XI. Her wish
"Oh Micah? Nakauwi na ba ang kapatid mo?" tanong ng ama ni Micah.
"Opo, sinundo na siya ng Nanny niya."
"Ganoon ba? Bakit ka nga pala nandito?"
"Papa pwede ko po bang makita ang medical records ng nasa Room 121?" tanong ng dalaga sa doktor niyang ama. Ang ama n'ya ay isang kilalang doktor sa bansa. Hingi maikakailang magaling talaga ito. Nakapagpatayo na rin sila ng sarili nilang hospital kung saan sya ang pinaka-head na doktor doon. Malimit lang s'yang magtrabaho kung kailan lang kailangan na talaga s'ya.
"Bakit? Anong titingnan mo Micah? Saglit kukunin ko."
"Salamat po pa." Ilang minuto lang ay naibigay na ng ama n'ya ang hinihinging medical records ng kanyang anak.
"Kay Dino Villegas pala yan. Hindi ko alam na nasa hospital pala natin s'ya. Ano raw ang sakit n'ya?"
"P-poliomyelitis? Ano 'yun papa?"
Medyo nagulat ang ama n'ya sa sinabi ng dalaga.
"Ha? Patingin nga ako Micah," Ibinigay naman n'ya ito sa ama n'ya. Tiningnan pa ang mga sumunod na pahina na para bang chinecheck nito. Medyo kinakabahan ang dalaga lalo na nang marinig n'ya ang sinabi ng doktor kanina kay Manager Kim.
"Wala po bang gamot sa sakit n'ya? Hindi na po ba s'ya talaga pwedeng gumaling?" tanong ng dalaga. "Pa pwede bang ikaw ang maging doktor n'ya? Alam kong magaling kayo kaya may tiwala ako sa inyo."
"Anak walang gamot sa sakit n'ya," malungkot na saad ng kan'yang ama.
"Pero may magagawa kayo diba? Kung mapuputol man talaga ang paa n'ya, matutulungan nyo s'yang makapaglakad 'di ba?"
"Anak naman, imposible ang hinihingi mo.."
"Pwedeng palitan ng bakal ang paa n'ya para makapaglakad s'ya ulit pag naputol ito diba? Napanood ko 'yon sa isang pelikula. Pa, tulungan n'yo s'ya,"
"Micah, desisyon n'ya 'yon. Hindi ikaw ang dapat nagdedesisyon para sa kan'ya,"
"Pa gusto ko s'yang makasayaw muli. Ayokong mawala yung pangarap nya basta-basta na lang."
Bakas ang sinseridad sa mukha ng dalaga. Tanging ang gusto n'ya lang ay ang gumaling ang hinahangaang binata.
"Sige, gagawin ko ang makakaya ko para sa 'yo," mahinang sabi ng kanyang ama.
"Salamat papa." Niyakap n'ya ang kanyang ama sa sayang nadarama n'ya.
"Ang dalaga ko, may hinahangaan na."
"Pa 'yun lang talaga ang gusto ko ang makita s'yang maging masaya ulit,"
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top