VIII. Revealed
"Nakakapagtaka talaga. Maraming beses na nagpapadala ang misteryosong taong yan. Sino kaya s'ya? Napapaisip talaga ako," sabi ni Manager Kim kay Dino.
Kahit ang binata ay naguguluhan. Katulad nga ng sinabi ng manager n'ya ay ilang beses na ngang nagpapadala ang misteryosong tao na iyon sa kan'ya. Sinubukan n'yang itanong sa lalaking nag aabot sa kan'ya pero kahit ano ay walang sinasabi sa kanya ito. Nananatiling lihim ang katauhan ng taong iyon.
"Wala ba sa isip n'ya ang magpakilala?" sa isip ng binata.
"Paano pag nalaman mo kung sino ang nagpapadala nito, anong gagawin mo?"
"H-ha? A-ano.. Hindi ko alam,"
"Tsk. Ewan ko sa 'yo Dino. Hahaha,"
"E kasi naman Manager, alam mo 'yun? Hindi ko alam. Tsaka mukhang hindi naman s'ya magpapakilala bukod sa lagi na lang s'yang may note na iniiwan nakakasawa na ring mag-isip kung sino siya,"
Nagulat ang manager niya sa sinabi ng binata.
"Ang sama mo!"
"Mukhang wala na yung balak magpakilala. Hahaha,"
"Baka mamaya pag nakita mo, matahimik ka d'yan. Tatawanan kita pag nangyari 'yun,"
"Hindi mangyayari 'yun, Manager Kim."
"Hintayin mo lang."
*knocks*
"Speaking of," sabi ni Manager Kim. "Ikaw na ang magbukas, malay mo malaman mo na ang sagot," dugtong pa nito.
Sinunod na lang ng binata ang sinabi ng Manager n'ya.
Habang naglalakad sya papunta sa pinto, hindi nya mapigilan ang mabilis na pagkabog ng dibdib nya. Hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto.
"Good afternoon sir, alam kong sawang sawa na kayo sa pagmumukha ko pero delivery po ulit para sa inyo,"
Naalala niya ang nakasulat sa nakaraang note na nakalagay sa regalo.
Dino, huwag ka sanang mawalan ng pag asa. Lagi lang akong nandito sa malayo, binabantayan at tinitingnan ka.
Lumingon lingon siya para hanapin ang taong nagpapadala ng mga ito. Isang babae ang nakakuha ng atensyon niya nakatingin ito sa kan'ya. Napansin ng babaeng nakatingin sa kan'ya si Dino kaya agad itong nagtago sa likod ng puno.
Napangiti ang binata sa nakita n'ya. Hindi rin maikakaila na nagulat s'ya. Kahit medyo malayo ang babaeng iyon ay kitang kita n'ya ang mukha nito.
"Sir, pakipirmahan na lang po. Thank you po."
"Ahhh, paki sabi naman sa kan'ya na magpakilala naman s'ya. Tsaka, salamat."
Nakangiting pumasok ang binata dala dala ang kahon ng regalo.
"Parang pamilyar ang mukha n'ya," sabi n'ya sa kanyang sarili.
---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top