Chapter 7
Bukas midterms na kaya mas lalong naging busy ang schedule namin. Halos hindi na nga kami nagkikita ni Dan, pero constant naman ang text at tawag. Hindi na rin kami sabay na umuuwi at pumupuntang school kasi he always have frat meetings. Hindi ko nga alam kung anong meron sa frat niya. Tahimik kasi ang mga ito.
"Mer, kay Hydron sasabay sina Fabia mamaya," sabi ni Shadow. Tumango lang ako. Nasa lounge kami for lunch at busy'ng busy ang mga fourth years namin for their thesis. Kaya minsan kami nina Fabia at Meg ang sumasabay kay Hydron.
"Kumain na muna kayo, Dow. Tapos na kami nina Fabia," sabi ko naman. Hindi pa kasi yata sila nagtatanghalian.
As usual, papers at review ang inaatupag ko. Haggard kasi ang mga major namin kaya kailangan paghandaan. I was scrolling my laptop for some files when I read AJ's message.
AJ Fortalejo:
Lunch?
I got my phone and typed a reply.
Merian Fermin:
Done na ako.
Ibinalik ko ang cellphone sa lamesa. Pag-angat ko ng tingin, nakasalubong ko ang nakakunot-noong si Shadow.
"What?" I asked.
"Wala, pansin ko lang, close na close na kayo ni Fortalejo, a," sabi niya pa habang nakataas kilay. I rolled my eyes.
"Friends lang kami, kagaya ng friends din kami ni Blake."
Lately, naging close nga kami ni AJ. Palagi kasi akong tambay sa garden at lagi rin siya roon. May-ari raw kasi ng isang Flower Garden ang Mama niya kaya nahilig din siya sa bulaklak. We would just review together while watching the flowers and feeling the breeze. Itong mga kaibigan ko lang talaga ang intriga. Si Blake din chismosa kaya ayan, lagi kaming ini-issue.
"Tss. Okay. Wala naman akong sinasabi." Nagkibit-balikat pa siya. I rolled my eyes.
"Whatever, Dow," sabi ko na lang at niligpit ang mga gamit ko. I needed to go na since 30 minutes na lang klase ko na.
"Sige na, Dow. Una na ako. Eat your lunch," paalala ko 'tsaka umalis. Ti-next ko si Dan habang naglalakad.
To: Loverboy
Where are you?
Itinago ko ang phone ko at nagpatuloy sa paglalakad. Dadaan na lang muna ako ng canteen. Straight kasi ang klase ko kaya mabuti nang handa.
Nag-order lang ako ng isang cheese sandwich at umalis na rin. I checked for Danniel's reply but there wasn't. Papasok na akong PolScie building nang may namataan akong nakasandig sa may stairs. Kumunot ang noo ko.
"AJ?" Nilapitan ko siya. Agad naman siyang nag-angat ng tingin at sinalubong ako ng ngiti.
"Hey," bati niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Ano 'yan?" tanong ko sabay turo sa pasa niya sa pisngi. Mukhang fresh pa iyon. "Nakipag-away ka ba?" tanong ko ulit. Hinawi niya ang kamay ko.
"Tss. Wala 'to. I was just about to go to you. Iimbatahan sana kitang mag-dinner mamaya." Nagkamot siya ng batok. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Uhmm, I kinda told Mom about you. Kaya ayon curious siya. Gusto ka raw makilala," nahihiya pa niyang sabi. Natawa tuloy ako.
"Sus! 'Yon lang pala. Sige mamaya." He smiled.
"Thank you!" Napairap ako.
"O sige, na. I'll go ahead." Kinawayan ko siya bago tuluyang pumahik sa itaas.
I went inside my room. Wala pang prof kaya nagbasa na lang ako ng reviewers. I also checked my phone and read Danniel's reply.
From: Loverboy
HQ. Sorry, can't have dinner with you later. We just need to handle something.
Napabuntong-hininga na lang ako 'tsaka nag-type ng okay. Ti-next ko na rin si Hydron na di na lang ako sasabay dahil may lakad kami ni AJ. I sighed again. I miss Danniel.
~***~
Halos tumakbo ako pababa ng hagdan nang saktong 5:30 natapos ang hanggang alas-5 naming klase. Diba, grabeng extension?
When I reached the ground floor, I roamed my eyes and luckily I found AJ standing near the elevator.
"Hey, sorry! Grabe kasing extension ng prof namin, e," sabi ko sabay punas ng pawis sa mukha. Leche, ang haggard ko na tuloy.
"Okay lang. Tara?" Tumango na lang ako at sumunod na sa kanya. Gosh. Ang haggard!
"Hindi ka ba magbibihis?" tanong ko. Naka-uniform pa kasi siya. Nilingon niya ako at nginitian.
"Di naman formal 'yon tsaka di naman maarte si Mommy." Nagkibit-balikat na lang ako. Okay.
Mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa university dahil padilim na rin. I was fixing myself while we were walking. Nasa unahan si AJ. We were still nearing the parking entrance nang bigla siyang huminto.
"Bakit?" tanong ko habang nag-aayos pa rin ng buhok.
Hindi siya umimik, seryosong nakatingin lang sa harapan. Na-curious tuloy ako kaya napatingin din ako roon. Laking gulat ko na lang nang makitang si Danniel ang nandoon. Nakapamulsa siya at masamang masama ang tingin sa amin. Shit.
Nagmamadaling lumapit ako sa kanya.
"Danniel, h-hey..." I kissed his cheek. Nakagat ko pa ang labi ko nang hindi siya gumalaw at nanatiling matalik ang tingin kay AJ. Tumikhim ako. "Uhm, I was about to-"
Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin nang hinila niya ako palapit. Magrereklamo pa nga sana ako dahil ang higpit higpit ng hawak niya sa palapulsuhan ko.
"Back off, Fortalejo," tiim bagang na sabi ni Dan.
"Danniel..." tawag ko sa kanya pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Tiningnan niya ulit si AJ bago ako hinila paalis doon.
Pabagsak niyang isinarado ang pinto ng frontseat bago umikot sa driver's seat. Kuyom na kuyom ang mga kamay niya at mahigpit na nakahawak sa steering wheel. Agad niyang pinaharurot ang sasakyan. Muntik pa nga akong mapasigaw nang halos sagasaan niya si AJ. What the heck is his problem? He was driving madly! Mabuti nga at hindi kami nahuli sa kalsada! Damn it! Halos lumipad ang kaluluwa ko habang nasa biyahe kami at nakahinga lang ako nang maluwag nang iparada niya ang sasakyan sa harap ng aming gate.
I was catching my breath at the same time calming myself.
"What the heck is your problem?! Magpapakamatay ka ba?!" I snapped at him. Seriously, hindi ko alam kung bakit siya galit na galit!
"Don't talk to that fucking guy anymore," mababa ngunit may gigil niyang sabi. Kumunot ang noo ko.
"AJ?"
"Yes! And don't fucking call him that! Kailan pa kayo naging close ha?!" Bahagya akong napadikit sa pinto sa singhal niyang 'yon. Mas lalo akong naguluhan. Is this about their court rivalry?
Bumuntong-hininga ako.
"Danniel if this is about your court ri-"
"It's not about that!" Bahagya akong napatalon sa pagsigaw niya. Galit siyang humarap sa akin. "Hindi mo kilala si Fortalejo! He's an asshole, Mer! He won't do you any good! So stay away from him!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top