Chapter 11
"Himala, a! Anong nakain mo at sumama kang mag-jogging ngayon?" manghang tanong ni Ate Mina habang tumatakbo kami sa loob ng village.
Bumuntong-hininga lang ako at nagkibit-balikat.
I went home late last night. Gising pa sina Mama pero hindi na rin naman kami nagpang-abot. Hindi ko naman talaga hilig ang jogging pero hindi mawala-wala sa isip ko ang sagutan namin ni Danniem kagabi kaya sumama ako kay Ate Mina. I haven't even turned on my phone. Wala akong gana.
Kahit na gustong-gusto ko nang makibalita kay Danniel, pinipigilan ko pa rin. Baka magkasagutan na naman kami. And I still couldn't help but feel hurt. But then nevertheless, nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. I kept on bugging Shadow about the case pero limited lang ang inilalabas niya. I'm fucking worried! Paano kung di siya maka-take ng exam?
"Hoy! Natutulala ka na naman!" Natigil ako sa pagtakbo. Napatingin ako kay Ate Mina na nakapameywang na sa harapan ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. Napabuntong-hininga na lang ako at nag-iwas ng tingin. Pinahid ko ang pawis sa aking pisngi. Maya maya pa'y naramdaman ko ang pag-akbay ni ate. Taas-kilay pa rin siyang nakatingin sa 'kin.
"Ice cream muna tayo." Tinuro niya ang Cafe sa di kalayuan. Bagong tayo iyon kaya di ko alam kung kaninong family.
Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Ate Mina papunta roon.
"Alam mo, kahapon ko pa gustong puntahan ito,e. Sabi ni Ate Nia, may bago rawng sinusupply-an sina Papa ng mga coffee grains. I think ang may-ari nito ang tinutukoy niya," daldal pa niya habang papasok kami sa cafe.
Medyo maraming tao roon. Ang alam ko ay kabubukas nito noong isang araw at masarap naman daw sabi nina Meg. Bukod sa mga kape na talagang ginagawa nila, ice cream ang isa pang patok sa kanila.
"Ako na o-order. Ano ba sa'yo?"
"Anything with Dark Chocolate na lang." Tumango si Ate Mina at tumuloy na sa counter. Ako naman ang humanap ng upuan namin. Sakto at may bakante sa may tabi ng glass wall.
I scanned the whole place at napansin kong garden ang theme niya. Dominating kasi ang green colors tapos mga parang grass na ginawang wallpapers. Mga live plants pa ang nakadisplay sa bawat sulok at pati na rin sa mga vase na nasa bawat table. Ang hirap i-maintain nito for sure.
"So nagpupunta ka rin pala sa ganitong lugar?"
Agad akong napaangat at napakunot- noo nang may nagsalita sa harapan ko. Napatayo ako. A grinning Fortalejo met my sight.
"AJ!" 'di makapaniwalang sambit ko 'tsaka lumapit sa kanya. The heck! "Oh my gosh, long time no see!" Niyakap ko siya. Ang loko naman ay natatawang yumakap pabalik.
Kumalas ako at sinuri siya ng tingin. Ilang linggo rin kaming di nagkita!
"Tss. Alam mo, umupo kaya tayo," sabi pa niya. Natawa naman ako at umupo ulit sa upuan ko kanina. He sat on the chair opposite to me. I smiled at him
"Kumusta na?" tanong ko pa.
"E, wala. Possesive boyfriend mo. Tss." Nagkibit-balikat siya. Hilaw akong napangiti.
I suddenly felt guilty for not talking to him after his feud with Danniel. Medyo na pre-occupied na rin ako sa mga nangyari sa amin ni Danniel kaya nawala sa isip kong hindi na kami nagkakausap ni AJ. Everything that happened was just so stressful.
Bumuntong-hininga ako.
"Uhm, sorry about that. Ayoko lang talaga ng away tsaka medyo maraming nangyari kaya hindi ko na rin namalayan," tipid akong ngumiti. Tumango naman siya.
"It's okay. I understand." Ngumiti siya sa akin. Bumuntong-hininga naman ako. Agad na kumunot ang noo niya.
"Wait, bakit di mo kasama ang kumag? Baka mamaya masuntok na naman ako rito. Nakakahiya." Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Napailing ako.
"Wala. Di kami nag-uusap," sabi ko na lang. Tinaasan niya ako ng kilay.
"LQ?"
"Hmm. Kind of." Nagkibit- balikat ako at hilaw na ngumiti. Mas lalo namang nagsalubong ang kilay niya.
"Tss. Seloso naman kasi niyang boyfriend mo." Bumuntong-hininga ako.
"Buti sana kung sa selos di ba? Kaso hindi. It's about his frat."
"Alpha Epsilon Phi? 'Yong nakapatay ng sophomore?" Agad na kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"You knew?" takang tanong ko. Taas kilay siyang sumandal sa upuan.
"Kalat 'yan sa campus. Ngayon mo lang nalaman?" Dahan-dahan akong tumango. At alam din pala ni AJ!
"'Yan ang pinag-awayan namin. I just learned it from Papa. Hindi sinabi ni Danniel sa akin kaya nga nag-away kami. I had to postponed our trip kasi gusto kong ayusin niya muna ang problema pero mas lalo lang siyang nagalit. Honestly, I don't know anymore. Ako na lang pala ang walang alam. He didn't even told me about their suspension." Nag-iwas ako ng tingin. Naalala ko na naman ang pinag-awayan namin kagabi.
"Tsk. That's not healthy for a relationship." Bumalik ang tingin ko kay AJ. Nginitian ko siya nang tipid.
"Alam ko."
Sandali kaming natahimik hanggang sa dumating si Ate Mina sa table.
"Uy! Hi! Friend ka ni Merian?" baling niya kay AJ. He just smiled at her and introduced his self.
"Infairness ha, masarap itong coffee nila," komento pa ni ate habang sumisipsip sa sariling kape.
Tinikman ko rin ang akin at masarap nga siya. Not the typical dark chocolate. I like it.
"J, try mo, masarap siya," alok ko pa pero ngumisi lang siya at umiling. Tinaasan ko siya ng kilay. I just realized something. "Ano nga palang ginagawa mo rito, J? I mean taga rito ka rin?" takang tanong ko na mas lalong ikingisi ng loko. Napatingin na tuloy sa amin si ate at tila sinusuri si AJ.
"Wait, I think I saw you in Papa's office the other day. Kasama mo yata mommy mo?" Si Ate Mina. Kunot noong tiningnan ko si AJ at pinandilatan pero nagkibit-balikat lang siya. "Oh! I knew it! Kayo may-ari nito!" Ate Mina almost shouted. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig kay Fortalejo.
"What?!"
Bumulanghit ang halakhak niya sa buong mesa. Ako naman ay hindi pa rin makapaniwala. Ang loko! Ni hindi sinabi sa akin na business partners na pala sila ni papa!
He smirked at me.
"Well, at least now hindi na lang tayo sa school magkikita."
~***~
"Thank you sa paghatid, AJ. Nice to meet you,"nakangiting sambit ni Ate Mina pagkarating namin sa bahay. Sinenyasan niya akong mauuna na siya sa loob bago kumaway kay AJ. Tinanguan lang naman siya ni AJ bago bumaling sa akin.
"So, paano ba 'yan, mukhang mapapadalas ka sa cafe, a," nakangising sabi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
"O? At bakit naman?"
"Well, nandoon ako palagi,e." Nagkibit-balikat siya. Nairolyo ko ang aking mga mata. Kapal ng loko!
"Dream on. Feeling ka talaga." Inirapan ko ulit siya pero ang loko tinawanan lang ako.
"Basta kung gusto mo ng kausap. I'm just a call away," sabi niya pa at kumindat. Natatawang umiling ako.
"Oo na. Sige na, pasok na ako." Kinawayan ko na siya at pumasok na sa loob.
Nadatnan ko si Ate Mina sa sala at nakaupo sa couch. Titig na titig siya aa akin kaya kinunutan ko siya ng noo.
"Bakit, Ate?" tanong ko. Nagkibit-balikat siya.
"Hmm wala lang. May naamoy lang akong fishy kanina." Naningkit ang mga mata niya. Napairap ako.
"Ate, 'wag malisyosa, pwede? AJ and I are just friends."
"Oh? Wala naman akong sinasabi,a? Luh! Defensive siya, o! Edi wala kung wala!" Inirapan niya ako bago tumayo at pumunta sa kusina. Napailing na lang ako. Minsan may topak din talaga si Ate Mina, e.
Sumalampak ako ng upo sa couch na inupuan ni Ate. I turned TV on and fished my phone inside my pocket. Bumuntong-hininga ako at napatitig sa aking cellphone.
Should I open it?
Napapikit ako at in-on iyon. Inilagay ko iyon sa center table bago ako sumandal sa couch. I was debating if I should get it and see what's inside or I should just turn it off again.
Argh! Nasabunutan ko ang aking sarili.
Sa huli, kinuha ko iyon at tiningnan ang mga bumabahang notifications. Most of them are from our barkada's group chat. May mangilan-ngilan ding galing sa mga ka-blockmates ko. I scrolled my notifs, looking for someone's name, but to my dismay, naabot ko na lang ang pinakadulo, walang Danniel ang nandoon.
I sighed. Galit pa rin siya.
Binuksan ko na lang ang aking Facebook at nag-scroll ng feed. It was the usual boring feed until a post caught my attention.
Aries Jarneil Montijo is with Danniel Montijo, Dette Montijo, Gayle Gonzales and 25 others
Thank you sa pa-Bora mo, insan. 😂
Wow.
Literal na nalaglag ang panga ko pagkabasa ng caption.
Boracay? What the heck! Talagang tinuloy niya? Nanginginig ang kamay ko sa sobrang inis. Really? Ni hindi pa siya tapos sa problema niya! Ni walang kasiguraduhan kung ga-graduate siya dahil sa pinag-gagawa niya tapos ito?!
Sa sobrang inis ay nahagis ko ang cellphone sa tabi ko. I cannot believe him!
~***~
Badtrip na badtrip ako maghapon dahil sa nakita ko. Mabuti na nga lang at nag-invite si Meg sa cafe nina AJ. Kumalma ako kahit paano.
"Alam niyo, ha, we should really plan a getaway! I mean duh! Ga- graduate na ang dalawa sa atin so yeah! Baka ito na ang huling hang-out natin!" maingay na sabi ni Meg. Nagkatinginan naman sina Hydron at Shadow sabay iling. Sumimangot si Meg.
"Argh! You guys are so KJ! Walang pakisama!" At nagbangayan na naman sina Hydron at Meg. Si Shadow ang tagapanood nila.
Napailing ako. I wanted to ask Shadow about something kaya lang ayoko namang sirain ang masaya nilang atmosphere. I sighed and got my frappe.
Ramdam na ramdam ko ang mga tingin nina Ate Daisy at Fabia. I bit my lip. Narinig ko pa ang pagtikhim ni Fabia. Hindi ko na lang sila tiningnan. Ayoko munang magtanong sila.
Natapos ang araw na 'yon sa paghatid ni Shadow sa amin. Naunang pumasok si ate sa loob habang ako naman ay nagpaiwan kasama si Shadow. I faced my friend. Ngumisi naman siya. He crossed his arms and raised his brows.
"You want to ask something?"
Napapikit ako at napahinga ng malalim. He really knows me.
"Uhm. Any updates? About their case..." Nakagat ko ang aking labi. Bumuga ng malalim na hininga si Shadow.
"Mer, I told you, that's confidential. Hindi na ako magbibigay ng iba pang info. 'Yong sinabi ko, 'yon na 'yon. "
"Dow, I just-"
"Mer, stop. The verdict will come next week. Kung wala talaga silang ginawa, then you shouldn't be worried."
"But Shadow-"
"Tama na. Go inside. Uuwi na rin ako." Tinapik niya ako sa balikat. He forced a smile and turned his back on me. Wala na rin akong kundi ang pumasok.
The whole dinner, kating-kati akong tanungin si Papa about the case kaya lang ramdam na ramdam ko 'yong titig ni Kuya sa'kin. Yes, Kuya Naga knew about it, too. And he was not happy. Kaya hindi na ako nag-attempt pa. Pinilit ko na lang ubusin ang pagkain ko habang nag-uusap sila patungkol sa bakasyon namin sa Jagbuaya.
Pagkatapos ng dinner, dumiretso ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama. I stared at my phone. Para na nga akong tanga katititig doon. Bumuntong-hininga ako at niyakap na lang ang unan. I stayed like that hanggang sa nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko iyon at muntik na akong mapatalon sa gulat nang makita ang caller ID.
Dene calling...
Agad kong in-accept ang tawag.
"Hello, Dene?"
"Ate Mer! Thank God! I need your help, Ate!"
Kumunot ang noo ko at agad na napaayos ng upo.
"Ha? Bakit? What happened?"
"Eh kasi...Ate Mer n-nagkaproblema. Kuya D-Dan and K-Kuya AJ are fighting..."
"What?!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top