Chapter 22

I let out a sigh. I was bed rotting the whole day kasi hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ko ngayon. Grabe naman, bakit parang ang boring talaga ng bakasyon ko? Ewan ko rin bakit wala masyadong ganap ang barkada namin ngayon eh.

But then I couldn't really blame them kasi may mga buhay rin naman sila. Hindi naman ako ganito ka-bored noon ah. Sabagay, if wala ang friends ko, may Danniel naman. I always go to his condo pag feeling ko bored na talaga ako sa buhay. Minsan, he would just take me to sponti dates.

I groaned. Napapikit na lang ako at itinalukbong ang comforter ko sa buong mukha ko.

"I hope I can make your heart happy, too."

"Ano ba iyan!" Bakit kasi kailangan may banat siyang ganoon? I was really trying to not make any meaning out of his actions,like platonic lang, but then babanat siya nang ganoon. Damn.

Napapikit na lang ako at tinakpan ng aking malaking unan ang buong mukha ko. Doon ko sinigaw lahat ng frustration at boredom ko. After some moments. Tinanggal ko rin ang unan tapos natulala na naman ako sa kisame like seriously?

I sighed. I looked at the TV at nagpanggap na lang ulit na manood ng series kahit hindi ko na alam kung ano ba ang nangyayari doon. I was still in that state nang kinatok ako ni Manang.

"Po?" sagot ko at saka bumukas ang pinto at iniluwa noon si Manang.

"Nagtatanong ang mama mo kung hindi ka raw ba lalabas ngayon."

Nagkibit-balikat ako. "Wala naman akong gagawin sa labas. Busy silang lahat. So dito lang ako. Magbe-bed rot," sabi ko pa.

"Hay nako, ang sabi ng mama mo, bumaba ka na lang at sumama sa kanya."

Nilingon ko si Manang. "Saan?" tanong ko pa.

"Eh, ewan ko basta kasama niya iyong bagong amiga niya yata."

My forehead creased. "Sino?"

Nagtaka ako kasi sino ba naman ang bagong friend ni Mama? Napabangon tuloy ako at saka napakamot ng ulo.

"Ewan ko, anak. Sige na at magbihis ka na. Hinihintay ka na ng mama mo sa baba."

"Eh? Saan ba kami?" tanong ko pa.

"Ay ewan ko rin."

Ngumiwi ako. "Anong isusuot ko?" tanong ko pa.

Tinawanan lang ako ni Manang. "Ikaw na ang bahala riyan. Ano ka ba namang bata ka, oh." At iniwan na naman niya ako. Napasimangot ulit ako at napaupo na naman sa kama. I was still contemplating kung sasama ba ako kay Mama kaso tinawag na naman ako kaya wala na tuloy akong choice kundi ang magbihis na lang. I wondered kung saan kami pupunta ni Mama at kung sino ang bago niya raw na friend.

Haist. Hindi naman siguro kami pupuntang formal event o tea party kaya casual and comfy lang ang suot ko. Wala na rin akong dalang bag kasi kasama ko naman si Mama. Pagkababa ko agad kong nakita si Mama na naghihintay na sa akin.

"Saan tayo, Ma?" tanong ko sa kanya.

"Oh you're here, good. Tara na," sagot naman niya, hindi sinagot ang tanong ko talaga.

I sighed and shook my head. I followed my mother and sumakay na rin kami sa sasakyan. I rested my head sa backrest ng upuan and I honestly thought na makakatulog ako bago kami dumating sa pupuntahan namin but then, surprise, surprise! Sa cafe nila AJ lang pala kami!

"Dito lang tayo, Ma?" gulat na tanong ko. My mother just raised a brow on me.

"Bakit? You wanna go somewhere else? Tila confused na tanong pa ni Mama. I just sighed again tapos ay nagkibit-balikat na lang ako. Nakasunod lang ako kay Mama papasok ng cafe nina AJ.

Wala masyadong tao so sobrang dinig na dinig ko ang background na melo music ng cafe. I looked around to find AJ pero wala naman siya. Baka hindi pumunta? Or baka nagre-review?

"Ma'am Sofea!" Napalingon ako nang marinig ang boses na iyon. It was AJ's mom. Tipid akong ngumiti at lumapit na sa kanila.

"Nice to see you po, Tita Tonia," I greeted and kissed her cheeks.

Ngumiti naman siya sa akin. "Nako! Kung malaman ni AJ na nandito ka, ay pupunta iyon dito!" natatawang sabi niya pa.

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mukha ko. Kailangan talagang sabihin iyon, Tita? I felt my mother looking at me kaya tumikhim ako.

"Uhhh nasaan po pala si AJ? Review?" tanong ko na lang to change the convo.

"Ahh oo, focus iyon sa review kung wala rito at tinutulungan ako. Alam mo naman, malapit na ang boards. Pero babalik din iyon dito mamaya."

Tumango lang ako sa sinabi ni Tita. Ibinalik na rin ni tita ang tingin kay Mama. "So, kitchen tayo, Ma'am Sofea?" tanong pa niya kay Mama na tinanguan ng mama ko. Tumingin naman silang dalawa sa akin.

"You wanna come, hija? May ipapakita lang sa akin si Tonia and we might get supplies from them para sa pastries natin sa cafe. We may also order their flowers," sabi ni Mama.

Napakorteng o ang bibig ko at napatango na lang ako. Kaya pala. Iyon pala ang ipinunta ni Mama rito.

"Uhmm I guess dito na lang po ako? Mag-chill na lang ako." Ngumiti ako sa kanila. Tita Tonia smiled and nodded, too.

"Oh siya, sige, order ka na lang diyan, hija. On the house na ang lahat ng order mo," sabi pa ni Tita. Medyo nahiya naman ako but still ngumiti pa rin ako. Sinundan ko na lang sila ng tingin ni Mama papunta sa kusina tpaos ay humanap ako ng spot ko sa cafe.

I settled sa pandalawang table sa may sulok. Buti na lang dinala ko phone ko kasi kung hindi, ewan ko na lang kung ano ang gagawin ko roon. Baka sumama na nga lang ako sa kanila sa kusina. Nag-order na lang ako ng Mocha Frappe tapos ay sumandal na ako sa likod ng upuan. Wala naman akong ibang ginawa roon kundi ang mag-scroll lang din sa social media ko.

Wala naman masyadong ganap ang mga kaibigan ko at mukhang busy silang lahat para mag-soc med. May mga dumadaan din naman sa feed ko na ganap ng batchmates ko but really, it was just so boring. Grabe pati ang feed ko boring. Parang life ko lang, ah?

I was in the middle of scrolling when a message popped up. Napaangat pa ang kilay ko nang makita kung sino iyong nag-message sa akin. Napairap ako at napailing na lang. It was Brand...and many more.

Napapikit ako at namasahe na lang ang noo. When the news broke out about me being single kahit na naka-in a relationship pa rin ang status namin ni Danniel, biglang napuno ang Messenger ko ng mga "hi" messages from different men. Mostly, blockmates at batchmates ko.

Honestly, it was annoying, kaya nga wala akong nire-reply-an. Tinatamad din naman akong mamblock and all. Hindi naman sa pagmamayabang pero really? They had to just message out of nowhere after my break up? Hindi naman ako tanga and honestly, wala ako sa mood mag-entertain. Hindi pa nga ako nakaka-move on, eh.

Tsk. In-exit ko na lang ang messenger tapos ay pumunta naman ako sa Instagram. I saw Dene's story kaya agad kong binuksan iyon. Nakagat ko ang aking labi at napahinga ako nang malalim. I didn't know why my heart was pounding so hard when I saw them having a family photo tapos may isang photo na kumakain ng ice cream si Danniel at mukhang naaasar sa kapatid niya. They were in Madrid. It was just the four of them: Mommy and Daddy niya, si Dene then si Danniel.

I couldn't help but smile while looking at him...especially his jacket. I bought that for him! It was the Chanel jacket na binili ko sa kanya when I had my vacation in New York kay Lolo. I licked my lips and muntik ko nang mabitiwan ang phone ko when Dene's message popped up.

Hindi pa agad ako nakagalaw dahil sa message niya. Damn, super kinakabahan ako na ewan! What the heck? I swallowed hard and took a deep breath bago ako nag-decide na buksan ang message ni Dene.

It was a picture then a video of her Kuya! Oh my gosh. Iyong picture ay nakakunot ang noo ni Danniel habang nakatingin sa camera. Hawak niya pa rin ang ice cream. Then the video. I bit my lip and slowly hit the play button.

"Yieee may nami-miss!" I heard Dene's voice sa background."

"Tss. shut up!"

Tumawa si Dene. I carefully watched Danniel's face pero nag-walkout siya after that at iyong tawa ulit ni Dene ang narinig ko. Fuck. My heart skipped a beat. Damn it. Parang lahat ng ka-boring-an ng buhay ko ngayon nawala. Really, Mer? Move on what?

I groaned. I switched off my phone. Napasubsob na lang ako sa lamesa. Gosh. Really, now? I mean, Damn it!

"Ehem." Agad na napabangon ako nang marinig iyon. Kunot na kunot pa ang noo ko nang tumingala only to find AJ standing in front of me. Nakahalukipkip siya habang pinagmamasdan ako. "Anyare na naman sa 'yo?" tanong niya pa.

Umirap ako at humalukipkip din. "Wala," sabi ko at umiwas na lang ng tingin. Wala akong narinig sa kanya pero ramdam na ramdam ko naman ang mga titig niya sa akin. I let out a sigh and humalukipkip na rin ako habang nakatitig kay AJ.

Umupo siya sa upuang nasa harapan ko. "Fancy seeing you here, Fermin," sabi pa niya sabay ngisi. Umirap ako at tumawa naman ang loko.

"Ikaw, bakit nandito ka na? Akala ko nagre-review ka?" tanong ko naman pabalik sa kanya. Pinaningkitan niya ako ng mga mata.

"How did you know about that, huh?" tanong niya pa. Umirap lang ako.

"Sabi ni Tita."

Tinanguan niya ako. May sasabihin pa sana ako sa kanya nang makita naming palabas na ng kitchen ang mga magulang namin.

"Oh, anak, nandito ka na pala," sabi ni Tita Tonia pagkalapit sa amin. Tumayo si AJ at saka humalik sa pisngi ng mama niya tapos sa mama ko rin.

"Hello po, Tita," AJ greeted my mother. Tumango lang si Mama sa kanya.

"How's the review going, AJ?" tanong pa ni Mama.

"Okay lang naman po, Tita. Getting there," confident pa na sabi ni AJ. Umirap lang din ako at umiling.

Mama chuckled. "I love the confidence!" sabi pa ni Mama. May sasabihin pa sana si Mama nang tumunog ang phone niya kaya kailangan niya munang mag-exit doon.

Naiwan kami nina Tita at AJ doon. I pressed my lips together and smiled at Tita. Kumuha ng chair si AJ at pinaupo ang mama niya sa tabi ko.

"Kumusta ka, hija?" tanong pa ni Tita sa akin.

"Okay lang naman po ako, Tita."

"Mabuti naman." Tumango si Tita at ngumiti rin pabalik.

"Ma, anong gusto mong kainin?" tanong pa ni AJ.

"Iyong palagi mong binibigay sa akin, nak," sagot naman ni Tita Tonia.

Tumango naman si AJ at lumipat ang tingin sa akin. "Kay Tita ba?"

I shrugged. "Hmm, get what Tita Tonia will eat. Basta hindi masyadong matamis. Ayaw ni Mama ng super sweet," sabi ko na lang. Tumango naman siya at umalis na roon.

Naiwan kami ni Tita and for some reason, hindi ko alam kung bakit parang ang awkward naman yata. Shocks...

"Mag-fourth year ka na nga pala, hija, 'no?" Tipid na ngumiti ako kay Tita at tumango. Napangiti rin siya pabalik sa akin. "Ang ganda mo pala talaga. Kuhang-kuha mo ang beauty ng mama mo tapos ang bait at gaan mo pang kasama. Kaya naman pala." There was something with Tita's smile kaya napakunot ang noo ko.

"Kaya po ano?"

"Kaya hindi ko masisi ang anak ko..." I blinked. Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan nang sobra! As in sobrang kinakabahan ako. Gosh. I took a deep breath.

"Saan po?" tanong ko kahit na kinakabahan talaga ako. Napalunok pa nga ako.

Ngumiti si Tita at saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko rin masisi si AJ na magustuhan ka kahit na alam niyang may relasyon kayo ng stepbrother niya." Parang nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi ni Tita.

I was not dense with his feelings lalo na noong hinalikan niya ako and with what we had talk, but he never confessed straight to my face so hearing this from his mom, parang malalagutan yata ako ng hininga rito.

I swallowed hard again. Hindi ako makatingin kay Tita at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"Uhmm..."

"Hindi, okay lang, hija. Naku, pasensya ka na. Nagulat ba kita? Pasensya na, hija. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo iyon kahit na hindi sabihin ni AJ." Hindi talaga, Tita, but now it's just more awkward... She sighed. "Binalaan ko na rin iyang batang iyan. Alam ko, gusto ka na agad niyan noong una n'yong kita. Pero nang makita kita at makilala, hindi ko rin talaga siya masisi...bukod sa maganda ka at parang type talaga yata ng anak ko ang mga mestiza." Tita chuckled. I felt my face reddening naman kasi hello?! What the heck? "Ang gaan mo sa loob, hija." She sighed and gripped my hand. "Sana maging maayos na ang lahat, hija. You're such a good soul and gusto ko maging masaya ka. Mabait naman iyong si Dan. Galit lang siguro talaga. Hindi ko rin naman talaga masisi iyong bata..." She let out a small smile.

I looked down and took a deep breath. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I mean, ano nga ba ang sasabihin ko? Wala.

"Ma, ito na, oh."

Pareho kaming natigilan ni Tita nang marinig ang boses ni AJ. Mas tumungo ako. Naramdaman ko namang tumayo si Tita.

"Teka, kuha akong shake namin ni Ma'am Sofea," narinig kong sabi ni Tita.

Napapikit naman ako at napabuga na lang ng hininga. Nang mag-angat ako ng tingin, weird na nakatitig sa akin si AJ. He was about to ask something nang dumating naman ang mga ina namin. Ako naman ang tumayo.

I cleared my throat. "Uhm I think mauna na po ako sa bahay," sabi ko. Ngumiti lang si Tita tapos ay tumango naman si Mama.

"Hatid na kita,"AJ offered. Ayoko na sana kaso sumang-ayon si Mama at may iniutos daw siya kay Manong. So I had no choice.

Sobrang awkward pauwi ng bahay namin. I swear akala ko mapapanisan kami ng laway.

"Thanks," sabi ko sa wakas nang makarating na kami sa bahay.

"Hey, uhh...may sinabi ba si Mommy?"

Napakurap ako sa tanong niya. Mariing lumunok ako at saka no choice na lumingon sa kanya.

"What do you mean?"

He shrugged. "Parang may sinabi si Mommy. Naging tahimik ka, eh." Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at ganoon din siya. He sighed. "Kung ano man ang sinabi ni Mommny, uhh huwag mo na lang isipin." Tipid siyang ngumiti pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako for him.

I sighed. "AJ, I really want you to be my friend..." panimula ko. Agad naman siyang nag-react at sinapo ang puso niya na parang nasaktan.

"Ouch. Oo na nga...tsk. Friendzone malala ah."

Napapikit ako at saka seryoso siyang tiningnan. "AJ...I'm saying this kasi ayokong maging unfair. Alam ko sa sarili kong hindi pa ako nakaka-move on...hindi ko alam kung kailan...o kung magmo-move on na ba...gusto talaga kitang maging friend pero kung nasasaktan ka, kahit na malungkot din sa akin, sige, huwag na lang tayong magkita muna."

"Wait, what? Hey, hey. No, wala ito." Mabilis siyang umiling.

"Pero, J..."

"Swear, alam ko ang lugar ko. And if it's a friend that you need...then I will be that friend. No need for that, Mer..." Hindi ako sumagot. Nagkatitigan kami. Parang may tinatantiya siya sa akin na hindi ko naman malaman kung ano. "But baka pwede kung..." He paused and took a deep breath. Hindi ko naman inalis ang tingin ko sa kanya. "Kung hindi na talaga kayo...baka pwede mong bigyan ng chance ang tayo?"

My mouth parted. Fuck. Natulala ako sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. He wasn't breaking our gaze. Pakiramdam ko talaga parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko. I gasped and shut my eyes for a bit. Damn it. Is he really that serious?

Pagdilat kong muli ay kitang-kita ko ang madilim niyang mga mata na nakatitig lang sa akin at hinihintay ang sagot ko. Nakagat ko ang aking labi tapos ay dahan-dahang tumango. I cleared my throat.

"S-Siguro...baka..." sabi ko na lang.

Narinig ko siyang magmura. "Damn sorry pero sana nga hindi kayo."   

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top