XVII. His Partner
"Wala na ba talaga kayong mahanap na partner mo Dino?" tanong ni Micah kay Dino. Kasalukuyan silang nasa loob ng studio kung saan dati nag-papractice si Dino. Nakaupo sila kaharap ang salamin habang nag-uusap.
"Kung meron eh di sana hindi kita pinipilit."
"Pinipilit daw, hindi kaya halata. Ang sama ng ugali."
"Ha? May sinasabi ka?"
"Sabi ko ang pogi mo, kaso bingi ka."
"Akala ko ba gusto mo akong mapanood sumayaw? Bakit ayaw mo akong tulungan?"
"Yun na nga eh. Mapanood ang sabi ko tsaka tinutulungan naman kita. Kung gusto mo maghahanap ako ng talagang magaling sumayaw para i-partner sa 'yo. Di ba mas maganda 'yon?" Tiningnan naman ng masama ni Dino si Micah.
"Oh bakit?"
"Hindi ka nakakatuwa," deretsong sabi ni Dino kay Micah kaya natakot ito.
"Anong ginawa ko? S-sorry. Galit ka ba? Sige na, papayag na ako pero hindi talaga ako marunong sumayaw. Promise, mahihirapan ka lang." Ngumiti si Dino at tumawa.
"Ang bilis mo namang matakot."
"Nakakatakot ka eh."
"Micah.."
"Hmmm?"
"Bakit?"
"Ha? Anong bakit? Ikaw 'tong tumawag sa 'kin ah."
"Bakit hanggang ngayon nasa tabi kita?"
"H-hindi ko alam. Ayaw mo ba?"
"Gusto ko." Lihim na napangiti si Micah sa narinig niya.
"Eh ikaw, bakit hinahayaan mo akong laging nasa tabi mo?" tanong naman ni Micah.
"Hindi ko rin alam. Ayaw mo bang hayaan kita?"
"Sobrang gusto ko." Nakangiting sabi ni Micah.
"Mabalik tayo, bakit ba kailangang ako pa ang partner? Ilang linggo na lang kaya bago ang January 31. Imbes na nagpapractice na lang kayo ng piece niyo, eto tuturuan mo pa ako simula't simula."
"Hindi mo ba ako naiintindihan, ikaw ang gusto ko. Gusto kong partner ay 'yung hindi ako iiwan."
"Malay mo, iwanan kita."
"Hindi mo gagawin 'yun."
"Paano ka nakakasiguro? Malay mo."
"Hindi pwede. Papatayin ko 'yung malay na 'yan."
"Magagalit ka ba pag iniwan kita?"
"Magagalit ka ba pag iniwan ka ng papa mo?"
"Oo, mahal ko 'yun e."
"Ganoon din ako."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
"Gamitin mo 'yung utak mo."
"Ginagamit ko naman ah! Sadyang 'di ko lang na-gets."
"Tsk. Tumayo na tayo para makapagsimula na," sabi ni Dino.
"Agad-agad? Wala bang interview muna?"
"Meron, anong pangarap mo?" tanong ni Dino.
"Ha? Ahhh, makita kang sumayaw muli."
"Bukod dun?"
"Bukod sa makita kang sumayaw muli, gusto kong palagi kang masaya."
"Bukod dun?"
"Bukod dun, gusto kong matupad lahat ng pangarap mo."
"Wala ka bang pangarap para sa sarili mo? Para sa buhay mo?"
"Para nga sa buhay ko 'yun---" Napatakip ng bibig si Micah nang ma-realize niya ang sinabi niya. Umiling-iling ito at tinatakpan ang mukha dahil namumula na ito. Napatawa naman si Dino sa naging reaksyon ni Micah.
"Ako na pala ang buhay mo? Ha?" tanong ni Dino habang tinataas-baba ang kilay niya.
"Hindi ahhh! Kailan ko sinabi? Wala akong sinasabing ganiyan! Sobra kang makapagbintang! Wala kang ebidensya Dino! Hindi ko sinabing ikaw ang buhay ko!"
"Kasasabi mo lang kaya. Die hard fan talaga kita noh?" Pinanliitan ni Micah ng mata si Dino.
"Asarin mo ko, sige lang. Kung saan ka masaya, push mo 'yan." Tumayo si Micah mula sa pagkakaupo niya.
"Oh saan ka pupunta? Paano kita maaasar niyan kung wala ka?"
"Ewan ko sa 'yo. Puro ka kalokohan! Porke't fan mo ko ginaganiyan mo ko! Huwag mo akong sundan!"
"Sabi mo kung saan ako masaya, kaya nga sinusundan kita eh."
"Lagi mo 'kong nilolokong walangya ka!"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top