Chapter 15
It was the start of prelim exams. Magkasama kami ng barkada sa student lounge. Himala nga at kompleto kami ngayon, e. Ramdam na ramdam ko ang mga titig nina Shadow pero hindi ko na lang pinansin. Di rin naman sila nagtanong. I know they're already aware of what happened to my eyes. For sure naman kasi nakwento na ni Fabia ang pag-iyak ko sa kanya.
I sighed.
I was thankful that the dinner didn't kept me too distracted. I'd be doom if it did. Mabuti na lang at na-divert ang atensyon ko sa mga readings namin.
Nag-inat ako bago tumigil sa pagbubuklat ng libro ko. I looked around and everybody's been busy reviewing. Huminga ako nang malalim. I need a break.
"O, saan ka?" tanong ni Meg nang tumayo ako.
"I'm just gonna get a drink. I need a break," sabi ko.
I went out of the lounge. Maraming tao sa canteen kaya naisip kong lumabas na lang at sa cafe namin kumuha ng drink.
Palabas na ako ng gate nang matigilan ako. The cafe is just at the other side of the street. Kitang-kita ito mula sa gate. Kitang-kita ko rin ang mga naghahalakhakang fratmen sa katabi ng glasswall sa second floor. As usual kasama nila 'yong ibang members ng sorority. I scanned their group, but he wasn't there with them.
Kumunot ang noo ko. Nasaan siya? Aries and his two best friends are with them, siya lang ang wala pati si...Gayle.
"Shet gurl, doon tayo sa Cafe de Fermin, o! Shet nandoon ang frat! Magpapapansin lang ako kay Master Aries!"
"Hoy! Ako rin! Sayang wala si supremo, no?"
"Sus! Malamang, kasama ni mistress. Nakita ko kanina sa IG story ni mistress. Sis, grabe I think magkasama sila sa condo!"
I immediately turned to the girls talking. Kating-kati akong lapitan sila at tanungin pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakagat ko ang aking labi. I looked at the frat again. Magkasama ba talaga sila?
~***~
Halos sabunutan ko ang aking sarili. I was distracted again. Damn it!
Huminga ako nang malalim. I was fidgeting my phone as I looked at Dene's number. Damn it. Sa huli, ay ni-click ko 'yong number ni Dene. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya 'yon. Shit! Ano nga bang sasabihin ko?
"Ate Mer?"
"D-Dene..."
"Ate Mer! Omg, you called! Ate Mer, I missed you!"
"D-Dene, I-I have something to ask..."
"About ano, Ate?"
"Uhmm...c-can we just meet, please? I-I still have an exam. Can we just meet at the nearest mall sa campus?"
"Hmm. Sige, ate. Nagpapa-spa pa si mommy. Text me na lang po."
"T-Thank you, Dene."
"No worries ate, see you."
"Sige."
Bumuntong-hininga ko at in-end ang tawag. Damn it, Mer. May exam ka pa! Ipinilig ko ang aking ulo 'tsaka pumunta na sa next exam ko.
I thank God that I was able to answer my exam the best way I could. Agad akong nagligpit ng gamit pagkatapos ng exam.
"Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni bakla.
"Sa mall, may kikitain lang. Una na ako, Blake." Bumeso ako sa kanya 'tsaka tuluyang lumabas ng classroom.
I just texted my friends na may lakad ako at hindi makakasabay sa kanila. I booked a grab and went to the mall. Tinext ko na rin si Dene na papunta na ako.
From: Dene
Ate, starbucks po ako.
To: Dene
Sige, I'll be there.
Pagdating ko ay agad akong dumiretso ako sa starbucks. I found Dene near the glass wall. Kinawayan niya agad ako pagkapasok ko. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Hi, Dene." I kissed her cheek and sat in front of her.
"Nag-order ka na?" I asked her. Ngumiti lang siya at tumango. I nodded as well.
"Uhm ate ano po ba 'yong gusto niyong pag-usapan?" Ilang segundo akong napatitig sa kanya. I bit my lip.
"I just want to know how are you. I mean, huli tayong nag-usap doon pa sa...you know." I gulped. Ngumuso siya.
"Yeah...hmm okay naman na ako ate. I think everything's fine. Actually I think mas better ngayon, ate."
"M-Mas better? Why? What happened?"
"Wala naman ate. Hmm... may gusto ka bang itanong?" Bumuntong-hininga ako.
"I-I... ang kuya mo? Dene, how's Danniel?" Halos mapunit na ang labi ko kakakagat. Damn it, naiiyak ako!
"He's doing fine, ate. He's busy with his thesis. Road to graduation na kasi. 'Tsaka, medyo okay na sila ni daddy. Kahit na may bad blood pa rin sila at ni Kuya AJ, at least civil na sila at hindi na gaya noon na parang magra-rumble na." Napabuntong-hininga ako.
Just damn it.
"Ate, okay ka lang?"
"Y-Yeah... O-Okay lang ako." Tipid akong ngumiti. I almost cursed myself. I cannot cry!
"Ate, what's wrong?"
"H-Ha? W-Wala...sorry. Uhm... let's just eat." Nag-iwas ako ng tingin. Nagpasalamat na lang ako at dumating na 'yong waiter dala ang in-order ni Dene.
"Thank you, po." I heard her say.
"Ate, o." She placed the chocolate frappe in front of me. I just thanked her and sip on the frappe.
"C-Can you tell me more? I-I mean, o-okay na ba ang f-frat issues niya?" Nanatili akong nakayuko. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"Wala akong alam diyan ate. Well, hindi naman kasi nagkukwento si kuya. He would always drop the topic whenever we will ask. Hindi rin ba niya sinasabi sa'yo, ate?" Napalunok ako.
"H-He did the same." I looked away. Shit. I cannot take this!
"Hmm. Busy din kasi siya these past few days. Lagi niyang kasama sina Kuya Aries, baka 'yong issues nila ang inaasikaso nila. I'm just happy, ate, kasi mukhang babalik na sa dati ang family namin. Mabuti na lang at mukhang nagkaayos na sina daddy at Kuya Dan." I looked at her and gave her a weak smile
"Y-Yeah, me too."
And I felt like crying again. Wala na ba talaga siyang pakialam sa'kin? Break na ba kami? Damn it! I have so many questions in mind and I fucking need answers!
~***~
I felt like a living dead the next day. Bukod sa late na akong natulog dahil sa pagre-review, umiyak na naman ako. I'm so fucking tired. Hindi ko alam kung bakit hindi maubos-ubos 'tong mga luhang ito, e.
"O, Merian, bakit namamaga 'yang mga mata mo?" salubong na tanong ni manang pagkababa ako. Tipid akong ngumiti.
"Wala po 'to. Matagal lang akong nakatulog kagabi," dahilan ko na lang. It was half true anyway.
Pumunta na lang ako sa dining at naghanda ng sandwich ko. Mukhang maaga na naman umalis ang mga kapatid ko at sina mama. I didn't plan on having breakfast dahil gusto ko pang mag-review nang maayos sa school.
When I was done preparing, I immediately went out and to my surprise, naabutan ko si papa sa sala at may inilalatag na documents. He was still on his pambahay.
"Morning, Pa," bati ko at nagmano.
"Good thing you're here, I have an errand for you," sabi niya pa at may kinuhang folder. Kumunot ang noo ko.
"Di ka po papasok?" tanong ko. Inabot niya sa'kin ang folder.
"Di na muna. Nandoon naman si Nia. Nagyaya ang mama mong lumabas." Tumango-tango ako at inabot ang folder.
"Kindly give that to Dan. Sabihin mo pakibalik sa'kin within this week." Bahagya akong natigilan sa sinabi ni papa. Napatingin ako sa folder.
I was debating kung ibabalik ko ba at magdadahilan ako o ano. Shit. I don't think I could see him without crying!
"Anong oras ba exam mo? Baka ma-late ka." I heard him say.
Napalunok ako. Sa huli ay nagpaalam na lang ako sa kanya at lumabas na rin. I kept the folder inside my bag. Huminga ako nang malalim. I cannot be distracted!
~***~
I only have 2 exams today and both of them are in the morning. At exactly 12 noon, lumabas na kami ni Blake ng classroom. We were both exhausted and hungry. Pero mukhang hindi ako makakakain dahil sa pag-aalala. How will I give this shit to him? Damn! Iniisip ko pa lang naiiyak na naman ako. What the hell!
"Hoy babaita, anong problema mo?" Bumuntong-hininga ako at hinarap si Blake.
"Pwede mo ba akong samahan?"
"Huh? Saan,te?"
"Sa headquarters ng Alpha Epsilon." Nanlaki ang mga mata niya at maarteng tinakip ang isang kamay sa kanyang bibig. I would've rolled my eyes sa ka-OA-han niy kung hindi lang ako namo-mroblema.
"I just have to give this to him. Inutos ni Papa. Please, I am so hungry already. Wala na 'yong class ngayon, sure ako." Inirapan niya ako.
"Wow ha, hanggang ngayon kabisado mo pa rin schedule." Hindi ko na lang siya pinansin at hinila na siya papunta sa headquarters.
Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba habang papunta kami sa headquarters. I kept on breathing deeply just to calm myself. Humigpit ang hawak ko kay Blake nang nasa pintuan na kami. Wala masyadong tao, gaya noong huli kong punta rito.
"Si supremo hanap mo?" Halos mapatalon kami sa gulat ni Blake. What the fuck!
Tiningala ko 'yong lalaking humarap sa amin. He looked familiar. Parang isa siya sa mga minion ni Gayle at Krisdette. Ugh. Whatever.
Tinaasan niya ako ng kilay. I heard Blake saying something kaya siniko ko siiya at sinamaan ng tingin. May attitude ang isang 'to, but I was just not in the mood to even talk or what.
"Yes. Saan siya?" I asked instead. Tinuro niya ang opisina ni Danniel. Tumango lang ako at dumiretso na sa loob.
May mangilan-ngilang fratmen sa couches at lahat sila ay nakatingin sa amin. Binilisan ko ang lakad hanggang sa makarating kami sa harap ng pinto ni Danniel. Nagdalawang-isip pa ako kung kakatok o hindi. Sa huli ay binuksan ko na lang nang diretso ang pinto.
Pagkabukas ng pinto ay saktong nag-angat siya ng tingin. Napalunok ako. I felt his cold stares. Nag-init na naman ang sulok ng aking mga mata. What the hell, Merian! Magbibigay ka lang ng files! I blinked multiple times bago ako bumitiw kay Blake at lumapit sa table niya. Nilapag ko ang folder.
"P-Pinabibigay ni Papa. Give it to him within the week d-daw." Nag-iwas ako ng tingin at kinagat ang aking labi.
I should be going already since naibigay ko na rin naman ang file, pero para akong natuod sa kinatatayuan ko. I was hoping...I was fucking hoping that he'd spoke and that asked us to talk. I waited for a second, but it didn't come. Ramdam na ramdam ko na rin ang mga tingin mula sa labas.
"Mer..." Blake whispered. I nodded slowly.
Huminga ako nang malalim bago tumalikod. I was about to get out of the door when I heard the door of his private room opened. Automatikong napalingon ako at sumalubong sa'kin ang paglabas ni Gayle roon. Napaawang ang labi ko sa gulat. Really now?!
"M-Mer tara na..."
~***~
How could he! We didn't break up! Fuck it! Sila na ba?
I kept on wiping the stupid tears on my face. Kitang-kita ko ang nag-aalalang mukha ni Blake pero wala akong pakialam. We were at the middle of the canteen and I was fucking crying silently. Nakatingin lang ako sa pagkain ko habang tumutulo ang mga lecheng luha sa pisngi ko. Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng mga estudyante. Wala akong pakialam kung ma-gossip site ako. I don't fucking care about anything! I was hurt and angry! Ang sikip sikip ng dibdib ko. I couldn't think straight dahil ang naiisip ko lang ay ang paglabas ni Gayle sa kwartong 'yon.
He doesn't let anyone in there! Maging sina Aries nga di nakakapasok doon. It was his safe haven, our safe haven. So what the fuck is that Gayle doing in there?!
"Mer...tama na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao, o. Tara na." I heard Blake say. I didn't move. Niyugyog niya na ako't lahat pero hindi pa rin ako gumalaw.
Unti-unti ko nang naririnig ang mga bulong-bulungan sa paligid but I didn't just care.
"Mer, tara na..."
Mas lumakas ang pagyugyog ni Blake. Then I heard a complete silence. Tanging mga yapak lang ang sunod kong narinig. Parang yapak ng maraming tao. Nang huminto iyon ay bumalik ang bulong-bulungan. Doon na tumayo si Blake. He gathered out things. Pilit niya akong pinatayo and I was about to shout at him to leave me alone when someone grabbed my arm and dragged me away. Sa sobrang gulat ko ay nahila niya ako kaagad.
"Tss. Nakakasawa na ring makitang umiiyak ka, ha."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top