XXI. Acrophobia
Tahimik lang sila habang naglalakad papalabas ng karaoke bar. Hindi sila nagsasalita dahil para bang ang bawat puso nila ang nag-uusap. Ilang minuto ang lumipas nang maglakas loob nang magsalita si Dino.
"Gutom ka na ba?" tanong ni Dino kay Micah. Tumingin si Micah rito bago siya umiling.
"Let's eat," sabi pa ni Dino at hinawakan ang braso ni Micah.
"Ayokong kumain..." Kinuha ni Micah ang braso niya mula kay Dino.
"Samahan mo na lang ako." Muli ay kinuha ni Dino ang braso ni Micah. Hinila niya ito papunta sa maliit na restaurant malapit sa ferris wheel.
"Ayoko sabi! Hindi ako nagugutom! Kung nagugutom ka, kumain kang mag-isa mo!" Napasigaw si Micah nang hindi niya sinasadya. Hinigit niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ni Dino. Iniwasan niya ang mga mata ni Dino na tila ba nagtatanong.
"Then don't eat," sabi ni Dino at naglakad na papalayo kay Micah. Sobrang nasaktan si Micah dahil sa sinabi ni Dino. Hindi man lang siya pinilit at iiwan na lang basta.
"That's it?" sigaw ni Micah kay Dino. "Sige kumain ka at iwan mo 'ko rito! Wala kang kwenta!" sigaw pa niya bago siya tumalikod at pumunta sa pila ng ferris wheel. Sumakay siya sa isa sa mga ito pero bago pa man niya isara ang pinto ay pumasok si Dino.
"Bakit ka nandito? Akala ko ba kakain ka? Kung hindi ka aalis rito, ako na lang ang aalis." Akmang lalabas na si Micah pero pinigilan siya ni Dino. "Don't leave me, please..."
Umupo si Micah kaharap si Dino pero hindi niya ito tinitingnan. Nakatingin lang siya sa bintana habang unti-unting umiikot ang ferris wheel.
"Okay ka lang ba Dino?" tanong niya nang makita niya si Dino na namumutla. Naalala niya na namumutla rin si Dino kanina habang kasama siyang sumakay sa iba't ibang rides.
"Acrophobia..." mahinang sabi ni Dino.
"Saglit lang ha.. T-teka, paano ba 'to? Paano ba? Pwede bang ipatigil 'to? Bakit ka kasi sumakay rito kung may phobia ka?" pag-aalalang tanong ni Micah. Pumunta siya sa bintana at nagsisisigaw.
"Hindi k-ka nila maririnig," sabi ni Dino na sobrang nahihilo at nasusuka na.
"Tsk. Bakit ba kasi? Anong gagawin natin? Matagal pa 'to titigil! Dapat hindi ka na lang kasi sumakay rito! Nakakaasar ka naman! Bakit ka ba kasi sumakay? Ha?"
"Facing my fears..."
"Oh tingnan mo tuloy! Halos mamatay ka na diyan sa itsura mo! Nako sinasabi ko sa 'yo! Pag ako sinukahan mo! Lagot ka sa 'kin!"
Natawa naman si Dino sa sinabi ni Micah.
"Sit down, mas lalo akong nahihilo sa 'yo." Hinila ni Dino si Micah sa tabi niya.
"Anong gusto mong gawin ko para hindi ka mahilo? Bakit kasi---naiinis ako sa 'yo! Dapat kumain ka na lang kaysa nagpunta-punta ka pa rito! Imbes na kumakain ka na, 'yan tuloy namumutla ka pa!" Natatawa si Dino pero hindi niya maipakita dahil nahihilo na talaga siya. Kahit galit si Micah ay iniisip pa rin niya ang kalagayan ni Dino.
"Are you my mother?" tanong ni Dino. Paano ba naman kasi kung makapagalala si Micah parang nanay ang peg. "Or my wife?" Napairap naman si Micah.
"Wife agad?"
"So you're my mother? Alam mo ba when I was a kid, I remember she always kiss me when I don't feel good," kwento ni Dino. Namula naman si Micah.
"Anong ibig mong sabihin? Tigilan mo nga 'yan! Akala ko ba nahihilo ka? Baka gusto mong itulak kita sa bintana!" Para bang nawala ang pag-katorpe ni Dino. Tiningnan niya si Micah sa mga mata nito.
"If you're not my mother, then you're my wife?" pang-aasar ni Dino kay Micah. Hindi na mapigilan ang kilig ni Micah dahil kay Dino.
"Isa! Ako ang tatalon sa bintana pag 'di ka tumigil! Bakit ka ba gan'yan? Sinasapian ka ba? Tinatakasan ka na ba ng bait?" tanong ni Micah.
"Am I?" Lumapit si Dino kay Micah. Tiningnan niya ang labi ni Micah bilang pang-aasar.
"Bata pa 'ko!" Tinakpan ni Micah ang labi niya. Natawa naman si Dino.
"Tumigil na 'yung ferris wheel. Let's go and eat," yaya ni Dino. Paglabas nila ay pumunta muna si Dino sa comfort room para sumuka. Sobrang nahilo siya dahil sa mabilis na pag-ikot ng ferris wheel.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top