Chapter 5
It was the end of our morning subject. Supposed to be ay break ko na pero hindi ako makapag-break kasi ang daming pinapa-submit na papers sa 'min. Gahd! Halos lahat ng mga kaklase ko ay nanatili lang din sa room.
"Ferms, tapos ka na sa pinapapasang papers ni Prof Alienza?" Blake asked while I was in the middle of my third paper. Tinanguan ko siya.
"Last week ko pa natapos," sabi ko habang nagta-type ng bagong paragraph. Mabuti na lang at ginawa ko na last week kung hindi nagka-cram na ako ngayon.
"Nakakaloka naman kasi 'yang gorang nating prof, te! Nakaka Haggardo Verzosa ang mga pinapagawa! Palagi pa tayong Stress Drilon! Wit kong kinakaya!" reklamo pa ng bakla sabay hawi ng bangs niya kuno. Inirapan ko siya.
"Ikaw naman kasi, kung ginagawa mo agad at 'di mo inuuna ang pagiging water girl ng varsity, edi sana tapos ka na," sermon ko sa kanya. Ang loka naman ang umirap. Totoo naman kasi. Kada hapon 'yang nag-aala water girl sa mga varsity kaya ayan cramming sa projects. Baklang 'to.
"Oh edi ikaw na gurl! Hmp!" Nagtampo-tampuhan pa ang loka. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy na lang ang ginagawa. I need to finish this now! Gusto ko nang mag-relax. Ugh!
My head was throbbing when I finally finished my paper. Sumasakit na rin ang mga mata ko katututok sa laptop at higit sa lahat, gutom na gutom na ako. I haven't even take my lunch and it's freakin 3 in the afternoon. Gahd.
"Blake, una na ako. I'm freaking hungry," paalam ko sa bakla na nakasubsob na sa kanyang mesa. Mangilan-ngilan na lang kami rito. Ang masaklap pa may klase pa ako ng 4. Ang saya lang diba?
"Bye, Ferms," tanging nasabi ni bakla na mukhang pagod na pagod na rin. Well atleast siya nag-lunch siya kanina. Hay nako!
Binilisan ko na lang ang pagliligpit ng gamit 'tsaka ako lumabas ng classroom. I was literaly running down our building. Kasi naman nasa 3rd floor kami at punuan ang elevator kaya no choice kundi mag-stairs. Habol hininga na nga ako nang makarating sa ground floor. Damn it.
"You haven't eat your lunch yet. Are you seriously starving yourself, Laide?" Agad akong napalingon sa pamilyar na boses na 'yon. Bumungad sa 'kin ang nakapamulsang si Danniel at tila inis na inis ang mukha. Bumuntong-hininga ako.
"Don't start, Dan. I'm freaking hungry already. Masakit ang ulo ko," diretsang sabi ko at tinalikuran siya. I heard him curse. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa canteen.
Pagkarating ko roon ay mas nairita pa ako nang mabungaran ang maiingay na fratmen sa gitna ng canteen.
"Punuan na. If you want you can just join us-"
Sinamaan ko siya ng tingin. Bumuntong-hininga siya. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na sa counter. Ni-take-out ko ang aking order at dire-diretsong lumabas ng canteen. I was really not in the mood. My head was throbbing. I just want to eat and rest!
"Hey, Laide! Merian Addelaide, c'mon! Ano ba 'to?"
"Dan ano ba?!" Tumigil ako at nilingon siya. He immediately held my arm pero agad ko rin naman iyong hinaklit pabalik. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "Please! I am not in the mood! I just want to eat!" iritang sambit ko sa kanya. Napakurap-kurap siya. Agad na pumungay ang kanyang mga mata. Lumapit siya sa 'kin at marahang hinawakan ang kamay ko. Bumuntong-hininga ako.
"Mamaya na tayo mag-usap, please. I just want to rest," pagod na sambit ko. He sighed and pulled me into a hug. Naramdaman ko ang pagbaon ng mukha niya sa balikat ko.
"I want to be with you right now, but I still need to fix something." Kumalas siya sa yakap at hinalikan ako sa noo. Napapikit ako.
"Sige na. I'll just be at the student council. Alam mo naman last class ko diba?" Tumango siya. Huminga ako nang malalim at tumalikod na.
Ate Daisy is part of the student council kaya doon na ako kumain at nagpahinga na rin. I just took a 20 minutes nap, but somehow it made me feel better. At least hindi na ganoon kasakit ang ulo ko. Quarter to four ako umalis ng student council at pumunta ng next class ko.
As usual, parang mabibiyak na naman ang ulo ko sa last subject namin. Hindi pa kasi kami naka-get over sa last ibang paper na naman ang pinapapasa. Napabuntong-hininga na lang ako sa sobrang pagod. I was arranging my bag nang kablitin ako ni Blake.
"Fermsie," tawag niya at nginuso ang labas ng classroom. "Si fafa supremo."
Halos mangisay na ang gaga nang binanggit ang "fafa supremo". Inirapan ko siya. Ganyan siya ka-vocal sa pagkakagusto niya sa boyfriend ko. Napailing na lang ako.
"O, sige na. I'll go ahead at gutom na naman ako. Bye." Bumeso ako sa kanya at lumabas na.
Sinalubong ako ni Danniel at hinagkan sa pisngi. Tipid akong ngumiti.
"Tara?" aya ko at umalis na kami ng building.
He drove to our favorite italian restaurant just across his condo building. Tahimik lang kami buong biyahe at maging sa pagkain. I sighed. Narinig ko na lang ang pagbaba ng mga kubyertos niya kaya nag-angat ako ng tingin.
Siya naman ang bumuntong-hininga.
"I'm sorry.... I didn't mean to ditch you yesterday. It's just that..." He sighed again.
"You could've told me. Hindi naman ako magagalit, Dan."
"Yeah, alam ko. Nawala lang talaga sa isip ko. I'm sorry, please..."
Honestly, hindi naman ako ang tipo ng girlfriend na pinapalaki ang ganitong mga away. I don't know. Sobrang dissapointed lang talaga ako kasi first time niyang ginawa sa akin 'yon. I know I have to understand kasi graduating na siya. But still...
I sighed.
"Just don't do it again. Please, if you have emergency, maiintindihan ko naman. Just don't let me wait for something na hindi naman pala darating."
"Laide..."
"Eat up. Tas uwi na tayo. Medyo pagod na talaga ako." I gave him tired smile before I took another bite.
~***~
Quarter to eight na ng gabi nang mahatid ako ni Danniel sa bahay. Sa sobrang pagka-drain ko ngayong araw ay nakatulog ako sa biyahe. Nagising na lang ako nasa tapat na kami ng bahay.
"Uhm so goodnight na?" tanong ko sa kanya. He just sighed. Nanatili ang tingin niya sa labas habang hawak hawak pa rin sa isang kamay ang manibela. Ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa kamay ko. Naramdaman ko ang pagpisil niya rito.
"Are we okay?" he asked, still not looking at me. I sighed. Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko. Nilingon niya ako. Kitang kita ko ang pagod sa mga mata niya. Sinapo ko ang pisngi niya. I gave him a reassuring smile.
"Oo naman. Let's just forget that okay? Basta sa susunod, text me if you can't come." Hindi siya kumibo. Tila nag-aalinlangan pa yata kung totoo nga ang sinabi ko.
Well, it was just a petty fight- miscommunication, a single mistake.
Bahagya akong natawa sa mukha niya. I unlocked my seatbelt and hugged him tight.
"It's okay na. Kalimutan na natin 'yon. We're both tired, we need rest." Kumalas ako sa yakap at sinapo ang pisngi niya.
"I love you," I said, straight into his eyes. Mataman ko siyang tinitigan. Hindi ko nga alam kung ilang minuto kaming ganoon. Basta pagkatapos noon ay niyakap ko ulit siya. Ramdam ko ang higpit ng yakap niya, mas mahigpit pa sa yakap ko kanina.
"I love you too,"paos niyang sambit at mas hinapit ako ng yakap. Napangiti ako at tinapik siya.
"Hindi ako makahinga, Danniel."
"O, sorry. Damn. I hate it when you call me Dan."
Nag-angat ang isang kilay ko at bahagyang napatawa sa kanya. Pag Dan lang kasi tawag ko sa kanya alam niyang may problema kami o di kaya ay naiinis ako. I sighed again.
Kumalas kami sa yakap. I looked at him at parang pinagbagsakan pa rin ng mundo ang mukha niya. Hmm. Mukhang pagod talaga siya. Siguro sobrang busy niya. He's graduating at isabay pa ang kung ano mang ginagawa nila sa frat.
"Hey, 'wag kang masyadong magpagod ha? Please rest," paalala ko sa kanya pero hindi siya sumagot. I sighed. "Sige na, ingat sa biyahe hmm?" I kissed his cheek and went out of the car.
Hinintay ko na munang makalayo siya bago pumasok. Pagkapasok ko nadatnan kong nanonood ng tv sina Mama at Papa. Wala ang mga kapatid ko na malamang ay may kani-kanilang mga mundo. Bumati lang ako kina Mama at dumiretso na rin sa kwarto ko.
Grabe, hindi lang utak ko ang na-drain ngayong araw, pati pisikal na katawan ko parang gusto nang sumuko. Ugh! Binilisan ko na lang ang pagligo and all tapos ay nagtalukbong na ako ng kumot. I really want to sleep. Ni hindi ko na tiningnan ang phone ko sa sobrang pagod.
I was in deep sleep nang nabulabog ako ng sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ko. Nalagay ko pala ito sa mismong tabi ng unan ko kaya pati tuloy ulo ko nag-vibrate. Ugh!
Bwisit na bwisit akong bumangon. Halos hindi ko pa nga nabubuka nang maayos ang mga mata ko dahil sa sobrang antok. Sino ba kasi itong tumatawag?! Alas dose na ng hatinggabi!
"What?!" Sa sobrang inis ko ay napasigaw ako. I could've just decline this actually kaya kang na-accept ko. Leche.
"Laide..."
Wait.
"Danniel?" Parang nagising ang buong pagkatao ko nang na-realize kong si Danniel pala 'yon. Tiningnan ko pa ang number na tumatawag at contact nga ni Danniel 'yon. Umayos ako nang upo.
"Bakit ka tumawag?" kunot-noong tanong ko sa kanya. I heard him sigh.
"Laide..."
"What?"
"I-I love y-you..." Mas lalong kumunot ang noo ko. What is happening with him?
"Huh? Danniel what are you talking about? Anong nangyari? Bakit ganyan ang boses mo? Danniel?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top