Chapter 20

"AJ..." was all that I could utter while I was looking at the man beside me.

He gave out a smile and waved at me. Napalunok ako at agad na iniwas ang tingin ko sa kanya. There was an awkward silence between us. I couldn't look at him.

"How are you?" I heard him ask. I bit my lip and shrugged. I just realized something. Hindi pa pala kami nakapag-usap ulit ni AJ ever since I walked out on him.

I looked up at him. "I wasn't able to greet you...congrats nga pala," I said to him.

He just gave me a smile. "Thanks. Wala iyon. I'm happy to see you here though." I didn't answer him. I honestly didn't know what to say to him, too. Ang awkward.

"So, you're here with your friends?" I asked him, trying to make the conversation light as possible.

He shrugged. "Yeah. Dunno where they are though," sabi pa niya.

I nodded and sighed. Nag-iwas ako ng tingin at saka tumingin na lang sa kawalan. I could still feel him looking at me. Parang pinag-aaralan niya nga ang mukha ko na ewan. Ayokong salubungin ang tingin niya kasi pakiramdam ko ay maa-awkward lang ako kaya huwag na lang.

"So...he left you here," I heard him say. Agad na napalingon ako sa kanya. Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko alam pero iba ang dating sa akin ng sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

He shrugged and then drank his shot before looking away. "Wala. Nalaman ko lang kay Montijo na nasa Madrid sila. Ayos na kayo?"

"Wala na kami."

Tila nagulat siya sa sinabi ko. Mabilis na napatingin siya sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin niya.

"Are you serious?" gulat na tanong niya.

I stared at him, no emotion at all. Then I shrugged. "Unbelievable ba?"

He scoffed. "Well, you were willing to drop everything for him..." he said, still in awe. I laughed bitterly.

"Yeah, thought so, too."

AJ's face became serious. He was looking at me intensely like he wanted to know what I was thinking.

"How are you?" he said after a few seconds.

Nangunot ang noo ko habang nakatitig pabalik sa kanya. "I'm fine...trying to be fine, I guess?" I shrugged.

He sighed. Nagkatitigan pa kami at some moment pero agad din naman siyang nagbawi ng tingin. God it was so awkward na napainom na lang din ako ng alak. I looked away too and napatitig na lang sa kawalan.

"Ikaw? Kumusta ka?"

"Okay naman. Okay si Mama kaya okay rin ako."

Tumango ako. "I'm glad kung ganoon..."

It was another silence na naman. Gosh,ang awkward kasi talaga.

"So...wala na kayo...alam mong nagbakasyon sila?"

I blinked multiple times. "Sabi ni Shadow..."

"Hmm so updated ka pa rin... he didn't delete your photos,though. Nasa profile pa rin niya. Hindi rin nagtanggal ng relationship status.

Mabilis na nag-angat ang kilay ko at napabaling sa kanya. "Are you stalking Danniel?" I asked.

TInaasan niya rin ako ng kilay. "Siya talaga ang iso-stalk ko? Tss. Ano siya, importante? Tsk. Si Dene lang ang makulit na nag-a-update.Pati iyong nanay nila." He hissed.

I gasped. "Hey! Tita Danielle's nice!" I defended kasi nice naman talaga si Tita and whatever AJ's issue about Tito and Danniel, labas si Tita doon and I cannot tolerate him saying bad things or insinuating something kay Tita.

"Tsk. It's not that, okay. I mean, I appreciate her and Dene trying to civilly communicate with me, but I really do not need it..."

I just stared at him. "They're reaching out. They're trying to make amends with you. Kahit huwag na si Danniel at Tito, sina Dene at Tita na lang kasi they are so pure, AJ," I told him.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin at napainom na lang din sa hawak niyang alak. "Sorry. I know you're close with them...I...I just couldn't have a connection with my asshole father." He hissed again.

I bit my lip and nodded. I get it. I remembered how he told me his story. His feelings are valid. Right, I shouldn't push it.

"Sorry..." I said.

He scoffed. "It's fine. I know how much they mean to you, okay."

I sighed. "They just don't deserve the hate kasi, AJ. Just...just try to let them in. I'm sure Tita Janet would like that din..."

He didn't reply. Tumungga lang ulit siya ng alak at tumitig na rin sa kawalan. We were both silent there. Walang gustong magsalita or baka wala lang kaming masabi siguro? I didn't know actually.

Hindi ko rin alam kung ilang minuto kaming nakatanga lang doon. "Mer..." he finally broke the silence.

"What?" I asked.

"I—"

"Hey."

Pareho kaming natigilan nang umeksena na naman ang boses ni Aries. Napairap ako at agad na napalingon. Ganoon din ang ginawa ni AJ na nakakunot ang noo kina Aries at Keith.

"Aries, will you please leave me alone? Hindi na nakakatuwa," pagod na sabi ko sa kanila. Agad kong naramdaman ang pagtingin sa akin ni AJ.

"Why? Inaano ka ng gagong ito?" medyo inis na tanong na ni AJ.

Nag-igting naman ang panga ni Aries sa sinabi niya. "Anong sabi mo?!" Akmang kukwelyuhan siya ni Aries pero pumagitna na ako.

"Ano ba! Aries, what the hell?!"

"Tsk. Manang mana ka sa pinsan mong bugnot din." Parang mas sumakit ang ulo ko dahil sa inasal ni AJ at mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

"AJ," I warned him pero hindi siya nag-back down sa iringan nila ni Aries.

"Tsk. Lakas ng loob ah."

Bwisit na bumuga ako ng hininga at binalingan si Aries. "I said stop it! Ano ba, Aries! He is not doing anything and he is my fucking friends! Now if Danniel is not okay with him, then that doesn't have to do with me! And please tell him to stop hovering around me kasi hindi na nga kami di ba?!"

Sa inis ko ay nag-walk out ako roon. "Mer!" tawag ni AJ pero hindi ako nakinig at hinanap ko na lang sina Shadow.

Maraming bumabati sa akin sa dance floor pero nawala na ako sa mood talaga kaya mabilis lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa couch namin. Nandoon si Fabia, tila bored na rin. Sumalampak ako sa tabi niya kaya napalingon siya sa akin.

"Mer! Okay ka lang?" tanong niya pa.

Nag-cross arms ako at saka umiling. "Wala nainis lang ako kina Aries at Keith. Ang kukulit. Gosh," rant ko sa kanya. Nagtaas lang siya ng kilay tapos ay ngumisi.

"Huh, mukhang pinababantayan ka nga ng ex mo, ah."

"Tss."

"Merian." Halos sabay kaming napaangat ng tingin ni Fabia nang marinig ang boses na iyon. AJ was standing in front of us. Humahangos pa siya na para bang hinabol niya ako papunta rito.

Umirap ako.

"Woah, hi, AJ," Fabia said pa. Nang tingnan ko siya, nakangisi ang bruha.

"What, AJ?" tanong ko pa.

He let out a deep breath. "I'm sorry for that..."

I shook my head. "Hindi mo kasalanan."

"Still—"

"Hoy, Fortalejo, hindi ka talaga titigil?"

Namasahe ko ang ulo ko dahil sumunod naman si Aries sa kanya kasama ang mga fratmen nila. Nakagat ko ang aking labi at napapikit na lang.

"Please, ano ba?! Can't you two leave me alone na lang?! I'm here to enjoy!"

I was seriously pissed. Nang lingunin ko si Fabia ay nakatingin lang siya. kina AJ at Aries na parang nag-e-enjoy pa sa panonood sa dalawang nagbabangayan. Ughh!

"Fabia, ano ba!" sita ko sa kanya at suminghap lang siya tapos ay tiningnan ako.

"Bakit?" tanong niya pa at tinungga ang kanyang alak.

I groaned. Grabe ang supportive nitong kaibigan ko!

"Ughh nasaan ba sila Shadow?!" I looked at Aries and AJ again and nagsusukatan na naman sila ng tingin. "Aries, ano ba! You all go away!" banta ko kina Aries at sa mga kaibigan niya pero hindi pa rin sila natinag.

Ang tigas din kasi ni AJ. Fuck! Really now? Akala ko mag-e-enjoy ako ngayon? Bakit parang magiging taga-awat pa ako? I mean what the heck?!

"Hoy mga gago, tigilan n'yo iyang kaibigan ko!" They all stiffened when they heard Shadow's voice. Oh thank God!

Doon lang yata ako nakahinga nang maluwag.

"We're just protecting Merian, Shadow," Aries said. I scoffed and AJ shook his head.

Nag-angat ng kilay si Shadow. "Protect her from what? Tsk. Nandito kami hindi namin pababayaan si Merian. At pwede ba, kung sino man ang gustuhing kaibigan ni Merian, wala ng paki ang kung sino mang nag-utos sa inyo. Tsk. Nobody's gonna control my friend here. You get that? Now, leave them alone or leave this fucking bar, Aries. You know I can throw you out of here." Kahit na maingay ang paligid ay umalingawngaw pa rin ang galit na boses ni Shadow.

Aries' jaw clenched and looked at AJ again, pero parang hindi naman natinag si AJ sa mga tingin ni Aries. Nasandal ko na lang ang ulo ko sa backrest ng sofa.

Nagsukatan pa ng tingin sina Aries at AJ bago tuluyang tumalikod si Aries kasama ang iba pa niyang kasamahan. I groaned in frustration.

"Tsk. panira ng gabi, eh," rinig kong sabi ni Shadow. Pumikit na lang ako hanggang sa may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Nang magmulat ako nakita ko si AJ na nakatingin sa akin.

"Ehem. Sayaw lang ako, Mer." Iniwan kami ni Fabia. Umirap lang ako at umiling. Naiwan kaming dalawa ni AJ doon.

I sighed and then hinarap ko siya. "Sorry about earlier...and that commotion," sabi ko pa.

Ngumisi lang siya at saka tumango. "Wala iyon. Tsk. Akala ko ba break na kayo? Ano iyan, hindi niya matanggap? Kaya niya inuutusan si Aries na bantayan ka?" rant pa niya.

Napabuga na lang ako ng hininga. I looked at the dance floor then sa couch kung saan nandoon sina Aries at mga kaibigan niya. Ramdam na ramdam ko pa rin ang matulis na titig ni Aries sa akin kaya mas lalo yatang sumakit ang ulo ko. Damn. Gusto ko na lang umuwi.

"Okay ka lang?" tanong pa ni AJ.

"Hmm okay lang. Gusto ko ng umuwi, though. Nahihilo na ako rito." At wala na rin ako sa mood.

I heard him sigh.

"Hatid na kita. Gusto ko na ring umuwi eh."

Napatitig na lang ako sa kanya. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata habang matamang nakatingin din sa akin. In the end, nagkibit-balikat na lang ako at tumango.

"Puntahan ko lang sina Shadow. Papaalam ako."

"Sige."

Tumayo na ako at pinuntahan sina Shadow. Madali ko naman silang nakita dahil ang iingay nila ni Hydron.

"Dow, uwi na ako," sabi ko nang makalapit ako sa kanya. Agad na nagsalubong ang kilay niya.

"Bakit?"

"Nahihilo na ako. Una na lang ako sa inyo," sabi ko pa.

Saglit siyang tumitig sa akin bago nagpakawala ng hininga.

"Oh sige, teka lang kunin ko susi ko. Hatid na kita."

"No, hindi na. Si AJ na maghahatid sa akin. Uuwi na rin daw kasi siya."

Agad na natigilan si Shadow at taas-kilay akong tinitigan.

"Ano? Really now? Para ano? To piss off your ex?" natatawang tanong niya pa. Napasinghap ako.

"What? Of course not. Magkaibigan naman kami ni AJ talaga ah. Tss." Humalukipkip ako.

Tumawa lang si Shadow kaya inis na tinapunan ko siya ng tingin. "Fine, go. Text me when you get home and share location!" Tinaas niya ang phone niya. Umirap ako.

"Oo na," sabi ko na lang bago umalis na roon at bumalik kay AJ.

Ever since that tragedy happened to me, parang nilagyan na ako ng tracker ng mga kaibigan ko dahil gusto nila alam nila parati kung nasaan ako lalo na kung ako lang mag-isa. They are that paranoid na.

"Let's go?" yaya ko kay AJ. Agad naman siyang tumayo. Nauna akong maglakad palabas ng bar habang nakasunod naman siya sa akin.

Nang makarating kami sa sasakyan niya ay agad niya akong pinagbuksan ng pinto. Sumakay ako roon at pinanood siyang umikot papuntang driver's seat. It was still quarter to eleven. Supposedly may isang oras pa kami before curfew pero wala na talaga akong energy, not after what Aries and his friends pulled off. Tsk.

"Pa-music ka kung gusto mo," sabi pa ni AJ. Tiningnan ko siya pero seryoso ang tingin niya sa daan. I sighed at in-on ang kanyang stereo. Pahating gabi na pero may mga tao pa rin naman sa labas.

I didn't know what to talk about, really. I mean, ano nga ba? It was so awkward kaya pinanatili ko na lang ang tingin ko sa labas habang nakikinig ng music. Hindi rin naman nagtagal at pumarada na ang sasakyan niya sa harapan ng bahay namin.

"Thank you," sabi ko sa kanya pagkatanggal ko ng seatbelt.

"Hmm. Ingat ka."

Tiningnan ko siya. Nakatingin din pala siya sa akin. Tumango ako. "Ikaw din." I smiled at him at akmang bababa na nang bigla niya naman akong tawagin.

"Hey, Mer."

Napahinto ako at napalingong muli sa kanya. "Hmm?"

He paused for a moment before he gave me a small smile. "I'm just here if kailangan mo ng kausap."

I eyed him carefully. I think after everything, ngayon lang ulit kami nakapag-usap nang matino. I kinda feel guilty kasi last na usap namin hindi naman talaga nag-end well...tapos heto siya ngayon, offering comfort na parang wala lang nangyari noong huli naming pag-uusap.

Medyo bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala iyon. Damn... hindi nga lang pala usap at sigawan ang nangyari noon. It should be more awkward...but then it's AJ. Aaminin ko, nakaka-miss din iyong palagi niya akong sinasamahan pag nag-aaway kami ni Danniel. He's that kind of friend. I don't know if gusto ko pang pag-usapan iyong nangyari o iyong ginawa niya...pero siguro huwag na lang? I mean...I honestly didn't want to bring that up. Emotions were just high at that time...

Nginitian ko siya. "Thank you...and uhmm sorry if hindi na tayo nakapag-usap after..." Nakagat ko ang aking labi. I really didn't wanna mention it already.

Ngumisi lang siya at mukhang na-gets naman niya ang gusto kong sabihin.

"Nahh, okay lang kasalanan ko naman..."

Napakunot ang noo ko nang hindi ko na maintindihan ang panghuli niyang sinabi. "Huh?"

Mas ngumisi siya at ginulo ang buhok ko. "Tsk. Wala. Sige good night. Alis ako pagpasok mo."

Weird ko siyang tiningnan pero sa huli ay tumango na lang din ako. "Okay."  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top