Chapter 4
Lunch time. Agad kong tiningnan ang gc ng barkada if they have plans for lunch but it turns out may mga kailangan silang tapusin for their major subjects which is tamang tama naman dahil si Danniel ang kasabay ko ngayon.
"Blakey, una na ako, ha?" paalam ko sa baklita kong blockmate at bumeso sa kanya. He's my close friend aside from my circle.
"Ases! Kekerengkeng ka lang!" Inirapan niya ako. Tumawa lang ako sa kanya. It's funny kasi he has a huge crush on Danniel pero shipper din naman namin ang loka.
"I'll say hi to him for you." Kinindatan ko siya pero inirapan niya lang ulit ako. Napailing na lang ako.
Iniwan ko na si Blake doon at naglakad papuntang canteen. Medyo maraming tao kaya ti-next ko si Danniel kung nagpa-reserve na ba siya or ako na. I was waiting for his reply sa may pintuan ng canteen nang namataan ko ang isang table malapit sa kanang glass wall. It was Aries. He was with two guys and a girl. Sa tabi ng babae nandoon si Danniel. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang cellphone. Still no reply from him. I had a feeling kung sino 'yong mga kasama nila pero kahit na I dislike the thought of being with them, wala rin akong nagawa kundi ang lumapit.
Bumuntong-hininga ako at tinapik ang balikat ng boyfriend kong seryoso sa binabasa. Agad siyang napalingon sa akin at ganoon din ang mga kasama niya. I saw Aries' annoying smirk. I rolled my eyes. Tipid kong nginitian si Danniel. Tumayo naman siya at humalik sa pisngi ko. He then pulled a chair for me. Umupo ako roon at inilagay ang gamit ko sa table. I was hesitant to move because of the people in the circle.
"Uhm so are they with us?" tanong ko na lang kay Danniel. He looked at me apologetically.
"Pwede ba? We just have to finish this thing." Tinuro niya ang librong hawak. Bumuntong-hininga siya. He looked so stressed.
"Okay ka lang ba?"
"Yeah, I'm okay. Masyado lang maraming ginagawa, requirements and...frat," he said, almost whispering the last word. Napatango-tango ako. Naba-bother ako sa mukha niya ngayon kaya nginitian ko na lang siya to assure him that it was okay kahit na hindi.
I faced Aries. "Isang cheese burger, carbonara, chicken and rice. Two large lemon."
"Wow. Ako pa talaga nautusan ha?" reklamo niya pa. Inirapan ko lang siya. Ang ending sinama niya 'yong dalawang lalaki sa counter.
So it's just me, Danniel and the girl beside him. Familiar siya actually. I think I saw her somewhere already. Ohhh right, siya iyong kasama ni Dette kanina and also noong championship. Siya yata iyong pinakilala kay Danniel...
"Tss. 'Wag mong takutin. She's my sorority president." Agad akong napasimangot sa sinabi ni Danniel. Tinawanan naman ako ng loko.
"Hindi ko siya tinatakot," depensa ko pero ang magaling kong boyfriend ay nagkibit-balikat lang at nginisihan ako.
Whatever!
Hindi ko na lang tiningnan 'yong babae dahil mukhang mas na-akward siya sa amin at halos isubsob na ang mukha sa binabasang libro. Luckily, Aries arrived with our orders. We ate silently. Well, ako lang talaga kasi maya't maya silang nag-uusap tungkol sa kung ano ano na wala akong ma-gets.
Great. This was supposed to be a lunch date. 'Di ako na-inform na meeting de avance pala.
~***~
"Hatid ko na muna si Gayle, insan," paalam ni Aries. Tinanguan lang naman siya ni Dan. Nagpaalam na rin ang dalawang lalaki at sabay na silang apat na umalis.
Tumayo ako at kinuha na rin ang bag ko. I felt Danniel's hand on my waist as we went outside the canteen. I still have my class at 1 pm habang siya naman ay 2 pa.
"Mauna na ako. May class pa ako mamayang 1. Kita na lang tayo later." I kissed his cheek and was about to walk away nang pinigilan niya anag kamay ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya. Bumuntong-hininga siya at hinapit ako palapit. Napatingin tuloy ako sa mga dumadaan. For goodness sake, nasa gitna kami ng campus!
"I'm sorry. I know it was supposed to be a date. Something just came up kaya ganoon. Sorry, Laide." Tuluyan niya na akong niyakap. I felt him kissed my hair. Bumuntong-hininga ako at gumanti na rin ng yakap. My face was buried on his chest.
"I'm not mad. Disapointed lang. I thought we're going to have a date." Tiningala ko siya at nginitian. "But it's okay. I know the pressure you're in. I understand. Let's have dinner na lang later?"
"Consider it done. I love you, Laide." He smirked and cupped my face. Inirapan ko siya at tinulak. Mas lalong ngumisi ang loko.
"Ayokong ma dean, okay? So go na. I'll just see you later." I kissed his cheeks and walked away. Hindi ko na nilingon dahil baka maaberya na naman kami.
My whole afternoon was spent in classes. Major classes ko ang nasa hapon kaya nakaka-drain talaga. Idagdag pang sobrang dami ng coverage namin for our midterm.
Nakakainis pa dahil nag-overtime ang last professor namin kaya sa halip na 4 pm ang dismissal ko ay 4:45 na. Imagine? 45 minutes extension!
"Ferms, uwi ka na?" tanong ni Blake habang nagmamadali kami sa pagligpit ng mga gamit.
"Not yet. May dinner kami ni Danniel," sagot ko. I haven't even texted him!
"Ases nakakabwisit ha! Ikaw na may lovelife!" Inirapan ako ni bakla. Tinawanan ko na lang siya. So bitter!
"Sige na, una na ako. Bye, Blakey!" Bumeso ako sa kanya at lumabas na ng classroom.
Kinuha ko 'yong phone ko at ti-next si Danniel na sa cafe de Fermin na lang kami magkita. Ang hirap din naman kasi kung hahagilapin ko pa siya sa buong campus. Our cafe is just across the school kaya nilakad ko lang.
"Good afternoon, Miss Merian," bati ng isang crew sa 'kin. I just smiled at her and went upstairs sa favorite spot ko.
I sat on the long couch and ordered for a chocolate milkshake. Sinandal ko ang aking ulo sa sandalan at ipinikit ang aking mga mata. Damn. Nakaka-drain ng utak ang mga major namin.
Nasa ganoong posisyon ako nang naramdaman kong parang may umupo sa tapat ko. Narinig ko rin ang paglapag ng kung anong bagay sa mesa. Dumilat ako at tiningnan ang harapan ko. Napaayos ako ng upo nang nakita ko ang isang lalaking kumakain. Nagtaas ako ng kilay. Sino 'to? Wala na bang ibang table at dito siya umupo?
Iginala ko ang tingin sa buong floor. Marami pang bakante. Halos iilan nga lang ang occupied, e. Binalik ko ulit ang tingin sa kanya. Parang familiar siya. He's wearing a nursing uniform na may tatak ng Fermin College so for sure schoolmate ko ito. Tumikhim ako kaya napaangat siya ng tingin. Pinaningkitan ko siya. His mouth was still full. Naramdaman niya yata kaya kinuha niya ang juice niya ay ininom. Umayos siya ng upo.
"Hi," sabi pa niya at maaliwalas na ngumiti. He really looked familiar.
"You look familiar. Have we met before?" tanong ko. Kumunot ang noo niya at ngumisi.
"Hmm. I think so. Pero 'di mo ako pinapansin, e." Natawa siya. Ako naman ang napakunot- noo.
"I'm Anthony James Fortalejo. It's AJ for you, Miss Fermin." Kumindat siya at doon ko lang na-realize kung sino siya.
"Mister Nursing last year."
"Yep. That's me." Tumawa siya ulit. Wow. Ang weird ha.
"Anong ginagawa mo rito? May mga tables pang bakante, o," diretsang tanong ko sa kanya. Tumawa na naman siya. Seriously?
"Uhm, what's funny?"
"Pftt. You. Ang cute mo lang." Wow. May mas we-weird pa ba sa taong 'to?
Para siyang tangang nakangiti at tawang tawa. I just stared at him weirdly.
"Sorry, ang cute mo lang kasi. Anyways, I just wanna be friends with you, Miss Fermin." Ininom niya ang kaniyang lemon. Hindi ko pa rin maalis ang weirdong tingin ko sa kanya. Weird naman kasi talaga siya.
Nabaling lang ang atensyon ko nang dumating na ang order ko. I immediately said thanks to the crew and took a sip. Si AJ naman ay bumalik sa pagkain. Napailing ako. Boys and their huge appetite. Kinuha ko na lang ang cellphone ko. It's quarte to five. Tiningnan ko ang messages pero wala pa rin reply si Danniel. Bakit 'di siya nagre-reply?
Nag-type ulit ako ng message at ni-send sa kanya. Usually it would take him just a minute to reply. Busy ba siya? Wala na naman siyang klase, a.
"May hinihintay ka?" Nag-angat ako ng tingin.
"What do you care?" medyo inis kong sambit. Nagtaas naman siya ng dalawang kamay.
"O, chill! Ang seryoso naman!" sabi pa niya. Inirapan ko siya.
Nasaan na ba kasi si Danniel? Halos i-flood ko na nga siya ng messages pero wala pa rin.
"O sige. Mukhang badtrip ka na, e. Alis na lang ako, Miss Fermin. But if you ever need someone to talk to, I'm just a chat away." He winked at me. Kinunutan ko lang siya ng noo. He just smirked at me and walked away.
Naiwan akong mag-isa. I checked my phone again but still no reply. I waited for how many minutes hanggang sa naging isang oras at isang oras at isa pa ulit. Wow. Great date indeed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top