Chapter 2

Mga seven ng gabi ay naghanda na ako para sa victory party nina Hydron. Sa isang Elite Underground Night Club iyon gaganapin at dahil mukhang kasama ng boyfriend ko ang fraternity niya, kina Hydron ako sasama. Hindi nga ako nirereplyan ng mokong,e. 

"Mer, let's go na. Hydron's here," tawag ni ate. Tiningnan ko ang sarili sa salamin at naglagay ng lipstick.

"Nandiyan na." I grabbed my small purse and went out of my room. 

Nasa labas na si Ate nang makababa ako. 

"Nagpaalam ka na kina Mama?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya at binaling na muli ang atensyon sa phone. I got my phone too para i-check kung nag-reply ba ang magaling kong boyfriend. Sa kasamaang palad hindi pa rin siya nag-reply. 

"He's here. Tara." Sumunod ako kay Ate at pumasok na sa kotse ni Hydron.

"Ang tagal tagal ni Meg! Dinaanan ko sa kanila, 'di pa raw tapos magbihis!" reklamo pa ni Hydron. Natawa ako. 

Nasa iisang compound lang kasi kaming magkakaibigan. Our parents are business partners and since their parents are busy with some pf their businesses at malalayo ang mga bahay nila sa University, dito sila sa mga villa nila. Our house is at the end of the compound while their villas are on the sides. Bale mukha siyang subdivision pero exclusive for Fermin Corporation's business partners only.

"E sina Fabia nasaan na?" tanong ko.

"Magdadala raw ng sasakyan si Shadow.  Sa kanya na sasabay si Fabia. Sa kanya ko na rin pinasabay si Meg," inis pa ring sabi ni Hydron. Na-badtrip talaga yata sa kabagalan ni Meg. 

Tinawagan na lang ni Ate Daisy si Shadow para ipaalam na mauna na kami. Medyo malayo ang UNC sa bahay kaya mahigit thirty minutes bago kami nakarating doon. Hydron parked at the private parking lot. Dito nagpa-park ang mga VIP na bisita kasi kung doon sa regular na parking lot for sure pag-uwi mo wala ka ng kotse. This place is pure chaos. 

Dahil wala namang ibang daanan papuntang VIP room ay dumaan kamo sa entrance. Sinalubong agad kami ng usok at nakakaliyong mga neon lights. I had to cover my mouth because of the smoke from their cigarettes. Nakakabwisit! Mas madali pa namang mamatay ang mga nakakatanggap ng second hand smoke!

"Sina Shadow parating na. Una na lang daw tayo," sabi ni Ate Daisy habang papunta kami sa VIP room sa itaas. 

The said room was big. Actuallu may dalawang kwarto na VIP at isa roon ay nirentahan yata ng buong team. Pinapasok kami ng mga bouncer na nagbabantay roon at bumungad sa amin ang mga school mates at varsity staff ng campus. I saw Dan's team sitting on the couch near the glass wall kung saan kitang kita ang nangyayari sa ibaba. 

Hydron and Shadow went to their team mates immediately while Ate, Fabia and Meg headed to their batchmates. Mostly business ad students and nandito kaya wala akong masyadong kilala. Other than my barkada and blockmates, 'di ako masyadong close sa iba. Tiningnan ko si Danniel na nasa sulok at umiinom. Katabi niya sina Aries, Keith at Shun na nakikipagkwentuhan sa iba nilang kasama.

Nilagpasan ko ang mga nag-offer ng drink at pinuntahan si Danniel. Agad akong kumaway at ngumiti nang nag-angat siya ng tingin pero ang loko hindi man lang ako pinansin. Napanguso ako at umupo sa gitna nina Aries. Niyakap ko siya at sinandal ang ulo sa kanyang dibdib. Narinig ko agad ang pagsipol nina Aries. 

"Galit ka?" I asked on his chest. Ramdam na ramdam ko ang paghinga at tibok ng puso niya. He sighed and placed his drink on the table. 

"You didn't even wait for me earlier," malamig niyang sabi. Bumuntong-hininga ako. Sabi ko na, e. 

I hugged him tighter.

"Sorry na. Busy ka kasi. Kumain lang naman kami nina Shadow tsaka I texted you naman." Tumingala ako at sumalubong sa akin ang kunot na kunot na mukha niya. Nginitian ko siya at mas niyakap. Ibinaon ko ulit ang mukha ko sa dibdib niya. 

Napangiti na lang ako nang huminga siya nang malalim. 

"Sorry na. Babawi ako promise." 

"Tsk."

~***~

"Shots!" Umalingawngaw ang sigawan nina Aries habang nagsasayawan. 

They have this dare na pinapagawa sa lahat ng nasa circle. My friends were among them except for Ate and Fabia. 'Di ko nga alam kung saan nagsuot ang dalawang 'yon. Wala rin naman ako sa mood kaya di rin ako nakisali. I was contented in watching them. Katabi ko pa rin si Danniel na nakikipag-inuman sa mga ka team niya. 

Tiningnan ko ang bote ng whiskey na paubos na. Nakailang bote na sila mula kanina. 

"Danniel, tama na 'yan. Pang-ilan mo na 'yan. You're still gonna drive," saway ko sa kanya nang makitang namumula na ang leeg niya. He just smiled at me and kissed my forehead. 

Bumalik ulit siya sa pakikipag-usap sa mga team mates niya. I just sighed and rested on his chest again. 

We stayed like that for another hour hanggang sa nagyaya nang umuwi si Ate Daisy. Inaya ko na rin si Danniel dahil namumula at halos hindi na makatayo ang loko.

"Tara na nga!" I snapped at him kasi ayaw pa yatang umuwi.

"Aries, you drive for him. Hindi na 'to makakapag drive," sabi ko kay Aries habang akay- akay namin siya papunta sa sasakyan niya. 

Pinagtulungan namin siyang ilagay sa frontseat. Umalis muna si Aries saglit para magpaalam kaya naiwan ako sa kanya. Inayos ko ang pagkakaupo niya. Bumuntong-hininga ako at hinaplos ang mukha niyanh mamula mula. Lasing na lasing ang loko. For sure, hangover 'to bukas. Napailing na lang ako. 

"Laide..." I heard him say. He calls me Laide pag naglalambing siya, from Merian Addelaide. He likes it like that kasi siya lang tumatawag sa akin nang ganoon. I shook my head. Hinalikan ko siya sa noo. 

"Matulog ka na. Aries will drive you home. 'Wag matigas ang ulo," paalala ko sa kanya. Umungol lang ang loko. Napairap pa ako nang yumakap siya. 

"Don't leave.... I love you." 

Sinubsob niya ang mukha sa aking balikat. Bahagya ko siyang tinulak. 

"I love you, too. Pero lasing ka na, loverboy kaya pahinga ka na, okay?" 

Para kaming tanga tuloy. Nagta-tantrums kasi ang loko at ayaw akong bitiwan. 'Yan kasi nagpakalasing. 

"Sige na. I'll just drop by your condo tomorrow before class, okay?"

I kissed him on the forehead again. Tinanggal ko na ang pagkakayakap niya at umalis na sa pintuan. Nakasalubong ko pa ang nakangising si Aries. Hinampas ko siya sa balikat.

"Hatid mo 'yon ha," banta ko sa kanya. Tumawa lang siya at sinaluduhan ako. Inirapan ko siya at sinarado na ang pinto. I waved at Aries and then headed to my friends who were at the other side of the parking lot. 

Medyo malayo ang pinagparkingan nina Hydron dito kaya kinailangan ko pang maglakad. The cold air gave chills to my bare skin. Buti na lang ay may sleeves ang suot kong crop top pero naka shorts ako kaya malamig pa rin. I was not quiet sure kung malapit na 'yon pinagpark-an nina Hydron pero familiar na 'yong daan kaya baka malapit na. The place was dark and quiet. Sa totoo lang nakakatakot kasi parang may bigla na lang hahablot sa'yo habang nagalalakad. Damn, I should've brought Hydron with me!

"Sige na kasi, please. Uhh. Please." 

Sandali akong napatigil nang marinig ang ungol na 'yon. Medyo malakas siya kaya for sure nasa paligid lang. What the fuck. Dito pa talaga nila naisipang mag-anuhan?! 

Agad kong binilisan ang lakad kasi 'di ko ma-take ang naririnig kong halinghing ng babae. Oh my gosh! 

"Mer!"

"What the eff!" I almost tripped on a freaking rock!

"Hoy okay ka lang?!" Dinig kong tanong ni Fabia habang papalapit sa'kin. Kasunod niya si Meg at Shadow. 

"What happened?" Meg asked. Umiling na lang ako at huminga nang malalim. Kasi naman! Nakakagulat! 

"Nothing, tara na." Nauna akong maglakad sa kanila. Sinalubong naman ako ng kunot na noo ni Ate.

"What happened?"

"Wala. Nagulat lang ako. Ito kasing si Shadow, bigla na lang sumisigaw." I glared at him.

"Tss. Para ka kasing wala sa sarili. Ang bilis bilis mo pang naglakad na kala mo may humahabol. Lumampas ka sa parking natin," depensa niya naman. Bumuntong-hininga ako. 

"Ang creepy lang kasi rito. May narinig pa akong naglalandian. Tara na nga lang. May klase pa tayo bukas."  Una akong pumasok sa sasakyan ni Hydron. Sumunod na rin naman sila. Napasandal ako sa sandalan. It's a tiring night. Idagdag pa ang boyfriend kong aalagaan ko pa pala bukas. Oh well. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top