Chapter 26

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Aries noon sa bar. Sobrang balisa ako sa mga sumunod na araw. And I really tried my best for it not to get the best out of me kasi feeling ko mas lalo akong madi-distract.

Damn it. Sobrang lihis na talaga ng landas mo sa pagmo-move on, Merian!

"It's your first day, right, Mer?" bati ni Mama pagkababa ko Ngumiti lang ako nang tipid saka tumango. "Aww, last year na ng bunso ko sa college," sabi pa ni Mama tapos ay niyakap ako. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa sa kanya.

Yumakap ako pabalik kay Mama. "Ma, I'll always be your bunso," sabi ko pa. Humigpit ang yakap ni Mama sa akin at pinugpog pa ako ng halik.

My gosh, nagsesenti yata si Mama na ako na lang ang estudyante niya at last year ko na sa college. Humiwalay na siya sa yakap at sinapo ang magkabilang pisngi ko.

"Oh look at you. You're all grown up! Parang kailan lang hinahatid kita sa Kinder!" Mas lalo akong natawa sa sinabi ni Mama. I hugged her again.

"Mama, hindi po ako mag-mo-move out kung iyan ang inaalala mo," sabi ko pa kasi halos lahat ng mga kapatid ko nag-move out na rin talaga kahit na umuuwi pa rin naman ang mga ito rito sa bahay. Talagang kami na lang ni Ate Daisy ang regular na nandito sa bahay at dito nakatira.

Siguro na-miss lang talaga kami nina Mama at Papa kaya ganoon na lang ang drama ni Mama ngayon.

"Oh you better not yet! Ayokong kami lang ng daddy mo ang nandiot sa bahay!" sabi niya pa kaya mas natawa ako sa kanya.

"Ma talaga! Lika na nga at mag-breakfast na tayo," yaya ko na lang at hinila na si Mama papunta sa dining area.

Nandoon na si Papa at nagkakape habang si Ate Daisy naman ay hinihintay na rin kami.

"Halina kayo at kumain na tayo," yaya pa ni Papa kaya umupo na rin kami ni Mama roon.

"What's your schedule today, Daisy?" tanong pa ni Mama kay Ate. Nagibit-balikat si Ate.

"I'll be at Castell, Ma. Then may shoot ako ng hapon with the Del Castillos," sagot ni Ate.

Tumango si Papa. "Are you free this Saturday? Isasama kita sa meeting ko with Shun and his father."

Muntik nang masamid si Ate sa sinabi ni Papa. Agad na nag-angat ako ng kilay sa kanya. .

"Okay ka lang ba, Ate?" tanong ko pa Tumikhim siya at agad na umayos nang upo.

"Yeah, I'm fine. Uhhh what's the meeting all about, Pa? I mean bakit ako ang kailangang sumama?" Ngumiwi pa si Ate. Umirap ako at natawa sa kanya.

"Uhh kasi ikaw na lang ang available, Te. May hinahawakan na kaya sina Ate Nia at Kuya," sabi ko pa. Sinimangutan lang ko ni Ate.

"I have to see my sched—"

"Free it. Importante ang meeting na ito, Daisy. And your sister is right. Nia and Naga already have a lot on their plates. Isa pa, ikaw ang ni-request ni Shun na makasama sa meeting." Papa eyed my sister intently.

Napakurap naman ako. What? Teka, lang. Ano'ng meron sa kanila ni Shun? Nilingon ko si Ate at nakatungo naman siya at hindi sinasalubong ang mga titig ni Papa. Naningkit ang mga mata ko sa reaksyon ni Ate. Something's up! Wow, sobrang busy ko na ba sa sarili ko at hindi ko na napapansin ang kilos ng ate ko? Oh well, magaling naman kasi talagang magtago itong si Ate.

Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain. Ramdam ko ang tension kay Ate but hindi na rin naman siya nagsalita or anything. Nagkibit-balikat na lang ako.

Sumabay ako kina Mama and Papa. Supposed to be ay sasabay rin si Ate sa amin kaso ewan ko roon at nagdesisyong magpaiwan. D-in-rop lang ako ng parentals as Fermin at umalis na rin sila. Usually, walang pumapasok na prof pag first day pero ewan ko rin kung bakit ako nabudol ni Blake na pumasok ng first day.

Before, pumapasok lang naman ako ng first day kasi after ay nagdi-date—

Napahinto ako sa paglalakad at sa pag-iisip. Mariin akong pumikit saka bumuga ng hininga at umiling. Erase, erase. For once, Merian, stop thinking about him first...

Ipinilig ko ulit ang aking ulo tapos ay tiningnan ang phone ko. Natigilan pa ako nang may text si AJ doon.

AJ: Good luck sa first day hahaha

I stared at it for a while. Consistent naman siya sa pangungumusta sa akin...ako na lang talaga ang hindi nagre-reply. Bukod sa umalis din naman kami ni Ate, I opted not to engage...

I sighed. I realized na ang selfish ko naman kung ipipilit ko iyong friendship tapos nasasaktan siya. I know he meant it na okay lang talaga sa kanya kaso...it's just so unfair. It didn't sit right with me...ang bitch ko.

In-exit ko na lang iyong convo at nagpatuloy sa paglalakad. I already got our room and sched for the whole sem. Ewan ko kung nandoon na si Blake though. Dapat tatawagan ko siya eh, kaso huwag na nga lang. Malaki na naman iyon. Kaya na niya ang sarili.

The campus was awfully quiet. Ewan siguro wala pa lang masyadong energy ang mga tao lalo na at first week pa lang. Well, I don't really know. I sighed again. Napangiwi pa ako nang ang daming taong nag-aabang sa elevator. Oh gosh...

Hindi naman ako late or anything, ayoko lang maghintay roon. Humalukipkip ako at saka sumandal sa dingding habang naghihintay sa pila.

"Ay sis, nagmamadali?"

"May kailangan nga kasi akong ipasa raw! Baka ma-late ako! Patay ako kay Aries!"

Nagpanting ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Aries. Agad akong napalingon sa nagsalita kaso wala ng tao roon at mukhang nakapunta na sa hagdan.

Who was that? Soro member? Well, baka. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa pila. Nakasakay naman ako after 2 stops yata. Pagkarating ko sa classroom namin, na-shock pa ako na nandoon na pala si Blake.

"Fermsieeee here!" sigaw niya sa akin at tinuro ang katabi niyang upuan. Tipid na ngumiti lang ako at lumapit. Nakita ko pa ang ibang blockmates namin na nagsilingunan sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso na kay Blake. Umupo ako sa tabi niya.

"Ang aga mo ata?" tanong ko pa sa kanya. Ngumisi lang ang loka kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Hinatid kasi akez." Kinilig pa nga. Inirapan ko siya. Eh 'di siya na ang may love life.

Sumimangot lang ako sa kanya. Agad na nagkuwento ang loka sa mga ganap niya noong bakasyon. I was listening but I was kind of distracted by one of our classmates. Napakunot ang noo ko sa isang babaeng may super straight na buhok na hanggang baywang. It was color brown and feeling ko mag-ii-slide ang langaw pag pumatong sa buhok niya.

"Oo nga, eh. Kailangan na kasi ngayon iyon...siguro usap na lang kayo ni Aries. Uhuh. Yes..." She was talking to someone on the phone and ang nakapagpakuha ng atensyon ko ay ang pagbanggit niya sa pangalan ni Aries. Parang siya rin iyong narinig ko kanina sa elevator.

Soro ba siya?

"Hoy, Fermsie! Nakakaloka ka!"

I snapped back to reality ang looked at Blake. Kinunutan ko siya ng noo. "Huh?" tanong ko. Suminghap siya at nag-aktong parang nasasaktan pa ang gaga. Sinimangutan ko lang siya at inilingan.

"Hindi ka kasi nakikinig! Jusko ha," pagtataray niya pa.

Huminga ako nang malalim at tiningnan ulit ang babaeng nagsasalita. "Kilala mo ba iyan?" tanong ko kay Blake.

"The who?"

Nginuso ko ang babae na may kausap pa rin sa cell phone. "She kept on mentioning Aries' name..." sabi ko, hindi inaalis ang tingin sa babae.

"Ohhh kaloka ka, blockmate natin iyan since last year! Anak ng haciendero sa Quezon Province...hmm mayaman, pero hindi kasing yaman n'yo of course." Humagikhik siya. Umirap lang ako ulit at pinakatitigang ulit iyong babae.

"So, is she a soro or something?" tanong ko pa.

"Hmm. Parang...shet, di na ako updated sa chismiss, te! Wala na nga akong checking ng gossip site! Kalerks."

Hindi na ako nagsalita. Nakatitig lang ako sa babae na kausap na ngayon ang kaibigan niya. I sighed and eventually looked away. I closed my eyes for a bit bago bumuga ulit ng hininga. I don't know why I was easily distracted din just by the mention of Danniel's frat or even the sorority. Talagang lahat na lang na connected sa kanya eh. Kainis. Tsk.

I tried to get them off my mind. Thankfully, pumasok ang prof namin so, I was able to get my mind off them and anything related to Danniel...well at least for a while. Iisa lang ang pumasok sa subjects ko that day. So, free cut na ako pagkatapos ng class na iyon. Kasama ko si Blake na nagliwaliw sa school grounds. Since it was the first week of school, andaming booths from different clubs and orgs. Nakaangkla si Blake sa braso ko habang nag-iikot kami para maghanap ng kung ano ang gagawin o kakainin.

"Soo, saan magla-lunch, Ferms?" tanong pa ni Blake sa akin.

Nagkibit-balikat ako habang tinitingnan ang mga paninda ng bawat booth.

"Wait, namimili ako," sagot ko sa kanya.

"Okay—ay wait!" Natigil kami sa paglalakad nang biglang tumili ang loka. Kunot-noong tiningnan siya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Blake screeched. "Bet ko iyong booth ng Frat!" Ngumuso siya at nagpa-cute pa. "Sige na, Ferms, may scramble din sila! Shet parang nag-crave ako ng scramble!" At ang dami na niyang sinabi. The next thing I knew, hinihila na niya ako papunta sa booth nina Aries. Panay ang mura ko kay Blake pero parang wala naman siyang narinig kaya napapikit na lang ako saglit para kalmahin ang sarili ko.

"Hi, Fafas!" Gusto kong tampalin si Blake sa mga pinagsasabi niya. What the fuck?!

"Hello!" bati pa ng mga nagbabantay na fratmen at saka inuto si Blake para bumili.

"Anong best seller?" pabebe niyang tanong kaya siniko ko siya.

"May jowa ka di ba?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

Humagikhik ang loka. "Hindi kami official, ses." Napanganga ako. Tawa naman nang tawa ang gaga. Ughh! Seriously?

I looked at their menu and then iyong mga nagbabantay. I didn't know if neophytes ang mga iyon o sadyang di ko lang sila kilala kasi parang bago lahat ng mukha. Wala akong natandaang nakasama ni Danniel noon. O baka kinalimutan ko lang din .

"Ito ang bestseller namin!" narinig kong sabi ng isa at agad na in-offer-an kami ng upuan. Maraming dumadagsa sa kanila but for some reason, ang dami nilang nag-a-attend sa amin.

"Ron, on the house iyang sa kanila." Nahinto ako sa pag-upo nang marinig ang boses ni Aries.

Now, I see some familiar people. Kasama niya iyong usual na kasama ni Danniel noon pati si Keith. Anong ginagawa nitong si Keith dito, eh, graduate na ito? Si Aries lang ka-batch ko sa kanila.

"Ay, bet na bet, Fafa Aries!" sabi ni Blake kaya agad ko siyang tiningnan nang masama. I then looked at Aries.

"I don't need it, Aries," malamig kong sabi.

Ngumisi si Aries.

"Nahh, I know. But anyways, you're still free." He turned to his members. "Don't accept any payment from them. Ibigay n'yo lahat ng gusto." Mas lalo akong nainis sa sinabi niya. Kung nakakamatay lang ang tingin, bumulagta na si Aries. "Relax, Mer. Just following orders." Nagtaas siya ng dalawang kamay at umatras pero nakangisi pa rin ang loko.

Inirapan ko ulit siya. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa menu na binigay nila sa amin. Was seriously looking at the menu when I heard loud voices.

"Guys, may libre po tayong isang box ng chocolates sa mga o-order ng meal at scramble!"

"Bili na kayo! This is for charity, guys! I hope you guys support us!"

I heard that voice again kaya napabaling na naman tuloy ang atensyon ko.

"What's her name again?" tanong ko kay Blake habang nakatingin sa babaeng kanina ko pa napapansin.

"Fretzie, sis."

Tumango ako. Fretzie pala name niya. Gosh, and she was my blockmate pa pala since last sem tapos hindi ko man lang siya kilala. Tsk.

"Member nga pala talaga siya..." sambit ko na lang.

"Hmm I think hindi siya member lang, sis."

"Huh?"

"I think siya ang bagong soro pres."

Natigilan ako. "Ohh..."

"Well, sana lang hindi siya maging katulad ni Gayle di ba. Kaloka pag nagkataon."

"Mer."

Halos sabay kaming napalingon ni Blake nang marinig ang tawag na iyon. Suminghap si Blake pagkakita sa tumawag.

"OMG, Fafa AJ!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top