XIX. Eye Contact
"Lumapit ka sa 'kin." Sinunod ni Micah ang sinabi niya.
"Lapit pa." Lumapit siya ng isang pulgada kay Dino.
"Lumapit ka pa."
"Ahhh ehhh..."
"Closer."
"Ha? Lalapit pa?"
"Ang layo mo pa. Lumapit ka pa."
"Wala na akong lalapitan hehehe."
"Bakit ba ang layo mo? Sinabing lumapit ka sa 'kin."
"Lumalapit naman ako ah?"
"Tandaan mo 'to Micah..." Para bang dumoble 'yung bilis ng pagtibok ng puso ni Micah nang marinig niya ang pangalan niya. Umiwas siya ng tingin kay Dino dahil naiilang siya. Hindi niya ito kayang titigan dahil nahihiya rin siya.
"Hindi ka matututo kung naiilang ka sa akin." Napakagat ng labi si Micah dahil sa hiyang nararamdaman niya. "Tingnan mo 'ko," may autoridad na sabi ni Dino kaya napatingin si Micah rito pero iniwas niya pa rin ang mata niya.
"Tingnan mo sabi ako sa mata ko. Eye contact, that's the first thing na kailangan mong matutunan. Kaya tingnan mo ako nang deretso."
"S-sige." Sinunod niya si Dino. Tumingin siya sa mga mata nito.
"Lumapit ka pa sa 'kin," utos pa ni Dino sa kaniya. Kahit naiilang ay sinunod niya ito. Hinawakan ni Dino ang kamay ni Micah palapit sa kaniya.
Hindi na mapigilan ang mabilis na pagtibok ng puso ni Micah. Ito ang bagay na nagpapahina ng tuhod niya. Iniisip niya pa lang na kaharap niya ang iniidolo niya ay hindi na siya makahinga. Sobrang hirap huminga dahil ang taong gusto mo ay natititigan mo at hawak-hawak ang kamay mo.
"Micah..."
"Hmmm?"
"I can feel your heartbeat," natatawang sabi ni Dino dahil nararamdaman niya ang mabilis na pagtibok ng puso ni Micah. Nahiya naman si Micah dahil rito kaya napayuko siya.
"Feel my heart too," dugtong pa ni Dino na naging dahilan ng pagngiti nang malapad ni Micah. Hindi niya na mapigilan ang kilig dahil kay Dino kaya niyakap niya ito.
****
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maayos ni Manager Kim ang papeles papuntang America para sa gaganaping World Dancesport Competition. At isang linggo na lang rin bago ang nasabing kompetisyon.
"Hindi na ba talaga ako pwedeng umatras?" tanong ni Micah kay Manager Kim. Binatukan naman siya nito.
"Pag narinig ka ni Dino, nako! Lagot ka r'on!" Natatawang sabi ni Manager Kim.
"Alam niyo po kasi Ate Kim, kinakabahan talaga ako."
"Bakit ka naman kinakabahan?" Napalingon sila sa nagsalita.
"Eh Dino naman kasi, first time ko lang 'to!" sigaw ni Micah.
"Tss.. Let's go."
"Hindi ba natin isasama si Ate Kim?" tanong ni Micah.
"May gagawin ako Micah, sobrang busy ko kaya," pagdadahilan ni Manager Kim. Walang nagawa si Micah kung hindi ang sumunod kay Dino. Hinatid sila ni Manager Kim sa labas.
"Kahit anong mangyari, 'wag mo 'kong iiwanan," sabi ni Dino. Ngumiti si Micah.
"Kahit anong mangyari, sasamahan kita sa competition. Ako ang partner mo 'di ba? Ako pa ba ang aatras? Chance ko na 'to no!"
Hinawakan ni Dino si Micah at pinapasok sa kotse niyam
"Saan tayo pupunta?" tanong ni Micah.
"Put your seatbelt on."
"Ha? May lugar bang ganun?" inosenteng tanong ni Micah.
"Tsk." Lumapit na lang si Dino kay Micah para ayusin ang searbelt nito. Ilang minuto ring hindi siya nakapagsalita dahil ang lapit ng mukha ni Dino sa kaniya.
"Pwede ka nang huminga," pang-aasar ni Dino kay Micah. Minaneho niya na ang kotse niya. Tahimik lang si Micah habang inaalala ang mga bagay-bagay. Pinili niyang hindi na magsalita at tumingin na lang sa may bintana. Ilang oras lang ay nakarating sila sa isang magarang boutique. Bumaba siya at sinundan si Dino.
"Bakit tayo nandito?" tanong ni Micah dahil wala siyang maisip na dahilan kung bakit sila nasa harap ng Mystique's Boutique.
"Stop questioning." Pumasok na si Dino sa loob ng boutique kasunod si Micah. Walang isang salitang lumabas sa bibig ng dalaga dahil sa pagkamangha sa loob ng boutique.
"Dino! Welcome back!" bati ng isang magandang babae na hindi mahahalatang may katandaan na, siya ang may-ari ng boutique. Ngumiti si Dino at niyakap ang owner.
"Tell me, sino ang magandang babaeng kasama mo?"
"She's Micah, a friend." Hindi alam ni Micah kung ngingiti ba siya dahil sa narinig niya. Hindi maitatangging nakaramdam siya ng lungkot pero mas pinili niyang ngumiti atleast pinakilala siya nitong kaibigan kaysa naman 'a fan'.
"Hello po, ako po si Micah," pagpapakilala niya.
"Oh so you're Micah! You're so adorable. Anyway, I'm Mystique, I am the owner of this boutique. So Dino, what do you need from me?"
"Seriously, you don't know?" Birong sabi ni Dino.
"Of course I know! Come on Micah, follow me." Sumunod naman si Micah rito. Pumasok sila sa isang kwarto.
"What's your favorite color?" tanong ni Mystique kay Micah.
"Scarlet Ma'am."
"Oh quit that Ma'am part. I prefer to be called Mystique." Tumango lang si Micah bilang sagot.
"Wait a little moment here. May kukunin lang ako ha?"
"Opo." Nilibot niya ang paningin niya sa buong paligid ng kwarto. Namangha siya dahil sa mga magagarang latin outifits na naka-display.
Mga damit na ginagamit sa ballroom dancing.
Nilapitan niya ang isang outifit na suot ng mannequin.
"Ang sexy naman ng isang ito," mahinang sabi niya sa kaniyang sarili ng makita niya ang isang kulay yellow green na backless na short-skirted. Ngumiti siya at tiningnan ang katabing dress. Sunod-sunod niyang tiningnan ang mga damit habang nakangiti.
"Enjoying the outfits?" tanong ni Mystique. Tumango siya dahil totoong nasisiyahan siya sa pagtingin sa mga magaganda at iba't ibang kulay na outfits.
"This one, It will suit you well." Mula sa likod ay pinakita niya ang isang red outfit na may diamond patterns sa upper part nito.
"Para po sa akin 'yan?" tanong ni Micah. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Totoong maganda ang damit na iyon. At hindi niya alam kung talagang babagay ang damit na iyon sa kaniya dahil sobrang ganda n'un.
"Yes, this is yours."
"Talaga po?"
"Yes. Come on, try it. Go to the fitting room." Sumunod siya sa sinabi ni Mystique. Pumasok siya sa fitting room at isinuot iyon. Sobrang hindi siya makapaniwala sa itsura niya. Pinakita niya iyon kay Mystique.
"Magnificent! Suotin mo 'yan sa competition!" Nakangiting sabi ni Mystique. Nagpalit na ulit ng damit si Micah at nagpasalamat kay Mystique.
Matapos nila ay lumabas sila sa kwartong iyon. Nakangiti si Mystique kay Dino.
"What?" tanong ni Dino.
"I swear, you'll be amaze to this woman. Your jaw will dropped," banta ni Mystique kay Dino.
"I see," simpleng sagot lang ni Dino. Si Micah naman ay naiinis sa hindi malamang dahilan.
"Oh well, nakapili ka na ba ng susuotin mo?" tanong ni Mystique kay Dino. Tumango si Dino.
"Then, leave it to me. Ako nang bahala sa lahat," sabi ni Mystique.
Nagpaalam na si Dino kay Mystique ngunit bago sila lumabas ni Micah sa shop ay nagtanong ito.
"Magkano po 'yung outfit na 'yun?"
"Forget about the cost. Lagi ka lang sa tabi niya, that'll be good enough."
Ngumiti siya kay Mystique kahit na wala siyang naintindihan sa sinabi nito. Pumasok siya sa kotse ni Dino at iknabit ang seatbelt niya.
"How's the outfit?" tanong ni Dino.
"Surprise?" tanong rin ni Micah sa kaniya. Lihim na ngumiti si Dino at nagmaneho muli.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top