Merian Addelaide Fermin
All my life, I have always looked up to my parents. Nakaka-amaze lang kung paano nila minahal at minamahal ang isa't isa.
After all those years, parang walang pinagbago. Parang bago pa lang sila, nasa honeymoon stage kumbaga. Bihira na lang 'yan sa relasyon ngayon. May kasabihan ngang "It's easy to fall in love, but it is hard to stay in love."
"Welcome to college, Laide." Inirapan ko ang nakangisi at nakapamulsang lalaki sa aking harapan.
I crossed my arms and raised my brow.
"Happy ka?" tanong ko. Tumawa naman siya at inakbayan ako.
"Tss. Syempre. Mababantayan na kita." Kumindat ang loko. Inirapan ko ulit.
"Hindi pa nga tayo, lakas mo nang bumakod." Tumawa siya. Napailing na lang ako.
Sabay kaming naglakad papunta sa first class ko. Ihahatid niya raw kasi ako. Ang territorial talaga ng loko. Nanliligaw pa lang siya sa lagay na 'yan, ha.
"Anong oras ba vacant mo?" tanong niya pagkarating namin ng classroom ko.
"Hmm straight classes ko sa morning kaya 12 na ako free." Nagkibit-balikat ako. Tumango-tango naman siya.
"Okay. Sabay tayo lunch. I'll go ahead." He kissed my forehead and patted my head. Napairap na lang ako.
"Bye na."
College was definitely different from highschool. New system, new vibe. I was actually scared I might not get along, fortunately okay naman ang naging experience ko sa first day. Well, karamihan din naman kasi sa mga students ay galing lang din sa Fermin High, so kilala ko na rin mostly.
"Merian."
"Uy, Brand. Hi."
"Uhm sabay na tayong mag-lunch? I'm with our other classmates."
Tiningnan ko ang mga kasama niya. They were our classmates sa highschool. Tipid akong ngumiti.
"Uhm, may kasama na ako, e. Next time na lang, I think?"
He looked dissapointed, pero ngumiti pa rin naman siya. Kinuha ko na lang ang bag ko at tinalikuran na sila. I could hear their murmurs, pero di ko naman alam kung anong pinag-usapan nila. I was about to get out of the door when a hand held my arm. Napalingon ako.
"Mer, may sasabihin si Brand!" Dinig kong sigaw noong kasama ni Brand tapos ay nagtawanan sila. Kunot-noong binalingan ko siya.
"Ano 'yon?" tanong ko. Napakamot siya sa batok.
"Uhm ano kasi, e..."
"Sus! Sabihin na kasi! Three years na 'yan brad!" kantyaw ng mga kasama niya.
Napaiwas ako ng tingin. Fudge. I think I know where this is going.
"Uhm Brand, sorry may pu-"
"Mer, tara na."
Agad na napalingon ako nang may nagsalita sa pintuan. I immediately free my arms from Brand's grip. Nakapamulsa si Danniel habang matalim na nakatingin sa kasama ko. Nasa likod niya si Aries at ang dalawa niyang kaibigan. Damn. Napaka-intimidating talaga ng isang ito, e. Bumuntong-hininga ako at binalingan si Brand.
Nakayuko na siya pati ang mga kabarkada niya. Paano ba naman kasi pati ba naman dito sa College, dinadala ni Montijo ang pag-hari harian niya.
"Brand, if you'll ask me the same question that you asked before high school graduation, alam mo na ang sagot ko. Sorry." Malungkot akong ngumiti bago siya tinalikuran.
Halos nabingi ako sa katahimikan. Naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng kamay ni Danniel sa bewang ko bago ako giniya paalis. Tawa nang tawa sina Aries habang naglalakad kami pababa ng building. Wala namang reaksyon si Dan. Umirap at umiling na lang ako.
We went to the canteen. Sina Aries at Keith ang nag-order habang kami nina Danniel at Shun ay nasa mesa na. Ang arte pa ni Montijo at talagang hiniwalay niya ang mesa namin sa mesa nila.
"Wow, insan. May virus ba kami?" Si Aries pagkalapag ng orders namin. Hindi siya pinansin ni Danniel. Tinawanan lang siya nina Keith. Napailing na lang ako.
Nagsimula na kaming kumain. Nagtaka pa ako dahil sobrang tahimik ni Montijo.
"Ba't tahimik ka?" tanong ko at tsaka pinunasan ang gilid ng labi niya. Kahit kailan ang kalat kumain.
"Anong tinanong nong Brand?" salubong kilay na tanong niya. Bahagya akong natawa. Kahit kailan napakaseloso ng mokong.
"Nagyaya lang mag-lunch. Sinabi ko na may kasama na ako. Ayun."
"Wala nang sinabi pa?" Naningkit ang mga mata niya. Napairap na lang ako.
"Wala na. Tsaka kahit naman magtanong ulit siya, pareho pa rin sagot ko." Nagkibit-balikat ako.
Danniel knew that Brand is a suitor since highschool. Ilang beses ko na nga siyang binasted, pero tuloy pa rin siya. Kaya rin naiinis si Danniel sa kanya kasi annoying daw.
"Tss. Di pa rin ba tumitigil 'yon? Baka naman kasi umaasa."
"Hindi ko pinapaasa, no. Alam mo namang hindi ko hinahayaan silang manligaw kung di ko sasagutin diba? Nandoon ka kaya palagi pag nambabasted ako." Napairap ulit ako. Siya kasi talaga promotor ng pagbasted. Well, ayoko rin naman kasing magpaligaw sa wala namang chance sa'kin in the first place. Unfair 'yon.
"So nagpapaligaw ka lang sa may balak kang sagutin?" Agad na lumapad ang ngisi ng loko. Bilis mag-change mood!
"Whatever, Montijo." Humalakhak ang mokong. Saya lang.
"Tss kailan mo ba kasi ako sasagutin?" parang naiinis na sambit niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit naiinip ka na?" Agad namang bumuntong-hininga ang mokong sabay iling. Napailing na lang ako.
Tiningnan ko siya nang maigi bago ngumiti at hinawakan ang kamay niya.
"Danniel..."
"O?"
"Danniel...yes. Sinasagot na kita."
Mas lalong lumapad ang ngiti ko habang siya ay parang natulala at natuod na yata sa kinauupuan niya.
It was epic. Halos whole day siyang tulala after no'n. Gabi na noong hinatid niya ako tsaka niya pa lang na-realize na legit na kami na. Just imagine my parents' shock when he shouted outside. Napalabas pa si Kuya Naga at nabigwasan siya.
It was really funny, but at the same time it was the start of our love story. From that day on, parang natupad ko na rin iyong pangarap kong maging katulad ng love story nina mama somehow.
Highschool sweethearts kasi sila ni papa. They started as friends then nilagawan ni papa si mama after. Very much similar to my situation with Danniel. He's my highschool sweetheart too. We've known each other since first year. Hindi man kami ganoon ka-close at first, naging close ko naman siya noong nanliligaw na siya. It's like I gained a suitor and a bestfriend all in one. Akala ko nga hindi siya magtatagal kasi di naman siya iyong tipo ng lalaki na good boy ang image.
He had his fair share of girls din. Pero noong nanligaw siya wala na. Somehow, I'm proud that mine is similar to Papa and Mama. I just hope that we'll end up like the way they ended up with each other, too.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top