Chapter 21


"What are you up to in the vacation, Merian?" Ngumuso ako sa tanong ni Papa. Nagkibit-balikat ako.

"Hindi ko alam, Pa. Maybe I'll just stay home?" sabi ko naman.

"Anak, you can take a vacation sa pinsan mo sa Cebu," si Mama.

"Yeah. Go to your Tita Melina's," sambit pa ni Papa.

"Well, can I go to Tita Elvira, Pa?" sabat naman ni Ate Daisy.

Napailing na lang ako. Tiningnan ni Papa si Ate.

"No because you will be having your first week in Fermin Hotels, right?"

Si Ate naman ang umirap. Bahagya akong natawa.

"And you'll be needed in Castel, Daisy," segunda pa ni Mama na mas ikinairap ni Ate.

Napailing na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Nagbi-breakfast kami ngayon kasama sina Mama at Papa. Kaming apat lang kasi ang mga ates namin at si Kuya Naga, maaaga yatang umalis or nandoon sa mga jowa nila (ates ko lang kasi single pa sin until now si Kuya).

"Fine, Mom. But can I at least have a vacation after a month?"

I chuckled. "Hindi ka pa nagsisimula, bakasyon agad, Te?" tanong ko kay Ate. Inirapan niya ako.

"Shut up. Are you sure na dito ka lang sa bahay? You'll be bore to death," sabi pa niya habang kumakain ng toast niya.

Nagkibit-balikat ako. "Hmm. ewan. Baka?" sabi ko na lang kasi wala pa talaga akong ideya kung ano pa ang gagawin ko rito sa bahay. Baka ubusin ko na lang ang mga docuseries na hindi ko pa napapanood. Maybe jog? I really don't know.

"Whatever. Bahala ka." hindi ko na lang pinansin si Ate at nagpatuloy na ako sa pagkain. I was thankful na si Ate Daisy na ulit ang kanilang tinanong after that kaya nakahinga na rin ako nang maluwag.

Pagkatapos ng breakfast namin ay dumeretso na ako sa kwarto ko at saka nagtalukbong ng comforter. Tinodo ko ang aircon then in-on ko ang aking TV. I started scrolling for some series na pwedeng i-binge watch kasi wala talaga akong planong lumabas ng bahay ngayon. I mean saan naman kasi ako pupunta di ba?

I just hugged my pillow and continued watching na lang. It was so comfy kaya ang ending ay nakatulog din ako before ko pa matapos iyong pinapanood ko.I woke up mga hapon na yata. I really wasn't aware of the time na. I got out of the bed and went down. Sobrang tahimik ng bahay namin at parang ako lang yata ang nandito?

"Oh, gising ka na pala..." bati ni Manang sa akin. Nag-stretch muna ako bago dumiretso sa dining area. Sobrang tahimik talaga. As in parang ghost town ang bahay namin.

"Manang, nasaan ang mga tao?" tanong ko pa. Bahagyang natawa si Manang.

"Ay, ang mga magulang mo umalis. Iyong Ate Daisy monaman may lakad din daw at ang ibang mga ate mo, siyempre, busy sa kanilang mga buhay-buhay.

Ngumuso ako at sumalampak na lang sa isa sa mga chairs ng dining. "Wala akong magawa," rant ko pa. Natawa ulit si Manang at saka umiling sa akin.

"Gusto mong magmeryenda? Pwede ka namang lumabas, ano ka ba," sabi niya pa at naghahanda na ng meryenda

"Saan naman ako pupunta, Manang?" tanong ko pa.

"Aba'y kung saan mo gusto."

Sumimangot lang ulit ako. Pumangalumbaba ako sa lamesa, nag-iisip kung ano ba ang pwedeng gawin ngayon. Ano nga ba ang pwedeng gawin? Kinuha ko ang phone ko tapos ay nag-scroll lang muna ako at baka magka-idea din ako ng pwedeng gawin. Grabe, kakabakasyon ko pa lang tapos ganito na ako ka-bored?

I was in the middle of scrolling through my feed, when I saw my pictures with Danniel before. Hindi ko rin naman kasi binura ang mga iyon. Wala akong binura kahit ano sa mga picture namin.

I bit my lip and swallowed hard. Sobrang saya namin sa mga picture na iyon. I guess, 3 years ago iyon? Tapos may mga nakita rin akong pictures namin way back when we were in high school. Damn it. Pakiramdam ko nagsi-senti na naman ako dahil sa mga picture. Ramdam ko na naman ang tila paninikip ng dibdib ko. And I kept on blinking kasi para akong tangang iiyak doon!

"Oh , may baked mac pa rito. Gusto mo ba ito?" narinig kong sabi ni Manang kaya mas lalong kailangan kong pigilan ang pag-iyak. Baka kung ano pang sabihin ni Manang at para akong tangang umiiyak doon kahit wala naman siyang ginagawa.

Napapikit na lang muna ako para kalmahin ang aking sarili. "Okay po. Thank you," sabi ko na lang.

I turned off my phone at kinuha na hinandang baked mac ni Manang. Para akong tanga roon na kumakain tapos bigla-bigla na lang natutulala. Ughh. I hate this. I stuffed my mouth with baked mac na lang habang nag-iisip ako anong gagawin after.

Luckily, dahil sa pag-scroll ko sa socmed, nagka-idea akong mag-jog na lang sa compound namin at nang hingi naman ako puro higa lang. Nang matapos na akong kumain ay bumalik na ako sa kwarto at nagbihis ng workout clothes. I was wearing a shorts and a dry fit shirt tapos tinali ko into ponytail ang buhok ko. I got my Airpods and went out na rin.

"Oh, saan ka?" tanong ni Manang pagkababa ko. Ngumiti lang ako nang bahagya sa kanya.

"Jogging po muna ako," sagot ko na lang bago tuluyang lumabas ng bahay.

Sinuot ko na ang Airpods ko tapos ay nagsimula na akong mag-jog paikot ng compound namin. I suddenly wondered kung nasaan ang mga kaibigan ko. Ang tatahimik kasi ng mga bahay nila, eh. Ang alam ko lang na wala sa bansa ay si Meg at Hydron. Pero sina Shadow at Fabia nandito naman. Oh well, probably nasa training nila. Tagapagmana kasi ng mga kompanya nila.

I guess it's a perk na marami kaming magkapatid tapos bunso pa ako. It was actually a surprise na pumayag si Papa na mag-law ako after college at na hindi Business Ad ang kunin kong course. Well, nandoon naman sina Ate Nia at Kuya Naga for our businesses.

At least, hindi ko kailangan ma-pressure na sa akin mapupunta ang pamamahala ng Fermin Group. Ramdam ko na rin ang pamamawis ko nang makaisang ikot ako sa compound. Napahinto lang ako sa may bukana na ng compound. I was panting and iyong mga butil ng pawis ko ay naglalaglagan na rin. Nagpunas lang muna ako ng mukha at leeg.

I looked around and napatigil pa ako nang makitang nasa tapat pala ako ng cafe ng mama ni AJ. I sighed. Nandiyan kaya iyon? Other than my friends, si AJ lang naman ang isa ko pang kaibigan and aaminin ko, na-miss ko rin talaga siyang kasama kahit na palagi niya akong nire-realtalk. It was really nice meeting him last night.

"Wow, jogging."

"What the!" Napasinghap ako nang may biglang sumabay sa akin. Hindi makapaniwalang binalingan ko ang kung sino mang magaling na nanggulat sa akin. Bumungad sa akin ang magaling na si AJ.

"Hey," bati niya pa.

Mahina ko siyang tinulak sa balikat. "Nanggugulat ka!" sabi ko pa. Tinawanan lang ako ng loko. Napailing ako at nagpunas na lang ulit ng pawis haban tumatawa siya sa gilid ko. Tsk.

"Ngayon lang kita nakitang mag-jogging. Anyare sa'yo?" tanong niya pa. Umismid ako.

"Bakit? Bawal?"

Mas laong humalakhak ang gago kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tsk.

"Rarely see you jog," sabi niya pa.

"Ngayon lang naman talaga. Wala akong magawa sa bahay," sabi ko. Narinig ko siyang umismid.

"Too lonely without him, huh?" Nilingon ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin pero kitang-kita ko ang banas sa mukha niya. Pag talaga si Danniel ang usapan nababanas siya, eh.

Napailing na lang ako. Nagsimula na ulit akong tumakbo. Naramdaman ko naman siyang sumusunod sa akin. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na siya. Sabay kaming umikot ulit. As for me, second ikot ko na kasi. Nang makarating kami sa pinanggalingan namin kanina ay halos sabay pa kaming huminto at naghabol ng hininga.

"So...coffee?" narinig kong sabi niya. Umayos ako ng tayo at saka kunot-noong tiningnan siya.

"Seriously?"

He chuckled and shrugged. "Sige na. Libre naman kita," sabi pa niya. Tinaasan ko siya ng kilay at saka ako humalukipkip.

Mas ngumisi lang siya tapos walang ano-ano'y inakbayan na ako at hinila papasok sa coffee shop nila. Napabuga ako ng hininga at nagpatianod na lang sa kanya papasok ng coffee shop nila.

Inilibot ko ang tingin sa paligid. May dalawang crew na sila at hindi ko rin nakita ang mama niya. Pinaupo niya ako sa isang sulok tapos ay pumunta na siya sa counter at mukhang siya pa mismo ang magtitimpla ng kape ko?

I couldn't help but smile. I crossed my legs. Humalukipkip ako at pinagmasdan siyang busy sa pagkalikot ng coffee maker. May mga bulong-bulungan pa nga akong narinig mula sa mga customer. Can't blame them. Crush ng bayan naman talaga si AJ sa Nursing noon pa.

Napailing na lang ulit ako at ilang saglit pa ay binalikan na niya ako at may dala siyang kape para sa aming dalawa.

"Especially for you." Kumindat pa ang loko nang iabot sa akin ang kapeng hinanda niya. Napailing na lang ako sa kanya.

"Talaga lang, ha?" tanong ko pa.

Humalakhak siya. "Try it. Wala din iyan sa menu namin."

I looked at the coffee and took a sip on it. And in all fairness naman, masarap nga siya. Napatango-tango ako at nang tingnan ko si AJ ay proud na nakangisi siya.

Napairap ako at tinanguan na siya. "Oo na, masarap," sabi ko pa.

Parang lumaki naman yata ang ulo ng loko kaya natawa na lang ulit ako sa kanya. Gosh. Parang bata talaga, eh. Ininom ko na lang ulit iyong kape ko. He was drinking his din nang tumikhim siya.

"So, ano schedule mo bukas?" tanong niya pa.

Nagkibit-balikat ako. "Dunno. Baka mag-jog ulit ako? I honestly don't have plans for vacation," amin ko sa kanya.

"Hmm. Really?"

Tumango ako at sumipsip ulit sa kape ko. "Ikaw? You're going to take the Boards na di ba?" I asked.

Tumango siya. "Yeah and Med school."

Suminghap ako. "Ay grabe naman! Sabay? Seryoso?"

Ngumisi lang siya at tumango. "Yeah. I need to be distracted."

"Kasi?" curious kong tanong habang pinaglalaruan ang straw ng kape ko.

Hindi siya agad sumagot, sa halip ay tinitigan niya lang ako. Pinandilatan ko siya ng mga mata pero hindi naman siya sumagot. Ngumisi lang siya at umiling.

"Wala. Basta."

I looked at him weirdly.

"You're weird," sabi ko.

Humalakhak lang siya tapos ay tumikhim. "Gusto mong mag-date?"

Muntik na akong mabilaukan.

"What?" I blinked multiple times habang nakatitig lang sa kanya.

Nagkamot pa siya ng batok na para bang nahihiya siya or something. "Friendly date lang. Tss."

Napasinghap ako at hindi makapaniwalang tinitigan siya. "Seriously, J?" I asked him in disbelief. Ngumisi lang ang loko sa akin at muling nagkamot ng ulo.

"Yeah...wala ka namang sched right? Bigay mo na sa akin. For board," sabi niya pa.

I scoffed and just shook my head. "Ewan ko sa'yo, dami mong alam."

Tumawa ang loko. "So?" sabi niya pa.

Tumaas ang kilay ko pero mukhang hindi yata niya ako tatantanan kaya umu-o na ako. "Sige na. Oo na," sabi ko pa kaya mas lalong ngumisi ang mokong. Umiling na lang ako sa kanya.

"Alright. Friendly date tayo bukas," sabi niya pa at pinagdiinan pa talaga ang word na 'friendly'.

"Tsk. Oo na. Sige na."

"Yes!" I couldn't help but laugh at his reaction. Napailing na lang ulit ako at inubos na ang coffee ko.

"This coffee's really good, huh. Dapat ilagay mo sa menu."

"Talaga?"

"Yeah, it's really good!"

"Hmm. Pwede nga."

~***~

"Hi!" I greeted AJ pagkapasok ko ng kotse niya.

Abot-tainga ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. "Hey. Ganda, ah," sabi niya pa. Umirap naman ako at nag-seatbelt na lang.

"Tara na. Saan mo ba ako idi-date, huh?" tanong ko pa.

Ngumisi siya sa akin bago ibinalik ang tingin sa harapan. Nakakunot ang noo ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Saan naman kaya ako dadalhin ng isang ito?

Ibinaling ko na lang ang tingin sa labas ng sasakyan. I was enjoying the view of the cars and the buildings by the road. Chill lang ako roon kahit na medyo traffic. It was after lunch kasi. Sabi ni AJ mas maganda kung umaga kaming pumunta sa kung saan man niya ako dadalhin para mas makapaglibot pa kami.

Suddenly, I remembered my sponti dates with Danniel way back. Noong high school pa kami, palagi kaming nagro-road trip noon. Kung saan-saan niya ako dinadala noon. He always got me lalo na pag magpapaalam kay Papa. Ewan ko rin ba kung bakit ang lakas noon kay Papa eh.

I sighed and rested on the back of the seat na lang. Nag-emo na lang ako habang nasa biyahe nang biglang tumugtog ang stereo ni AJ. Napapikit pa ako para damhin iyong kanta. I think Dilaw ang title ng kanta? Not sure, but yeah. I didn't know kung bakit parang sobrang tama sa amin ni Danniel iyong lyrics? I really don't know...

I sighed. Hindi ko alam kung ilang oras or minutes lang kaming nag-travel but nang nakahanap ng parking si AJ ay saka ko lang na-realize kung nasaan kami.

"Oh wow..." I blinked twice habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"C'mon, Fermin. Let's have some food trip," sabi pa nito nag pababa sila. The whole street ay puno ng red and gold.

"Oh my gosh!" I exclaimed and looked at AJ. He smirked lang sa akin at saka ako hinila papunta sa stalls. We were in Binondo. The whole street was so alive at ang daming tao. Ang daming foods! Tapos naaamoy ko pa iyong mga paninda kaya parang nagutom yata ako.

"Saan mo gusto?" tanong pa ni AJ habang naglalakad-lakad kami. Napaisip naman tuloy ako tapos ay may mga tinuro akong mga gusto kong kainin. Pinagbigyan niya naman na ako.

Damn. Ang dami naming pinasyalan na food stalls. We had some Fried Siopao tapos kumain din kami ng Mami. We also had siomai and milktea. Kumain pa kami noong mga fluffy na parang pancakes or something.

Damn. Sobrang busog ko! Saktong hindi talaga ako kumain ng lunch for this kasi iyon din naman ang sabi ni AJ.

"Try natin iyon!" Kung ano-ano na ang pinagtuturo ko kay AJ na hindi naman niya tinatanggihan. Hindi ko na mabilang kung ilang stalls and resto ang kinainan namin. Sobrang init pero for some reason parang hindi ko ramdam kasi parang sobrang busy ko sa mga pinagkakain namin ni AJ.

"Kalat mo kumain!" sabi niya pa, tinatawanan ako kasi parang napuno ko yata ang bibig ko ng kinakain kong siopao tapos halos kumalat na iyong ketchup sa gilid ng bibig ko.

Ngumuso ako sa kanya habang pinupunasan ang gilid ng bibig ko. Abot-tainga akong ngumiti sa kanya.

"First time ko rito!" sabi ko sa kanya.

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya, parang nagulat sa sinabi ko.

"Tsk. Palibhasa sa steak ka yata palagi dinadala ni Montijo." He grimaced.

Nilunok ko muna ang kinakain ko tapos sumimangot ako sa kanya. "Hey, hindi naman ah! Hindi lang kami nakapunta dito pa!" sabi ko pa. Umirap lang siya sa akin tapos inakbayan na ako.

"Tara na nga lang. Dalhin kita doon sa may mga ibang street foods," sabi niya pa. Bumungisngis ako at nagpatianod na sa kanya.

Nag-try pa kami ng iilang street foods bago kami nag-decide na mag-desert na. It was around 4 p.m. na yata nang mag-decide kaming umuwi na rin.

"Oh gosh, busog na busog ako," I said pa habang himas-himas ang tiyan ko. Nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin pero hindi pa ako bumababa.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa harapan. I felt him staring at me.

"Nag-enjoy ka?" tanong niya pa. Nilingon ko siya tapos ay tinanguan siya.

"Yep. Thanks...super busog ako." I laughed at him. Ngumisi naman.

"I'm glad I made you happy...at least happy on the surface. I just hope I can really make your heart happy though..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top