Chapter 24
"Ayaw mo talagang magbakasyon here?"
Hindi ko alam kung matatawa o maaawa ba ako kay Meg. Humalumbaba ako sa aking vanity mirror habang nakatitig sa phone ko na nasa harapan ko. Meg and I were video calling kasi ang bruha wala na raw siyang magawa roon sa bukid.
Ang OA talaga ng isang ito. Hindi naman gaanong bukid iyong part ng mga Legaspi sa Cebu-oh well, isolated nga lang pero concrete roads pa rin naman sila doon. Medyo mahina ang signal pero meron pa rin. Duhh, nakakatawag nga si Meg sa akin, eh.
Napailing na lang ako sa kanya. Nag-aayos ako ng mga makeup at perfume ko roon kasi ang kalat na tapos ang dami ko na palang nabili na hindi ko naman ginagamit. Ido-donate ko na lang ito sa Fermin Sisters kasama ng mga damit kong aayusin ko pa pala.
Huh. I guess blessing in disguise na sobrang boring ng vacation ko, ah? At least makakapaglinis ako.
"Mer! Ano?!" Napairap ako nang mangulit na naman si Meg.
"Wala nga akong plano, Meg. Why don't you try to explore nature? Ang alam ko maraming tourist spot diyan sa Jagbuaya or better yet, go to Cebu City, doon hindi ka mabo-bore. Mauubos lang credit limit mo." I chuckled as I wiped my desk.
"Ughh! So annoying, Fermin. Hindi nga ako pinayagan magliwaliw! This is nuts!"
Tumawa ulit ako.
"Go to Ate Sky. Baka ipasyal ka noon."
"Ughh she's not here. Wala ang mga anak ni Tita Lucea here. What I have here are their cousins na I didn't even know na nag-e-exist."
Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. "Meg! What the heck?" natatawang sabi ko pa.
Umirap siya. "What? I'm telling the truth!"
Napailing na lang ako. Kuya Rerra's in Spain with Ate Mina and Kuya Drago is probably touring the world with Ate Wayven. Si Kuya G naman busy yata with Ate Nia. Sila lang ang kilala ni Meg so wala siyang idea sa ibang mga pinsan nila. Hindi rin naman ako close sa ibang mga Legaspi pero kilala ko naman mostly sa mga pinsan nila.
"Well, then, make friends, Meg. Gwapo naman ang mga pinsan nina Kuya G. Baka may bet ka," asar ko pa sa kanya.
"Ughhh Merian nga!" Tinawanan ko lang ulit siya.
Gosh, Meg has been my happy pill these days. Okay, sorry na agad at pinagkakatuwaan ko ang pagkamiserable niya, no, pero gosh kung wala akong pinagkakaabalahan? Baka nabaliw na ako kakaisip ng kung ano-ano.
I shook my head and got the trash bin. Pinasok ko roon lahat ng ayoko na or hindi na magagamit.
"Meg, it's just 5 more days. Magtiis ka na lang," sabi ko ulit. Para na akong sirang plakang paulit ulit doon at para na rin siyang sira na nagpagulong-gulong sa kama niya habang minumura ako sa inis.
"Ughh! Merian kasi eh!"
She was rolling around the bed hanggang sa narinig ko ang pagkalabog niya. Mas lalo akong natawa. Umupo ako nang maayos at tiningnan siya.
"Hoy, baka nabalian ka na ng buto diyan, ha!"
"Aww...ouch..."
Nasapo ko ang aking noo. Jusko Meg Lourdes!
"Miss, are you okay?"
Halos sabay kaming natulala ni Meg. I blinked multiple times. Hindi ko makita kung sino iyong nagsalita kasi ang nakita ko lang ay ang kisame niya.
"Meg? Meg? Hoy!" sigaw ko pa pero parang walang narinig si Meg. Narinig ko na lang na parang may bumabangon or something kaya nag-abang ako sa kung ano ang nangyayari sa kanya roon.
"Are you sure you're okay?" I heard a man's voice. Napanganga ako at napangisi. My, my...
"Uhhh yeah...I am fine..."
Nakahinga lang ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Meg. Gosh. The next thing I saw was that kinukuha na niya ang cell phone niya at nakikita ko na rin ang mukha niyang nanlalaki ang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay pero pagkaikot niya ay nahagip ng tingin ko ang lalaking naririnig ko kanina.
"Huh...I guess you're fine..." sabi ko pa at nginisihan siya. Pinandilatan niya ako.
"Hey, uhh, Mer, I need to go na. My offer still stands!" mabilis niyang sabi at hindi na niya ako hinintay pang magsalita at tinapos na niya ang tawag.
Nasapo ko ang aking bibig para pigilan ang tawa ko. Gosh, mukhang magkaka-love life nga yata si Meg Lourdes sa Cebu! I sighed and shook my head. Happy for her...
Sumandal ako sa likod ng aking swivel chair and dahil wala na akong kausap, binuksan ko na lang ang feed ko. Dene hasn't posted anything yet and para akong tangang nag-aabang sa mga post niya. Gosh.
I shook my head and went over to my Facebook account. Same old boring feed na puno ng shared memes ng mga kaibigan ko. Natatawa ako kasi for sure they were in their offices, doing some corporate work, while sharing these memes. Knowing Hydron and Shadow, they must have been bored to death already.
I shook my head again. I continued scrolling hanggang sa makita ko naman ang post ng Alpha Epsilon Phi. Akala ko I was following them. It was Aries' shared post pala. It was about a welcome party for the new members and inauguration of the new leaders...
I bit my lip upon seeing that the alumni will be present... Would he be there? Pero hindi pa siya umuuwi...uuwi na ba siya? I bit my lip even harder. Damn I swear para na akong shunga at talagang isang kalabit na lang ay magpi-pm na ako kay Dene para lang humingi ng updates.
Fuck. This is really going nuts! I am going nuts! Inilagay ko na lang ang aking cell phone sa tabi para hindi na ako ma-tempt ng kung ano-ano. Because damn it! Mababaliw na yata ako! Moving on, Mer, huh? Anyare?
"Mer!"
"What the! Ate!" Nasapo ko ang aking dibdib dahil sa gulat nang walang pasabing pumasok si Ate Daisy with matching sigaw pa. Tinawanan niya pa ako bago siya lumapit sa akin. Sumalampak siya sa kama ko kaya inikot ko ang uupuan para maharap siya.
"Anong plano mo sa bakasyon?" tanong niya pa.
Umirap ako. "Obvious bang wala? Naglinis na nga lang ako at lahat oh!" sabi ko pa. Tiningnan lang ako ng magaling kong ate tapos ay ngumisi siya.
"Hmm gusto mong magbakasyon?" tanong niya pa pero parang may kakaiba sa boses niya. Feeling ko mapapahamak ako.
Humalukipkip ako at tiningnan naman siyang maigi. "At saan?"
She looked at me at nagtaas-baba pa ang kilay niya. "Let's go to Cebu," sabi niya pa at kinindatan ako.
Napaawang naman ang bibig ko at natulala sa kanya. "Ha?"
She chuckled and shrugged. Nag-cross arms siya pagkatapos. "Tita Karen offered me a shoot in Cebu. Now, sabi ko kay Tita Melina and then she said na Cairish could tour us there. Sasama na kita para hindi ka naman mabulok dito sa kwarto mo."
Sinimangutan ko siya. "Seriously, Ate?"
Tumawa lang siya. "Sige na. Come on! Mabubulok ka lang dito! And we can get Meg to hang out with us!" sabi niya pa at nagtaas-baba ulit ng kilay.
Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siyang maigi.
"For a shoot ang ipupunta mo roon di ba? Oh, saan ako? Ano, kasama mo team mo tas OP ako?" nakagimangot na sabi ko.
My sister just laughed at me again. "Ohh chill! Come on, I'll just be with the team pag nag-shoot but after that, I am free! Also, isang araw lang ang shoot namin, okay? The rest of the days, free days!"
"Huh? Ilang araw ba tayo roon?" tanong ko.
"Hmm. Mga 5 days. Come on, Mer!" At niyugyog na nga ako ni Ate.
I groaned and just rolled my eyes.
"Pag-isipan ko," sabi ko pa.
Siya naman ang umungot. "Seriously? Ilang weeks na lang naman opening of class na ulit. Ano, dito ka lang talaga? Distract yourself, you know. Let's go to Cebu!" pangungulit niya pa.
Ilang saglit akong napatitig muna sa kapatid ko. Kung ano-anong make face ang ginawa niya para lang makumbinsi ako. Niyugyog niya pa ako nang niyugyog kaya sa huli ay nainis na ako at tumango na lang sa kanya.
"Oo na, sige na!" sabi ko pa at ang magaling kong ate ay niyakap ako nang sobrang higpit.
Napairap na lang ako. Wow. Looks like I am going to Cebu rin naman pala after all. Galing naman mag-manifest ni Meg.
~***~
"Merian! Daisy!"
"Tita Melina!"
Bumeso kami kay Tita Melina. She's Papa's little sister, one of the twins na sumunod kay Papa. Iyong kakambal niya kasi ay nasa Venezuela kasama ang asawa nito.
"Nice to see you, girls, here!" sabi pa ni Tita at niyakap kami.
"Nice to see you, too, Tita. Buti na lang at nagbabakasyon ka rin dito sa Cebu," si Ate.
Tita just chuckled. "Oo nga, eh. Buti na lang at nandito pa kami ni Cali. Alam n'yo naman na mas madalas pumunta sina Cai at ang Tito n'yo sa Manila."
We just smiled at Tita. "Well, I guess lucky kami ngayon, Tita," sabi ko pa.
Tumawa lang si Tita at iginiya na kami. "At dahil ayaw n'yong sa bahay kayo mag-stay muna at talagang gusto n'yo rito sa hotel ay dito na lang din mag-stay ang kambal," sabi pani Tita, tinutukoy ang pinsan naming kambal
See? May lahi talagang kambal sa family ni Papa. Cali and Cairish are Tita's daughters. Si Cairish iyong nandito sa Cebu naka-base since RTC Judge dito ang asawa ni Tita. Si Tita naman ay private lawyer ng first family so sa Manila sila ni Cali.
"Ooohh that's nice," sabi pa ni Ate.
Umiling lang si Tita at hinila na kami. Siya ang sumundo sa amin sa rooftop ng hotel namin. Nag-chopper kami ng magaling kong ate at tinamad siyag mag-book ng flight namin. Ang galing lang di ba?
Sinalubong agad kami ng staff ng hotel namin. "Good morning po, Atty. Castilleja, Miss Merian, Miss Daisy," bati ng mga empleyado sa amin.
Tipid na ngumiti lang ako sa kanila. Hinatid nila kami sa suite namin ni Ate na connecting sa suite ng mga pinsan namin. "So nasaan ang kambal?" tanong pa ni Ate habang papasok kami ng suite.
"Ay nako, nag-mall pa ang dalawa at may bibilhin daw si Cairish."
Tumango ako at sa umupo na sa couch. It was a family suite na mostly for private use talaga namin kung nandito kami sa Cebu City. Iyong bahay kasi nina Papa ay nasa Jagbuaya at wala talaga sa center ng Cebu.
"Oh malapit lang ang mall dito, di ba, Tita?" tanong pa ni Ate.
"Oh yes. I can call Cairish para samahan kayo."
"Thanks, Tita. Freshen up lang kami then baka sumunod na kami sa mall," si Ate. Tumango lang naman si Tita at saka kami iniwan doon.
Nag-settle na muna kami ni Ate sa rooms namin. Tig-isa kami since 4 na room naman ang meron dito sa suite. It was really big at for family talaga.
"Bihis lang ako, Mer," sabi pa ni Ate at nagtungong banyo habang ako ay nakahilata na sa couch at naghahanap ng panonoorin ko kuno. Pagkatapos magbihis ni Ate ay ako naman ang nagbihis. Sobrang tinatamad pa talaga ako kaya humugot na lang ako ng isang shorts at crop top. I paired it with my crocs.
Phone at card holder lang dala ko. Lumabas na kami ni Ate at agad din kaming sinalubong ng mga tauhan ni Tita para ihatid sa mall na hindi naman talaga kalayuan sa hotel.
"Baka hindi na ako sumabay sa inyo pag uwi later. I have to meet the team. Pa-land na sila."
Tipid na tumango lang ako kay Ate. Pinanatili ko ang tingin ko sa labas ng kotse,pinagmamasdan ang .mga building na nakapaligid sa amin. Ipinagkrus ko ang aking braso at sinandal ang ulo sa likod ng upuan. I couldn't help but remember something just by looking at the buildings in this city.
Parang bahang rumagasa sa aking isip ang mga date namin ni Danniel noon dito. Yep, we went here before. Hindi pa kami noon pero pinasama siya ni Papa for vacation. We used to have dates here. Kung saan-saan nga kami nakarating dito noon eh.
Napapikit na lang tuloy ako. I mean, seriously? Talagang iyon ang naaalala ko, ha. How ironic na nandito ako para ma-distract sa pag-iisip sa kanya tapos mas maaalala ko lang naman pala siya palagi rito. Wow. Ang galing...
I took a deep breath and sighed. After some minutes, dumating na rin kami sa mall. Ate Daisy was on the phone habang naglalakad kami papunta sa meeting place namin kasama ang kambal. Nasa Starbucks daw ang dalawa kaya roon kami papunta ngayon.
"Hey, I called Meg, and papunta na ang loka ngayon dito." Ate chuckled. I rolled my eyes.
"Yeah, yeah, whatever. Akala ko ba hindi siya pinayagan na pumuntang city? That was what I have been telling her kasi panay rant siya," sabi ko pa.
Mas humalakhak lang si Ate. "Oh well, he said ihahatid daw siya ng isang pinsan nina Kuya G?" She shrugged.
Nangunot naman ang noo ko. I was about to ask her who pero nakita na kami ng kambal at mabilis na lumapit ang dalawa sa amin.
"Mer!" Cairish shrieked and hugged Ate and I with Cali. Natawa kami ni Ate. Bumeso kami sa kambal at tipid na ngumiti lang naman si Cali sa amin habang si Cairish ang dami na agad chika.
Napailing na lang ako. "Nag-order na kami for the two of you!" sabi pa ni Cairish. Ang hyper ng magaling kong pinsan.
Natawa na lang ako. Alam na alam ni Cairish ang mga gusto namin so goods na rin naman kami.
"How are you, twins, huh?" tanong pa ni Ate.
Abot-tenga ang ngisi ni Cairish. "We're fine naman, Ate. Graduating na kami soonest!"
"Oohhh do you have a boyfriend now?" Nagpalit-palit ang tingin ni Ate sa kambal. Nahihiyang ngumiti naman si Cali tapos ay umiling. "How come? Gosh, wala bang gwapo sa school mo?" natatawang tanong pa ni Ate. Napailing na lang ulit ako.
"Gosh, Ate, super tahimik din naman niyang si Cali. She said she has no time for that daw," kwento pa ni Cai.
Ate just chuckled. "Dapat talaga sa Fermin ka na lang nag-aral. Ikaw, Cai? Do you have a boyfriend now?" baling naman ni Ate kay Cai.
Umirap lang si Cairish. "I had fair share of crushes, Ate, but nahh walang nagki-click sa akin. They're just a bunch of faces. Ewan." She shrugged and continued sipping on her frappe. Ilang saglit pa ay bumaling siya sa akin. "Si Merian lang yata ang may happy love life dito," sabi pa niya.
Agad na nawala ang ngiti ni Ate. Napatigil naman ako sa pag-inom at para akong nasamid dahil sa sinabi niya. Damn it. Napasipsip tuloy si Ate sa inumin niya.
I swallowed hard and gave Cairish a forced smile. "Uhhh we broke up," sabi ko, trying so hard na hindi magmukhang bitter ako o emotional. Nanlaki ang mga mata ng mga pinsan ko. Napasinghap pa si Cai.
"Oh my! If nag-break kayo then wala ng forever!" Cairish exclaimed. Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Cali looked at me with concern. Nginitian ko lang siya. Pati si Ate ay tumawa kay Cairish.
"Oh please, believe me, hindi ga-graduate iyan ng hindi sila nagkakabalikan ni Dan." Agad kong sinamaan ng tingin si Ate. She let out a chuckle and shrugged. "What?"
Umirap na lang ako at umiwas na ng tingin. Ayokong umasa...I didn't want to preempt it as well. Ughh.
"Hey, it's okay. You know, I believe na kung kayo talaga ay kayo talaga," sabi pa ni Cairish. Tipid na ngumiti lang ako sa kanya. Umayos ako nang upo at tumikhim.
"Uhh can we just talk about other things, please?" sabi ko na lang at ngumiti sa kanila. Mabilis namang nag-come up ng topic si Cairish.
We spent the whole day roaming around the mall. Kaming tatlo ng kambal lang since may shoot na si Ate. Nang mag-dinner, nag-invite pa sina Tita na sumama ako at magta-Tops daw sila but then I chose not too. Parang na-drain ako sa buong araw at mas gusto ko na lang magkulong sa hotel.
Great. Ang akala ko ay madi-distract ako dito at mas mag-e-enjoy ako sa bakasyon pero bakit parang iba yata ang nangyayari?
Ibinagksak ko ang aking katawan sa kama. Nagpa-room service lang ako for dinner pero hindi ko pa bet kumain kaya magtatalukbong na lang muna ako rito. I was watching a med series while nakapulupot sa akin ang comforter. Nasa tabi ko ang phone ko at nakayakap ako ng unan. I was in the middle of watching nang biglang mag ring ang phone ko. Nangunot pa ang noo ko at tiningnan iyon.
Napakurap ako nang tingnan ang number na tumatawag. It was a foreign number. For some reason, biglang kumalabog ang dibdib ko. Napalunok ako at sinagot ang tawag.
"Hello?" sagot ko sa tawag.
Walang sumagot. I waited for siguro a minute pero wala pa ring sumagot. Nainip ako kaya napabalikwas ako ng bangon.
"Hey, sino ba ito? Where did you get my number?" Medyo naiinis na talaga ako at gusto ko nang i-end ang tawag but for some unknown reason, hindi ko rin magawa. My heart was still beating so fast. I took a deep breath. "I will end this-"
Nahinto ako sa pagsasalita nang may biglang tumugtog sa kabila. Umawang ang bibig ko nang ma-realize ang kantang pinapatugtog.
It was Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatus. And it wasn't just a song because it was our song during my senior prom where he was my date. Mas lalong kumabog ang puso ko. Shit. Is it him?
Napapikit ako at nakagat ko ang aking labi. Damn you, Montijo...
"Hey...I miss you..." hindi ko na napigilan. Narinig ko ang paghinga niya pero hindi pa rin siya nagsasalita. What the heck is wrong with him? Gusto ko siyang piliting magsalita pero I decided against it.
Hindi na lang din ako nagsalita hanggang sa natapos ang kanta at naputol na rin ang tawag.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top