Chapter 14

Hindi na ako nagpakita kina Shadow matapos ang nangyari sa HQ. I was so upset that I cried my heart out in the school garden. I didn't know what to do and think. All I know was that it fucking hurts. Oo na, kasalanan ko na. Inaway ko siya. But can he blame me? I was just concern. He wasn't telling me anything. Nalaman ko lang sa iba. Ni hindi ko alam kung anong paniniwalaan,e. 

"Pinaiyak ka niya?" 

Natigil ako sa paghikbi nang narinig ko ang boses na iyon. Agad akong lumingon at bumungad sa akin ang nakakunot-noong si AJ. Napatayo ako. 

"Ano'ng ginagawa mo rito?" I asked, wiping my tears. He crossed his arms. 

"Kanina pa ako rito. Ang ingay mo kaya nagising ako."

"Uhm s-sorry. I didn't mean to." Bumuntong-hininga ako at yumuko. I felt him came closer. Nag-angat ako ng tingin. 

"Pinaiyak ka ng mokong mong boyfriend?" I didn't answered him. No use. Alam ko namang alam niya. 

"Tsk. Alam mo, alam kong loyal yan sa'yo at di gaya ng ama niya pero gago rin talaga, e. Tss." I was about to snap at him when he took my things.

"A-Anong gagawin mo diyan?" 

"Tss. Ano pa? Alis tayo rito. Huwag ka rito magmukmok. Mahawa pa sa ka-negahan mo ang mga bulaklak dito. Lika na nga." And just like that, he pulled me out of the garden. 

"Saan pa ba tayo pupunta?!" I shouted as he continued to drag me. 

"Sa lugar na walang gago katulad ni Montijo." Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan lang ako ng loko bago ako hinila ulit. 

Hindi ko alam kung saang lupalop kami napadpad ni AJ. Pinag-commute niya ako at kahit na marunong naman ako ay 'di ko pa rin maiwasang mainis dahil sa sobrang init at siksik. 

"Saan ba talaga tayo kasi pupunta?" inis na tanong ko pagkababa namin ng pangalawang jeep. 

Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay. Inirapan ako ng loko 'tsaka siya ngumuso. Kumunot ang noo ko. 

"Ano?" I snapped. Umirap na naman ang loko. 

"Lingon," utos niya pa. Ako naman ang umirap pero lumingon pa rin.

Bumungad sa akin ang isang arc na may nakasulat na "Anjannette's Botanical Garden". I stared at it for a second bago ko siya nilingon.

"Kaninong garden ito?"

Bumuntong-hininga siya at naglakad palapit sa arko.

"My mom's. Ito talaga ang pangarap niyang negosyo. Mahilig kasi siya sa bulaklak." Nilingon niya ako 'tsaka nginitian, totoong ngiti. 

"Pasok tayo. Maraming magagandang bulaklak sa loob." Wala na akong nagawa nang hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila papasok. 

Ang daan papasok ay may parang arc pa rin. Sa dulo ng daan ay may isang tila bahay kubo na may karatulang "Office". May dalawang sangang daan na patungo sa dalawang division ng garden. I can say na hindi pa ito fully developed talaga. Well may mga tanim na at parang polishing na lang ang kulang sa mga plant box pero 'yong office na bahay kubo ay hindi pa ganoon ka-tapos.

"I'm planning to surprise her with this on her birthday," he said out of nowhere. Napabaling ako sa kanya. Para siyang tangang nakangiti habang inililibot ang tingin. 

Bumuntong-hininga ako at napatitig sa kanya.

"You really love her, no?" Nilingon niya ako.

"Sobra." 

Hindi ko alam kung anong nangyari pero bigla na lang kaming natahimik, We stared at each other for seconds. Siya ang unang pumutol ng tingin. Umubo siya at nilibot ulit ang tingin sa paligid. Lalakad na ulit siya nang napahinto siya. Kaming dalawa ang natigilan, actually. Sabay pa kaming napatingin sa magkahawak pa pala naming kamay. 

Biglang nag-init ang mukha ko kaya agad kong binawi ang kamay ko sa hawak niya. 

"Uhmm s-so kailan ang opening?" I almost cursed myself for stuttering. Leche. Ano naman ang meron do'n, ha, Merian?

"Sa birthday niya pagkatapos ng pasko." Tumango-tango ako. 

"Hmm. Ang ganda kahit hindi pa tapos. Sigurado, mas gaganda 'to pag natapos na." Nilingon ko siya at nginitian. Ngumisi siya. Kumunot ang noo ko. "Oh, bakit?" 

"Tss. Wala. Garden lang pala makakapagpangiti sa'yo. Sarap sa feeling walang gago, no?" Abot-tenga ang ngisi niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Humalakhak naman ang loko. Leche. 

~***~

It was the start of second semester and everybody's busy with their new sched, including me. Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa mga coverage ng pinapabasa ng prof namin. Ang dami, leche. 

"Fermsie, may pdf ka na ng readings?" Nakangusong tumabi sa akin si Blake. Tamad akong tumango at ibinigay sa kanya ang ipad. Wala ako sa mood magbasa. Kasi naman, first day pa lang 'yan na agad ang bumungad sa amin. 

"Pa-copy na lang ako nito, ah?" Tinanguan ko lang siya. 

Sobrang inaantok na ako pero may klase pa ako ng 1 pm. Kainis. I sighed and got my phone out of my pocket. Napatitig ako sa screen. 

"Ses, malungkot ka na naman. Si supremo na naman iyan, no?" Matamlay akong lumingon kay Blake. Sumandal ako sa sandalan ng couch. 

"He's not replying and calling back," mahinang sambit ko. Narinig kong tumikhim siya. 

"Nagti-text ka pa rin pala sa kanya?" Hindi ako sumagot. I heard him sigh.

"Alam mo, fermsie, ship ko kayo ni fafa supremo...pero kasi sa tingin ko dapat bigyan niyo muna ng time ang isa't isa? Baka kasi pag pinilit mo...alam mo na." He held my arms. I sighed. 

"I just want to know if he's okay. Gusto kong samahan siya. I know he's going through something, both frat and family." 

"Oo nga, pero nagtatalo lang naman kayo pag nagkikita,e. Hindi pa humuhupa ang mga hinanakit at galit niyo,e. Magkakasakitan lang kayo." I sighed again. 

I looked at my phone screen again. Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan niya. Ever since that encounter, wala na akong alam sa mga nangyayari. 

Kumunot ang noo ko nang biglang nag-pop up ang isang message galing kay AJ. 

From: Fortalejo

Sa garden ako. Punta ka rito.

Tumaas ang kilay ko. Wow, demanding ni kuya.

To: Fortalejo

At bakit naman?

From: Fortalejo

Basta! Tss kitang-kita ko hanggang dito yung pagsalubong ng kilay mo!

Nanlaki ang mga mata ko. Aba! 

To: Fortalejo

Leche ka bala ka jan

From: Fortalejo

Tss. KJ lika na kasi! May sasabihin ako. Tungkol sa gago.

Kumunot ang noo ko. Agad kong niligpit ang aking mga gamit at tumayo na. 

"O, saan ka?"

"Uhm, garden lang ako. Kita kami ni AJ." Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng gamit kahit na ang weird ng tingin sa akin ni bakla. Issue na naman ang iniisip nito. Buti na nga lang at hindi pa nila alam ang totoong relasyon nina Hindi ko na lang siya pinansin at umalis na. 

Madali kong nahanap si AJ sa bench kaharap ng mga roses. Tumabi ako sa kanya.

"Ano iyong sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

"Tss. Bilis mo talaga pag si Montijo," nakairap niyang sambit. I sighed and leaned back. 

"Gusto ko lang malaman ang nangyayari sa kanya."

"Well, kagabi lang nag-organize ng dinner si Danny para sa amin. Tss. Muntik na nga kaming magsuntukan kung di lang dahil kay Mama." Agad akong napatuwid ng upo at napaharap sa kanya.

"Tapos? Anong nangyari?" 

"Tss. Wala. Nagsalita lang nang nagsalita si Danny tungkol sa negosyo niya. Tapos sabi niya pa gusto niya raw ipa-manage sa'kin. Syempre tumanggi ako. Wala akong paki doon." Kumunot ang noo ko. What did he mean by that?

"Anong business? Paano si Danniel?" 

I know how much the business means to Danniwl. High school pa lang kami, gino-groom na siya to be the next CEO. He's been passionate about it, he loves doing it. 

"Ayun, nag-walkout. Nagkasagutan sila ng ama niya. Di ko narinig lahat. Ang naabutan ko lang ay ang sinabi ni Danny about sa frat. Siguro disappointed na disappointed iyong isa. Ikaw ba naman may hazing case. Ako tuloy na-aano, badtrip. As if naman papayag ako sa alok niya diba."

Now I am more worried. Sa tuwing nagkakasagutan sila ni tito dati, nagkukulong siya sa condo niya. He would call me and we'll watch netflix para maging okay siya. He doesn't want his father to be disappointed. Nahilot ko ang aking sentido. I felt AJ's stare.

"What?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya.

"Wala." 

~***~

"Hello everybody!" Napatingin kaming lahat kay Ate Mina na kaliwa't kanan ang dalang paper bags. 

"Saan ka galing?" tanong ni Ate Wayve. Umirap si Ate Mina at nilapag ang mga paper bags.

"Malamang sa mall, duh!" Pabagsak siyang umupo sa tabi ko.

"Kapagod!" sabi niya pa. Napailing na lang ako.

"Anong meron at parang nag-last minute shopping ka?" Si Ate Daisy. 

"Hmm. Wala naman. Stress ako sa med kaya nag-shopping ako. Tsaka nandiyan na rin mga gifts ko sa inyo. Di na ako mamimili," proud niya pang sabi. Napailing na lang kami nina ate.

"Speaking of gifts and pasko, ano pa lang plan natin for christmas, ate?" singit ni Ate Daisy at umupo na rin sa tabi ni Ate Mina.

We all looked at Ate Wayven. Nagkibit-balikat naman siya.

"I don't know exactly. Pero narinig ko sina Naga at Papa na nag-uusap about having a party here with there business partners." Napatingin ako kay ate. 

"Lahat, Ate?" I asked. She eyed me, and nodded. Bumuntong-hininga ako. 

~***~

Palapit na nang palapit ang christmas break. Palapit na rin ang prelim namin kaya marami na naman kaming babasahin. 

Bumuntong-hininga ako. I couldn't concentrate. I was still worried about Danniel lalo na at wala na talaga akong naririnig tungkol sa kanya. AJ had been busy with the upcoming prelims, too. Iyong mga kaibigan ko rin. Wala akong mapagtanungan that's why I had no choice but to keep it to myself. I've been bombarded with school stuff and this. 

I sighed again. Wala talaga ako sa focus ngayon. Niligpit ko na ang mga gamit ko at lumabas ng lounge. I dialled Blake's number, but he wasn't answering kaya wala akong choice kundi mag-isang naglakad sa campus. I didn't know what to do. Kailangan kong makahanap ng place na makakapag-focus ako. I couldn't be this distracted. Baka makaapekto pa sa grades ko. 

Ipinilig ko ang aking ulo at naglakad ulit. I roamed my eyes around the campus, trying to find a spot to study. Ayoko kasi sa cafe namin dahil for sure marami na ring tao roon since pa-exam na. 

"Shet! Ang bagay talaga nila supremo no?"

"Sinabi mo pa gurl!"

"Sana talaga mag-open na sila ng for initiation, no?"

"True! Alam niyo bang nakita rin sina supremo kahapon? Seems like in a date sila, te!"

"Uy! Sabi nga ni Bjay, ang sweet sweet talaga nila e. Super maalaga raw si Mistress Gayle! Tapos pinuntahan pa raw nito si supremo sa condo para bigyan ng pagkain."

"Myghadd ang sweet!"

Napahinto ako sa paglalakad. I looked at the group of girls blabbering in the field. Para silang mga kiti-kiting binuhusan ng asin. May tinuturo pa sila sa kung saan. Tiningnan ko ang tinitingnan nila at ganoon na lang ang panginginig ng tuhod ko nang makita ang grupo ni Danniel sa kabilan side ng field. Nasa mga 20 sila, kasama na roon sina Danniel at iilang sorority members lalo na si Gayle. 

Nakagat ko ang aking labi. They were laughing at each other. Parang may sinasabi si Gayle sa kanila tapos lahat sila tatawa. Shit. Agad akong napaiwas ng tingin. Hinigpitan ko ang kapit sa strap ng bag ko. Huminga ako ng malalim bago umalis doon. 

Fuck. Ang sakit. 

Halos magdugo na nga ang labi ko kakakagat. Damn. I cannot cry right now! Shit! He won't cheat on me, right? Galit lang siya. Hindi niya ako lolokohin. Technically we're still together... hindi naman kami nag-break di ba?

Fuck.

Mas lalo akong naguguluhan at nasasaktan. What the hell?!

~***~

"Mer? Merian! Okay ka lang?" 

I immediately hugged Fabia. Kasabay noon ay ang pagbuhos ng luhang kanina ko pa pinipigilan. I sobbed hard. Sana nakukuha nito ang sakit. I wish the pain would go away along with these tears. 

"Shh. It's okay. It's okay. Hush."

Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak sa kanya. I was panting as I sat down on the couch. 

"O, tubig." Inabot ko ang tubig mula kay Fabia. 

Tumabi siya sa'kin. I knew she wanted to ask something, base sa tingin niya, pero she opt not to say anything and just caressed my back.

"Ba't g-ganoon? Ang u-unfair naman niya, Fabs. Alam kong galit siya, pero ba't ganoon? I c-cannot understand him!" 

"Tahan na, tahan na." 

"Thank you, Fabs." 

"Anytime, Mer. Alam mo namang nandito lang kami. I know how you feel." Napatitig ako sa kanya. I reached for her hand.

"Thank you."

"Wala 'yon. Mabuti pa ihatid na kita. Mag gagabi na 'tsaka may dinner meeting si ate mamaya, I need to be there." Tumango ako.

"Okay na ako mag-isa. Prepare ka na lang." Ilang segundo niya akong tinitigan. I just smiled at her. "Okay lang talaga ako, Fabs." Sa huli ay tumango na rin siya. I bid my goodbyes and went out of their house. 

Pagdating ko ng bahay ay nandoon sa sala ang lahat ng mga kapatid ko. Parang may meeting de avance o ano.

"Ano meron, ate?" tanong ko kay Ate Daisy nang makalapit. She just eyed me, tapos ay kumunot ang noo niya. 

"Anong nangyari sa'yo?" Agad akong nag-iwas ng tingin. Shit. 

"U-Uhm w-wala, ano... ano ban meron?" I diverted the topic. Weird na nag-iwas siya ng tingin. 

"Dinner with the Montijos." Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni ate. 

"U-Uhh...s-sa taas na a-ako." Hindi ko na siya pinasagot pa at agad akong pumanhik sa itaas.

I planned not to go out for dinner, pero sa kasamaang palad ay kinatok ako ni manang at pinapababa. I was about to pretend that I was asleep pero naabutan niya akong gumagawa ng evening rituals ko. 

"Opo, bababa na." I sighed and kept my toner. Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kwarto. 

Para akong tangang nagti-tip toe pababa. Pakiramdam ko nagso-slow motion lahat habang pababa ako. 

"Merian, dalian mo. Ikaw na lang ang hinihintay." 

Mas lalo lang akong na-pressure sa tawag ni manang. Nasa baba na ako at ramdam na ramdam ko ang tingin ng mga nasa dining. Leche. Bakit ba kasi ako nagpa-late?

"Nandito na si Merian, let's eat." I heard papa said. Dali-dali akong pumunta sa upuan ko. 

Hindi ako tumingala. Bukod sa ayokong makita nila ang namamaga kong mata, ayokong makita si Danniel. I didn't know where he was seating pero ramdam ko ang presensya niya.

Papa lead the prayer, and we ate after. As usual, they were talking about business. Nakayuko lang ako at sinusubukan ko talagang ubusin nang maaga ang pagkain ko para makabalik na ako sa kwarto. They continued talking and I almost froze when I heard him talk. I tried to peek, and I saw him talking to Papa. He was patiently listening to what my father and his were talking. 

Agad din akong nag-iwas ng tingin nang binaling niya ang tingin sa direksyon namin. Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. Mas binilisan ko ang pagkain at halos mabilaukan na nga ako. I almost cursed myself. 

"Alam niyo, let's just talk about this in the garden. I'd like to hear what you're planning to do, Pare. Also, I want to talk to the both of you. 

Nakahinga lang ako nang maluwag nang narinig ko ang paggalaw ng mga upuan. I peeked a little and when I was sure na wala na sila ay agad kong sinubo ang pagkain ko at uminom ng tubig.

"I'm done," I said and stood up. I sensed my siblings' weird stares.

"Mer, sa entertainment room kami. Ayaw mo sumama?" I heard Ate Mina say. Umiling ako.

"No thanks, I need to review pa. Good night." 

I didn't wait for their response and quickly went upstairs. Hinihingal akong napasandig sa saradong pinto. I bit my lip. Shit. Ayoko nang umiyak! 

I tried to calm myself. Huminga ako nang malalim at naglakad papunta sa bintana. I was about to close the curtains when I saw them in the garden. Nagtatawanan sina Papa at tito habang si Danniel ay nakikitawa rin sa kanila. I forced a smile. Okay na siya, pero kami hindi. Okay siya kahit hindi kami okay. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top