Chapter 10

First day of our sembreak was boring. Wala kasi akong ginawa kundi ang matulog. Binawi ko ang lahat ng sleepless nights ko noong nakaraang sem. Ni hindi nga ako humawak ng kahit anong gadget and such. Ala-una na ako nagising at dahil nga panay tulog ang ginawa ko, gutom akong gumising.

Nang makababa ako ay nadatnan ko sina Mama at Papa sa dining. They were eating late lunch, I guess. Nasa sala naman ang iba kong mga kapatid.

"Merian, ngayon ka lang ba gumising?" bungad sa 'kin ni mama. Ngumiti lang ako at lumapit kina papa. I kissed their cheeks.

"Bumabawi lang po ako ng tulog," sagot ko at umupo na sa tabi ni mama.

Kumuha na ako ng kanin at sinigang. I was thinking of asking papa's permission today. Sabi kasi ni Danniel magbo-book siya ng flight namin for next week.

"Pa, may gagawin ba tayo next week?" panimula ko. Nag-angat ng tingin si Papa.

"Wala naman. Next next week pa tayo uuwing Jagbuaya. Please vacate that schedule, alam niyo namang tradition na 'yan. Just do your stuff after or before. One week lang naman 'yan." Tumango-tango ako. Mabuti naman.

"Anyway, mauna na muna ako, hon. I still have a meeting with the Del Castillo's today. I'll go ahead," paalam ni Papa sa amin. Napanguso ako. Sa dinner ko na lang siguro sasabihin.

Pagkatapos kumain, sumama ako kina Ate Mina sa entertainment room. They were having a horror movie marathon. Napanguso ako, halos lahat napanood ko na yata kaya nag-cellphone na lang ako.

From: Loverboy

Morning. I already booked us a flight and sorry Dene's coming with us.

Bahagya akong natawa sa message ni Danniel. He really dislikes whenever his sister comes with us. Siya raw ang nagmumukhang thridwheel.

To: Loverboy

I'm fine with it. Ikaw lang naman ang hindi 🙄

From: Loverboy

Tss.

Have you asked tito?

To: Loverboy

Mamaya pang dinner.

"Oh? May rampa kayo ng loverboy mo?"

Agad kong inilayo kay Ate Mina ang aking cellphone. Inirapan ko siya pero ang magaling kong ate tinawanan lang ako at chinika pa sa iba naming kapatid. Napairap ulit ako at umalis na lang ng entertainment room. Kahit kailan, si Ate Mina talaga ang leader sa asaran, e.

Nagkulong ako sa kwarto at nanood na lang ng kdrama. Danniel was asking for a facetime pero inayawan ko kaya ang loko todo kulit. Bahala ka diyan.

I was watching While You Were Sleeping's last episode when Meg flooded our group chat. Ang ingay tuloy. Imu-mute ko na nga sana kung hindi ko lang nakita ang sinend niya.

Merian Fermin:

Ano yan?

...

Meg:

Just click the link! Idk rin talaga

Kumunot ang noo ko at ni-click ang link na iyon.

Lift-up Alpha Epsilon Phi's Punishment

-Gayle Antoinnet Gonzales

Everyone, this is your sorority president, Gayle Gonzales, asking for your help to sign this petition to lift up the punishment of Alpha Epsilon Phi. We all know what happened and the punishment given by OSA is absolutely unfair. We have documented evidence of the fraternity's innocence yet they chose to believe the statement of an anonymous witness which we are not sure if credible to give such accusations and claim. To sign the petition paper, please visit the AEP headquarters.

Thank you.

What the heck was that? Isa iyong article sa gossip site ng university. It is where every issue is tackled. At ano itong nabasa ko? What punishment was she talking about?

Agad kong di-nial ang number ni Danniel. Tatlong ring lang at sinagot na niya iyon.

"Hey."

"Danniel, what is Gayle talking about? Ano tong pinopost niyang article?" bungad ko sa kanya. Sandali siyang natahimik. Then I heard him sigh.

"It was nothing. Minor lang. Ano bang pinost ni Gayle?" Ako naman ang bumuntong-hininga.

"I'll send it."

"Okay."

Binaba ko ang tawag. Tiningnan ko rina ng groupchat namin. Meg mentioned Shadow about it since he was part of OSA's disciplinary council, but he replied 'confidential'. So meron nga? Danniel said it was just minor, but why did Gayle posted a petition? What the heck?

Halos buong araw yata akong nagnilay-nilay sa article na iyon. I already asked Ate Daisy about it pero ang sabi niya di raw sila magkasama ni Shadow meaning kung anong kaso man ang hawak ni Shadow, di niya rin alam.

Hanggang sa nag-dinner kami ay hindi pa rin iyong matanggal sa isip ko. Muntik ko pang makalimutang magpaalam kay papa. Sa huli, hindi na rin ako nag-usisa pa. Danniel said it was just minor, so baka minor nga lang.

"Pa, may ipagpapaalam sana ako next week," sabi ko kay Papa. Nag-angat siya ng tingin.

"O, ano 'yon?"

"Uhm Danniel booked us a flight to Bora. One week stay lang naman. Kasama namin si Dene and I'll be home before we go to Jagbuaya," sagot ko. Kinompleto ko na para wala ng masyadong tanong.

Bahagyang tumigil sa pagkain si papa at kunot-noong tiningnan ako.

"At may gana pang magbakasyon ang boyfriend mo pagkatapos ng lahat? Why? Did he solve their case already?"

Ako naman ang nagkunot ang noo. So they really have a case? Ito ba ang dahilan ng punishment?

I looked at my siblings. Parang silang lahat nag-aabang sa sasabihin ko, pero hindi ko naman alam ang dapat sabihin.

"Uhm baka po. Sabi niya minor lang naman daw." Nakagat ko ang aking labi. Papa laughed at my statement which made me more confused. But I didn't want to show it to them kasi it felt like I was the only one that was clueless. Parang ang tanga kong girlfriend kasi hindi ko alam ang nangyayari sa boyfriend ko. Papa would ask for sure.

"Hindi minor ang fratwar at hazing, Merian. 'Yan ba ang sinabi niya sa'yo? Didn't he told you that they were involve in a fratwar and that they killed a student because of hazing? Malinaw sa manual ng University ang pagbabawal ng hazing sa fraternities. They are the only frat that I allowed because I have so much trust in Dan. Pero ano ito? They have a hazing case at hand. Kapag tinuloy ang demanda sa kanila, they will be doomed. Pasalamat sila at nakipag-negotiate ang pamilya ng biktima sa amin. We are still validating the incident and if they are proven guilty, it won't only be suspension, it will be expulsion. Hindi lang 'yon, may kaso pang nag-aabang. Now, tell your boyfriend to fix this mess before going out on a vacation with you. I am so dissapointed."

Isang pagbagsak ng kubyertos ang aking narinig bago tuluyang tumayo si papa at umalis. I was stunned. Bumalik na silang lahat sa pagkain pero ako hindi pa rin makagalaw. Did I hear it right? Ito ba ang tinatago ni Danni all along? So may tinatago siya! He hid this from me! And I looked so stupid in front of my father! What the hell?!

~***~

Gabing-gabi na pero pinili ko pa ring puntahan si Danniel sa condo niya. I called Aries to validate what I just heard, but he answered me with a 'please understand' statement! What the heck?! Suspended sila! They weren't able to take the midterms at pinagdedebatihan pa kung makakapag-take nga sila! Their graduation was even at stake! Piniga ko na si Shadow para sa detalye pero wala! 

I was so frustrated. Feeling ko bigla na lang akong sasabog. This was the punishment in Gayle's article! The fucking suspension and denial of special tests! Pag hindi sila nakapag-take hindi sila ga-graduate! Babagsak sila! Damn it! I felt so useless! Ako iyong girlfriend pero wala akong alam ni isa! Kaya ba ayaw niyang pag-usapan? I knew he had a problem and he kept on brushing me off we everytime I ask!

Damn it, Danniel! What the fuck is happening to you?! Sabi na, e. Fraternities are bad news! Now look at this!

Gigil na pinindot ko ang passcode niya at pabalyang binuksan ang pinto. Wala siya sa sala kaya dumiretso na ako sa itaas. The unit was so quiet kaya hula ko ay natutulog ang loko.  Agad kong binuksan ang kwarto niya at pumasok sa loob. The lights were dim. Tunog na lang nga ng aircon ang naririnig ko. I saw Danniel on the bed, sleeping. 

Lumapit ako sa kanya. He looked so peaceful. Nagdalawang-isip tuloy ako kung gigisingin ba siya. Sa huli, bumuntong-hininga ako at in-on nang tuluyan ang ilaw niya. Pupungas-pungas pa siyang bumangon. 

"Mer?" paos niyang sabi at tuluyan nang umupo sa kama. "Hey, what are you doing here?" tanong niya at kinabig ako palapit. 

Nag-iwas ako ng tingin, pero agad niyang hinawakan ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Namumungay ang kanyang mga mata. Doon ko lang din napansin ang malalaking eyebags niya. He looked so tired.Bumuntong-hininga ulit ako at hinaplos ang pisngi niya. 

"Mer, gabing-gabi na, ba't ka nandito?" Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa aking bewang at tuluyan na akong pinaupo sa mga hita niya. Now, I was straddling him. 

"Be honest, please," panimula ko na ikinakunot ng kanyang noo. 

"About what?" 

"About everything. Tell me, anong nangyayari?"

"Huh? Anong everything?" Bahagya siyang lumayo sa 'kin, kunot na kunot ang noo.

Bumuntong-hininga ako at umalis sa pagkakandong sa kanya. Tumayo ako sa harapan niya. I crossed my arms. 

"Anong nangyayari sa frat, Danniel?" seryosong tanong ko. Nagsalubong ang kanyang kilay at tinitigan ako.  

"Tss. Mer, inaayos ko na naman. Tsaka I already told you, it was just a minor issue. Malapit nang ma-solve." 

Tumayo siya at inabot ang aking isang kamay para hawakan. Bahagya pa siyang ngumiti. Naipikit ko ang mga mata at pabalyang hiniklas ang kanyang hawak. Bahagya siyang nagulat pero binalewala ko 'yon. Umatras siya palayo sa akin. Kunot na kunot ang noo niya at tila hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. I scoffed.

I couldn't believe it! Talagang wala siyang balak sabihin sa akin ang tunay na nangyari?! Kung hindi pa pala ako sinabihan ni Papa at kung hindi ko kinulit kanina si Aries, wala pa rin akong alam?! Wow!

"Danniel, I know what's going on! Wala ka ba talagang balak sabihin sa akin ang nangyayari, ha?" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng aking boses. Mas lalo siyang nagulat dahil doon

He reached for my hand pero hinihiklas ko iyon. Umatras na lang ulit siya papunta sa dingding habang ako ay nasa malapit sa kama. Bumuga siya ng hininga. I could feel his frustration because of that.

"Mer, ano bang pinagsasabi mo? I already told you, it's a minor issue and we are solving it at the moment!" Bahagya na ring tumaas ang kanyang boses, nainis na siguro. Mapait akong ngumiti sa kanya. 

"That's not what Papa said. Hazing and fratwars? Really, Danniel? Kailan ka ba naging barumbado, ha?! And what the fuck! You killed a person!" 

Doon na siya natigilan at nanlalaking matang tumingin sa akin. I stared at him with the same intensity. 

"I didn't kill him. We didn't kill him!" Halos mapatalon ako sa lakas ng boses niya. "Fuck! You really think I could do that?! You really think?! Hindi ako kriminal! Tangina naman, Merian!"

"Then why?! Why did it happened, huh?! Bakit kayo naiipit?!"

"We were framed! There is no hazing in our initiation! Fuck! Hindi nga namin kilala ang lalaking 'yon!" 

"Framed? O, sige! You were framed! Pero ang fratwar ba ni-frame up din kayo?! Kailan ka pa naging barumbado?! Ito ba ang nakukuha mo sa-"

"Oh now we're at this again! Wow! Really?! Hindi pa ba tayo tapos dito? I know you don't like them pero shit naman! Hanggang kailan mo ipapamukha sa 'kin, huh?!"

"Hindi ko pinapamukha! What I'm saying is they're a bad-"

"You don't know what they did just to save me!"

"Ah kaya ka na-suspend?! Graduating ka! Hindi ka nakapag-take ng midterms! What are you doing with your life?! Ni hindi mo pa sinabi sa akin 'to! Nalaman ko na lang sa iba! Ano bang nangyayari sa'yo, Danniel?!" 

"Fuck! Hindi ko sinabi dahil dito! Ganyan ka mag-react! Inaayos na nga,e!" 

The room went quiet. Hindi ko alam kung napagod kami kasisigaw o wala na lang talaga akong maisigaw. Pareho kaming humihingal pagkatapos noon. Pabagsak na napaupo ako sa kama. Nakakapanghina, parang natutunaw ang mga paa ko sa sobrang panginginig. 

Ipinikit ko ang aking mga mata at sumandal sa headboard. Pagkadilat ko ay nakita ko siyang nakasandal sa dingding at nakatingala. Bumuntong-hininga ako. 

"You know what, let's just cancel it," mahinang sambit ko. Napatingin siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.  "Cancel the flight. We won't go to bora," desididong saad ko. I heard him scoffed.

"Pati ba naman pagre-relax ipagkakait mo?" Bumaling ako sa kanya. 

"Unahin mo muna 'yang problema mo bago ka mag-relax." Matalim ko siyang tiningnan. He scoffed again.

"Fine. Kung ayaw mong sumama edi 'wag. Ang frat na lang dadalhin ko." 

Tumayo ako at tiningnan siyang maigi.

"Sige, magsama kayo ng barumbado mong grupo. Just make sure you won't end up behind bars." 

Nilagpasan ko siya at tuluyan nang bumaba. Walang lingon akong umalis ng unit niya. I booked a grab.  Kung ayaw niyang makinig, bahala siya. Parang sasabog ang dibdib ko sa pinaghalong sakit at galit. I couldn't believe this is happening to us! I was against him joining the frat and becoming their freaking leader but I chose to shut the fuck up because I wanted to support him silently. But then this happen! And what's worse, wala akong alam kung ano'ng nangyayari sa kanya!

I'm his girlfriend! His partner! Di ba dapat alam ko ang mga bagay- bagay na iyon! This is unbelievable! Marahas kong pinahid ang mga luhang naglalandas sa pisngi ko. I looked like a freaking kid, crying, and waiting for someone to pick me up outside of his building. I never thought he could do this to me! I was his partner and confidant ever since high school pero ngayon pakiramdam ko parang wala lang ang presensya ko. Parang wala akong halaga sa kanya kaya hindi rin importanteng malaman ko kung ano ang mga nangyayari sa kanya. It fucking hurts!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top