VI. One In A Million

Pumunta silang dalawa sa kusina at kinain ang padalang cake mula sa isang misteryosong tao. Kahit may pag-aalinlangan ay humiwa sila nito.

"Dino," tawag ni Manager Kim sa binata.

"Po?"

"Nalulungkot ka ba dahil iniwan ka na ni Cina?"

Sandaling natigil ang lalaki sa pagkain n'ya ngunit bumalik rin ulit s'ya sa pagsubo nito.


"Bakit naman ako malulungkot, Manager Kim? Kung iyon ang ikakasiya n'ya, hindi ko s'ya pipigilan. Para naman yata akong tanga nun kung ipagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kan'ya," sagot ng binata.


"Kahit na, kung iisipin matagal na kayong magkasama sa laban. Nakakapagtaka lang na bigla s'yang umalis at iniwan ka."


"Wala naman akong nakikitang masama sa ginawa n'ya. Tutal hindi ko na rin naman s'ya masasamahan sa kumpetisyon mabuting humanap na nga s'ya ng iba."


"Hindi ko lang inaasahan na iiwan ka n'ya kung kailan mas kailangan mo s'ya. Ang haba na rin ng pinagsamahan nyo, basta n'ya na lang babaliwalain. Nanggigigil talaga ako dahil walang modong nagpaalam s'ya sa akin."


"Iniisip n'ya lang ang sarili n'ya. Inaalala niya lang ang makakabuti sa kanya. 'Yun ang pangarap ni Cina, kahit ako naman siguro kung may makakasagabal sa mga pangarap ko, gagawin ko ang lahat para mawala ang mga 'yun,"

"Sige lang ipagtanggol mo siya! Iniwan ka na nga ng tao nagagawa mo pa ring magsalita ng ganiyan! Ibang klase ka! Mas lalo tuloy akong naaawa sa 'yo."



"Iniisip ko nga rin kung gagaling pa ba ako. Habangbuhay na kaya akong magiging inutil? Mapuputol kaya ang paa ko? Makakabalik kaya ako sa pagsasayaw?"


"Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Gagawa tayo ng paraan. Kahit ano. Kung kailangang ibigay ko sa 'yo ang paa ko para makabalik ka sa pagsasayaw, gagawin ko. Alam mo naman 'yun 'di ba?"



"Hindi pa rin ako sang-ayon d'yan, Manager Kim. Kung gagaling ako eh 'di salamat kung hindi naman, salamat pa rin."

"Ang bait mo talagang bata ka. Wala kang katulad."


"Syempre no Manager Kim! Ako ang kaisa-isang gwapo na may ganitong mukha sa buong universe. Isang tao lang ang ganito kapogi sa milyon-milyong tao sa mundong ibabaw.  Swerte mo dahil nakita mo ako at nakakasama mo sa iisang bahay. Nakaka-share mo pa sa oxygen at carbon dioxide."


"Binabawi ko na! Ang hangin mo e! Hambog ka! Hambog! Nagmana ka talaga sa pinagmanahan mong bata ka!"

"Manager Kim..."

"Bakit?"

"Wag mo akong iiwan ha?"

"Oo naman no."

"Promise 'yan?"


"Promise..."


---

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top