XIV. Faith
"Tapos na po ba ang operasyon?" tanong ni Micah kay Manager Kim.
"Hindi pa." Hinawakan ni Micah ang dalawang kamay ni Manager Kim na kanina pa ikinikiskis sa isa't isa dahil siguro sa kaba at takot sa operasyon ni Dino.
"Huwag po kayong mag-alala. Magtiwala po tayo sa Diyos."
"Tama ka, Micah. Magiging matagumpay ang operasyon niya. Manalangin lang tayo at manampalataya sa Panginoon."
Umupo ang dalawa. Punong-puno ng kaba ang kanilang dibdib. Kapwa sila nag-aalala sa kalagayan ng binata.
Lumipas ang oras at hindi pa rin tapos ang operasyon. Napagdesisyunan nilang bumili saglit ng pagkain dahil kumakalam na ang sikmura nila.
"Micah, matanong ko lang. Gaano ka na katagal na tagahanga ni Dino?"
"Ahhh ano po kasi, simula nung nag-perform sila sa school namin. Matagal na rin po 'yun siguro kung 18 years old na ako, limang taon na ang nakakalipas."
"Talaga? Saang school 'yan?"
"Sa South Middleton University po. Third year high school po ako nung napanood ko siya. Simula po nun sinubaybayan ko na siya."
"Ibig sabihin, kilala mo rin ang kapareha niya?"
"Opo, si Cina Alcantara. Nasaan na nga po pala siya?"
"Hmmm, umalis na siya. Gusto niya kasing ituloy ang career niya kaya iniwan niya si Dino. Di ba alam mo 'yung ipepresinta nila dapat 'yung bansa? Si Cina at ang kapartner niya ang lalaban d'on."
"Bakit naman po? Bakit hindi si Dino?"
"Nalaman kasi ng mga organizer ang nangyari kay Dino kaya napagpasyahan na palitan ang partner ni Cina."
"Kailan po ba 'yung competition?"
"Sa January 31."
"Paano po pag bago dumating ang araw na iyon gumaling na si Dino? Pwede pa rin po bang si Dino ang lumaban?"
"Hindi na."
"Bakit?"
"Dahil ayaw na rin naman ni Dino."
"P-po?"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top