Chapter 32
"Let's have a quiz next meeting. Class dismissed."
I sighed and massaged my head. Damn. Gusto kong matulog.
"Ano na, sis? Wala ka bang tulog, ha?" tanong ni Blake sa tabi ko. Ngumuso ako at saka tumango lang. "At bakit ka walang tulog, ha, bruha ka."
I sighed and shook my head. "Wala ito."
"Asus. Love problems, no?" Humagikhik ang bruha. Inirapan ko siya kaya mas tinawanan ako ng loka.
"Saan tayo magla-lunch?" tanong ko na lang sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya. "Cafe n'yo?"
Sumimangot ako. "Hmp. Iba na lang. Nauumay rin ako sa mga paninda namin, no," sabi ko pa.
"Ay, sorry naman sis! Fine, fine. So saan? Mall?"
Tumango ako. "Yeah pwede. Nagdala kang car?" tanong ko.
"Yep. So ako ang driver ngayon, ha?"
Tinawanan ko lang siya tapos ay umangkla sa kanyang braso. "Let's go. I need to be relaxed..." sabi ko. Umismid lang siya.
"Hmp. Kainis ang mga problema mo ha! Love life!"
"Oh please, huwag mo nga akong lokohin na para bang wala kang love life. Duhh." The brute just laughed. Umiling ako at naglakad na lang ulit kami.
May malapit na mall sa university kaya mga 10 minutes lang ay dumating na kami sa mall. We decided to eat at Chili's na lang. Blake went to the CR while we were waiting for our order, so I got my phone to check for updates sa internship namin since nagsisimula na kaming maghanap. I could easily get an internship under Papa's legal team sa Fermin Corp, kaso ayoko doon. Gusto ko ma-try naman ang ibang company. Besides, I will have my formal training when I enter law school.
Napabuntonghininga na lang ako nang makita ang sandamakmak na texts ni Danniel. Wala akong nireply-an ni isa sa mga iyon. After that commotion in the cafe, literal na wala muna akong kinausap sa kanilang dalawa. I was so fed up with that situation. Gets ko naman na hindi ko mapipilit silang mag-ayos pero talaga bang wala silang kontrol sa init ng ulo? Kada magkikita, nagsasapakan? Seriously? Ang liit lang ng mundo namin. Magkikita at magkikita sila kaya hindi pwedeng ganoon na lang palagi.
I sighed again. Nakaka-frustrate kasi kung kailan namin inaayos ni Danniel ang relasyon namin, saka may ganito, but then mas namayani na talaga ang pagkairita ko sa mga pinaggagawa nila. Masakit man pero hindi ako papayag na ako ang maging dahilan kung bakit puro sila pasa pag nagkikita sila. Cause although they have other grudges towards each other, ako lang naman ang tulay sa kanilang dalawa. They would often see each other because of me.
Itinaob ko na lang ang phone ko para hindi na makita ang reply niya. Kinukulit lang kasi niya ako. He wanted to talk and all. Ganoon lagi ang message niya kahapon pa.
"Oh, anyare na naman sa mukha mo, sis?" tanong ni Blake pagkabalik niya.
"Nothing. Kinukulit lang ako ni Danniel," sabi ko pa. Agad na tinaasan niya ako ng kilay.
"Ay wait, anong meron? I thought reconciliation na ang peg n'yo ni Supremo?" takang tanong niya pa.
Napabuga ako ng hininga at ikinuwento na lang sa kanya ang mga nangyari. Nalaglag ang panga ni bakla dahil sa sinabi ko. Humalukipkip ako roon habang nakatingin sa kanya.
"What?" tanong ko pa. Suminghap siya at hindi makapaniwalang napatitig sa akin.
"Seriously, Ferms? Ay, te, napakagulo mo! Hindi ka ba natatakot?"
"Takot saan?"
"Well, what if ma-tired si Fafa Supremo sa pag-iinarte mo, duhh?"
I swallowed hard. "Then ayaw na niya...if he will get tired just because of what I did, then baka hindi niya talaga gustong makipagbalikan sa akin." Just thinking about it sent shivers to my spine. I could taste the bitterness in my voice as I said those.
Kasi paano kung tama si Blake? Suddenly, I was embraced by fear...but then the thought of being with Danniel for almost a decade already immediately brushed off that fear.
"But I know him, Blake. He waited for 4 years for us to become official..." I said.
Blake's eyes settled on me, then he smiled from ear to ear. "Grabe, sis. Sana all! The confidence! Damn, love it!" Pumalakpak pa siya.
Natawa na lang ako. Ilang saglit pa ay dumating na rin ang order namin. Kumain lang kami ni Blake at nag-chismisan tapos ay nag-stroll muna kami sa mall. Matagal pa naman ang next class namin.
Nag-shopping muna si bakla. Hinayaan ko lang siya. Wala ako sa mood mamili at saka baka mabanas si Papa pag nag-swipe na naman ako. May big purchase pa naman akong parating.
While Blake was shopping, I couldn't help but check my phone again. I sighed as I read some of Danniel's message.
From Danniel:
I'm sorry
Laide, please??
Damn, I'm really sorry...
Okay I will give you space. I'll settle this thing between us. I'd apologize to him if you want.
Baby...
Let's just talk.
Napapikit ako. I started typing.
To: Danniel
I don't appreciate you doing it for me
Do it for your family and your self
wag na muna tayong magkita
Nakagat ko ang aking labi. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya at ang bilis niyang nakapag-reply sa akin.
From: Danniel
Fuck, Laide...
Please
Shit. okay, okay. But can you let my driver still pick you up and drive you home?
Please...
Hindi na ako nag-reply. Napailing ako ay minasahe ang aking noo. Gosh. Sana pala nag-shopping na lang din ako para malibang di ba. Tsk. I shook my head and went to Blake.
My setup with Danniel continued to be like that for weeks hanggang sa naging isang buwan. May communication pa rin naman. Well at least sa side niya. He would always update me everyday. As in araw-araw. And I'm sure din naman na alam niya kung ano ang nangyayari sa akin kasi nga panay pa rin ang hatid-sundo sa akin ng driver niya. Yes, like that.
AJ and I haven't contacted each other ever since that encounter. It was a good thing na sobrang busy ko na rin talaga sa paghahanap ng internship.
"Merian, what is taking you so long in finding a company. Maraming nag-o-offer ng internship para sa 'yo," sabi ni Papa habang kumakain kami ng breakfast.
Ngumuso ako. "Actually, Pa, I'm also thinking of applying in a firm?" sabi ko.
Napatingin sa akin si Papa tapos ay bumuntonghininga siya. "Okay, then you should apply to big firms. I'll have my secretary draft a list for you."
Tumango na lang ako. Alam ko namang hindi ako mahihirapang maghanap ng pag-o-OJT-han ko sa dami ng connection ni Papa, but somehow, I wanted to do it on my own. My sisters are making their own path in their careers at gusto kong ako rin. Though gets ko naman si Papa na gusto niya lang mapadali ang lahat sa akin, but let's admit it, walang madali sa buhay.
'If you would like to consider, the Montijo Corp. is offering you an internship program in their legal team, hija. I just talked to Danny last week," pahabol pa ni Papa.
Bigla akong napaubo sa sinabi niya. I took a deep breath and focused on my food. "No, thanks, Pa."
"Oh? Akala ko ba nagkakaayos na kayo ni Dan?"
Nagkibit-balikat ako. "Well, ayokong maging boss siya."
Narinig kong tumawa si Mama. "Oh, Joaquin, hayaan mo na ang bunso nating mamili kung saan siiya mag-o-OJT. Ang awkward nga naman na boss niya ang boyfriend niya.
Mariin akong napapikit. Hindi ko na lang tinama si Mama kasi nakaka-drain ng energy. For sure kasi ay maraming magiging follow up si Papa pag nagsalita pa ako.
"Alright, it's your call," pagsukong sabi ni Papa. Nakahinga ako nang maluwag. Nauna ako sa parents ko na umalis. Pagkalabas ko pa lang ng main door namin, nakita ko na agad ang driver ni Danniel na walang palya sa paghahatid sundo sa akin.
"Good morning, Kuya," bati ko pagkapasok ko ng sasakyan. Tumango lang si Kuya sa akin at saka nag-drive na.
Pagkarating ko sa school, usap-usapan na ng blockmates ko ang mga internship nila.
"Fretz, saan ka ba? For sure may ipo-provide ang soro, di ba?"
"Hala oo nga, sana all! Pwede bang maki-hitch kahit hindi part ng soro?"
Hindi ko napigilang makinig sa usapan ng grupo ni Fretzie. Napalingon tuloy ako sa kanila. I couldn't help but stare at Fretzie. She has been active with the sorority the past few days. Ang dami nilang pakulo ni Aries
"Hmm tanungin ko muna si Supremo, kasi iyong offer niya sa akin lang, eh."
My forehead creased. Supremo is Aries now...right?
"Si Supremo Aries?"
Umiling si Fretzie. "Ay hindi! Si OG supremo. Ayaw ni Aries tinatawag siyang supremo." Humagikhik pa ito. "Supremo Dan. Nag-offer siyang sa company nila ako mag-OJT. Bakante raw legal team nila."
Napakurap ako. Oh wow. Bakit ang involved niya naman yata sa soro? He's no longer the frat's leader. Graduate na siya.
"Yieee naks naman talaga!"
"Sus! Dream come true! Baka naman panay titig ka lang doon kay Supremo!"
Naghagikhikan ang mga kasama niya. I couldn't see Fretzie's face kasi nakatalikod siya sa akin pero nakita ko namang hinampas niya iyong kaibigan niya.
"Hoy! Grabe ka! Mag-iintern ako roon no!"
"Asus! Baka malaman namin kayo na ha!"
"OMG ka! Nandito kaya si Merian!"
Agad akong tumalikod. So they know me. Of course. Why the hell not? Nag-grand entrance lang naman ako nang bumalik si Danniel. I looked down and took a deep breath.
"Eh? Wala na naman sila di ba?"
"Gagi, ansabe eh magkakabalikan."
I stood. I didn't want to hear anything about it. At talaga? Ang lakas ng bulungan. Tsk. Pumunta na lang ako ng cafeteria para bumili ng kung ano. I didn't know why I was bothered. Parang deja vu. It was like Gayle all over again. What the heck?
"Ate Gayle, binilhan na kita, oh."
Napahinto ako. Oh wow, great! Saktong paglingon ko ay nasa tabing table ko sina Gayle kasama ang dalawang babaeng hindi ko kilala. I was in the line at katabi ng line ang table nila.
"Thank you, Gal."
I heard she's still a soro member, but no benefits. Wala na rin si Krisdette na lagi niyang kasama noon. What, did Dette dump her, too? Tsk. Balimbing talaga ang isang iyon. Napailing na lang ako.
I got myself a coffee before I went back to our classroom. Saktong pagbalik ko naman ay nandoon na si Blake.
"Kaloka ka, akala ko absent ka!" bungad niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Are you serious? Nandito bag ko," sabi ko pa at umupo. Ang gaga, kinuha ang kape ko at nauna pa siyang uminom. Napailing na lang ulit ako.
~***~
The week was very busy for me because we were not also preoccupied by our thesis, may quizzes pa kami at ibang bagay na hinihingi ng admin for graduating student. It was a lazy weekend for me, so I spent my time finishing some tasks for thesis and other quizzes sa ibang subjects.
As usual, mag-isa na naman ako sa bahay kasi may kani-kanilang mundo na naman ang mga kapatid ko.
"Merian, may bisita ka."
Nangunot ang noo ko at nilingon si Manang. Nasa sala kasi ako at kaharap na naman ang aking laptop.
"Sino po?" tanong ko nang hindi lumilingon at tutok pa rin sa ginagawa ko.
"Hi!"
Nahinto ako sa pagta-type nang marinig ang boses na iyon.
Mabilis akong lumingon at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nandoon.
"Dene!" I screeched.
"Ate Mer!" tili rin niya at mabilis akong niyakap nang mahigpit. "OMG! I miss you so much, Ate Mer!"
Natawa ako nang ibinaon niya ang mukha sa aking balikat at mas hinigpitan ang kanyang yakap.
"Aww I miss you, too, Dene."
Kumalas kami sa yakap. Nagkatinginan kami ni Dene at kitang-kita ko naman ang pag-pout niya sa akin. Mas lalo akong natawa.
"Hmpp. I haven't see you in a while! Hmp! Nakakainis."
Mas lalo akong natawa sa kanya. "Pwede mo naman akong bisitahin anytime," sabi ko pa. Yumakap ulit sa akin si Dene at isiniksik pa ang sarili sa akin.
"Hmpp. I miss my Ate Mer."
Napailing ako. Dene and I are very close. Like noong high school pa kami ni Danniel at baby pa lang siya, sinasama namin siya sa iilang dates namin. Pag nagpupunta rin ako sa kanila, sobrang lambing talaga ng batang ito. Ako nagtitirintas ng buhok nito noon tapos always may pasalubong sa akin at lagi rin naming sinasama ni Danniel noon.
Noong nag-college lang naman ako at lumaki na rin siya saka lang kami minsanan na lang nagkakasama. Then something happened in their family, too, so medyo hindi na talaga kami nakakapag-bonding na.
"Kumusta ka na?" tanong ko pa sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Hmm. I'm fine naman. Ikaw, ate?"
"Okay lang din. Sobrang busy lang talaga. Ughh we should really go out sometimes!"
Napapalakpak si Dene. "Yes, yes, please!" She pouted again. I chuckled. She looked at me and then she gave out a sigh. "How are you and Kuya?" nag-aalangang tanong niya pa.
I bit my lip and gave her a sad smile.
"Hmm I guess, we're fine? Well we just haven't talked? We're both busy, anyway," sabi ko na lang.
Tumango-tango naman siya. "Yeah busy nga siya, but he's been sending you flowers!" Ngumisi siya sa akin. "I know kasi nakikita ko iyong address ng mga pinapadala niya."
Natawa kaming dalawa. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. "Well, yeah...and hatid-sundo rin ako ngn driver niya. For sure, you know that, too," natatawang sabi ko pa.
"Yup! Hmm so I wonder why you haven't made up, yet?" Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.
I sighed and shrugged. "Maybe we will...kailangan ko lang ulit ng space kasi mukhang makikipagpatayan na naman siya kay AJ dahil sa akin." Sumimangot ako sa kanya. Nakagat naman ni Dene ang kanyang labit. Ngumuso ako at naningkit din ang aking mata sa kanya. "Uhm speaking of, how is AJ and him?" Ako naman ang nagkagat-labi.
Dene sighed. "Well, Papa had a talk with them. Hindi ko talaga alam anong details kasi boys talk yun but they seem civil na."
Napakurap ako, hindi makapaniwala. Napasinghap pa ako sa gulat. "Really?" I asked in disbelief.
"Oo! We can eat na nga nang hindi sila nag-aaway!"
"What? Kumain na kayo? Together with AJ?" takang tanong ko pa.
Dene laughed. "You couldn't believe it din, no? Ako rin! Gosh. I really didn't think it would happen," sabi niya pa.
Nakagat ko ang aking labi. Napasinghap ulit ako. "Oh wow that's progress..."
Tumango-tango si Dene.
"Yes! Kaya sana pansinin mo na si Kuya Dan at mag-ayos na kayo?"
Natigilan ako at agad na naningkit ang mga mata ko kay Dene. Mabilis na nag-iwas naman siya ng tingin sa akin. Napanganga ako. Ay wow naman talaga.
"Oh wow. Seriously, Dene? Pinadala ka ba niya rito?" Napa -face palm na lang ako dahil ang galing nga naman ng magaling kong ex at ginamit pa nga nito ang kanyang kapatid. Damn, Danniel. Napailing na lang ako.
Dene looked at me apologetically. Ngumuso siya sa akin. "Hmm... yes, but hindi ako pinilit, ha! I mean, I just really want the two of you to be okay na... but if you don't want, hmm bahala ka. Mag-shopping na lang tayo!" Her mood suddenly changed. Natawa ulit ako at natampal na lang ang aking noo.
Tumikhim ako at inayos ang aking mga gamit. "Okay fine, let's go shopping," sabi ko pa sa kanya.
~***~
"Oh my gosh, thank you sa libre, Ate Mer!" Dene was hugging the paper bag of Louis Vuitton. Natawa ako sa kanya at napailing na lang.
"Nahh, pambawi ko iyan at ilang taon na tayong hindi nagba-bond," sabi ko pa. Ngumuso siya at mahigpit akong niyakap. Hay, ang sweet talaga ng batang ito, eh. "So, where to next?" tanong ko pa.
Umayos siya nang tayo pero umangkla rin naman sa akin.
"Natio! I need to buy supplies!"
I chuckled again and shook my head. "Okay, hyper kid!" natatawang sabi ko.
She chuckled, too, at hinila na ako papuntang NBS. Pagkarating sa bookstore, hinayaan ko na muna si Dene na mag-ikot. Tumingin-tingin na rin ako ng libro tapos highlighters. Seryosong nakatitig lang ako sa mga highlighter nang bigla akong bumangga sa kung ano.
"Sorry—"
"Hey..."
Mabilis akong natigilan nang makilala ko ang boses. Nag-angat ako ng tingin at bahagyang umawang ang bibig ko nang magtama ang paningin namin.
"AJ..."
"Hi, Mer."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top