XVI. Christmas Day
"Happy Christmas!" bati ni Manager Kim kay Dino.
"Ano ka ba Manager Kim, December 24 palang ngayon. Ilang minuto pa bago ang pasko."
"Bakit? Masama bang maging excited? 11:33 pm na kaya."
"Hindi naman po. Teka, matanong ko lang, bakit ang dami mong niluto? Hindi natin mauubos 'yan," puna ni Dino nang makita niya ang mga pagkaing nasa lamesa.
"Sinabi ko bang tayo lang ang kakain niyan?"
"Anong ibig mong sabihin Manager Kim?" Ngumiti lamang si Manager Kim sa binata. Nagulat naman ito nang tumunog ang doorbell ng bahay nila.
"Pagbuksan mo na siya, nandiyan na ang bisita mo," utos ni Manager Kim. Puno man ng pagtataka ay sinunod niya na lamang si Manager Kim at binuksan niya ang pinto. Nagulat siya nang makita niya ang isang babaeng nakangiti sa kaniya. Nakasuot ito ng pulang damit at talagang nakakakuha ng atensyon ang santa's hat na suot niya.
"Happy Christmas Dino!" bati nito sa kaniya.
"H-happy Christmas din Micah. Bakit ka nandito?"
"Obvious ba? Dito ako mag-cecelebrate ng pasko. Pinayagan ako ni papa na dito ako, kaya nandito ako. Papapasukin mo ba ako o hindi?"
"Ahhh o-oo naman, pasok ka." Pumasok na si Micah sa loob ng bahay ni Dino. Sinalubong siya ni Manager Kim.
"Micah! Happy Christmas!" Niyakap ni Manager Kim si Micah, ganun din si Micah sa kaniya.
"Happy Christmas din po Ate Kim."
"Ate Kim?" tanong ni Dino.
"Oo bakit? Mas matanda ako sa kaniya so ate, parang magkapatid lang. Alangan namang Tita o Manager Kim." Napa-iling na lamang si Dino.
"Samantalang ako, ayaw mong tinatawag kitang Ate," mahinang sabi ni Dino. Magsasalita pa sana si Manager Kim, nang may tumawag sa kaniya sa telepono"Cina? Bakit napatawag ka?" Napalingon si Dino kay Manager Kim.
"Ano ka ba? Huwag kang humingi ng tawad, iniisip mo lang naman ang kalagayan ng pangarap mo. Magpapasko ngayon, kaya kalimutan na natin ang nagyari. Gusto mo bang kausapin si Dino? Sige, ibibigay ko na.. Happy Christmas nga pala." Binigay na ni Manager Kim ang cellphone niya kay Dino.
"Si Cina, gusto ka raw makausap. Micah, gusto mo ba akong samahan sa kusina?"
"Sige po."
"H-hello?"
(D-dino, sorry.)
"Para saan?"
(Sa pag-iwan ko sa 'yo. Hindi ko dapat ginawa 'yon.)
"Cina, okay na ako. Hindi mo na kailangang mag-sorry. Kasalanan ko rin naman kasi hinayaan kitang iwanan ako."
(O-okay ka na? Anong ibig mong sabihin?)
"Matagumpay ang operasyon ko. Pinutol nila ang paa ko."
(P-inutol? B-bakit? Bakit mo pinaputol?)
"Pinaltan nila ng bakal ang paa ko kaya nakakalakad na ako ng maayos. Medyo mahirap pero pag nasanay na siguro ako, magiging okay na ang paglakad ko."
(Mabuti naman kung ganoon. Alam mo ba Dino, nakarma yata ako sa pag-iwan ko sa 'yo. Noong last practice namin, na-injured ako. Hindi ko alam kung magagawa ko pang ipresinta ang bansa dahil sa kalagayan ko. Ang sabi kasi ng doktor sa 'kin, ipahinga ko raw muna ng tatlong buwan ang sarili ko. Iniisip ko kung---)
"Teka Cina, umiiyak ka ba?"
(Iniisip ko kung kaya mong ipresinta ang bansa, kasi ako hindi. Mabuti na sigurong nangyari sa akin 'to dahil naging makasarili ako. Kaya mo bang ipresinta ang bansa? M-makakaya mo ba?)
"Hindi ko alam, pag-iisipan ko."
(Ano ka ba Dino? Ang bagay na 'yun hindi na pinag-iisipan pa? Chance mo na 'yon. Please Dino, sige na. Alam mo namang mahirap rin para sa 'kin ang ginagawa ko kasi pangarap ko rin 'yon. Kaya bago pa magbago ang isip ko, pumayag ka na.)
"Hindi ko alam ang sasabihin ko Cina. Salamat. Maraming salamat."
Hindi maiguhit ang sobrang kaligayahan sa mukha ni Dino. Pakiramdam niya ay ang buti ng Diyos sa kaniya.
(Sige na, ibababa ko na 'to. Happy Christmas Dino.)
"Happy Christmas Cina," bati niya bago ibaba ni Cina ang tawag. Nakangiting pumunta si Dino kina Manager Kim.
"Oh bakit ka nakangiti d'yan?" tanong ni Micah.
"Bakit? Masama ba? Di ba ikaw nga 'tong gustong maging masaya ako? Tsaka para namang hindi ka ngumingiti pag nakangiti ako," sagot niya kay Micah. Napatahimik naman si Micah sa sinabi ni Dino. Naramdaman niyang parang umiinit ang pisngi niya.
"Hoy Dino, gutom lang 'yan. Tingnan mo nga ang oras sa cellphone ko baka Noche Buena na." Sinunod naman ni Dino si Manager Kim.
"11:58 pm na."
"What?"
Hindi bagong taon pero maraming paputok ang narinig nila. Pagkatapos nilang magpasalamat sa Diyos ay sama-sama silang kumain.
"Ano nga palang sabi sa 'yo ni Cina?"
"Ano kasi.."
"Ano?"
"Irepresinta ko raw ang bansa."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Micah.
"Na-injured kasi si Cina at pinagpapahinga raw siya ng doktor ng tatlong buwan kaya ako raw ang magrepresinta ng bansa."
"S-sinong partner mo?" Napatingin si Dino kay Manager Kim dahil sa tanong nito. Tapos ay tumingin sila kay Micah.
"Hoy huwag ako, hindi ako marunong sumayaw. Please."
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top