CHAPTER FIVE | Sa imbitasyong ito, lahat ay imbitado
GAIUS
"Sige, kung hindi mo ako papatawarin, hindi kita isasama sa birthday ni Kuya Rennac!"
Napatigil ako sa paglalakad galing sa ibaba ng hagdanan nang magbanta sa'kin si Stell na nasa itaas pa kasama si Knight. Kunyari ay hindi ko siya pinapansin, pero noong nalaman ko ang tungkol sa birthday ng kapatid niya ay para na akong binato ng bola nang dahil sa narinig ko.
"O, Gaius? Bat natahimik ka riyan? Balita ko isasama ka ni Knight sa birthday ng tropa niya." Tumalikod ako't umakyat sa taas pero nang makarating na ako ay pinigilan ako ni Stell at pinasandal para patawarin ko siya, at ang kanang kamay niya ay nakahawak sa pulso ko na siyang dumidikit sa beige na pader. Wala naman akong magawa kundi sundin ang gusto niya dahil tanging 'fine' lang ang naisagot ko. At itong si Knight, nanatili na lang naka-istatwa sa gilid at hindi man lang ako tinulungan! Hinayaan lang kaming dalawa na mag-moment na animo'y sa mga teleserye nangyayari ang mga ganitong eksena. Nang matapos ay niyaya niya kaming bumaba at umupo sa sofa kung saan kami nakapwesto kanina bago pa ako makatulog galing FEHU.
"So, aattend ka sa Saba—" Hindi ko na natapos ang tanong ni Knight nang agad akong lumingon sa tabi niya at um-oo bilang sagot. Nagulat silang dalawa sa asta ko kaya dumagdag pa ito ng isa pa, "Gaius, hindi pa ako tapos, nakasagot ka na agad."
"Sorry, pre," wika ko habang itinuon ang atensyon sa remote ng TV at naghanap ng mapapanooran sa screen. "Miss na miss ko kasi kapatid ni Rennac, e."
"Naku po, mga kaibigan, heto na naman siya," banat ni Stell sa kawalan habang tumutulala sa pintuan ng bahay namin. Talagang gusto niya na agad lumayas ng bahay namin, kesyo may date na naman siya...
Magmula noong sinabi ko sa kanila na crush ko si L'Arachel ay iba-iba ang reaksyon ng dalawa. Si Stell, natawa sa sinabi ko at ang tingin nito'y biro lang pero hindi. Tanda ko kung ano ang sinabi niya sa'kin, "Gaius, anong klaseng confession iyan? Tingin mo magkakagusto ka — at sa mahangin pa?"
To which I replied: "Grabe ka naman, Stell! Bakit hindi ka na lang suppportive sa'ming dalawa? Malay mo maging ninong ka ng magiging anak namin."
"Siraulo! Baka nakakalimutan mong nasa FEH University pa rin tayo, ha! Malilintikan ka kay Rennac niyan, e!"
Alam ko naman na ang tingin ng kaibigan ko kay L'Arachel ay mahangin, same as Knight. Pero kahit na ganoon ay kaya kong paihipin iyon — if that's the right term.
Si Knight naman, tahimik lang. Wala siyang sinabi na kahit isa except, "Good for you, Gaius."
"Gago ka talaga, hindi mo man lang ba kami susuportahan?" tanong ko kay Knight nang marinig ko ang sinabi niya pagkatapos kong aminin sa kanila ang totoo. Loko-lokong iyon, talagang na-good for you ako nito, a!
"Susuportahan ka namin, kaya lang may crush kasi si L'Arachel, e."
"Hoy Knight, ang sabihin mo, hindi pasok itong kaibigan natin sa standards niya!"
"Wow, Musiko Stellvester. Masakit na yata iyan, a."
"Sorry, pero ganyan talaga!" Tapos kumindat pa ang loko. Binaba naman ang kilay ko bago ko siya tarayan, "So?"
Looking back, ayaw talaga ng mga gago na magkagusto ako sa kanya. Pero anong magagawa ko? E nariyan na ito?
Nang nakahanap na ako ng mapapanood sa TV ay agad kong pinindot ang play button at pinanood ang isang Filipino romantic-comedy film, bagay na kinagulat ng dalawa. Habang nagsisimula ang movie ay pumunta si Knight ng kusina para gumawa ng popcorn, at kaming dalawa ni Stell ay kilig na kilig at inaasar kami ni L'Arachel sa mga eksenang napanood namin. Dala ang nilutong popcorn ay sumabay siya sa'ming manood na kung minsan ay kiligan at asaran ay inabot namin... not until someone rings his phone.
Tinanong ni Knight kung sinong tumatawag hanggang sa maabutan kong may tawag si Stell na naka-flash sa screen. Kumaripas naman siya ng takbo at kaagad niyang kinuha ang kanyang cellphone na anito'y may itinatago siya sa'min.
"Hoy! Huwag niyong gagalawin 'yung cellphone na may cellphone!" anito pagkahablot niya sa ilalim ng kamay ko bago sagutin ang tawag. "Hello?"
***
Isang linggo na ang nakalipas, at matapos ang Intramurals ay agad kong binuksan ang locker para kunin ang mga librong gagamitin ko bago magsimula ang first subject. Habang kinukuha ko iyon ay narinig kong binati ako ng mga taga-Junior High dahil sa kabilang ako sa Mythical 6, and as usual, si Frederick ang MVP pagdating sa basketball.
"Congrats, Kuya Gaius!" anila bago ko sila pasalamatan saka sila dumiretso sa daanan ko, siguro babalik sila ng classroom dahil malapit na magsimula ang klase. Nang matapos ay sinarado ko ang pintuan ng locker, pero napatalon ako sa pamilyar na mukhang dumampi sa'kin.
"Stell, anong ginagawa mo rito?" pabulong kong tanong sa kanya. "May klase ka pa ba?"
"Mamayang 9," pasimpleng sagot niya sa'kin. "Tatambay muna ako sa'yo habang hindi pa nagsisimula klase namin."
"Gago ka ba? Magsisimula na kami! Kaya ko kinuha agad 'yung GenBio tsaka UCSP ko, e!"
"Ganoon ba? Ipapamigay ko sana 'to." Inilabas niya ang invitation card na naglalaman ng mga sumusunod:
***
Sa imbitasyong ito, lahat ay imbitado!
When: February 11, 20xx
Where: Bahay ni Rennac
What: Birthday ni Rennac
Why: mAY LUMPIA RITO! Tsaka i-reto niyo po itong kaibigan ko, ito po ang FB niya: Rennac Arden Hernan
How: PM me via Savior Knight's FB page (yup, that's my name)
Sa imbitasyong ito, lahat ay imbitado!
***
Napahagikhik na lamang ako sa binigay ni Stell sa'kin — paghahagikhik na umabot sa pang-aasar sa putanginang invitation na iyan. Isang photo paper na may plain white background, picture ni Kuya Rennac na paniguradong kinuha niya sa Facebook at text na may Comic Sans na font sa harap. Talagang ginagago ako nitong gagong 'to. Isa pa, napakayabang niya para magkaroon siya ng FB Page, e personal account niya iyan!
"Sabi niya kasi dapat panglamay 'yung magiging invitation niya sa kaibigan niya," dagdag nito sa kanya na siyang ikinadismaya ko naman. But at the back of my mind, as much as I despise this thing that I'm holding, I wanted to see her once again.
Kahit may pagkamahangin iyan siya.
Bago ako umakyat sa room ng STEM ay pinagsabihan ko si Stell habang bitbit ang dalawa kong librong nakasandal sa braso ko, "Oy, pasabi sa kaibigan mo na pupunta ako. Tsaka pasabi na rin, ang ganda ng gawa niya. Ang sarap i-grade kung sakali."
"Anong grade mo?"
"Zero out of ten," kindat ko kay Stell saka ako umalis sa pwesto niya, nakatanga sa sulok.
"The hell?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top