Chapter 6
Danniel's phone call last night didn't let me sleep again. Bigla na lang kasi itong naputol noong tinanong ko siya at hindi ko alam pero agad akong kinabahan kaya ang ending ay hindi na ako nakatulog. I kept on calling him after pero nakapatay na ang phone niya.
Napabuntong-hininga na lang ako at itinago ang aking cellphone. I went back to typing my last paper for PhilGov.
"Hi Mer!" I smiled at Meg bago bumeso sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at inatag ang kanyang sketch book.
"Alam mo, sobrang naloloka na ako sa mga pinaggagawa namin. As in! Malapit na ang midterms tapos walang katapusan ang requirements namin! Like duh! How am I supposed to study?!" Natawa ako sa reklamo niya.
Isang linggo na yata niyang nirereklamo iyan sa gc namin. We really don't have time to see each other kasi super hectic ng schedules namin kaya sa group chat na lang kami nagkakausap. Timing na nga lang ngayon at nagkita kami ni Meg.
"Anyways, Mer, I've been thinking. Magbakasyon kaya tayo? You know, beach naman tayo after midterms! Gosh I need to relax naman, no!"
Natawa ako sa sinabi niya. Ang arte-arte ng bruha.
"I'll see. Tingnan ko muna kung wala akong tatapusin tsaka sina Ate baka busy pa sa thesis," sabi ko na lang. Nakita kong umirap ang bruha at napasandal sa upuan.
"Kasi naman e!" parang batang reklamo niya pa. Napailing na lang ako. Hay nako, Meg.
I spent my free time doing my papers habang si Meg ay panay ang reklamo. Patapos na ako sa paper ko nang nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan.
From: Loverboy
Hey, good morning. I over slept but I'm at school already. HQ.
Bumuntong-hininga ako. He over slept pero tumawag ng hatinggabi? O baka kaya nag-over slept kasi gising pa siya noon? Aish! Naba-bother pa rin talaga ako sa tawag niyang iyon. I need to talk to him. Ibinalik ko ulit ang cellphone sa bag at saka niligpit ang mga gamit ko.
"O, alis ka na?" tanong ni Meg na may dala-dala ng milkshake.
"Yup, puntahan ko lang si Danniel sa HQ nila. Will you be okay here?" Sinuot ko ang backpack. Kunot-noong tiningnan niya ako.
"What?" I asked.
"Duh! Am I hearing things or what? Ikaw? Pupuntang headquarters ng frat? Ano, end of the world na, Mer?" Inirapan ko siya. I know right. As mush as I hate that place, I have no choice. I need to talk to Danniel. 'Tsaka paniguradong may klase naman ang mga fratmen niya so for sure ang bog three niya lang ang nandoon.
"I just need to talk to him. 'Tsaka it's not like I'm going to hang out there. Aalis din ako agad, no," sabi ko pa. Nagkibit-balikat naman siya at umupo na sa couch. Napailing na lang ako.
"Sige na, alis na ako. Bye." Bumeso ako sa kanya at umalis na rin.
Marami ang nagkaklase kaya wala masyadong estudyante sa hallway. Nasa tabi ng admin building ang headquarters nila. It was just like a multipurpose hall. Sa kabilang gilid nito naman ay ang two-storey building ng Office of the Student's Affair. Tahimik ang labas ng HQ. Mabuti naman at mukhang tama akong walang tao sa loob.
I held my bag tightly bago kumatok. Nakailang katok yata ako pero wala namang nagbubukas or sumasagot kaya wala akong choice kundi buksan na lang ito. Muntik pa akong tumalon sa tuwa nang walang tao. Tiningnan ko ang pinti ng mini office ni Dan. Parang wala rin namang tao.
"Danniel?"
Kinatok ko ang pinto niya and after four knocks, bumungad sa akin ang kagigising na mukha ni Danniel Tinaasan ko siya ng kilay.
"Over slept ka na nga, natulog ka na naman?" I crossed my arms. Napakamot pa siya ng batok bago bumalik sa loob. Napairap ako at sumunod sa kanya.
Doon ko nakita ang magagaling niyang kaibigang naglalaro ng chess. He had a mini room at the back of his swivel chair. May kama rin doon na pwedeng tulugan.
"Oy! Hi, Mer!" Si Aries.
Hindi ko na siya pinansin at sumunod lang kay Danniel sa mini kwarto niya. Nakadapa siya sa kama nang abutan ko. Pagod na pagod ba 'to?
Inilagay ko muna ang bag ko sa side table niya bago umupo sa kama. I looked at him. Naalala ko na naman 'yong tawag niya kagabi.
"Danniel, is something wrong?" I asked. Nag-angat siya ng tingin tapos bigla na lang yumakap.
"I love you," bulong niya pa. Bigla na naman akong kinabahan. Kumalas ako sa yakap at tinitigan siyang maiigi.
"Tell me, may problema ba? You called me last night saying those words, too. Tapos biglang nawala ang linya. May problema ba, Dan?" Halata ang pagkabigla niya sa sinabi ko pero agad din namang nawala iyon at napalitan ng kunot-noo.
"Last night?" tanong niya pa.
"Oo, mga 12. Tapos bigla na lang nawala," sabi ko. Mas lalong nangunot ang noo niya.
"Can't recall, Mer." Tipid siyang ngumiti at hinigit ulit ako. "Baka na-miss kita kaya nag-sleep talk ako," natatawang sabi niya pa. Umirap ako at hinampas siya. Kumalas ako sa yakap.
"Puro ka biro!" inis na sabi ko. Tumawa lang ulit ang loko. Inirapan ko ulit siya. Niyakap naman niya ulit ako. Ang clingy, ha. "Ba't ang clingy mo ngayon?"
"Hmm. Wala, I just really miss this," sabi niya pa sabay higpit ng yakap. Bumuntong-hininga ako at ibinaon ang mukha sa dibdib niya.
Well I kinda miss this, too. Masyado na kasi kaming busy ngayon.
I felt him kissed my head. Nag-angat ako ng tingin.
"What?" I asked. Ngumiti lang siya. He looked at me intensely.
"I love you." Ibinaba niya ang mukha palapit sa akin. I could already feel his breathing. I closed my eyes when I felt his lips on mine.
It was a soft kiss, or so I thought. Without breaking the kiss, hinawakan niya ang bewang ko at hinigit ako pataas. I ended up straddling him. He held my face and tilted it. Napakapit na lang ako sa batok niya. I felt his tongue devouring my mouth. Para akong nasa ulap. Damn it.
"D-Dan..." I was breathing heavily when I felt him massage my breast. His kisses went down to my jaw, then to my neck. "D-Don't leave marks!" Hinampas ko siya. Tumawa lang ang loko at ipinagpatuloy ang ginagawa niya hanggang sa dibdib ko. He was about to do it again, when we heard a knock.
"Supremo?" Agad kong naitulak si Danniel at nag-ayos ng sarili. Ang mokong naman ay pigil-pigil ang tawa. Sinamaan ko siya ng tingin. "Supremo, may gusto sana akong pag-usapan." I heard the voice said. It was a girl's voice. Kumunot ang noo ko.
"Sino iyan?" tanong ko kay Dan. Nagkibit-balikat siya at tumayo para buksan ang pinto. Ako naman ay tumalikod at inayos ang gusot-gusot kong polo shirt.
Narinig ko na lang ang pagsarado ng pinto. I sighed at got my bag. Narinig ko ang ingay sa labas. Mukhang nandiyan na ang mga fratmen niya, might as well go. Pinasadahan ko lang ng tingin ang jeans ko bago lumabas. Walang tao sa opisina ni Danniel so malamang nasa may sala sila. Nagkibit-balikat ako at lumabas na rin ng office.
Naabutan ko sila sa may kabilang sulok, parang nagmi-meeting. Seryosong-seryoso sila pero 'di ko naman narinig kung anong pinag-uusapan. 'Di ko tuloy alam kung lalapit ba ako para magpaalam. Luckily, Aries noticed me.
"Mer," tawag niya na ikinalingon nilang lahat. Awkward akong napangiti.
"Uhmm, papaalam lang ako," sabi ko at binalingan si Danniel. "I'll go ahead," I said. Tumango naman siya at lumapit. He kissed my cheek. "Sige na," sabi ko at tumalikod na. Sinulyapan ko pa siya na bumalik sa huddle nila bago ako tuluyang lumabas.
I couldn't help but wonder on what they were meeting about. Para kasing may seryosong bagay na pinag-uusapan. To think na talagang lumayo pa sila. It was as if they were afraid that I would hear anything. Para namang makikialam ako.
Dahil vacant pa at tinatamad na naman akong bumalik ng lounge, sa garden na lang ako nagpunta. Sa west wing ako tumambay kung nasaan ang mga sunflowers. Mama likes flowers so much kaya naman ni-request niya kay Papa na mag-develop ng garden dito sa school right after they graduated here.
Umupo ako sa isang bench na may umbrella. Nasa harap ito ng sunflowers mismo. Medyo mainit na pero mahangin naman kaya okay lang. I was thinking of just listening to music. Pawala lang ng stress sa academic papers. I plugged my earphones and shuffled my playlist. Sumandal ako sa sandalan at dinama ang hangin.
"Relax na relax, a."
Agad akong napamulat at napatingin sa nagsalita. Tumaas ang kilay ko. Si Mr. Nursing from the cafe.
"Ano'ng ginagawa mo, rito?" tanong ko sa kanya.
"Grabe naman, mag-re-relax lang din." Walang habas siyang umupo sa tabi ko. Napairap na lang ako at umusog.
"Hayy, ang sarap ng hangin dito," sabi pa niya at ibinuka ang dalawang kamay. Nagtaas ako ng kilay.
"FC ka rin, no?" tanong ko pa. Napatigil siya sa ginagawa at bumaling sa'kin. He was wearing that smug smile again.
"Alam mo, tama nga ang sabi nila. You PolScie are snobs," naiiling niyang sabi at ipinakuros pa ang dalawang braso. I raised my brow.
"Excuse me, we're not. FC ka lang." Inirapan ko siya. Tumawa na naman ang loko. What's with him, seriously?
"'Di ako FC, a. Close nga kami ng boyfriend mo," nakangisi niyang sabi. I gave him a lopsided smile.
"Talaga lang, ha?" I said, remembering their rivalry in court. Nagkibit-balikat siya. Napailing na lang ako.
"Di pero, seryoso." Umayos siya ng upo. Ako naman ang sumandal at nag-kuros ng braso.
"What?" I raised my brow.
"I just really wanna be friends. So, friends?" Inabot niya ang kamay niya. Tinitigan ko naman siya. This weirdo.
"Friends," I said as I shook his hands. Ngumisi ang loko. Napailing na lang ako.
We stayed there for some minutes at sobrang daldal ni AJ. Like, I swear, I didn't expect him to be that talkative! Na-kwento na nga niya yata lahat ng favorites niya. He was telling me all his answers if ever I would give him a slambook daw. 'Di ba? Hindi ko naman ini-expect na ganoon siya.
"Hatid na kita," offer niya nang tumayo na ako for my next class.
"'Wag na. 'Tsaka wala ka na bang klase?" I asked. Umiling naman siya.
"Sige na, boring na dito, e." Umirap ako.
"Edi doon ka sa friends mo. Don't you have friends?"
"Tss. Grabe judgemental. May mga jowa kasi. Loner ako doon." Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Seryoso ba 'to?
"Alam mo, maghanap ka na rin ng jowa nang hindi ka loner." Sinukbit ko ang bag ko at tinalikuran na siya pero ang makulit, nakasunod pa rin. Umakbay pa!
"Tss. Wala akong type. 'Tsaka distraction, 'yan."
"Wow, ha. Isa ka pang judgemental,e." Inirapan ko siya. Tumawa lang ulit ang loko at ginulo pa ang buhok ko.
Ang ending, hinatid niya ako sa room ko. Friends naman na daw kami. Naintriga pa ako sa mga matang nakatingin sa amin. Well, who would've not stare? Kasama ko lang naman si Mister Nursing. Okay naman sa akin kasi deadma naman ako kaya lang nakasalubong pa namin ang pinsan ni Danniel.
"Are you cheating on my cousin, Fermin?" panirang bungad ni Krisdette nang magkasalubong kami sa second floor. Kasama niya ang mga alipores niya at ang sorority president na shock na shock ang mukha. Seriously? Can't I have friends?
"No," diretsang sagot ko. Tumaas ang kilay ng bruha.
"Oh really? Ano naman kaya ang sasabihin ni Dan, kapag nalaman niya 'yang kalandian mo?"
Bahagyang tumaas ang presyon ko sa sinabi niyang iyon. Sanay na naman ako actually pero, buwisit pa rin. Tinanggal ko ang pagkakaakbay ni AJ.
"'Wag mo akong itulad sa 'yo okay? I am not a member of your club." Nginisihan ko siya. Nanggalaiti naman ang bruha. Mas lalo tuloy akong natawa pero sa halip na pumatol iniwan ko na lang sila doon
Pati nga si AJ iniwan ko.
Ka-stress!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top