Chapter 23
Hindi ko na alam kung ano-ano pa ang ginawa ko para lang mawala sa isipan ko ang mga sinabi ni AJ noong nakaraan. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman? I mean, yes, sinabi niyang okay lang daw at hindi naman need na hindi kami mag-usap o hindi kami magpansinan...pero still...parang hindi ko kaya? Lalo na ngayong mas klaro na ang kung ano man ang deal niya sa akin.
Napapikit ako at naitakip na lang ang aking braso sa mata ko. I was in my room as usual kasi nga wala naman akong plano ngayong bakasyon. Damn. Am I really gonna bed rot lang the whole vacation? Mababaliw yata ako sa mga nangyayari sa buhay ko! Gosh.
I removed my arms and napatitig na lang ulit sa kisame. Background music ko ang TV ko na hindi ko rin naman pinapanood ang movie na naka-play. I took another deep breath. Kinuha ko ang phone ko tapos ay binuksan ang gc naming magkakaibigan.
Meg: where yall?
Shadow: tangna opisina
Hydron: same
Fabia: bakasyon!
Daisy: office bored af.
Ngumuso ako at nag-type na rin.
Merian: bed rotting
Agad na nag-reply ang mga kaibigan ko. Aba, himala at ang a-active ng mga ito ngayon, ah.
Meg: hey mer! lets go out! bahala tong mga to!
Napabangon ako bigla.
Merian: game! gusto ko na rin lumabas pleaseee ayoko na dito!
I bit my lip. Damn need ko na talaga lumabas at nang ma-distract naman ako! Hindi na pwede ito at para na akong mababaliw rito. Kung hindi cryptic posts at pics na pinapadala ni Dene, si AJ naman ang gumugulo sa isip ko. Like what the heck?
And so it was settled na. Agad akong nagbihis. I needed to clear my mind. Buti na lang talaga at gala itong si Meg, eh. Kung hindi, baka nakahiga lang ulit ako ngayon the whole day.
Meg just wanted to chill so I opted for a laid back and comfy outfit. Hindi ko alam saan niya balak mag-chill, but anyways, I put on my oversized shirt and then paired it with a white high waist shorts. I wore a white LV sneakers then I got my Bottega bag. I was half- running down the stairs and when I went down, nakita ko si Mama na nasa dining at maraming nakakalat na mga papel na may sketches.
"Ma!" I called and kissed her sa cheek. She smiled at me and then looked at me from head to toe. Umikot pa ako para ipakita ang fit ko sa kanya. She laughed a bit.
"Well, I am glad you're going out already," sabi niya pa.
I shrugged. "Nag-aya lang si Meg."
"Alright, but still make sure to be home for dinner. Kumpleto tayo mamaya," sabi niya pa. Tumango-tango lang ako at saka umalis na rin.
Nagpahatid ako kay Manong sa mall na sinabi ni Meg. I texted her, too, na papunta na ako. After how may minutes, nakarating na rin ako sa mall. Meg just arrived, too, and she asked to meet me sa Starbs.
"Hey, Merian!" Agad akong natawa sa matinis niyang boses. Kumaway ako at saka yumakap sa kanya.
"Ughh buti na lang talaga at bored ka rin!" sabi ko pa sa kanya. Tinawanan lang ako ng gaga.
"Why? Wala ka bang ganap?" she asked pa.
I rolled my eyes. "Wala nga. Bed rotting lang ako the whole day so far," reklamo ko pa. Meg just chuckled.
"Hindi sanay wala ang loverboy, huh," asar niya pa. Ngumuso ako.
"Pwedeng um-order na tayo, please?" sabi ko na lang. Meg bit her lip, pinipigilan ang pagngisi.
"Okay, okay there broken girl. This is my treat!" sabi niya pa kaya ako naman ang ngumisi.
"Okay marami akong io-order," sabi ko pa. Tinawanan niya lang naman ako.
We went to the counter na and nag-order na rin kami. Sobrang chika agad ni Meg sa mga rant niya sa kanila. Natatawa na lang ako sa kanya. Papupuntahin kasi siya ng province and knowing Meg, she's really not a province girl. Hindi uubra iyan doon no.
"Ughh, so annoying lang di ba? Like, can't they just ship me to New York na lang?" rant niya ulit.
Tumawa lang ako sa kanya. "Hindi naman ganoon ka-boring sa province. Maybe you should give it a chance," sabi ko sa kanya.
Sumimangot lang naman siya sa akin at saka bumuga ng hininga.
"Ughh I don't know, okay? I really don't know!"
"Saan ka ba kasi magbabakasyon if ever?"
Umirap ulit siya. "Sa Cebu daw...Daddy wants to be in business with the Legaspis now gusto niya akong isamang magbakasyon sa mga Legaspi."
Nanlaki ang mga mata ko. "What? E di malapit sa amin!" sabi ko pa.
"Yeah, as if nandoon kayo?"
Natawa ulit ako at nagkibit-balikat. "Ewan. Malay mo naman," sabi ko na lang at sumipsip ulit sa drinks ko. Parang nabuhayan ng loob si Meg.
"Oh my gosh! Please, please, please come to Cebu na lang, Mer!" At kinulit na nga niya ako. Napailing na lang ako.
"I can't promise, okay? Di ko rin alam anong gagawin ko roon," sabi ko pa, natatawa. Mas lalo siyang sumimangot sa akin.
"See?! It's not just me! Nakakainis!" Humalukipkip siya roon habang ako ay tawang-tawa pa rin sa mga tantrums niya. Hinayaan ko lang siyang ilabas niya lahat ng gusto niyang sabihin sa pagpapapunta ng papa niya sa kanya sa Cebu. Then she started ranting about how we were the only one na nakapag-date ngayon. Siyempre, busy na rin sina Shadow at Hydron. Si Fabia wala sa City at si Ate naman may shoot pa.
"Still, Meg, try mo lang muna. Hindi ko pa rin kasi talaga sure ano ang gagawin ko ngayong bakasyon. Pero baka pag nagyaya ang mga kapatid ko, umuwi rin ako," sabi ko na lang.
Sa huli, sumimangot lang ulit siya roon. "Yeah, yeah, as if naman may choice ako. Baka hindi na talaga ako payagan ni Daddy mag-US pag hindi ko siya sinunod this time. Ughh this is really annoying, Mer.
I just laughed again. "Chill. Enjoy mo na lang ang bakasyon mo roon. Baka naman makakita ka pa ng love life doon," sabi ko pa, trying to lift up the mood pero mas lalong ngumiwi sa akin si Meg.
"Seriously, Mer? Saan ako hahanap ng love life doon? Like duh!" Mas humagalpak ako ng tawa. Maya-maya pa ay naningkit ang mga mata niya sa akin. "Speaking of love life..." panimula niya.
Agad na nag-iwas ako ng tingin. Walang tigil ko na lang sinipsip ang natitirang frappe sa baso ko. Ramdam na ramdam ko ang titig ni Meg to the point na naubos ko na lang ang frappe ko.
"What?" tanong ko at nag-angat ng tingin sa kanya.
Halos nagpang-abot na ang kilay niya habang nakatitig sa akin at hinihintay akong magsalita pa.
"Oh come on, really? I mean, are you really over with Dan? And are you with AJ now?" Suminghap siya. Muntik naman akong masamid.
"Ano? Saan mo naman nakuha iyang kay AJ?" Napainom pa tuloy ako ng tubig dahil sa mga pinagsasabi ni Meg.
She chuckled. "What? Noong nag-bar tayo, parang kayo lang yata ang pinag-uusapan ng mga batchmates natin doon."
Umirap ako. "We're friends. That's it."
"Oh, talaga? Sure ka na friends lang din ang tingin niya sa 'yo? Come on-"
"Well, it doesn't matter kasi I already told him na friends lang kami. And I don't think that's gonna change anytime soon." Uminom ulit ako ng tubig at nag-iwas ng tingin sa kanya.
I heard him sigh. "Fine, fine. So kayo ni Dan?"
I shrugged. "It's complicated. Don't know how it will end but I'm seriously not in the mood to talk about it right now." I faked a laugh. Meg just raised both her hands, as nagsu-surrender na siya.
Napailing ako at umayos ng upo.
"Fine, fine. Anyway, ayun na nga..." and thank goodness she started another topic na.
Meg and I went shopping-or more like, sinamahan ko siyang mag-shopping at i-max out ang kanyang credit card. Kung hindi nga lang ako pinauwi ni Mama nang maaga ay baka hanggang sa pagsarado ng mall kami roon. But since Mama wanted me back for dinner, maaga kaming umuwi.
Hinatid lang ako ni Meg sa bahay at umuwi na rin siya. We were complete and I saw how happy my parents were. Parang noong mga bata lang kami na sabay-sabay kaming kumakain palagi. Super ingay ng table namin which was unlikely to happen already because of our busy schedule.
Somehow, I felt light seeing my family complete. At least hindi ko na inisip ang complicated kong love life. Well at least for some time, hindi ko inisip but then when dinner ended, I just found myself scrolling through Dene's post. Ang sabi niya kasing post sa IG niya.
I couldn't help but smile while scrolling through her feed. Nasa kwarto ko na ako at katatapos ko lang ng aking nighttime routine. Hindi na dapat ako magso-scroll at manonood na lang ng series (for real) but then traydor ang kamay ko and I ended up scrolling on my IG feed then I saw Dene's post kaya ito ako.
Halos kadalasan ng pic kung hindi siya, family picture nila. I rarely see a picture of Danniel. Pag may group pic ko lang siya nakikita. I sighed and gave a heart react sa lahat ng post ni Dene.
Before I exited the app, nahinto ako sa isang picture nila ni Dene at ng kuya niya. Tsk. Kainis. Ang gwapo ng loko. Napailing na lang ako. I took a deep breath bago tuluyang in-exit ang app at dumausdos pahiga ng kama ko. It was a long day but at least I was distracted for a bit. And at least na lang din hindi ako nakahiga lang sa kama. Way to go, Merian!
I took a deep breath and covered myself with the comforter. I fixed my eyes on the screen para finally makanood na talaga ako at hindi lang bastang background ang TV ko.
~***~
The next morning, maaga akong nagising. Nakasabay ko pang mag-breakfast sina Ate Daisy at Papa. Wala na ulit si Kuya at umuwing Cebu. Ate Nia's staying with Kuya Gideon na kaya madalang na rin umuwi. Nakabakasyon naman sina Ate Mina at Ate Wayven since bakasyon din sa med school.
"Himala, maaga ka ngayon," puna pa ni Ate.
"Early enrollment," sagot ko na lang. Nagkorteng o ang bibig niya at tumango lang sa akin. "Bakit? You miss going to class na?" tanong ko pa. Umirap lang siya. Natawa naman ako. Napailing na lang ako sa kanya at tinapos na lang ang breakfast ko.
"Sasabay ka ba sa amin, Merian? We can drop you off at school," si Mama. Ngumuso ako at tumango na lang.
"Sige po, sabay na ako," sabi ko. So after breakfast, sumabay na ako sa parents ko habang si Ate Daisy, nag-drive mag-isa. Sa aming mga babae, siya lang ang gustong mag-drive.
Disney Princess iyong sina Ate Wayven at Ate Mina sa mga jowa nila. Ate Nia prefers to have a driver kung wala si Kuya G. Ako rin, mas gusto kong hinahatid at hindi ko naman talaga kailangan mag-drive noon. Danniel's fetching and getting me to school.
I closed my eyes. Damn it. Seriously?
"Merian! Ay, teka!"
Nangunot ang noo ko at nilingon si Manang. Paalis na sana kami ng parentals nang tawagin niya ako.
"Bakit po?" tanong ko. Ngiting-ngiti si Manang habang dala-dala ang isang bouquet ng sunflowers.
"Kunin mo muna itong ipinadala! Ay ang gandang-ganda oh!"
Mas lalo akong nagtaka. "Kanino galing?" tanong ko pa pero hindi na sumagot si manang ang ibinigay na lang sa akin ang bouquet. Napaawang naman ang bibig ko habang nakatingin sa bouquet. Kunot-noong sinuri ko iyon para tingnan kung may card ba o wala. May card naman kaya agad kong kinuha iyon.
Halos matampal ko ang noo ko nang makita ang initial ng nagpadala. Oh gosh...seriously now? He's messing with my head again...
Napailing ako at ibinalik kay Manang ang bulaklak. "Palagay na lang po sa vase," sabi ko na lang bago tumalikod at sumunod na kina Mama. I bit my lip as I gripped my phone.
Damn, AJ.
~***~
My parents just dropped me off Fermin U. Imi-meet ko rin naman si Blake at sabay kaming magpapa-enroll. Saktong papunta pa lang siya kaya pumunta muna ako sa garden at tumambay roon. I sighed as I dialed AJ's number.
"Hey!" agad na bungad niya sa kabila. Nai-imagine ko ang maliwanag niyang mukha habang sinasabi iyon.
Umiling ako. "What was that, J?" deretsang tanong ko sa kanya.
"Huh? Ang alin?"
I rolled my eyes. "Come on, J. Ano ito?"
He scoffed. "Really? Dii pwedeng bigyan ng flower ang friend?" balik niya sa akin.
Nasapo ko na lang ang noo ko. Umirap ulit ako as if nakikita niya ako. Gosh. He had a point, alright...but then... oh gosh, Merian Addelaide. Seriously?!
"Fine," sabi ko na lang.
Narinig ko siyang tumawa sa kabila. "May lakad ka?"
"Hmm yeah. Nasa labas kami ni Blake actually. Bakit?"
"Ohh right. Enrollment?"
"Uhmm yeah?" Nangunot ang noo ko kasi ang updated naman niya yata gayong graduate na siya.
"Pwede sumama?"
Napanganga ako at napasinghap. "Seriously? Hindi ka ba magpapa-enroll sa med school? Ang dami mong time, ah!"
Tumawa ulit siya sa kabila. "Next week pa."
I sighed and nodded as if makikita niya ako. "Okay. But, look, AJ. Uhmmm I'm fine, really. And I hope you understand if I wanna do this on my own muna. I-I-"
"Alright, Mer. I know, I know. Hindi na ako sasama...sorry kung makulit..."
I bit my lip and napapikit na lang ako saglit. I let out a deep breath. "Sige. Uhm, next time labas na lang tayong tatlo..."
I heard him chuckle. "Yeah, that would be good, Mer."
"Yeah. Bye, J..."
"Okay, Mer. Bye..."
Napapikit ulit ako saglit pagkaputol ng tawag. Ilang segundo akong nakapikit doon bago muling dumilat at natulala na lang sa mga sunflower na nasa harapan ko. Damn it. Bakit pakiramdam ko ay mas sasakit ang ulo ko sa mga nangyayari ngayon?
I felt like another wave of stress was waiting for me this school year. And just thinking about that made it more stressful for me. Napailing na lang ako at halos masabunutan ko na ang aking sarili. Buti na lang at dumating na si Blake kaya nagpunta na kaming registrar.
"Ay bongga naman nitey! So wafu!" impit na sabi ni Blake habang nakapila kami sa enrollment at nang-sta-stalk siya ng mga gwapong lalaki sa IG niya. Napailing na lang ako at humilig sa kanya. Nakaangkla ako sa kanyang braso. "Help mo kaya akong mamili Fermsie!"
Bahagya akong natawa. "Bahala ka diyan. Kaya mo na iyan," sabi ko na lang.
Nag-rant pa rin siya nang nag-rant hanggang sa may nahagip ang tingin ko. Umayos ako ng tayo at tinitigan ang babaeng nasa hindi kalayuan at parang papila na rin. It was Gayle Gonzales...but she was alone, though. No more alipores and all.
"Ay kaloka, nandito pa rin pala iyang si bruha?" narinig kong sabi ni Blake. Siniko ko siya pero inirapan lang ako ng loko. Hindi ko pa rin tinatanggal ang mga tingin ko kay Gayle.
She looked different. She was such a loner already. "Alam mo bang may bagong sorority pres ang frat?" I heard Blake say. I didn't mind him. "Ka-block daw natin!"
Nangunot ang noo ko at napatingin sa kanya.
"Sino?"
"Hmmm I forgot din iyong pangalan. Pft. Hmmm Fretzie? Ewan ko, not sure!" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko kay Gayle.
I sighed. I really hope she learns from her past already.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top