XV. Successful
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa tapat ng operating room. Ilang sandali lang ay lumabas na ang ama ni Micah. Napatayo ang dalawa mula sa kanilang upuan.
"Kumusta si Dino, papa?" tanong ni Micah sa kaniyang amang doktor.
Ngumiti ito.
"I am glad to say that the operation was successful." Dahil sa tuwa ng dalaga ay niyakap niya ang ama.
"Salamat papa. Salamat sa Diyos."
"Salamat po Doc," sabi ni Manager Kim.
"Ililipat muna namin siya ng kwarto at pwede niyo na siyang bisitahin."
"Okay po Doc."
Pagkatapos ilipat si Dino ng kwarto ay binisita ito ni Manager Kim. Samantalang si Micah ay pumunta sa kaniyang ama.
"Papa, ano pong lagay ni Dino?"
"Mabuti na ang lagay niya. Hindi na niya mararamdaman ang kirot o anomang sakit dahil bakal na ang binti at paa niya. Mas mabuti na iyon kaysa putol ang paa niya."
"Salamat talaga papa. Natutuwa ako at proud ako kasi ikaw ang papa ko."
"Hindi ko alam kung paano ko nagawa iyon, siguro ay kasama ko ang Diyos habang inooperahan ko si Dino."
"Salamat talaga papa."
"Hindi mo ba pupuntahan ang idolo mo?" nakangiting tanong ng ama niya. Tumango ito at ngumiti.
Ilang araw ang lumipas ay na-discharge na si Dino. Magkasama silang umuwi ng bahay ni Manager Kim.
"Welcome home," nakangiting sabi ni Manager Kim.
"Welcome home," mahinang sabi ni Dino habang nakangiti.
"Anong petsa na nga pala ngayon Manager Kim?"
"Teka hindi ko rin alam eh." Kinuha ni Manager Kim ang kan'yang cellphone at tiningnan ang petsa.
"December 23."
"D-december 23? Ibig sabihin dalawang araw na lang pasko na?"
Tumango si Manager Kim.
"Gaano ba ako katagal sa hospital at hindi ko namalayan ang mga araw?"
"Ang isipin mo na lang kailangan nating magpasalamat sa Diyos sa paskong darating."
"Tama po kaya Manager Kim. Sobrang laki ng pagpapasalamat ko sa kaniya at kailangan ko ring humingi ng tawad sa hindi ko pananampalataya sa kaniya noon."
---
"Oh sige na, magpahinga ka na muna."
Bakas sa mukha ni Dino ang walang humpay na kasiyahan dahil sa mabuting kondisyon niya ngayon. Hindi niya maialis ang kaniyang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad papunta sa kwartong matagal niya nang hindi napupuntahan. Tumayo siya sa gitna ng mga salamin sa kwartong iyon. Kitang-kita niya ang kaniyang sarili na nakatayo.
"Welcome back Dino Villegas," mahinang sabi niya sa kaniyang sarili habang nakangiti.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top