Chapter 13
Kinabukasan, maaga kaming nakarating sa Jagbuaya. Ang mga kapatid ko ay naisipang mag-jogging sa farm, pero mas pinili kong mahiga na lang sa kwarto. Akala ko mare-relax ako sa lugar. Turns out, mas mag-iisip pala ako.
"Merian, hija, mangaon na kita. (Merian, hija, kakain na tayo)" Rinig kong sambit ng katiwala rito sa labas ng kwarto ko. Bumangon ako.
"Nandiyan na po."
Tiningnan ko ulit ang phone ko bago iyon in-off at iniwan sa bedside table.
Pagkababa ko, naabutan ko sina ate na kompleto na sa hapag. Papa wasn't talking. Tahimik akong umupo sa tabi ni Ate Daisy. Mama lead the prayer and then we ate.
Halos tunugan na kami ng crickets sa sobrang tahimik. Tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig. They weren't talking about business stuff, which was unusual. Well, wala na rin naman ako sa wisyo kaya nag-focus na lang ako sa
Pagkatapos kumain, nagtipon kaming lahat sa sala. Nagtatalo pa sina Klara at Jemboy kung anong gagawin namin. They are our cousins sa mother side and sumama sila rito ngayon for vacation din. May kanya-kanyang mga mundo ang mga kapatid ko. Ako? Hindi ko rin alam. Lumilipad pa rin ang isip ko.
"So, saan ba talaga tayo ngayon?" nakapamewang na tanong ni Ika.
Nagkibit-balikat ako. Nagbangayan na naman sina Klara at Jemboy. Bumuntong-hininga na lang ako at sumandal sa couch. Sa tagal nilang mag-away, mukhang hindi na kami makakaalis.
"Hello, world!" Sabay kaming napalingon ni Ate Daisy sa pamilyar na boses na iyon.
"Meg?" takang tanong ko.
Agad na tumakbo si Meg sa amin at niyakap kami ni ate. Sunod na pumasok naman sina Hydron at Shadow na may dalang mga maleta. Napatayo ako.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko. Nagkibit-balikat si Shadow.
"Well, alangan namang ikaw lang ang mag-relax diba?" Bahagya akong natawa at niyakap siya. He tapped my back.
"We heard what happened." I heard him whispered before he broke the hug.
Nginitian niya ako. I smiled back. Tinapik niya lang ulit ang balikat ko bago tumuloy kina ate. Sunod na yumakap si Hydron, and just like Shadow nginitian niya lang din ako. It was like they're assuring me that they are just here kahit na hindi naman talaga nila alam ang buong kwento. That's what I love about them, nandiyan lang sila. Wala ka ng kailangang sabihin.
"So, ano na guys? To where?!" excited na pahayag ni Meg.
"E, iyon nga, Ate Meg, kanina pa kami nagtatalo kung saan." Si Klara na nakapameywang.
"E, kasi naman sabi ko sa'yo, round south!" Si Jemboy naman.
Nagsisimula na naman sila. Mukhang wala kaming mapapala rito,e.
"Why don't we stick with Jemboy's idea? Maganda mag-round south, Klara," sabat ni Ate Wayven.
Nagkatinginan pa kaming lahat. Then it was settled. Excited na nilagay nina Meg ang mga gamit nila sa guest rooms tapos ay umalis na kami.
Isang van lang kami. Kuya Naga was driving and Ate Nia was at the passenger seat tapos kaming lahat nandito sa likod.
"Meg, ba't wala si Fabia?" tanong ko.
"Well, nakalipad na ang bruha sa Morocco kaya ayon. Late notice kasi itong si Shadow, e." Tumango ako.
Medyo nagi-guilty ako kasi baka may mga naudlot silang lakad dahil sa pagpunta nila rito, but I chose to ignore it. Alam ko na ang sasabihin nila pag sinabi ko. Tsaka nandito na rin naman sila. I was just really thankful.
~***~
We went for a road trip around south. Wala na masyadong kabahayan at halos gubat at bundok na ang nakikita namin. It was so green. Tanging ang sementong kalsada ang standout na color dahil ang kapaligiran ay napakaberde.
Nag-settle kami sa isang tulay kung saan kitang-kita ang malinis at tila crystal na ilog. Ang gandang tingnan, nakaka-fresh.
Todo picture sina Meg sa kalsada. Napakatahimik. Sabagay, sabi ni Ate Wayven wala talagang katao-tao rito sa south. Most of the people ay sa northside na. Kaya rin most of them nasa side ng mga Legaspi. Our family and the Legaspi are best of friends and partners as well. Nagkaroon lang ng misunderstanding about a certain thing pero mukhang naayos na rin naman.
"Te Wayve," tawag ko kay ate na nakasandal sa hawakan ng bridge.
"Yes?"
"La lang. Ang sarap ng hangin dito, no?"
"Hmm. Sinabi mo pa. Alam mo, noong first time akong dinala ni Drago rito, I was also mesmerized. Hindi totoong nasa syudad ang magagandang bagay. Siguro nga nandoon ang magpapalago sa iyo. But the treasure is here in the province. These trees, rivers and fresh air are more than anything in the city."
"Hmm. Dinala ka na pala ni Kuya Drago rito?"
"Oo. It's a shame nga kasi sa'tin tong south pero mas alam niya." Mahina siyang tumawa.
Hindi ko tuloy mapigilan mag-isip. Her relationship with Drago Legaspi was one hell of a ride. We didn't even thought na sila ang magkakatuluyan. They've been together for almost how many years now. Ang dami na rin nilang pinagdaanan, pero ito at going stronger pa rin sila.
"Ate, do you see yourself with Kuya Drago in the future na?" Kumunot ang noo niya.
"I have. Ganoon naman dapat diba? I mean we're not getting any younger para maglaro pa. Syempre navi-vision ko na rin naman iyan."
"So he's the one na?"
"I'd like to think. Hindi ko alam kung anong naka-instore sa akin ng tadhana pero I am certain na I will be with him." Ngumiti siya sa akin. Tipid din akong ngumiti bago nag-iwas ng tingin.
"Did he ever lied to you? Did he kept any secrets from you?" I asked, my eyes still on the water. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"He did. Alam mo 'yong feeling na ang tanga mo? Na wala kang alam? Na ikaw ang pinag-uusapan at pinagtatawanan kasi wala kang kaalam-alam. I felt that." Nilingon ko siya.
"Then why did you still let yourself be with him?"
"Because I trusted him. I listened to him. I talked to him."
She paused and then gave me another smile. Ibinalik ko ang aking tingin sa ibaba. Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin. Ilang minuto kaming ganoon hanggang sa naramdaman ko siyang umakbay sa akin. Kaming dalawa na ang nakatitig sa ibaba. Kitang-kita namin ang aming mga repleksyon mula sa ilog.
"Hindi dahil naglihim siya, hindi na siya nagtitiwala. Hindi dahil nagkamali siya, hindi ka na niya mahal. Tao lang tayo. We're not perfect. Sabi nila, the key to a long lasting love is trust. I don't believe that. That's pretty subjective and it works differently. As for me, I love you has three words, a long lasting love has three too, therefore we need three components too. It's not just trust, it also needs understanding and communication. Trust enables you to free yourself from being selfish and paranoid. It builds relationships, but if you can't keep what you built, it will easily break. Sabi nila, being in love is easy, but staying in love takes a lot. Understanding and communication are your medium to keep what trust had built. You see, they work together. Sina Mama at Papa? Bakit sila nagtagal? Because they have those. Why do couples break? Because they assume, not communicate, and they insist, not understand."
~***~
"Aww, mami-miss ko rito. Gosh! Bakit kasi ang bilis ng panahon pag nagkakasiyahan, diba?" Nakairap na sabi ni Meg habang binubuhat ang luggage niya papunta sa sasakyan.
Vacation's over. Enrollment na at start na rin agad ng second semester. How I wish mas matagal pa kami rito. Pero siguro mas mabuti na rin ang ganito para maharap ko na rin si Danniel. That's the first thing I will be doing once we get back. Sa duration ng bakasyon ay hindi ko na in-on ang phone ko. I never used any gadget either kaya wala akong alam kung anong nangyari.
Magtatanghali nang dumating kaming Manila. We were all so tired kaya diretso higa na rin ako sa kwarto. We decided to go to school tomorrow na para sa enrollment. I just charged my phone and then went to sleep. Wala akong ibang ginawa noong araw na iyon kundi ang matulog at magmukmok sa kwarto. Pareho naman yata kami ng mga kapatid ko since sina Papa ay busy na rin ulit.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Maaga ang usapan namin ng barkada since ayaw naming abutan ng dagsaan ng mga estudyante. Pagkababa ko ay kumakain na ng breakfast si Ate Daisy. This is one of the mornings na hindi kami sabay sabay kumakain dahil may kanya-kanyang ganap.
"Let's meet them sa campus na lang daw. Maaga si Meg doon. Si Fabia naman nasa airport pa. May jetlag pa raw siya." Si Ate Daisy. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang paghanda ng aking sandwich.
Nagpahatid kami kay manong sa campus. It was just eight in the morning pero medyo marami ng estudyante.
"They're already at the registrar. Punta na tayo. Si Fabia mamayang hapon na lang daw." Tinanguan ko lang si Ate 'tsaka kami naglakad papuntang registrar.
Di pa gaanong mahaba ang pila at saktong nag-reserve sina Shadow ng spot para sa amin. It only took 30 minutes for us to be enrolled. Sabay sabay kaming nagtungo ng lounge at inilatag ang sched namin for the second sem.
"Gosh! Wala nga akong maagang class, may 7pm dismissal naman ako. The heck!" reklamo ni Meg. Napatingin tuloy ako sa schedule ko. Mabuti na lang at fair lang naman siya. Wala akong masyadong maagang klase at wala rin namang matagal ang dismissal.
"Oh, sabay naman tayo diyan, a." Si Hydron.
Bumuntong-hininga ako at iginala ang tingin ko sa buong lounge. Hindi pa punuan at marami rami pang couches. Tiningnan ko ang labas mula sa glass wall at saktong lumabas mula sa canteen ang mga lalaking may parehong leather jacket.
Alpha Epslion Phi.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. I searched for him in their crowd pero wala siya. Hindi ba siya nag-enroll?
"Mer." Nilingon ko si Shadow.
"Bakit?"
"Thought you might be interested." Inabot niya sa'kin ang kanyang phone.
Hindi ko alam pero mas kinabahan ako nang abutin ko iyon.
I looked at the phone and it was on the University Gossip Site.
Verdict has been released.
Disabling Alpha Epsilon Phi?
Dethroning Danniel Montijo and Gayle Gonzales?
OSA to give verdict on fraternity hazing.
Fermin University's one and only fraternity has been given the verdict.
"Today's their verdict. Actually, resulta ng imbestigasyon pa lang ang ire-release ngayon. Ang decision ng kaso ay pag-uusapan pa base sa resulta ng imbestigasyon," patuloy ni Shadow.
Nag-angat ako ng tingin. I felt all of their stares. Binalingan ko ulit ang labas pero wala na roon ang mga fratmen. I faced Shadow.
"Nasaan sila?"
"Usually sa OSA ginagawa ang pag-release ng resulta. Pero mukhang kanina pa sila natapos. They might be in their headquarters now."
Walang pagdadalawang-isip akong nagligpit ng gamit at tumayo. Tumayo rin sina Meg.
"Saan ka pupunta?" tanong ni ate.
"I'll go to Danniel."
"Pero Mer..." I looked at Meg and motioned her to stop.
"We will just talk, Meg. Mababaliw ako kahihintay rito."
Hindi ko na sila pinasagot pa at umalis na. Lakad-takbo ang ginawa ko papunta sa headquarters nila na katabi lang ng SSG. The council office was quiet as well as their HQ pero alam kong may tao sa loob. I didn't know if it was a closed meeting between him and his men.
Walang pagdadalawang-isip akong pumasok ng headquarters nila. Walang tao ang living room pero may narinig akong mga boses sa office ni Danniel. Kinakabahan man, pinanatili kong matigas ang mukha ko habang naglalakad papuntang office niya.
I stopped right in front of the door. I knocked three times and opened it wide. Kitang-kita ko ang mga gulat sa mga mata ng nandoon. He was sitting on his swivel chair. His big three were on the couch at the side. Nakaupo naman sa dalawang visiting chair si Krisdette at ang sorority president niya. May dalawang babae pa sa tabi na hindi ko kilala. Aries was the one to stand.
"Merian, anong ginagawa mo rito?"
Tila nanginig ang tuhod ko sa tanong niya. Gusto ko lang naman makausap si Danniel! But not with them!
Lumunok ako at humigpit ang aking hawak sa doorknob. Binalingan ko si Danniel. I was caught off guard when our gaze met. However, it was different. I couldn't read through him. His stares were cold. Lumunok ulit ako, pinapakalma ang sarili.
"D-Danniel, can we t-talk?"
"Ano pang pag-uusapan natin? I thought you're done?"
"Danniel please..."
Nakagat ko ang aking labi. I could feel everyone staring at me. Tumayo si Danniel at naglakad palapit sa akin. Napaatras ako at napakapit nang mahigpit sa doorknob.
"D-Danniel gusto ko lang malaman kung anong r-resulta. I-I'm worried. Please..." I begged him. He just stared at me.
"Everything's fine. We were framed. Just like what I told you. Makaka-graduate kami. We're just fixing things. Okay na?" Para akong natuod sa lamig ng boses niya. I suddenly felt the tears ready to come down. Damn.
"I-I-"
"I'm not in the mood for an argument right now. Mas lalong ayokong makarinig ng kahit anong insulto. Pwede ka nang umalis," mariin niyang sambit.
Tila mga karayom ang mga salitang sinabi niya. Just like that, he left me. Bumalik siya sa kanyang lamesa. Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng aking mga mata. I cannot cry damn it!
Huminga ako nang malalim.
"Can we please talk in private?" Halos pumiyok ako nang sabihin 'yon. He didn't mind me. He just kept on scanning the papers.
"Danniel..."
"Pwede ba? We're talking about something here. Sinabi na nga ng pinsan kong umalis ka diba? Ganyan ka ba ka des-"
"Krisdette! Enough! Just leave, Merian."
I will not cry.
Iyan ang paulit-ulit kong sinabi sa utak ko kahit na nangingilid na ang luha ko habang nakatingin kay Danniek. I was begging him through my eyes, but he just gave me those cold stares.
Kinagat ko nang maigi ang aking labi at mahinang tumango. Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis kahit na nanggagatog na ang mga tuhod ko at nanginginig na ako.
Fuck!
Inis kong pinalis ang luhang bumaba sa aking pisngi.
Shit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top