Chapter 12

Nagkakagulo ang lahat nang makababa ako. Papa was shouting and my siblings are panicking as well. Ate Nia was talking to someone, ang mga bunso naman ay na kay mama. Ang gulo. Para akong mahihilo.

"Naga, stay with your mother! 'Wag kayong susunod!"

"Joaquin ano bang nangyayari?!"

"Just stay inside the house!" That was the last thing Papa said before he went out of the house. Kasama niya ang dalawang driver namin. 

Nilapitan ko si Ate Mina.

"Ate, what's happening?" tanong ko. Nag-aalalang tumingin siya sa'kin. 

"Do you know what Dan is up to?" Agad na kumunot ang noo ko. 

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Bumuntong-hininga siya. 

"Sinugod niya ang bahay nina AJ. Nagkakagulo ngayon doon." Nanlaki ang mga mata ko at naalala ang tawag ni Dene.

Shit so nandito nga sila?!

"Teka, Mer! Saan ka pupunta?!"

Hindi ko na pinakinggan si Ate Mina at agad na sinundan si Papa. Hindi ko na pinansin ang tahimik na daan o ang pagtakbo ko papunta sa villa nina AJ. I don't exactly know where their villa is but I saw our family car stopped in front of the villa just across Shadow's. 

Agad akong tumakbong papunta roon. Rinig na rinig ko ang sigawan sa loob. 

"Back off! Tresspassing ka!"

"Fuck! Tresspassing?! My father bought this fucking house!"

"Enough, Dan!"

Si Papa 'yon. Patakbo akong pumasok ng bahay. There, I saw Danniel with his cousins, Dette and Aries. Maging si Gayle ay nandoon. What the hell is the meaning of this? Nagsisigawan sila habang ako ay natulala dahil hindi ko naiintindihan kung anong nangyayari. Why was Danniel even here?

"Ate Mer!" 

Nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang may yumakap sa'kin. All of them froze and turned to my direction. Kitang kita ko ang pagkagulat ni Papa. Agad siyang lumapit sa'kin. 

"Anong ginagawa mo rito?!" sigaw ni Papa habang yakap-yakap ko si Dene. 

Hindi ako nakasagot. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kina Danniel at AJ. I was about to speak nang biglang kumalabog ang pinto. 

Napatingin kaming lahat doon at bumungad sa amin ang galit na galit na papa ni Danniel. Tito Danny was so furious. He dragged Danniel away. Hindi ako nakagalaw. Pinagmasdan ko na lang sila palayo habang umiiyak si Dene at pinipigilan ang papa niya. The next thing I knew, hinihila na rin ako ni Kuya paalis doon. Hell! Ni hindi ko alam paano nakarating doon si Kuya Naga!

"Get inside," ma-awtoridad niyang saad bago ako tinulak papasok ng sasakyan. 

Tulala pa rin ako hanggang sa nakarating kami ng bahay. Mabilis ang lakad ni Papa papasok. Nandoon sina mama sa sala pagkarating namin. I was still in shock. I didn't know what to do! Tumingin si papa sa akin.

"I told you to just stay in! Ang tigas ng ulo mo!" Napayuko ako. 

"Pa-"

"Ayokong na-iinvolve ka sa kahit anong problema ni Dan, Merian. So do not do that again! Let your boyfriend fix his goddamn problem!" 

Hindi ako nakapagsalita. Galit na bumalik sa itaas sina Papa at Mama. He even told the guards to lock the main door from outside. Bumalik na rin ang iba kong mga kapatid sa mga kwarto nila. Tulala lang ako hanggang sa inalalayan ako ni Ate Daisy pabalik sa taas. 

"Ate." Kinagat ko ang aking labi. Naiiyak ako! Fuck ano ba kasing nangyayari?

"Mer, let it be muna. Hindi ko alam kung anong nangyayari o anong problema, pero mas mabuti siguro kung makinig ka na lang kay Papa." Naipikit ko ang aking mga mata. I felt ate's hug.

Ilang minuto kaming nanatiling ganoon hanggang sa iniwan na niya ako sa kwarto. I badly want to sleep and just forget everything, but I just can't. Not when I don't know what was happening.

I heaved a deep breath. First, the OSA case and now, this commotion between AJ and him. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I was so frustrated! I need to know what the hell is happening! 

Inabot ko ang aking cellphone. I dialled Dene's number for how many times pero walang sumasagot. Unanttended. Shit. How could I sleep?!

~***~

Kinabukasan, maaga akong nagising. Or baka dahil hindi naman talaga naging maganda ang tulog ko. Mag-aalas tres na ako nakatulog kaiisip sa mga nangyayari. I tried calling Dene multiple times pero wala. Hanggang sa nakatulog na lang ako. 

Nang bumaba ako para sa breakfast ay sobrang tahimik nila. Papa was still not talking to me. I knew there was something wrong. Hindi naman kasi mahigpit si Papa. He lets us do what we want for he believes that we are already capable of making rational decisions. Kaya lang iba ngayon. Feeling ko talaga may hindi pa ako nalalaman. That thought itself scares me. 

"May aasikasuhin lang ako sa opisina. Pack your things. We might go to Jagbuaya one of these days," Papa announced. Natigilan kaming lahat. Narinig ko ang buntong-hininga ni mama.

"Joaquin, is it about what happened?" Napatingin ako sa kanila. I was waiting for Papa's answer. 

"Mas mabuti nang lumayo muna tayo sa kung ano mang kaguluhan ang nangyayari. Isa pa, we have some business to attend to in the province. Mas makakabuti rin nang makapag-relax tayong lahat." Walang nagsalita sa amin. Wala rin naman kaming magagawa. It's papa's decision.

"Mer, labas kami. You wanna join? Doon kami sa cafe sa labas ng village." 

"No thanks, Ate Mina. I'll just stay here," bagot kong sabi at sumalampak sa couch. Nagkibit-balikat lang si Ate Mina at umalis na sila. 

Lahat ng kapatid ko sumama kina Ate Mina kaya ako na lang ang naiwan sa bahay. Tinanaw ko ang paglabas nina Ate Mina. Bumuntong-hininga ako. I looked at my phone. Hindi sumasagot si Dene sa mga tawag ko. I was so frustrated to know what the hell is happening pero hindi ko naman alam kung sinong kakausapin ko. Si Dene lang naman ang tanging contact ko sa kanila. 

"Merian." I heaved a deep sigh and turned to yaya.

"Yes po?"

"May bisita ka. Papasukin ko ba?" Kumunot ang noo ko. Sino naman?

"Sino po?"

"Si AJ." Doon ako natigilan. Si AJ. Siya na lang yata ang pag-asa kong malaman ang mga nangyayari. 

"Papasukin niyo po." 

Pinaupo ni Manang si AJ bago nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom. Nasa harap ko siya at wala akong ibang magawa kundi titigan ang mukha niyang may malaking pasa. I was damn sure na si Danniel ang may gawa noon.

Come to think of it, alam kong may attitude talaga si Danniel pagdating sa court. Madali siyang mainis at magalit. But never ko pa siyang nakitang dinala ang galit na iyon sa labas. What's inside the court stays inside. Kaya naniniwala akong hindi lang ito basta-basta. It's way deeper. Kaya lang ano? Bakit wala siyang sinasabi sa akin? He never hides anything from me. Ngayon lang. Ang sama sa pakiramdam ng walang alam.

"Are you going to spill the tea now?" matabang kong tanong sa kanya. He scoffed a bit.

"Hindi pa rin pala sinasabi ng magaling mong boyfriend?"

I am so fucking tired of that question! Bakit ba hindi na lang nila diretsuhin?! Magtatanong ba ako kung sinasabi ni Danniel? Mariin akong napapikit.

"Can you just please say it? Kung hindi mo rin naman sasabihin, just leave. I am so fucking tired of people saying they know something but won't even tell me." I was so pissed and was very ready to leave him when he spoke.

"You're right. It's more than just a basketball rivalry. It's more personal..." He sighed. "Dan's my half brother."

Natuod ako sa aking kinalalagyan. Nanlalaking matang nilingon ko siya

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Mer, it's not my story-"

"Please! P-Please..."

Nanginginig kong inabot ang kanyang kamay. Bumuntong-hininga siya at pinabalik ako sa aking kinauupuan kanina. My eyes didn't left him. Sinusundan ko ng tingin ang bawat galaw niya, takot na baka bigla na lang siyang umalis pagkatapos ng mga sinabi niya. He sat down on the opposite couch.

"Kaya galit na galit si Dan sa akin dahil anak ako sa labas ng papa niya. It was a mistake, Mer. I am a mistake." Ang kaninang kalmadong mukha niya ay nabahiran ng samo't saring emosyon. Galit, sakit, poot. "Tss. Alam mo bang dapat ipalalaglag ako? Danny Montijo wanted me gone because I am a fucking mistake. Masisira ang negosyo at pangalan niya kapag nalamang may bastardo siya. He threatened my mother, but my mom chose to let me live. Kaya nilugmok kami ng mga Montijo. Ulila na si Mama. Hindi siya ganoon ka-stable sa buhay kaya lalo kaming nalugmok nang binantaan ng mga Montijo bawat trabahong pasukan ni Mama. Isang kahig isang tuka, ganyan kami. Walang matinong trabaho si Mama kaya kahit ano pinatulan niya. Ayaw ni mama ng gulo kaya lumayo kami. Nag-aral ako sa isang public school sa Cebu. Kitang-kita ko ang paghihirap ni mama. Halos buto't balat na nga siya kakakayod. I didn't want that to be our life. Ayoko ng ganoon lang kami kaya sinabi ko kay Mama na mag-Maynila. Ayaw niya pa noong una hanggang sa sinabi niya sa akin lahat. I was so angry that I tore every magazine the Montijos were in. Gustong-gusto kong sugurin si Danny. How can he live his luxurious life habang kami ay lugmok na lugmok? Ganoon ba siya ka-walang puso? Tangina niya.  Pinilit ko si Mama na mag-Maynila. Sisingilin ko si Danny Montijo sa ginawa niya. Ayaw ni Mama pero ginawa ko. I threatened him that I will expose myself if he won't let me study in a prestigious school. Takot na takot siyang masira kaya pinasok niya ako sa skwelahang may kapit siya. Saya rin e. Doon ko nakilala si Danniel. Ang ungas mong boyfriend. Alam mo bang sa sobrang galit ko sa kanila, muntik na kitang idamay?" He scoffed. Kumunot ang noo ko.

"Kung alam mo lang kung ilang nursing students ang pinalapit ko sa ungas na yon para landiin siya."

I gritted my teeth. "Danniel won't cheat on me."

"Tss. Alam ko. Napaka-loyal ng gago. Di katulad ng ama niya."

"Kaya mo ba ako kinaibigan dahil gusto mong maghiganti sa kanya?" Parang may bumabangong inis sa dibdib ko. He's angry alright, but the thought of him going to use me against Danniel irked me a bit. But then that's not the point here.

"At first. Pero naisip ko, you're just too precious to be used. Wala na naman akong balak pa, e. Binibigay naman lahat ni Danny ang pangangailangan namin ni mama. Pinatira pa nga kami sa village niyo at binigyan ng negosyo. All is well na. Kaya lang nalaman ni Dan. Nagkagulo sila. Nagkagulo lahat."

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I was right all along. May problema siya. Alam kong hindi sila ganoon ka-close ni Tito, pero sa mga nagdaang araw naging grabe kasi hindi na siya umuuwi sa kanila.

Tiningnan ko si AJ.

"Do you know something about his frat issue?" tanong ko. Bumuntong-hininga lang siya.

"All I know is that they have a hazing case at hand. Pagkatapos ng break ang resulta ng imbestigasyon. Wala naman akong paki sa kanya. Pero may paki ako sa'yo. Don't get me wrong, you're my friend. Ayoko lang nasasayang ang worth mo sa taong tulad niya." Tinaasan ko siya ng kilay.

"What do you know about him? You don't know anything."

Ikinuyom ko ang aking mga kamay at huminga nang malalim. Matalim ko siyang tiningnan. Now, I was really getting pissed. He stared at me with the same intensity. He smirked.

"Parang ikaw. You don't know anything. Why? Cause he doesn't trust you. Sure, he's not like his father. Sure, he's loyal. But he doesn't trust you enough to tell you what the hell is happening with him. What is love when there's no trust, Mer?"

~***~

Kung magulo na ang utak ko kaninang umaga, mas nagulo lang pagkatapos umalis ni AJ. Everything was frustrating! At naiinis ako kay AJ! I was so pissed thay I walked out on him earlier. Fuck.

"Don't you think you need time for that?" Nilingon ko si Ate Daisy.

Nasa kwarto niya ako kasi baka mabaliw na ako kung sa kwarto ako magkukulong.

"What do you mean?"

"Unwind. Narinig ko si Papa. Papa-Jagbuaya tayo ngayong gabi. Tingin ko kailangan mo 'yan."

Naipikit ko ang aking mga mata at napasandal sa headboard niya.

"Gusto kong kausapin si Danniel," daing ko. Narinig kong bumuntong-hininga si Ate. Dumilat ako at tumingin sa kanya.

"You both need a break. Ang importante hindi ka na clueless sa mga nangyayari. Take the break. Talk to him once everything cools down. Magkakaayos kayo."

"Paano kong hindi?" Agad kong naramdaman ang pag-init sa gilid ng aking mata. Shit.

"Mer, trust him."

"He doesn't trust me."

"How sure are you?"

"Ate, ni hindi niya kayang sabihin sa akin ang lahat!" At tuluyan na ngang lumandas ang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo. Damn!

"But it doesn't mean that he doesn't trust you. Take this break. Let everything cool down."

I cried. Kinuha ko ang unan at binaon ang mukha roon. Lahat ng emosyon mula sa mga nalaman ko kanina ay tila sumabog na at tuloy-tuloy na lang ang aking paghikbi. God. Akala ko magiging maayos ang lahat pero bakit nangyayari ito?! This is so fucking frustrating!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top