XX. Date
"Saan na naman tayo pupunta?" tanong ni Micah.
"Date?" tanong ni Dino na ikinagulat ni Micah. Kaso napaisip siya.
"Ahhh friendly date? That would be nice, nice, very nice," mahinang sabi ni Micah sa kaniyang sarili. Nagulat siya kasi kung ano-ano ang lumalabas sa bibig niya at hindi niya mapigilan. Tama nga siguro 'yung kasabihang kung anong gusto ng puso mo, nasasabi ng bibig mo.
"Y-yeah, f-friendly date." Napalunok naman si Dino dahil nauutal siya.
Para bang na-awkwardan sila sa mga sinabi nila. Tama, friendly date lang kaya hindi mag-aassume si Micah ng mas mataas o mas malalim pa roon. Para bang nainis siya sa sinabi ni Dino pero hindi naman niya ito masisi kung ito lang ang kayang maibigay sa kaniya.
Tumigil si Dino sa isang amusement park. Lumabas na si Dino sa kaniyang kotse nang ma-ipark niya ang kaniyang sasakyan.
"Micah! Ano bang nangyayari sa 'yo? Nababaliw ka na yata! 'Yang puso mo, isantabi mo muna 'yan! Ang mahalaga, masaya ka naman kahit magkaibigan lang kayo. Masaya ka nga ba?" litanya niya sa kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim bago lumabas sa kotse.
Sumalubong sa kaniya si Dino na nakatingin sa kaniya kaya iniwas niya ang tingin niya rito.
"Let's have fun," sabi ni Dino habang nangangamot ng batok. Spell natotorpe, D-I-N-O!
Pumasok silang dalawa sa Amusement Park. Para bang nagbago ang ihip ng hangin, lumawak ang ngiti ni Micah sa nakita niya. Aminin na nating matagal na siyang hindi nakakapunta sa mga ganitong parke kaya sabik na sabik siya sa mga ganito.
"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Dino kay Micah. Ngumiti naman si Micah bago siya nagsalita.
"Doon! Doon! Tapos doon! Pagkatapos naman doon sa isa! Tsaka doon!" Tinuro niya ang iba't ibang rides na gusto niyang sakyan at puntahan. Hinila niya si Dino.
"Tara na! Time is running!" sigaw ni Micah. Sobrang saya ang nararamdaman niya. Para bang nakalimutan niyang nakaramdam siya ng inis kay Dino kanina.
Sumakay sila sa iba't ibang rides na magkasama. Halos mahilo si Dino at masuka dahil talagang nakakalula pag sumakay ka rito. Tila ba bumaliktad ang sikmura niya pero nawawala iyon pag nakikita niyang nakangiti si Micah. Hindi man niya aminin sa sarili niya pero ang kilos niya ang nagsasabing may gusto siya kay Micah. Action speaks louder than words ika nga.
"You're so unfair," mahinang sabi ni Micah na sapat lang para marinig ni Dino.
"Alam ko," sabi ni Dino sa kaniyang isip.
"Ang dami kong alam tungkol sa 'yo pero ikaw, wala man lang maliban sa pangalan ko," pagtatapat ni Micah. Nakaramdam ng lungkot si Dino dahil tama si Micah. Huminto sa paglalakad si Micah kaya napahinto rin si Dino.
"Alam mo ba kung saan ako magaling?" tanong ni Micah. Napakamot si Dino sa batok niya habang umiiling. "Doon oh!" Tinuro ni Micah ang isang karaoke bar.
"Ikaw, magaling sumayaw. Ako magaling kumanta! Samahan mo 'ko, dali kakantahan kita!" Nakangiting sabi ni Micah habang hinihila si Dino. Pumasok sila sa loob.
"Okay lang kahit hindi ka makinig. Gusto ko lang talagang kumanta ngayon," sabi ni Micah habang nangingilid ang mga luha. Bago pa siya umalis ay hinawakan ni Dino ang kamay nito.
"No, I'll listen. I want to be fair." Nakayuko si Dino habang sinasabi niya iyon. Hindi niya rin matingnan si Micah dahil may iba siyang nararamdaman. Na baka pag tumitig pa lalo siya rito ay mawala siya sa sarili niya.
Umupo si Micah sa stool sa harapan ng karaoke bar. Maraming tao ang nakatingin sa kaniya.
"Crumpled sheets of paper with written songs for you
My hands shiver, this heart beating
This love might be true..." Tahimik lang ang mga manonood habang pinakikinggan ang pagkanta ni Micah sa unahan. Kitang-kita ang kaba niya sa panginginig ng kaniyang kamay habang hawak ang stand ng microphone.
"So close yet so distant
I don't know why
Never have I imagined I'd fall for you..." Nakatingin lang si Micah kay Dino habang siya ay kumakanta. Para bang walang ibang tao siyang nakikita maliban sa binatang ito.
"Let the dawn gather all our doubts
That would infect this perfect heart
For no reason that I'm here
I know of nothing more complete...
Each day, my love grows deeper
Deeper like never before
Love is not easy but I'm holding on to this
So don't give up and feel my heart
Nothing else matters but you and me..."
---
Song: Deeper by Julie Anne San Jose
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top