Chapter 17

Thinking about seeing him triggered my tears already. Pero iba pa rin pala talaga kapag nakikita ko na siya mismo. Damn it.

"The stage is yours, son." I heard tito said. I was tempted to look up pero baka hindi ko kayanin at umiyak na lang ako bigla.

"Thank you, Dad."

Damn it! 

"And also to everyone present tonight. Investors, stakeholders, business partners, friends. You are part of why this company is still standing firm today. Thank you for the trust. Rest assured that I will be doing my best for the continuous success of this company. This is a night of celebration, so let us enjoy the rest of the night!" I heard another thundering applause. 

I applauded too. This has been his dreams. Now, it came true. 

Huminga ako nang malalim bago nag-angat ng tingin. Everyone was already getting up. May isang ballad song ang ipinatugtog and marami sa mga bisita, lalo na ang mga anak ng mga businessmen, ang tumayo at nagsayaw. Then I saw Aries, Shun and Keith. They were with him as he shook hands with their investors and partners. 

He was all smiles. I could feel his happiness. 

~Sa'n darating ang mga salita

Na nanggagaling sa aming dalawa?

Kung lumisan ka, 'wag naman sana

Ika'y kumapit na, nang 'di makawala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

Mundo'y magiging ikaw

'Wag mag-alala kung nahihirapan ka

Halika na, sumama ka

Pagmasdan ang mga tala

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo

Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

Mundo'y magiging ikaw~

"Wow ang senti, ah. Kaya pala andaming lovebirds sa dance floor." Dinig kong sabi ni Ate Mina. Nilingon ko ang dance floor at lahat nga yata ng mga kasing-edad namin ay nandoon. 

Everyone was already slow dancing. At kung sinuswerte ka nga naman sa kanta. I looked back at Danniel. He was still with his big three. Nasa isang circular table sila kausap ang isang ka-edad yata naming lalaki. 

"Supremo, sayaw mo naman si Mistress!"

"Oo nga naman, cous! Gora na! Yiee!"

Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana para marinig ko ang mga kantyaw nilang 'yon. That's when I realized that those were his frat brothers. Wow. What a great scene.

"Sige na, supremo! Yieee!" And they were at it again. 

Fuck them. Fuck this! 

"'Di ba boyfriend mo si  Dan? Why the hell are they teasing him with another girl?" I froze at Ate Nia's question. Now I could feel all their stares. 

"Never thought Montijo is an asshole." 

"Naga!" Agad akong napatingin kina Ate at nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatayo na si Kuya. 

My sisters were holding him at nakakakuha na rin kami ng atensyon dito.

"Naga, calmdown! Pinagtitinginan na tayo." I heard Ate Nia's stern voice. 

"Kuya..." Si Ate Daisy. Napapikit ako. 

"Tangina, sinusubukan ako ng gagong iyan. Nandito ang kapatid natin!" Muntik na akong napapitlag nang parang may sumuntok sa mesa namin. 

Nanlaki ang mga mata ko at napatayo.

"Naga, ano ba!" Ate Wayven was holding Kuya's right arm. Mas lalong nagtinginan ang mga tao sa amin. 

I panicked when I noticed that. Agad akong tumayo at lumapit kay Kuya.

"Kuya j-just let it g-go..." pikit matang sabi ko. Kuya eyed me.

"What? Bakit, wala na ba kayo, ha? Kala ko ba boyfriend mo 'yan-"

"Kuya please... p-please..." I tightened my grip on his arms. I bit my lip. Ramdam na ramdam ko ang mga tingin ng mga tao sa paligid. 

"Tss. Fine." Nakahinga ako nang malalim nang padabog na umupo si kuya. Bumuntong-hininga ako at bumalik na sa upuan ko. 

Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil sa panginginig. Muntik pa akong matalisod sa pag-upo dahil nanlalambot ang mga tuhod ko. Damn it. 

"Mer..."

"I'm fine, Ate Wayve...I'm fine..."

Napapikit ako at napasandal sa upuan. I bit my lip and stared down. 

Damn it. 

"Merian..."

"I-I'm fine... Ate, p-please..." Fuck it. Inis kong pinahid ang luhang tumagos pa. Damn it!

"E-Excuse me..." 

Kahit nanginginig ay pinilit kong tumayo at umalis doon. I just can't take this! 

Hindi ako makahinga. It felt so heavy. Napasandal ako sa dingding ng elevator. I was thankful no one was there. The last thing I want is for someone to watch my drama. Nahihirapan akong huminga dahil sa pagpipigil ng hikbi. 

Shit. Bakit ba ang tagal nito?

Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal hanggang sa narinig ko ang pagtunog ng elevator. Dahan-dahan kong kinalma ang aking sarili bago lumabas. 

Nakayukong naglakad ako palabas. I felt the stares from the reception, but I didn't mind them. I just really want to go home. 

Nang makalabas ako ay agad akong nag-book ng grab. Wala ang driver namin at mamaya pa iyon babalik para sunduin sana kami. Ayokong tawagan siya dahil baka ang dami na namang tanong tapos tanungin pa sina mama. I just really want to go home, not explain or answer questions. 

Pinipigilan ko ang paghikbi kaya mas lalo lang nanikip ang dibdib ko. 

I was panting when I reached outside. Ilang minuto pa ay dumating na ang grab ko. Agad akong pumasok doon. Sumandal ako at pumikit. I feel so exhausted. 

Hindi ko alam kung anong oras ako dumating. Ginising na lang kasi ako ng driver noong nasa village na kami. Dahan-dahan akong pumanhik sa kwarto. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong ang guard kung bakit ako nauwi na. 

I took a half bath and laid on the bed. Nakayakap lang ako sa aking unan habang nakatalukbong ng kumot. 

Hinayaan ko na lang na lumandas ang mga luha sa aking pisngi. Kailan ba mahihinto sa pag-agos ang mga ito? Titigil pa ba ito? 

I cried my heart out. Lahat ng sakit at galit iniyak ko. Sana lang matapos na ito. I just want to live normally again. Ayoko na nang ganito. Nakakapagod din. Nakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. 

I've never loved anybody. He was my first everything. I think I could never love anyone the way I loved him. Ayokong magsalita nang tapos, pero sa ngayon iyon talaga ang nararamdaman ko. Siguro pagdating ng panahon, magmamahal din ako ulit nang ganito. But that would take years. 

Marami akong gustong itanong. Gusto kong malaman kung bakit naging ganito. Hindi na ba niya ako mahal? Ano bang nangyari? Bakit ganoon kadali sa kanya? How can he be so happy with our situation? Bakit ang dali para sa kanya? Bakit ayaw niya akong kausapin? 

Sobrang dami ng mga iyon na halos sumabog na ang ulo ko kaiisip. I never imagined to have a break up like this. Mas lalo namang hindi ko in-imagine na maghihiwalay kami. Alam niyo 'yong pakiramdam na parang whirlwind? 'Yong sa isang iglap lang nawala at nasira lahat. Ni hindi ko alam kung bakit nagkaganito. 

I felt so tired. Nakakawalang gana.

~***~

A month after...

Everybody in school was very busy. Ilang linggo na lang kasi tapos na ng second sem. We could finally say goodbye to this school year. Bukod pa roon ay nalalapit na rin ang summer. 

"May balak ka sa summer, Mer?" tanong ni Blake. Nagkibit-balikat ako. 

"I don't know. Gusto ko mag-relax. I wanna throw the heavy feelings away." Hindi siya nagsalita at tinitigan lang ako. 

I knew that he was aware of what I meant. Lahat ng mga kaibigan at kapatid ko alam ang nangyayari. Hindi lang nila ako tinatanong tungkol doon dahil palagi ko silang sina-shut down. 

After that night, I tried to act normal even though I felt so empty. Tumatawa pag may katatawanan. Gumagala kasama ang mga kaibigan. Pilit kong iniiwas ang aking sarili sa anumang bagay na related sa kanya o sa mga taong nakapaligid sa kanya. 'Yon lang ang tanging paraan ko para mas mabilis na makamove-on. I would want a closure, but definitely not now. Hindi ko alam kung kailan. Ang alam ko lang sa ngayon, ayoko ng kahit anong related sa kanya. 

Ni-reset ko ang phone ko. I didn't bother installing social media apps. Youtube lang solve na ako. Naging babad din ako sa pag-aaral. I used my free time studying. Ewan ko lang kung hindi ako mag-uno sa mga subjects ko. It was quite easy at school dahil magkaiba kami ng department. Malayo rin ang buildings. Hindi na lang ako nagpupunta sa mga spots na tinatambayan nila. 

I spent most of my time in the library or in my room. Kung gusto kong mag-chill o relax, pumupunta ako ng mall. It was like starting a new life. 

New year, new life. 

"Anyway, gusto ko sana mag-chill, Blake. Samahan mo naman ako sa starbucks," sabi ko at iniligpit na ang aking mga gamit. 

Bumuntong-hininga si bakla at tumango. We both got things. We were at the admin building library, which was the campus universal lib. Maraming students sa corridor at sa quadrangle. Hindi ko alam kung anong event dahil wala na rin naman akong update sa portal at events ng school. I just chose not to be updated. 

"Anong meron at maraming tao?" tanong ko kay Blake habang naglalakad kami sa quadrangle. 

"Ah eh... fundraising churva project daw, e. For a cause daw kaya maraming org ang nag-participate." Ngumuso siya at agad na nag-iwas ng tingin. 

I think I know what he meant. Bumuntong-hininga na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Dumating kami ni Blake sa starbucks nang mga 3 ng hapon. Thanfully, wala masyadong tao kaya mas na-relaxed ako. 

I opened my macbook and began scanning my notes. Kinuha ko na rin ang aking notebook at nag-take down notes. I usually take down the key terms para mas maintindihan ko. Then, I would print the whole readings for details. I don't use gadget when studying kasi masakit sa mata at nakaka-distract. 

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nanatili roon. I was just busy reading and Blake was doing something else. Nawala lang ang aking atensyon sa pagsusulat nang nag-vibrate ang phone ko. 

Si Ate Daisy.

From: Ate Dais

Nasa SC ako can you come here? Tagal akong uuwi. Pls. Bring me something to eat naman. Sabay na lang kayo ni Shadow umuwi.

Napabuntong-hininga ako. Sibling duties.

"Blake, alis na tayo. Kailangan ko pang bumalik ng school hahatiran ko ng food si ate."

"Eh? Samahan na lang kita."

"No need. Sasabay ako kay Shadow pauwi. Tsaka out of the way na. Uwi ka na lang din." Tumayo na ako at nagligpit ng gamit. Ngumuso si Blake at nagligpit na lang din. 

Naghiwalay kami pagkalabas ng starbucks. I went to the nearest fast food and bought my sister a dinner. Tapos ay nag-grab na lang ako papuntang Fermin. 

Madilim at mukhang quarter to 8 na kaya wala na masyadong tao sa campus. Empty na rin ang mga booths. Ang daming kalat sa quadrangle. May mangilan-ngilang org naman sa mga sulok. 

Pumunta na akong student council room. Naabutan ko sila ate na tutok na tutok sa kanilang mga laptop. 

I just said hi to her companions and gave her the food. 

"Saan si Shadow?" tanong ko. 

"Text mo na lang baka nasa parking na, hinihintay ka," sagot niya habang nagta-type. Tumango na lang ako at nagpaalam na. 

I texted Shadow and went to the parking lot already. 

It was almost empty. Nasa lima na lang yata ang kotse roon. I saw Shadow's ranger at the corner. Naglakad ako papunta roon nang natigilan ako. 

Hindi ko alam pero parang may nakamasid sa akin or what. Bigla akong kinabahan. I looked around and I almost cursed when I saw no guards roaming.

Damn. Nasa loob ako ng school premises. Wala naman sigurong mangyayari diba? Bakit ba ako kinakabahan?

Muli akong naglakad at tinext ulit si Shadow. I flooded him. Imposible kasing nasa sasakyan siya dahil hindi naman iyon umaandar. 

Mas lalong tumindi ang kaba ko nang may narinig akong ibang yapak sa likod ko. Nanginig ang tuhod ko pero patuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa nakarating ako sa kotse ni Shadow. Tumigil din ang yapak pero ramdam ko ang mga titig sa aking likod. 

Damn it. Ayokong lumingon! Pero shit! 

I heard the footsteps again! It's going towards my direction! Damn it. Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I counted 1 to 3 and turned around. 

Muntik pa akong napasandal sa kotse nang makita ang tatlong lalaking nasa aking harapan. Kumunot ang noo ko. I stared at them from head to toe. Una kong napansin ang simbolo sa kanilang shirts. 

Alpha Epsilon Phi.

They're fratmen. 

Bumuntong-hininga ako at umayos ng tayo. Anong ginagawa nila rito?

"What do you want?" I asked coldly. Ngumisi ang nasa harap at tiningnan ang mga kasama niya. What the hell do they want? At teka, parang kilala ko itong kumag na ito, a. 

Siya 'yong nagbukas sa amin ni Blake noon. Krisdette's minion. 

"Wala naman. May atraso ka lang sa kaibigan namin." Nanunuyang ngumisi siya tsaka lumapit. Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa hood ng kotse. What the hell?! 

"What are you talking about? I don't even know you!" Nanginginig na ang mga kamay ko. Damn it! Where the hell is Shadow?! 

"Tss. Sabi ni Mistress magaling daw ito, e. Nakita niya noon sina Supremo sa private room." Oh my god. Sumunod na lumapit 'yong mga kasama niya. Shit!

"Masarap pala 'yan, pre!" Humalakhak ang isa na mas nagpatakot sa akin. Ano ba ito?! Fuck! 

Hinigpitan ko ang hawak ng aking phone. I was thinking of ways to get him away pero nagulat na lang ako nang bigla niya akong hinigit.

"Bitiwan mo ako! Ano ba!" Nagpumiglas ako pero sobrang lakas niya. Shit! Shit!

"Hawakan mo!" utos niya sa isa. Nanlaki ang mga mata ko. Oh my god! 

"No! No! Please! No-" I was cut off when I felt a fist on my stomach. 

I groaned in pain. Nabitiwan nila ako at napaluhod ako sa lupa. Shit! I felt the tears came out. Umiikot na ang paningin ko. I heard their whispers, but I couldn't do anything. I looked at my phone and gripped it. 

Speed dial. Fuck.

"Merian?" Iyon ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top