"
"Iyong mga nandoon! Come on! Woooohhh!"
Napakapit ako kay Danniel at dahan-dahang tumayo. Nakahawak ang isa kong kamay sa balikat ni Danniel habang ang isa ay itinaas ko. I arched my back and faced the sky. He was right. There was a drone following us. I laughed and closed my eyes as I felt the sea breeze blowing my hair. Nakaisang ikot pa kami bago bumalik sa dalampasigan.
"Danniel!" I shrieked when he lifted me up from the jetski. Napakapit ako sa kanya para hindi ako mahulog.
He let out a delicious laugh. Inikot pa niya ako bago tuluyang ibinaba sa lupa. We were still laughing at each other. I bit my lip. Nakakapit ako sa kanyang batok at hawak niya namna ako sa baywang. Ipinagdikit niya ang aming mga noo. Napapikit ako at dinama ang halik niya sa aking ilong.
"I love you, Laide," he whispered. I giggled and couldn't help but smile. I took a deep breath and pressed myself on him even more. Tuluyan niya akong niyakap at saka pinugpog ng halik. I chuckled. Nakikiliti ako!
"We should go na!" I said kasi pa-lunch na at hindi pa kami nagpapakita sa mga magulang niya.
We really went with our own itinerary. Ang gago gusto akong masolo kaya kaming dalawa lang ang nag-breakfast tapos dumiretso na kami sa activities. Nag-stroll na rin kami sa beach at nag-picture. Pagod ako sa mga ginawa namin kagabi pero hindi ko na rin naman iyon naramdaman dahil nag-enjoy din naman ako sa mga ginawa namin ngayong umaga.
"Mommy will be nuts pag nakita tayo," natatawang sabi niya pa habang papunta kami sa buffet for lunch. Hapit niya ang baywang ko habang naglalakad kami.
"Sasabihin ko kasalanan mo," I said to him. He just laughed at me. I shook my head. Habang palapit kami ay tanaw ko na agad ang kaguluhan ng mga oldies sa long table. Nagulat pa ako nang makita na ang ibang mga pinsan ni Danniel. I even saw Aries and Krisdette with—what the heck?
"What's wrong, Laide?" tanong ni Danniel nang matigil kami sa paglalakad dahil tumigil ako.
"Pinsan mo ba si Fretzie?" Hindi nakatakas sa boses ko ang inis at pait.
I heard him chuckle. "What? No."
I crossed my arms and keyed him. "Then what is she doing here?"
Kumunot ang noo niya at tiningnan ulit ang buffet. He sighed and shook his head then he turned to me. He pulled me closer.
"I don't know kung ano ang trip na naman ni Dette. But really, I don't care about her. All I care about here is you. Aight?" Hindi na niya ako pinasagot at mabilis niya akong hinalikan sa labi.
I sighed. I hugged him again. He grabbed my hand and held it as we went to the buffet area.
"Woah! Sa wakas nagpakita rin ang love birds!" Dene announced. Narinig ng lahat, siyempre, kaya nasa amin na tuloy ang atensyon ng lahat. Ang galing lang. I could feel Fretzie's eyes boring on us, but I tried not to pay attention to it.
"Bro, Dan!" tawag ng mga pinsan niya. Hinila ako ni Danniel papunta sa kumpol ng mga ito pero tinanguan ko na lang siya at pinauna na roon. Pumayag naman siya at pumunta na sa kanyang mga pinsan.
"Ate Mer! So gorgeous!" sabi pa ni Dene at saka niyakap ako. Natawa lang ako sa kanya. Ginulo ko ang kanyang buhok. "Saan ba kayo galing, Ate?"
I shrugged. "Tried some of the activities."
Ngumuso siya at sumimangot. "Hmp! Ang daya naman! Kayo-kayo lang!"
I shook my head and tousled her hair. "Pwede naman tayo umulit mamaya," sabi ko na lang at inakbayan siya. Yumakap pa siya sa akin. Ang clingy din talaga ng isang ito, eh.
"Hmp. Who is that with Ate Dette? Kanina pa parang chansing nang chansing kay Kuya."
Nawala ang ngiti ko at agad na napunta sa kung nasaan si Danniel. They were just talking. Actually, wala sa kanya ang atensyon ni Danniel pero siya itong dikit nang dikit habang layo naman nang layo si Danniel kausap ang mga pinsan nito. Feeling ko kunot na kunot na ang noo ko at kitang-kita sa mukha ko ang pagkainis.
"Jealous?"
I hissed. "No."
"Bothered?"
"Ugh kainis—" Natigilan ako at agad na napalingon. Nanlaki ang mga mata ko. "AJ!" I shrieked.
The brute smirked. "Hi, Mer."
"Kuya! You came!" Si Dene na ang dumamba sa kuya niya. Natawa ako at napailing na lang ako.
AJ turned to me. I smiled at him. "Hi," bati ko sa kanya.
Kumalas si Dene at saka hinayaan kaming magbeso. "Kitang-kita ko iyong inis sa mukha mo," sabi niya pa. Umirap ako sa kanya.
"Shut up."
"Who's that girl anyway?" curious na tanong niya pa. I shrugged.
"New sorority president."
AJ's mouth formed an o. "Na naman?" tanong pa niya, natatawa.
Sumimangot ako. "I know right?" See? Nahalata rin niya! Hindi ako nag-a-assume lang o nagdedeliryo!
"Fortalejo." Agad kong naramdaman ang brasong pumaikot sa baywang ko.
Naiiling na ngumisi si AJ sa amin. "Montijo."
Makapagbatian ang mga ito parang di magkapatid.
"Mabuti nakarating ka."
Napatingin ako kay Danniel, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Wow, was I imagining things? So he wanted his brother to be here, huh?
"Well, Merian's here." AJ grinned. Sinamaan ko nga ng tingin. Nang-asar pa!
"Well, you can hangout. After all you're friends..." balik naman ni Danniel, pinagdiinan pa ang dulo.
Nasapo ko na lang ang aking noo. Seriously?! Umiling ako. "Stop. Pag kayong dalawa nagkagulo na naman," banta ko sa kanila. Sabay silang nagtaas ng dalawang kamay.
"Chill, Laide. We're good."
"Nah, nandito ako para mag-enjoy, Mer."
I sighed and nodded at them. "E di goods!"
"Everyone, let's eat!" tawag pa ni Tita. Kinuha ni Danniel ang kamay ko at magka-holding hands kaming pumunta ng hapagkainan. Si Dene naman ang humila kay AJ. As usual, iyong oldies lang ang nagkukwentuhan habang kaming mga bata ay tahimik lang.
The lunch ended swiftly. After lunch, nagpunta na kami sa activity area. May iilang hindi sumama at nag-pool na lang Danniel was with his cousins and I was with Dene. Nakangiting pinagmamasdan ko si AJ kasama ang mga pinsan nila.
"Ganda nilang tingnan," sabi ko kay Dene. She chuckled.
"Sinabi mo pa, Ate!"
I smiled even more. I looked around the beachfront. Nasa lounger kasi kami ni Dene at umiinom ng mango juice. Narinig ko magri-race daw ang mga lalaki sa jetski. Alangan namang sumabit pa ako. Mostly sa mga pinsan ni Danniel ay mga lalaki at tatlo lang yata ang babae kasama si Dene.
Naitigil ang pagmamasid ko nang makita ko sa di kalayuan sina Aries kasama si Dette at Fretzie. Parang seryoso ang usapan nilang tatlo kaya hindi ko tuloy naiwasang ma-curious. Tumayo ako.
"Saan ka, Ate?"
"Uhh CR lang ako," paalam ko kay Dene. Malapit sila sa may CR kaya may excuse ako. Dahan-dahan akong pumasok ng CR para hindi nila mapansin. Nakatalikod kasi sila sa pinto ng CR.
"Seriously, Fretz? Si Dan talaga ang crush mo?" narinig kong sabi ni Aries. I knew it. I heard a chuckle.
"Grabe naman, crush lang!" I was sure that it was Fretzie.
"Tss. Walang patutunguhan iyan. You think walang nakakapansin? Mga pinsan namin napapansin ka. I'm sure Dan's noticed it, too. And Merian as well. C'mon, Fretz, kung ano man yang nararamdaman sa pinsan ko, tigil mo na. His heart is for Merian only. Ayokong maulit iyong kay Gayle."
"Pero di ba nag-break na sila?"
"Break? Eh magkasaa nga sa isang kwarto. Come on, I don't want any fuss right now, Fretzie. I'm supremo already. And I am trying not to cause trouble—the org to cause trouble."
"Aries, it's just a small crush! Grabe, ang OA!" it was Dette's voice.
"Tsk. shut it, Dette. Simple crush o hindi wala akong paki. Ang gusto ko tigilan mo na iyan, Fretzie. I don't want another Gayle."
"Hindi naman ako nag-a-aggressive, ah..." Fretzie's voice turned soft.
"Tss. You think hindi ko nakita iyong pang-i-i-stalk mo sa pinsan ko? Come on, this is a family reunion. Why are you here? And Dette, really? If you don't like Merian, wala ka ng pakialam doon. She doesn't need to please you."
"What the hell, Aries? Are you insinuating something?"
"I'm just saying. Just get over it. Hydron dumped you. Walang kasalanan si Merian doon. Huwag mong idamay si Fretzie at ang org sa mga personal vendetta mo. Para kayong mga bata. You think Dan would easily dump his greatest love for you guys? Think again."
Nakarinig ako ng pagsinghap. Napaawang ang bibig ko at nasapo ko ang aking noo. Oh my gosh. So this is about Hydron dumping her. Ayaw niya sa akin dahil doon? And she's using me to what? Hurt my friend? Get even with Hydron? Oh come on! Tama si Aries, ang petty niya. And Fretzie...she's stalking Danniel? No, that's not a freaking simple crush! What's with women wanting men that are taken? Damn it. Hindi man kami officially together again, hello? It's obvious that we're exclusive! Alam kong si Danniel ang dapat kong sabihan pero kung talagang may respeto sila sa kapwa babae at sa sarili nila, they should really learn to back off, too! That's common sense!
~***~
The first day passed by in bliss. Sobrang daming nangyari at sobrang pagod din ako pagkatapos. Hindi ko na sinabi kay Danniel iyong narinig ko. Well, I'll tell him if I feel like it's relevant. Hindi ko na rin kinompronta si Fretzie or Dette. I didn't see any reason. Baka magkagulo pa. Aries already told them what was needed to be told so I guess it was enough. Sana nga enough na. Cause honestly, I'm so happy with what is going on with Danniel and I right now and ayoko na lang talagang isipin iyong dapat hindi ko na problema.
I sighed. Humilig ako kay Danniel habang nakakapit ako sa braso niya at tinatanaw namin ang sunrise. Sobrang aga naming nagising. Ewan ko rin kung bakit, eh, pagod kami kahapon. We decided not to go to the buffet at magpa-room service na lang para malaya naming mapanood ang sunrise. Sobrang aga pa rin kasi na kami pa lang yata ang pinagluto ng chef. Nakaupo kami sa bench dito sa balcony habang nasa harapan namin ang wooden coffee table kung saan nakalagay ang aming pagkain.
"You're extra clingy, huh," sabi niya pa habang umiinom ng kape.
"Ayaw mo?" balik ko sa kanya.
"What? Heck, I like it." He chuckled. I rolled my eyes. Nanatili ang tingin ko sa araw. Maya-maya pa ay inilapag niya ang kape at umayos nang upo. Nag-slant siya nang bahagya tapos ay niyakap ako mula sa likuran. Nakasandal na ako sa dibdib niya.
"Tss."
He vibrated again. Then I felt him kiss my head.
"When's your graduation?" he asked.
"Why?"
Hindi agad siya sumagot. Mga ilang segundo pa bago siya muling sumagot.
"Cause I'm thinking about your graduation gift."
"And?" Nangunot ang noo ko. He paused again.
"I'm booking a Mediterranean cruise for the two of us before you go to law school."
Hindi agad ako nakasagot. Parang hindi nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Napabalikwas ako at napalingon sa kanya. Napakurap pa ako. Nasapo ko ang aking bibig nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya.
"Really?!" I gasped. Abot tainga ang aking ngiti dahil sa sinabi niya.
He let out a chuckle. Kinuha pa niya ang kamay ko at hinalikan. "Yeah, everything for my girlfriend..."
Nagsalubong ang kilay ko. "Huh? Sinagot na kita ulit?" tanong ko pa.
Tinawanan niya lang ako at niyakap. He showered me with kisses after. I groaned kasi ang higpit ng pagkakayakap niya.
"I love you, Mer. Forever and always..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top