Chapter 3

It was a regular weekday kaya mamayang tanghali pa ang klase ko. It was still 8 a.m. but I was already done with my morning routine. 

"Merian, tapos na itong sopas," ani Manang at inilapag ang tupper ware g sopas sa tabi ko. Nagpasalamat ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagpi-prepare ng ham sandwich. 

I prepared four sandwiches tapos may sopas. Malakas kasi kumain ang magaling kong boyfriend at may hangover pa kaya sure akong lalamunin niya 'to lahat. 

Pagkatapos mahanda ang mga pagkain, nilagay ko na ang mga 'yon sa isang lunch box. I got my back and went to Mama in the garden. Nagkakape sila ni Papa.

"Ma, Pa, morning. I'll go ahead na. Dadaan pa ako sa condo ni Danniel." Ipinakita ko ang dalang lunch box. Tumango lang si Papa at ngumiti naman si Mama. 

"Magpahatid ka na kay Manong. Si Ate Daisy mo tulog pa 'yon," ani Mama. Tumango lang ako at nagmano sa kanila. 

Nagpahatid ako kay Manong sa Legaspi Towers. I immediately went to the elevator and tapped his unit's floor. Hindi ko na siya tinext kasi for sure ay tulog pa 'yon ngayon. 

Nang makarating sa unit niya ay ti-nype ko 'yong password niya. He gave me his password kasi tinatamad siyang magbukas. Actually marami kaming nakakaalam ng password niya. Bukod sa akin, his friends and cousin or what he calls his big three daw, knows his pass. Tambay rin kasi 'yong tatlo rito. 

Pagkapasok ay inilagay ko muna ang sapatos ko sa shoerock niya. I changed into my comfy slippers here. Nilagay ko na rin ang lunch box sa dining table niya bago siya pinuntahan sa kwarto. Gaya ng inaasahan ko ay tulog pa ang mokong. Nakadapa pa ito at naka-topless lang. Bahagya akong napatawa. I cannot imagine Aries undressing him last night!

Naiiling na lumapit ako sa kama. I sat beside him and gently tapped his face. 

"Hey, loverboy, time to wake up," I said but he just groaned and shifted his position. Tinalikuran ako ng mokong. Napairap ako.

"Danniel, gising na. I swear bubuhusan kita ng malamig na tubig diyan. Isa..." 

He groaned in frustration and forced himself to get up. Pupungas pungas pa ang loko habang nakaupo sa kama at hawak sa isang kamay ang ulo. Ayan, hangover. Umiling ako at tumayo na. 

"Magbihis ka na at sumunod sa kitchen. I'll prepare your breakfast para matanggal 'yang hangover mo. Bilisan mo, Danniel." Pinandilatan ko siya 'tsaka tinalikuran. 

Dumiretso ako sa kitchen at isa-isang inilabas ang sopas at mga sandwich. Tinimpla ko na rin siya ng kape at kinuha ng gamot sa medicine kit niya. Palagi kong sinisiguradong may gamot siya rito para sa hangover dahil kapag nagkayayaan sila ng mga kaibigan may 90 percent probability na nalalasing ang loko. 

I was preparing his coffee nang naramdaman ko ang dalawang kamay na pumulupot sa aking bewang. Then I felt his chin on my left shoulder. 

"Kumain ka na tapos ay uminom ka ng gamot," I told him. Hindi siya gumalaw, sa halip ay mas humigpit ang yakap niya at inugoy-ugoy pa kaming dalawa. 

I rested my head on his chest. Natitingala ko na siya sa posisyong 'yon. Paano ang taas kasi ng loko. Actually hanggang balikat niya lang ako. 

I smiled at him and kissed his cheeks. Natawa pa ako nang singhutin niya ang buhok ko. 

"Who undressed me last night?" kunot-noong tanong niya. "Parang 'di mo ka-amoy." 

Natawa ako sa sinabi niya. "Si Aries naghatid sa 'yo kagabi. Hindi na ako sumama kasi pianpauwi na rin kami ni Papa." 

"Fuck. Kaya pala ang baho. Shit." Mas lalo akong natawa. Hinampas ko siya at kumawala na sa yakap. 

"Sige na, kain na tayo. Nagpaluto ako ng sopas kay Manang and I prepared us sandwich. Pagkatapos nito, inom ka na ng gamot." I pulled the chair in front of me and sat on it. Umupo na rin siya sa tabi ko. 

Pinahigop ko muna siya ng sopas. Ayaw niya magkape kaya ang ending ako na lang ang uminom. Pagkatapos ng sopas ay halos naubos niya lahat ng sandwich. Naka-tatlo lang naman siya. Sabagay, sanay talaga siyang naghi-heavy breakfast. 

After that, bumalik kami sa kwarto niya at habang naliligo siya ay nakatanga lang naman ako sa kama niya.

"Anong gagawin natin? Eleven pa pasok natin," tanong ko sa kanya pagkalabas niya ng CR. 

Ang fresh tingnan ng loko. Nakatapis lang ng tuwalya at may butil butil ng tubig pang dumadaloy sa six packs niya. Nag-iwas ako ng tingin. Halos araw araw ko na naman siyang nakikitang naka-topless pero na-a-awkward pa rin ako. Sini ba naman kasing hindi?

"You can stare, Laide. It's all yours." Dinig kong sabi niya. Kitang kita ko pa mula sa peripheral vision ko ang pag-ngisi ng loko habang nagpupunas ng buhok. Inirapan ko siya at tinalikuran. Narinig ko pa ang halakhak niya at ang pagbagsak ng pinto ng walk-in closet. 

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagsi-cellphone. I was scrolling our block's group chat to look for possible announcement or ano. Kinuha ko na rin ang International Law na libro at nagbasa ng future lessons. 

I was busy scanning my notes nang napansin ko ang pag-vibrate ng cellphone ni Danniel sa may side table. I looked at the walk-in closet. Ang tagal naman yata magbihis ng isang 'yon. Nang hindi tumigil sa pag-vibrate ang cellphone ay kinuha ko iyon. Napanguso ako nang matingnan ang caller. Si Aries. I accepted the call and placed the phone on my ears.

"Nagbibihis lang si Danniel, Aries," bungad ko at patuloy na nagbasa ng libro.

"Mer, pakitawag naman, o. Pakisabi emergency lang. Please. Kailangan ko lang siya makausap," tila natatarantang sagot nito sa kabila.  Natigil ako sa pagbabasa. Kumunot ang noo ko at binalingang muli ang walk-in closet. 

"Danniel, si Aries tumatawag! Importante raw!" Bumaba ako sa kama at lumapit sa pinto ng closet. Agad din naman siyang lumabas at kinuha ang phone. He went back inside the closet habang ako naman ay bumalik na lang sa pagbabasa. 

Ewan ko kung gaano katagal silang nag-uusap pero pagkalabas na pagkalabas ni Danniel ay nagyaya na siyang umalis. It was still 9 a.m. pero pwede rin namang tumambay na lang ako sa student's lounge. May gagawin daw kasi sila sa headquarters nila. 'Yon yata ang itinawag ni Aries. 

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya pagkababa namin ng parking. Napansin ko kasing parang nagbago 'yong mood niya. Hindi ko alam kung may kinalaman ang tawag ni Aries, but I felt like something was wrong.

"Yeah. May aayusin lang kami. I'm sorry if we had to leave early." He kissed my temple. Marahan ko siyang nginitian. 

"It's okay. Lunch na lang tayo, later?" 

"Yeah. It's a date, Laide. I love you." 

"I love you, too." 

I closed my eyes as I felt his lips on mine. He slid his lips in and cupped my face with his two hands. I felt his lips invading my mouth. Agad akong namula at naitulak siya. I heard him chuckle and pressed a smack on my lips again. 

"Hanggang ngayon nagugulat ka pa rin sa ganoon," nakangising bulong niya. Mas lalong nag-init ang mukha ko.

"Gago, PDA tayo. Gusto mong ma-dean? Tita ko po ang dean." Inirapan ko siya. Humalakhak lang ang loko. 

"Okay, I'll just see you at lunch, Laide. Love you." And he kissed me again. Ughh. Ayaw paawat talaga, e. Sinamaan ko nga ng tingin pero niyakap niya lang ako at hinalikan na naman sa cheek bago siya umalis at kumaway sa akin.

Napailing na lang ulit ako. I turned around and was about to walk away when I saw Dette and that girl from the game before. Sinundan ko sila ng tingin at nakita kong papunta sila kay Danniel. Sorority, I guess?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top