Chapter 1

It was a busy day in the University. Intramurals kasi kaya halos lahat ay abala sa mga booths. Well, sila lang lang pala. Tapos na kasi kami sa turn namin which was noong opening day kaya ang ending ay tambay kami rito sa isang bench sa soccerfield. Punong puno ng mga booths ang half ng field habang sa isang half naman ay naka-set ang mga paglalaruan ng soccer mamaya. 

"Mer, nood tayo later ng basketball ha? Championship nina Hydron," sabi ni Meg habang pumapapak ng chips niya. Tumango lang ako at pinasadahan ng tingin ang mga booths. 

Gusto kong mag-booth hopping at nang may magawa pero nakakatamad din. Bumuntong hininga ako at sumandal sa malaking puno na nagsisilbing shade nitong bench. It's a lazy day. Nakontento na lang akong patingin- tingin sa booths habang si Meg ay busy sa cellphone niya at pagpapak ng mga chichiryang dala namin. 

Wala rin namang gaanong magandang tanawin hanggang sa namataan ko ang grupo ng mga lalaking sabay sabay na naglalakad papunta sa soccer field. They were I think more than twenty. May mga leather jacket silang suot na para bang pinasadya talaga para sa kanila. Sa may arm sleeves nito ay nakalagay ang kanilang logo. 

Alpha Epsilon Phi. 

Fraternity. I hate them. 

"O, mukhang papatayin mo na naman sa tingin ang mga 'yan. Seriously, Mer, can't you just be civil?" Inirapan ko si Meg. Sa ayoko talaga ng fraternities, e.

I know their goal is to establish brotherhood, but I hate how they do the establishment lalong lalo na kung paano sila magpasali. Hazing is against the law and is also prohibited here in Fermin College pero I still don't agree with what that fraternity is doing during initiation. Wala naman akong nakikitang violence pero sure ako may mangilan ngilan 'yan especially fratwars. 

"Hay nako, Mer. Hindi ko talaga alam paano nagwo-work ang relationship niyo ni Dan. I mean you hate frat and ironically, he's a goddamn fraternity leader!"  Tiningnan ko si Meg na umiiling iling sa akin. 

Well, to be honest hindi ko rin alam paano namin na-work out. Basta ang ginagawa ko lang naman ay hindi ako nagpupunta sa headquarters nila o nakikisalamuha sa mga ka fratmen niya. As much as I hate fratmen, unfortunately my boyfriend is the frat leader. Basta ba hindi ko siya nakikitang sugatan o kung ano man dahil sa mga fratwars at basta ba hindi magtagpo ang mga landas namin ng mga ka-frat niya ay okay ako. Our relationship is out of his frat anyway. 

"I just really don't give a damn about them, Meg. Si Danniel ang boyfriend ko, hindi sila." Nagkibit-balikat ako at ibinalik na lang ang tingin sa mga booths. So much for fratmen. 

~***~

Ala-una ng hapon nang pumunta kami ni Meg sa gymnasium para sa championship ng Basketball. It's Business Administration vs. Nursing. Hydron and Shadow, two of our friends are Business Ad. Siyempre si Dan din kaya business ad ang ichi-cheer namin. 

"Ayon! Daisy and Fabia are there." Tinuro ni Meg ang bleachers na malapit sa bench ng BA. Nasa pinakaibabang bleachers sila sa may bench talaga. 

"Hey sis," bati ni Ate. Bumeso ako sa kanila ni Fabia. They're both Business Ad students habang ako naman ay PolScie and Meg is Fashion Design. 

Tumabi kami sa kanila habang hinihintay ang mga players. Wala pa ang both teams pero kung makapaghiyawan ang mga tao ay parang nagsisimula na ang match. Each team's cheerleading squad was already shouting their cheers kaya mas lalong umingay.

It was five minutes before the game and some of the players were already there. Ikinalat ko ang paningin at hinanap si Danniel pati na ang mga kaibigan ko. I saw them warming up with their other team mates. Tawang tawa pa nga sila Meg nang nakitang nakaupo sina Hydron. 

"Ay taray naman nitong mga frenies natin. Consistent ang pagiging bench players ha!" natatawang buwelta ni Meg. Nagtawanan sina Ate at Fabia. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga itong mga ito. Pag yan narinig nina Hydron mag-aaway na naman yan. 

"Everyone, in one minute we will now start our championship game!" Mas lalong naghiyawan ang mga tao nang sabihin iyon ng commentator. 

I was clapping my hands as I saw Danniel and his team lined up. 

"It's Business Administration versus Nursing department! Now get ready for our starters!"

"Woooh! Go Danniel!" I screamed at the top of my lungs as I waved at him. 

"Ang supportive ha!" sabi pa ni Fabia. Tinawanan ko lang siya at itinuon na ang atensyon sa laro. 

"At jersey number 4, the captain and last year's MVP, Supremo Daniel Dan Montijo!" Halos mabingi ako sa sigawan ng mga tao. Syempre nakisigaw din ako, no!

"Now for the Nursing Department, starting off with jersey number 8, Mr. Nursing 2018, Anthony James Fortalejo!" Kung anong lakas ng sigawan kanina ay dumoble yata. Kinailangan ko pang takpan ang tenga ko dahil sa lakas ng sigawan. 

"Wow, this Fortalejo has lots of fans ha. Tinalo pa si Dan," komento ni Ate. 

"Siguro kasi alam nilang taken si Dan at iyang si Fortalejo ay single. Syempre doon sila sa single." Fabia laughed at her comment. 

Tiningnan ko iyong Fortalejo. He's well built. Mas mataas siya nang konti kay Danniel pero halos parehas sila ng pangangatawan. Balita ko varsity team din siya pero di naman siya ganoon ka matunog not until he won the Mr. Nursing last year. Nagkibit-balikat ako nag-cheer na lang muli kay Danniel, pero hindi pa man nakakalayo ang tingin ko sa kanya ay nagtagpo ang tingin namin. Agad akong umiwas but I swear I could still feel his stare. Weird. 

~***~

"Montijo for three!" 

Muntik na akong madapa sa katatalon at kahahampas kay Meg. Paos na paos na rin ako sa kasisigaw mula kanina. 

"And there you go, our champions!" 

Tumunog ang buzzer na mas nagpatalon sa amin. BA won and it's because of Danniel's last three points! Shet! Boyfriend ko 'yan!

"Shet na malagket! Tara kina Hydron! Owemgi!" Sinuot namin nila Meg ang dagat ng tao makapunta lang kina Hydron. 

I was just smiling the whole time. Agad na nilapitan nina Meg sina Shadow at Hydron. Ako naman ay si Danniel ang nilapitan. The team was celebrating and his team mates were lifting him up. Sus. Mukhang MVP na naman ang loko. 

When his team mates put him down, 'tsaka ako mas lumapit at niyakap siya sa likod. He stiffened a bit and I heard his team's noisy cheer. 

"Yown, o!" Nangingibabaw ang boses ng pinsan niyang si Aries. He's like our number one fan. 

I rolled my eyes. Umikot si Danniel paharap at ginantihan ako ng yakap. Muntik pa akong napasigaw sa gulat nang bigla niya akong binuhat!

"Ano ba! Put me down!" sita ko sa kanya na tinawanan lang niya.

Lalong lumakas ang kantyaw ng mga ka-team niya. Binaba niya ako. His eyes were locked unto mine. I could see his happiness overflowing. Napangiti ako. 

"I'm so proud of you, loverboy." I winked at him. Tumawa ang loko at mas hinapit ako ng yakap. He even  buried his face on my neck!

"And now our finals MVP goes to none other than the captain, Danniel Montijo!" I rolled my eyes sabi ko na, e.

"Wohoo! Ikaw na talaga insan!" Agad siyang nahiwalay sa'kin dahil pinagkaguluhan na naman siya ng mga team mates niya. Hinayaan ko na lang muna at nilapitan naman ang mga kaibigan ko. 

"Congrats!" sabi ko sabay yakap kina Hydron at Shadow. 

"Sus! Pa konswelo ka pa, di mo nga kami inuna. Porket MVP jowa mo ha." Agad kong sinapak si Hydron. 

"Ang OA mo ha!" tawa ko sa kanya at umupo sa gitna nila ni Shadow. 

"Uy group pic tayo dali!"tili ni Fabia at iniharap ang cellphone niya sa amin. We posed for a while and when we're done, tumayo na rin sina Shadow. 

"Bihis lang kami," paalam nina Hydron sa amin. Tumango lang kami at inihatid sila ng tingin.

Tumabi sina Fabia sa akin. They were talking about some players and such. Ako naman ay hinanap si Danniel sa magugulong players. Halos lahat yata ng mga BA students ay binabati sila, lalo na siya.

"And the frat is here." Dinig kong sambit ni Ate. Tiningnan ko ang mga lalaking nagsisilapitan na rin kina Danniel. Most of them are BA students din, I think. 

"Is that's the new sorority president?" Nilingon ko si Meg.

"Huh?" 

"That girl. 'Yang naka floral na dress na katabi ni Dette. Mukhang summer na sa kanila, gurl." Tumawa si Meg. Sinita naman siya ni Ate. 

I looked at the girl she was pointing. Ngayon ko lang din siya nakita, actually. 

"Infair, maganda ha. Sweet type, 'diba Mer?" Fabia asked. Nagkibit-balikat ako at mas tinitigan ang babae. She was joining the other fratmen as they congratulate Danniel and his team. 

Natigilan lang ako sa pagtitig nang humarang sina Hydron at Shadow na kagagaling lang sa locker room.

"O, 'di pa ba tayo lalabas? Kain tayo. Hydron's treat." Ngumisi si Shadow. Nagtawanan naman sina Fabia sa reaksyon ni Hydron.

"Tara na! Doon na lang tayo sa madalas nating tambayan," agad na agap ni Shadow at inakbayan si Hydron paalis. Napailing na lang ako at tumayo na rin. 

Sumunod na kami kina Hydron. Hindi na ako nagpaalam pa kay Danniel kasi nandoon ang frat at sorority. Iti-text ko na lang siya mamaya. 

We ended up eating at our usual tambayan sa labas ng village namin. We were on our way out when I saw a girl with Dette. They were going to Danniel. Parang pinakilala ni Dette iyong girl sa boyfriend ko. Danniel was preoccupied but still he attended to the girl. I looked away but then my eyes landed on a group of nursing student cheering for a guy with a Jersey number 8.

"Fortalejo! Fortalejo!" they chanted. I shook my head and looked away again when Fortalejo met my eyes.

I was taken aback so I immediately looked away again. Weird

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top